“Excuse me,” saad ng isang babae habang naglalakad ako rito sa cafeteria. Lumingon naman ako sa likod ko pero wala naman na akong kasunod.
“Ako ba?” turo ko sa sarili ko dahil mahirap na baka may iba pala siyang tinatawag.
“Hmm, ikaw nga.” nakangiti niyang sagot, ang inosente niyang tingnan. Para siyang babasagin na hindi mo kayang basagin, she’s like an angel. “Itatanong ko lang sana kung saan ang office ni Kayden, hindi ko kasi alam eh.” Nahihiya pa niyang tanong, si Kayden? Si Kayden ang hinahanap niya? inalala ko naman kung nakita ko na ba siya dati pero parang hindi ko pa siya nakikita na nakasama ni Kayden.
“Sa ikalimang floor ang office niya, kumanan ka lang at makikita mo ron ang karatula na office nga niya iyun.”
“Salamat,” ngiti niya nanamang saad, nilampasan niya naman na ako kaya sinundan ko siya ng tingin. Ano iyun ni Kayden? Ang ganda niya, hindi naman iyan yung iniuwi noon ni Kayden sa bahay namin.
“Hoy! Anong tinitingnan mo diyan?” tanong naman ni Gilbert saka tiningnan pa ang tinitingnan ko pero kanina pa nawala sa paningin ko ang babaeng yun.
“Wala lang,” sagot ko saka nagpatuloy na sa paglalakad.
“Okay ka lang ba talaga? Tell me, do you have a problem? May gumugulo ba sa isip mo?” seryosong tanong sa akin ni Gilbert, palagi niya akong inaasar at iniinis pero kapag napapansin niya ng parang may problema na ako ay nagiging seryoso na siya.
“I’m okay, don’t worry.” Sagot ko, napahinto na lang ako sa paglalakad ko ng hawakan niya ang braso ko at ipinaharap niya ako sa kaniya.
“You’re lying, may problema ba? tell me Avyanna, I know you.” mapait akong napangiti, mabuti pa siya alam niya kapag may problema ako pero yung taong inaasahan kong magtanong niyan, wala akong narinig mula sa kaniya. Humugot ako ng malalim na hininga saka ngumiti sa kaniya.
“Okay lang ako, bakit naman hindi diba?” masigla kong saad sa kaniya saka naglakad patungong cafeteria.
“I know you’re not, is it because of Kayden?” muli akong napahinto sa paglalakad, he knows? Ano bang alam niya? hindi na ako nakapagsalita ng hilain niya ako palabas ng kompanya. Wala naman akong imik na sumakay ng kotse niya at hindi ko alam kung saan niya ako balak na dalhin. Tanghalian na kaya nasa labas ako pero sumama ako kay Gilbert. Pagod na akong lumuha kaya wala ng lumalabas na tubig sa mga mata ko, tanging sakit na lang sa puso ko ang nararamdaman ko. Tumigil naman kaming dalawa sa isang drive thru at hinayaan siyang mag-order ng kakainin namin. Alam niya naman ang gusto ko at hindi. Matapos niyang makabili ng pagkain ay saka kami umalis at nagtungo sa isang tahimik na lugar kung saan may bench. Perfect place para sa mga gustong mapag-isa kapag nalulungkot.
“Kumain ka na muna then let’s talk.” seryoso niya nanamang saad, ibinigay niya naman na sa akin ang pagkaing para sa akin. Bakit ba hindi na lang si Gilbert? Bakit hindi na lang siya ang minahal ko? palihim pa akong natawa sa sarili ko. Sinabi na ngang huwag na huwag kang magmamahal ng kaibigan dahil mawawala ang lahat ng pinagsamahan niyo. Malamang katulad ni Kayden ganun din ang gagawin ni Gilbert sa akin.
Tahimik naman kaming dalawa na kumain. Nang matapos kami ay si Gilbert na rin nagtapon ng mga lahat ng ginamit namin. Naupo na muna kaming dalawa sa bench at parehong nasa unahan namin ang mga tingin namin. Nanaig pa ang katahimikan sa aming dalawa.
