“May dala akong mga pagkain, kinuha ko na lahat ng mga favourites mo. Huwag mong pababayaan ang sarili mo.” pinapanuod ko lang naman si Kayden habang inaalis niya sa pagkakaplastic ang mga dala niyang pagkain. Napabuntong hininga na lang ako, sweet lang naman siya dahil sa nangyari sa akin baka naguguilty lang siya. “Hindi mo na kailangang gawin ‘to Kayden, bumalik ka na lang sa kompanya.” Saad ko sa kaniya habang nasa ibang direksyon ang paningin ko. Kita ko naman sa gilid ng mga mata ko ang paglapit niya at pag-upo niya sa tabi ko. “Av,” sambit niya sa pangalan ko, gusto kong alisin ang mga kamay niyang nakahawak sa kamay ko pero wala akong lakas. “I’m really sorry, hindi ko sinasadya. What do I need to do para mawala ang galit mo sa akin?” tanong pa niya, nilingon ko naman siya at

