“Free ka mamaya?” tanong ko sa kaniya.
“Bakit?”
“Libre mo ulit ako mamaya ng hapunan tapos inom tayo.” Kindat ko sa kaniya.
“Av,” mahina niyang tawag sa pangalan ko, silang dalawa lang ni Kayden ang tumatawag sa akin nun. Natitinigan ko nanaman sa kaniya ang pagkaawa. Hindi ko kailangan ng mga awa niyo.
“Ano na? sabihin mo na sa akin kung papayag ka ba o hindi para hindi ako umasa.” Saad ko pa saka bumaba ng kotse, sinundan naman ako ni Gilbert.
“I’ll fetch you later in your department.”
“Yun! Papayag din naman pala eh. See you later Gil!” sigaw ko pa sa kaniya saka nagmamadali na akong nagtungo sa department namin. Unti-unti namang nawala ang mga ngiti sa labi ko, mabilis kong pinalis ang tumulong luha sa mga mata ko. Kaya mo pa Avyanna, alam kong kaya mo pa. Pagpapalakas ko ng loob sa sarili ko. Muli akong humugot ng malalim na hininga, huwag kang nag-iisip ng kung ano-ano dahil ikaw lang din ang masasaktan sa huli.
Baka naman kasi isa lang sa mga kabusiness partner niya yung kasama niya diba? Baka may pag-uusapan lang sila sa labas kaya sila magkasama. At saka huwag ka ngang assuming, asawa mo lang siya pero walang kayo.
Mabilis na lumipas ang oras, nagmamadali ko pang nilinisan ang mga gamit ko.
“May date ka ba? masyado kang nagmamadali.” Saad sa akin ni Clara na nakaupo pa rin sa pwesto niya.
“Avyanna, may naghahanap sayo!” sigaw ng isa sa mga kasamahan naming kalalabas ng department namin. Sabay naman kaming napalingon dun ni Clara at nakita namin ang nakangiting si Gilbert.
“Kaya pala, yan sige, friends with benefit pa.” pang-aasar ni Clara.
“Gaga ka hahah.” Tawa kong saad, nagpaalam naman na ako sa kaniya saka pinuntahan na si Gilbert.
“Saan mo ba balak kumain? Alam mo ang kuripot mo talaga. Bakit sa akin ka pa magpapalibre, ang laki laki ng kompanya ng asawa mo.”
“Hoy ano ka ba, mamaya may makarinig sayo.” hampas ko sa kaniya, lumabas naman na kaming dalawa ni Gilbert. Alam ko namang sinasabayan niya lang ako para hindi ako lalo makaramdam ng sakit. Idinala niya naman na ako sa isang Korean food.
“Alam na alam talaga ah.” Pang-aasar ko sa kaniya, nailing naman siya sa akin habang natawa. Pwede kasi kaming uminom dito, may pagkain na rin. Wala lang din naman akong makakasabay sa bahay. Nauna na akong pumasok sa kaniya at naupo, si Gilbert na rin ang umorder ng mga pagkain namin, hindi talaga nawala ang dalawang soju.
“Hindi ka masyadong mag-iinom ngayon ah? Alam mo namang mababa ang alcohol tolerance mo.” napasimangot na lang ako sa kaniya. “Huwag mo akong habaan ng nguso diyan, tapyasan ko yan eh.” Napairap na lang ako sa kaniya.
Ibinigay naman na sa amin ang mga order namin. Masaya akong kumain dahil ilang buwan kong hindi ito ginawa, ang kumain sa mga ganitong kainan na may kasamang alak. Nang matapos kaming kumain ay binuksan ko na rin ang isang soju saka hinalikan pa ang tagayan.
“Gago ka?” tanong pa sa akin ni Gilbert kaya natawa na lang ako sa kaniya.
“Hindi naman, grabe ka sa akin.” nang hindi siya nakatingin sa akin ay pinuno ko ang tagayan namin saka dire-diretso iyung ininom. Napapikit na lang ako dahil sa init na humagod sa lalamunan ko.
“Hindi ka ba hahanapin ni Kayden niyan?” tanong niya sa akin ng makatagay na siya.
“Hindi yun, hindi naman yun nagtatanong.” Saad ko sa kaniya. Muli akong tumagay ng tumagay, hindi naman iyun napapansin ni Gilbert dahil abala siya sa pagnguya.
“Hey, that’s enough! What the hell?” saad pa niya, kinuha niya naman na ang pangalawang soju ng makalahati ko na iyun. “What do you think you’re doing Avyanna? Mayayari ako nito kay Kayden eh! Tama na, hindi ka na iinom.”
“Isa na lang Gilbert, Ang OA mo naman, minsan na nga lang makapag-inom eh.”
