“Nagugutom ka ba?”malumanay niya ng tanong sa akin. Tumango na lang ako bilang sagot, may kinuha naman siya sa sofa na pagkain saka iyun ibinigay sa akin. “Sabi ng Doctor, hindi naman daw malala ang nangyari sayo. Kaunting galos lang, maswerte ka dahil hindi naman ganun kalakas ang pagkakabagsak ng ulo mo. May sa pusa ka yatang buhay.” Bwisit na to, hindi mo alam kung concern ba siya o mang-aasar lang eh. “Bakit ka ba nandito?” inis kong wika sa kaniya. “Sino naman sanang magbabantay sayo rito? sabihin mo nga. Gusto mo bang mag-alala sayo ang mga magulang mo. Hindi ko na pinaalam sa kanila dahil hindi naman ganun kalala ang nangyari sayo.” sakit talaga nito magsalita, oo na, ako lang naman itong nag-isip na si Kayden ang mag-aalaga sa akin sa mga ganitong klaseng sitwasyon. Matapos ko

