Nang makarating kami ng mall ay nagmamadali naman siyang umikot sa kabila para pagbuksan ako ng pintuan. Nginitian ko naman siya. Sabay kaming naglalakad at hawak hawak pa niya ang kamay ko, hindi tuloy maalis ang ngiti sa labi ko. “Where do you want to go?” “Sa sinehan sana.” Sagot ko naman, tumango naman siya. Nagtungo naman na kami sa sinehan, hindi ko naman inaasahan na ganito pala karaming tao dito. “Dito ka lang sa harap ko, huwag kang aalis.” Wika pa niya na tinanguan ko na lang, pareho kaming nakapila ngayon habang siya ay nasa likod ko at hawak hawak ang dalawa kong balikat. Ako na rin namili ng papanuorin naming dalawa. Nang makabili kami ng ticket ay hindi naman kami kaagad pumasok dahil bibili pa raw si Kayden ng makakain naming dalawa. Tumayo naman muna ako sa gilid para

