Chapter 2

1144 Words
Yncse POV Nagising ako nang alas kwatro nang madaling araw, masakit ang ulo ko at nahihilo. I feel like vomiting. It's all because of the alcohol I took last night. Alam ko kung anong nangyari kagabi, nasa katinoan pa ako nun ngunit ginusto ko pa rin iyong mangyari. Nilingon ko ang lalake saking tabi at nakaharap naman ang kanyang maamong mukha sa akin. Para siyang anghel kapag tulog. Mahaba ang kanyang pilik mata, matangos ang ilong paniguradong may lahi sya. Ang kanyang labi ay mamula-mula na parang rosas, maganda rin ang hulma ng kanyang mukha na pati panga niya ay nakakaakit tignan. Ang collar bone niya ay lalakeng-lalake masarap pagmasdan. Kahinaan ko pa naman ito sa isang lalaki. Bonus nalang ang pagiging gwapo. Nabalik ako sa aking katinoan nang mapagtanto kong ang mga kamay ko ay nasa dibdib niya na, parang may pagnanasang maakin siya uli. Bago pa man siya magising at mahuli ako ay dahan-dahan na akong bumangon sa kama. PINULOT ko ang aking mga gamit sa sahig at siniguradong wala ng natitira pa dito sa loob bago ako umalis sa kwartong iyon. Ayokong makilala niya ako at makasalubong. Hindi naman siguro kami magkakatagpo ulit. Kahit masakit ang ibabang bahagi ko ay nagmamadali akong magbihis bago siya magkamalay. Mas delikado iyon sa akin. Pagkalabas ko sa exit ng bar ay pumara agad ako nang taksi saka dumiretso sa hospital namin. Sa loob ng taksi ko na rin inayos ang aking sarili baka pagkakamalan pa akong asong namamasura sa makakakita sakin. Sa hospital nalang ako maliligo. Ayokong makita pa ang lalakeng iyon, mali itong ginagawa ko at pagkakamali lang rin ang nangyari kagabi, kaya dapat lang na ibaon sa limot ang mga ala-ala sa gabing iyon. Na parang panaginip lang ang lahat ng naganap. I just have to move on, though it hurts my pride that he's my first. "Doc" sigaw ng nurse sa akin na nagpabalik saking ulirat. "What the- ano ba iyon Caren at nagsisigaw ka diyan?" napapatayo at nataranta kong saad. "Eh, kasi naman doktora kanina ko pa po kayo tinatawag, ngunit parang wala naman po kayo sa huwisyo" aniya sabay buntong hininga. Natahimik naman ako, di ko namalayan ang oras. "May naalala lang ako na bumabagabag sa akin. Ano nga pala yung kailangan mo sakin?" tanong ko dito. "Lunch break na po doc, wala po ba kayong planong kumain at may pasyente po kayo na naka schedule sa inyo mamayang 1:30PM" mahabang salaysay nito. Ah oo nga pala, may pasyente mamaya. "Sige, sabay na tayo kumain Nurse Caren-" "Ay hindi na po, tapos na ako kumain doc, nagpa alam pa nga po ako sa inyo kanina, hindi ba? Kanina ka pa kasi tulala diyan, kaya ayan wala ka ng maalala" aniya. "Ano bang iniisip mo doc? Lalake ba?" marites niyang tanong na mas inilapit pa ang mukha sa akin. Pilyo talaga ang babaeng ito. "Alam ko na yang ganyang gawain e, lalake yan pusta ko pa licensya ko hahaha" tatawa-tawang sabi nito. "Wag ka ngang maingay diyan at may makakarinig pa sayo, baka matulayan ng kunin licensya mo't wala kang makain, babae ka!" ani ko. Napatakip naman sya sa kanyang bibig saka nag peace sign. "Oo nga pala, nasa kabilang opisina lang ang anak ng director huhu. Ang pilyo mo talaga Caren kahit saan ka ilagay, malalagutan pa tayo nang hanapbuhay dahil sa bunganga mo e" aniya sa sarili. Palihim naman akong natawa sa babaeng to. Si Caren ang