“Matagal na akong nananahimik sa inyong dalawa ni Kayden at alam kong maraming nagbago sa inyong dalawa. You love him, right?” natahimik naman ako sa tanong niya. Masyado na pala akong obvious pero bakit hindi yun napapansin ni Kayden? Masyado ba siyang manhid?
“Huwag kang mahihiya sa akin Avyanna, matagal na tayong magkakaibigan. Matagal ko ng napapansin na iba ang tingin mo kay Kayden, hindi pa lang kayo mag-asawa.” Dagdag pa niya, ngumiti naman siya sa akin kaya bahagya na lang akong ngumiti sa kaniya. “Mahal ka lang nun, trust me, mahal ka lang ni Kayden.” Seryoso niyang saad kaya napalingon ako sa kaniya. Pati ba naman siya ay papaasahin ako? kung talagang mahal niya ako hindi niya gagawin sa akin ito, hindi niya ipaparamdam sa akin na balewala ako. Kahit bilang kaibigan na lang sana pero hindi ko nakita, hindi ko naramdaman at patuloy niyang pinapatunayan.
“Ayaw ko ng umasa Gil, pagod naman na rin ako.” saad ko sa kaniya, wala naman ng dahilan para itanggi ko pa ang nararamdaman ko kay Kayden dahil alam niya naman na pala.
“Kailan siya nagsimulang hindi ka iniimikan?”
“The day after our wedding.”
“What?!” natawa pa ako dahil literal siyang nagulat, napatango-tango na lang ako sa kaniya.
“Wala rin kasi akong masyadong balita sa inyong dalawa dahil hindi ko naman kayo palaging nakakasama. Hindi ko rin naman alam kung anong problema ni Kayden kung bakit bigla siyang nagbago, kung bakit bigla siyang naging cold.”
“Nakakausap mo pa ba siya?”
“Hindi masyado katulad mo, kayong dalawa lang ang magkasama sa iisang office habang ako nasa ibang department kaya hindi ko kaagad napansin na may problema na pala kayo ni Kayden.”
“Wala naman kaming problema, bigla lang siyang nagbago at hindi na ako inimikan pa.”
“Wala naman na akong ibang sasabihin sayo beb, kung ano man ang ipinapakita sayo ni Kayden hayaan mo na muna siya. Baka may personal lang siyang problema na hindi masabi sa atin. Intindihin mo na muna siya, pwede mo bang gawin yun?” may choices pa ba ako? iyun lang naman talaga ang pwede kong gawin ngayon, ang maghintay sa kaniya.
“As if na may choices naman ako.” saad ko na ikinatawa niya, napangiti na lang ako ng isandal niya sa dibdib niya ang ulo ko. Swerte pa naman ako dahil nandiyan siya para sa akin. At least ngayon alam ko na kung sino ang malalapitan ko kapag nasasaktan na ako.
Nang makaramdam naman ako ng ginhawa sa dibdib ko dahil kay Gilbert ay napagdesisyunan na naming bumalik sa kompanya dahil anong oras na rin. Kahit papaano ay nabawasan ang mga iniisip ko at ang sakit na nararamdaman ko dahil naramdaman kong may taong makikinig sa akin.
Bubuksan ko na sana ang pintuan ng sasakyan niya para makalabas na ng isarado ko ulit yun.
“Why?” takang tanong naman ni Gilbert, nanatiling nasa harap ang tingin ko. Tinakpan naman ni Gilbert ang mga mata ko pero inalis ko rin ang mga kamay niyang nakatakip sa akin. Kitang kita ko kung paanong ngitian habang pinagbubuksan ni Kayden ang isang babae. Tiningnan ko naman ang kasama niya ngayon pero hindi siya yung babaeng iniuwi niya sa bahay kundi ang babaeng nakausap ko kanina sa lobby.
Sunod sunod akong napalunok at pilit na pinipigilan nanaman ang pamumuo ng mga luha ko. Who is she again?
“Don’t look at them Avyanna,” utos sa akin ni Gilbert pero hindi ko naalis ang paningin sa kanila hanggang sa makaalis na sila ni Kayden at mawala ng tuluyan sa mga mata ko. Nilingon ko naman si Gilbert at malaking ngiti ang iginawad ko sa kaniya.