Muli akong napasapo sa sarili ko ng maalala ko lahat ng mga sinabi ko sa kaniya kagabi. Hindi ko alam kung pagsisisihan ko ba o hindi dahil tama lang naman yung sinabi ko ah, sinabi ko lang kung anong nararamdaman ko at kung paano siya unfair sa aming dalawa. Bakit kailangan niyang malaman ang mga ginagawa ko kung siya mismo ay hindi sinasabi sa akin ang ginagawa niya. Kapag naalala ko ang mukha niya kagabi, ang mga nagmamakaawa niyang mga mata parang kasalanan ko pa, parang ako pa yung nagkamali at parang ako pa yung masama sa aming dalawa. Damn it! Aiisshhh! Inis akong napasabunot sa sarili ko. “Are you okay?” napalingon naman ako sa bumulong sa akin at ng makita kong si Gilbert yun ay hinila ko na siya palabas ng department namin. “Ano bang problema? Bakit ka nanghihila?” tanong