nurse assistant ko sa pitong taon na pagtatrabaho ko sa hospital na ito. Sabay din kami nakapasok dito kaya malapit na talaga ang loob namin sa isa't-isa simula pa lang. Siya lang din ang pinakamalapit sa akin dito at pinakaingay, lalo't kaharap ako. "Oh sya kakain muna ako at paki-check nga pala nang patient sa room 256, saka bigyan mo na din nang gamot niya, please. Siya lang naiiba sa oras ng pagbigay ng gamot e" bilin ko dito. "Yes po, noted po" sagot nito na naka yuko parang servant sa palasyo. Hays, babaeng to talaga. Puro kalokohan. Hinubad ko muna ang lab gown ko saka pinatong ito saking upuan at lumabas na nang office ko. Dumiretso ako sa canteen saka pumili nang makakain ko. Pribado pala ang hospital namin kaya ang pagkain dito ay provided sa director ng hospital. Habang tahimik akong sumusubo nang aking pagkain ay-- "Goodnoon doctora, pwede bang maki-share nang seats?" tanong niya. Sininyasan ko naman ito na maupo sya. "How's the food" ziethro asked, son of our director. "Good" plastic kong pakikitungo sa kanya. Ayoko talaga sa lalaking ito, sobrang hangin. Todo ngiti pa sa harap ko di naman bagay sa kanya. "Do you have a free time tonight?" aniya. Pake ba nito. "I don't have a specific thing to excuse but, I do have alot of works to be done" diretsong sagot ko. Tumango-tango naman sya saka sumubo nang kanyang pagkain. Kaya nagmamadali na rin akong tapusin ang aking kinakain. Baka kasi ano na naman sasabihin nito. Nung tapos na akong kumain ay tumayo na ako dahil naiirita na ako sa kasama kong kanina pa nakangiti. Ang feeling! "Uhm, Doc Yncse. Can I drive you home?" magalang niyang sabi sakin. Pero alam ko namang plastic lang siya. Ano bang isasagot ko dito, hindi ko dala ang kotse ko kanina. Naka taxi lang ako galing sa bar. Ah tama! "Pasensya na Doc Zeith, I have plans with Nurse Caren after our shift" masinsinang sagot ko. "Oh! is that so? Okay then, maybe next time. We'll do that, if you have time" sagot nito na may plastic na ngiti. Tsh kunyare na hu-hurt, best in acting talaga to! Iniwan ko na sya saka mabilis na pumaroon sa hospital. Nandito na ako sa office ko ngunit hindi pa nakabalik si Caren sa ipinapagawa ko sa kanya. Saan na naman kaya nakiki-chismis ang babaeng yun. Dahil sa wala naman akong pinagkakaabalahan ay binuksan ko muna ang aking laptop saka nag surf muna sa internet. Malayo pa naman ang oras ko sa naka schedule na patient sakin ngunit napahinto ako nang makita ko ang post sa department namin, may aksidenteng nangyare malapit sa hospital namin. Tinawagan ko agad si Caren at sinagot naman niya ito. "Doc, sinubukan ko na po kayong tawagan ngunit hindi niyo sinagot." natarantang sabi nito. "Please calm down. I left it in my gown. Why? What happen?" ani ko "Dumiretso nalang po kayo sa second floor, maraming pasyente ang dumating dito bago lang." aniya sa kabilang linya na wari ko'y kinakabahan na. Baka ito yung nakita ko sa internet. "CODE BLUE, CODE BLUE. Doctors and Nurses, Please proceed now to second floor at Emergency Room" "CODE BLUE, CODE BLUE. Doctors and Nurses, Please proceed now to second floor at Emergency Room" "I'm coming" sagot ko sa kabilang linya at binaba ang telepono saka agad na kinuha ang aking gown at dumiretso sa elevator patungo sa ER.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD