Jace POV
Nagising ako dahil sa sinag ng araw. Masakit at sobrang sakit ng ulo ko na parang mabibiyak na bato. Kinapa ko ang aking cellphone sa kama at tinignan ang oras.
It's already 10AM. Sinubukan kong bumangon kahit nahihilo pa ako saka ko naalala ang kasama ko kagabi kaya nilingon ang katabi ko sa kama.
Ngunit wala na pala ito. Ang babaeng kasama ko kagabi ay umalis na pala. Hindi ko man lang namalayan ang pag gising niya.
Dumiretso na agad ako sa banyo saka mabilis na naligo.
Naalala ko pa ang mukha nang babae kagabi. I was drunk pero naaalala ko nang buo ang kanyang itsura.
She's also a taste though.
Matapos kong maligo ay bumaba na ako saka binayaran ang rent ng overnight, worth of twenty thousand pesos. Worth for its price.
Kakilala ko ang may ari nang bar kaya ako dito palaging pumupunta kapag na stress ako sa buhay dahil bukod sa maganda ang bar na ito at kakaiba, nakakatulong talagang pagaanin ang problema ko hindi lang sa alak.
Nagtungo muna ako sa labas at naghanap ng pwedeng makainan. Nagugutom na rin ang sikmura ko. Kagabi pa yata ako walang kain dahil dumiretso ako sa bar sa sobrang inis.
Well, may nakain naman ako, ibang putahi nga lang.
Pilyong isip, tsk! tsk!
I found a restaurant near the bar kaya agad na akong pumasok saka nag order ng makakain.
Habang naghihintay ako na ma-serve ang foods ay may tumawag sa pangalan ko galing sa likuran at pamilyar ang boses nito. Nilingon ko ang isang lalakeng papalapit sakin.
"Jace? Is that you?" ani nito.
Tinignan ko sya ng mabuti saka nagkukunwareng hindi nakilala.
"Yow! It's me, Zeithro Xy" saad nito. "Highschool bro, long time no see" magiliw niyang sabi.
Ang hambog na Zeithro ay pumasok na sa eksena.
"Kumusta?" aniya na patawa-tawa pa.
"Tch! Walang nagbago sayo ah! Anyway, I'm doing good. Hbu?"
"Well, handsome as usual haha" aniya.
Hangin talaga to! Swerte siya I used to him, his behavior and character. Tch!
" Mas lalong pumogi ah. Hindi na tuloy kita lubos na makilala " aniya na pangiti-ngiti pa rin sakin. Nagsha-shabu na ba 'to? Noon lang napagkakamalan tong nagru-rugby. Shabu ata punterya ngayon!
"Bumabatak ka ba?" tanong ko dito.
"Huy baliw, baka may makarinig sayo. Iisiping totoo no. Doctor tas nagsha-shabu. Ano? sarili ko nalang maging pasyente ko" aniya na tatawa tawa pa rin.
Sinong hindi pagkakamalan niyan?
"Maging matino ka kasi. Para kang baliw" ani ko.
Sakto namang dumating ang aking pagkain at dahil sa gutom ay kinain ko na agad ang mga naka serve sa table. Niyaya ko ang hangin na kumain kaso ayaw naman daw niya, baka nakalanghap ng maraming hangin.
He sat infront of me saka nagkukuda na naman. Kapag ito kausap mo, hindi talaga matigil e. Lahat pwedeng pag usapan.
"You know what? naalala mo pa yung gustong-gusto mong babae way back highschool?" aniya.
Napaisip naman ako habang ngumunguya.
"Meron ba? Hindi ko na masyadong naaalala pa ang nangyari noon e" sagot ko habang patuloy sa pagkain.
"Tsk! Tsk! Masyadong seryoso mo siguro sa buhay. Si Hellary? You don't remember?" tanong niya.
"Not sure" sagot ko nalang sa kanya dahil wala naman talaga akong maalala. Sa dami ba namang naganap sa buhay ko at pag aasikaso sa business namin. Lalo na ang mga projects na tinatrabaho ko. Besides iilan ding babae ang nagustuhan ko noon, hindi lang isa.
"The First Honorable Mention, Hellary?" I shook my head and had a sip of coffee.
"The Best in every subject, Hellary?" I still shokt.
"The muse, Hellary?" I signed him "no".
"The always champion sa sports, Hellary?" aniya.
"I don't really remember, bro" sagot ko.
"Okay ganito nalang, yung ka partner ng president council natin sa acquaintance party at sila ang nanalo sa partner of the night. The King and Queen?" aniya.
Paano ko ba makakalimutan yun. Ang tinuring kong bestfriend inagaw sakin ang babaeng gusto ko. Yncse, ang pangalan na yan ang lagi kong matandaan kapag nakikita ko siya. Hindi ako sanay bigkasin ang apelyido niya. Mabilis akong magkagusto sa babae, pero minsan lang magtagal at nananawa agad.
"Remember now?" ani zeith na nagpabalik saking ulirat.
"Well, yeah" tatango-tango kong sagot saka sumubo ng steak.
" I actually erased those memories and trying to forget them all. And I did so well" sagot ko nang nakangiti.
"Sorry to hear that bro, but you're fine now, right? That happen a long time ago" aniya.
May punto naman na sya.
"What about her, by the way? Bakit naman napunta sa kanya ang usapan?" mausisa kong tanong kay zeith habang sinusubo ang pagkain.
"Well, first she worked at my dad's hospital, our hospital. Siya lang naman ang head doctor, while me? Assistant doctor lang niya. Mas paborito pa ng daddy kesa sakin. I stick with her not because I have feelings for her, but because to win my rightful position" mahabang salaysay niya.
Tumango-tango na lang ako, halata kasing walang mapagsabihan, kawawa naman.
"Though she deserve it, pero nakakainggit lang. Paano ba sya naging ganun ka galing? Pati daddy ko na experto, at kilalang doctor ay manghang-mangha at hinahangaan siya, bro" dagdag niyang sabi saka napapailing.
"Then, she did so well in her life, I guess" sagot ko nang may ngiti.
I adore her since grade school pa lang kami and so, it took me a long time to confessed her but then she reject me because I'm a fool as what she said.
Nakakatawa lang kasi totoo naman. Napakaloko ko dati, bully at gago ako noon. At ganun niya ako nakilala. Hindi ko naman sya masisi na nasabi niya iyon dahil yun naman talaga ang totoo.
"She did so well bro, kung alam mo lang kung gaano sya kagaling na doctor sa hospital namin. Marami nga ang nagkagusto dun pero alam mo ba? Ni isa ay walang nakapasa sa kanya" mahabang salaysay niya at tawang-tawa.
Akala ko ba inggit siya, pero parang pino-promote niya pa sakin. Mas s-swertehen siguro to kung nagiging endorser. Hanep sa speech e.
"Minsan na rin akong nagkagusto dun dahil napabilib talaga ako, pero wala talaga sa akin ang standard na hinahanap niya kaya tinanggap ko nalang. Medyo high standard nga kaya pala busted ka dati haha. Pero who knows baka ikaw talaga makapagpalambot ng puso nun, Jace!" biro niya sakin.
Oh kita mo, nirereto pa. Galing talaga nito maging endorser.
"Not gonna happen. She once called me a fool. Ano nalang sasabihin nun pag nakita ako ulit. And wala akong time for that. I'm busy traveling for our business and my engineering career" sagot ko nalang.
"Oh, ano naman? Mapagsabay naman yan." aniya.
"I already have a problem at some point. Complicated relationship" sagot ko.
"Oh, right! I heard you're engage. I forgot to ask you" aniya saka nakatingin sa watch niya.
"Hmmm" tugon ko nalang.
"Anyways, it's already time. Nice to meet you again bro. Mabuti pala at dito nagyaya nang location ang patient ko dahil nakita kita. Usap uli tayo tungkol sa problema mo. I'm really out of time right now." saad niya na nakangiti.
"Nah, good to see you too." sagot ko dito.
"I'll go ahead then. Kung gusto mong makita ulit si Hellary, punta ka lang sa hospital namin haha ilalakad pa kita. See you around bro" nakangising aniya saka tumayo at mabilis na lumabas ng restaurant.
I didn't expect to meet him again. Hindi pa rin nagbabago, ang ingay pa rin talaga.
Pagkatapos ko bayaran ang bill ay dumiretso na ako sa sasakyan ko na nakapark sa bar saka mina-obra ito paalis.
Habang nasa byahe ako ay may tumawag sa phone ko at tinignan ko naman ang pangalan sa screen. It's Savrina, my fiance.
I answered her call baka pera na naman ang hanap.
"Hello, Jace? Good news, I'll be coming to Philippines next day to plan our wedding!" masayang balita niya sa kabilang linya na nagpahinto sa akin sa pagmamaneho.
"W-what?" gulat kong usal. Hindi makapaniwala.
"Why? Aren't you glad to--"
Wala na akong narinig pa na sagot sa kabilang linya dahil sa biglang naging blanko ang aking pandinig at paningin.
Hindi ko rin alam kung anong nangyari sa akin basta ang alam ko ay madilim nalang ang nakikita ko.