“Minsan nga pero tingnan mo ang ginagawa mo Av. Nilulunod mo ang sarili mo sa alak.” saad pa niya, kumain na lang ako ng pinirito niyang karne. Ramdam ko naman na ang hilo dahil sa alak pero hindi ko iyun ipinahalata kay Gilbert dahil alam kong aayain niya nanaman akong umuwi. Gusto ko munang manatili rito kahit saglit lang.
“Iniisip mo pa rin ba yung nakita natin kanina?” tanong niya sa akin.
“Ikaw lang ang nag-iisip Gilbert, nananahimik ako rito eh.” Saad ko sa kaniya. Hindi na ako masyadong gumagalaw dahil baka hindi na ako paulitin ni Gilbert na pumunta kami rito kapag napansin niya nanaman na lasing na ako.
“Let’s go, inaantok na ako.” saad ko sa kaniya.
“Sigurado kang antok lang? baka mamaya gegewang gewang ka na diyan ah.” Umiling naman ako.
“No, trust me.” saad ko sa kaniya, pinilit ko namang maglakad ng maayos hanggang sa makarating sa sasakyan niya. Nakahinga na lang ako ng maluwag ng magawa ko yun ng maayos. Hindi niya naman na ako inimikan pa hanggang sa makarating kami ng bahay.
“Salamat, sa susunod ulit.” Kindat ko sa kaniya.
“Sure, para sayo beb.” Kindat niya rin sa akin kaya natawa na lang ako. Hinintay ko naman na muna siyang umalis saka ako napahawak sa gate dahil sa hilong nararamdaman ko. Umiikot nanaman ang paligid ko, dahan dahan naman akong naglakad papasok ng bahay.
Napahawak na lang ulit ako sa sofa ng makaramdam nanaman ako ng hilo.
“Goodness!” gulat ko pa ng may biglang tumayo sa sofa, umayos naman ako ng tayo at inaninag ng masyado kung sino ba itong nanggugulat sa akin. Para namang nawala ang pagkahilo ko panandalian ng makita kong si Kayden pala ang nasa harapan ko.
“Saan ka galing?” tanong niya sa akin.
“Ano pa bang pakialam mo kung saan ako galing? Huwag ka ngang magpanggap na akala mo palagi kang may pakialam kung nasaan ako at kung anong ginagawa ko. Nakakasawa ka Kayden.” Lakas loob kong saad sa kaniya at alam kong sisisihin ko nanaman ang alak bukas dahil sa lakas ng epekto nito ngayon sa katawan ko.
“I have a care Avyanna, I’m your husband at dapat alam ko kung anong ginagawa mo because you’re a woman.” Hilaw naman akong natawa at hindi pa makapaniwalang tatango-tango sa kaniya.
“Yan naman ang mindset niyo eh dahil sa babae ako. Paano naman ako? paano naman yung karapatan ko? wala rin ba akong karapatang malaman kung anong ginagawa ng magaling kong asawa?” tangina, ano bang ginagawa at sinasabi mo Avyanna? Gusto kong pigilan ang sarili ko dahil alam kong nasasabi ko nanaman ang mga ito dahil sa lasing ako pero tila walang control ang dila ko.
Napatitig naman sa akin si Kayden at parang pinag-aaralan ang mukha ko.
“Lasing ka lang, kumain ka na ba?” malumanay niyang tanong, inis ko namang inalis ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko.
“Huwag mo nga akong hawakan! Ano bang pakialam mo?! kumain man ako o hindi, ano bang paki mo?” hindi ko mapigilang hindi mainis sa kaniya. Iyan nanaman ang mga mata niyang tila nagmamakaawa sa akin. King ina! Bakit ba kasi ganiyan ang mga mata niya?!
“Kumain ka na muna, maaga akong umuwi para ipaghanda ka ng pagkain mo Av. May gusto ka bang ipaluto sa akin? may gusto ka bang kainin? Sabihin mo lang at gagawin ko.”
“Tang ina mo naman Kayden! Ano bang pinagsasabi mo?! really? maaga kang umuwi para lang magluto? I don’t care! kainin mo yan mag-isa mo dahil kumain na ako. Kailan ka ba sumabay na kumain sa akin? huwag ka ngang epal diyan, huwag kang masyadong mapagpanggap na akala mo totoong nag-aalala ka sa akin dahil ang totoo natatakot ka lang na malaman ng mga magulang natin na ganito na ang nangyayari sa ating dalawa, na matagal ng nasira ang relasyon natin.” galit ko ng sigaw sa kaniya, wala na akong pakialam kung pagsisisihan ko ito bukas dahil alam ko namang sisisihin ko rin naman ang alak at least nasabi ko sa kaniya ang lahat ng gusto kong sabihin.
“Av, matulog na lang tayo kung ganun. Let’s go please, don’t let your anger eat you. Please let’s sleep.” Malumanay niyang saad, inis naman akong naglakad papasok ng kwarto ko.
King ina! Bakit ba ang rupok rupok ko pagdating sa kaniya!