Yncse's POV
Masama ba ang hindi maghabol?
Masama bang mapagod?
Masama bang magsawa dahil kahit anong gawin mo ay hadlang ang tandhana para sa inyo?
"We've been together for almost 10 years. I was his first girlfriend but not his first love. I understand how busy his day was, but I never complain about it. He's hard to understand and quite rigid, but not for me. For over a decade with him , I was the one who always makes effort just to make this relationship work, but I didn't say anything about it and I think that's the reason why he didn't try to make efforts because he knows I'm fine with it. I love his flaws and accept him wholeheartedly, even with his cold treatment. But it all gone in just a day..he changed. Since we're unable to be close as he is working abroad, he's been cold and barely contact me until a week and I'm being left with silence. He suddenly gone, didn't text nor call me back. I didn't do anything about it. After months passed, he text me again from my social media account. Asking why I didn't chase him like I never care even after knowing his sudden disappearance. I just smiled and said "you're not even worth it".
This is your DJ. Cha of 105.5 broadcasting channel.
And this is....your hurt story.
Hindi ko na tinapos na pakinggan pa ang programang iyon at nagligpit nalang ng kinainan ko sa mesa nang biglang may narinig akong katok mula sa labas ng office ko.
"Yncse" tawag ni Caren sakin sa labas ng pintuan. "Are you busy?" aniya pagkatapos ko siyang pagbuksan ng pinto.
Bumalik naman ako sa table ko at saka umupo sa swivel chair ko.
"I'll be checking the reports and cases. Why?" agad kong tanong dito.
"Papasama sana ako e" aniya na hindi mapakali..
"Kukunin ko lang yung parcel ko sa parking lot, malaki kasi yun, papatulong sana ako hehe" aniya.
"Kay bago mo lang sinabi sakin na papasama ka, bakit biglang naging papatulong na?" kunwayeng inis na ani ko.
"Sige na, please" saad niya at parang tuta ang mukhang nagpapaawa.
"Where's Amadeo? Doon ka papasama, wag sakin. Busy ako." pagdadahilang sagot ko sa kanya.
"Nasa OR kasi siya e. Alangan namang hatakin ko diba? Tsaka mabilis lang naman tayo, sige na" pangungulit niya pa.
"Baka hindi natin yan kaya sa sobrang bigat ha, ano ba kasing parcel yan?" nag uusisang tanong ko habang hinuhubad ang coat na suot ko.
"Basta. Dali na hehe. Naghihintay kasi ang rider e, nakakahiya" aniya.
Hindi ko nalang siya sinagot pa't hahaba lang ang usapan namin.
Mabilis niya na akong hinatak hanggang sa makababa kami sa first floor at saka kami dumiretso sa parking lot.
Ang dilim dilim e, pwede naman sa entrance ng Hospital, bakit dito pa pinadala.
Maya-maya lang ay kumaway si Caren sa taong hindi ko makita-kita dahil sa dilim. Nauna na siya sakin maglakad at nakasunod lang ako sa likuran niya. Sobrang bilis kasi maglakad, naka heels pa naman ako, hindi naman masyadong mataas pero masakit sa paa kung bibilisan ko maglakad na halos patakbo na nga ginagawa namin sa hallway pa lang.
"Yncse, bilis!" nakangiting tawag sakin ni Caren at sinenyasang lalapitan ko siya.
"Sandali lang, okay? Alam mo ba kung gaano kahirap maglakad sa sandals na to? Buti sayo at naka sapatos ka diyan. Hindi mo naman sinabi na tatakbuhin pala natin yang parcel mo na yan" pagmamartsa kong saad.
"Halika nga, dalii!!" aniya na akala mo house and lot yung parcel niya at e t-tour niya ako sa kabuuan nito. Tch!
Nung makalapit ako sa kanya ay nakita kong may malaking kahon sa harap niya. Ano na naman to?
"Ano to?" takang tanong ko habang tinuturo ang kahon.
"Buksan natin, hehe. Tulungan mo ako" masayang saad niya.
"Buksan mo mag isa yan, akala ko ba dadalhin mo yan sa loob kaya mo ako sinama dito dahil papatulong ka magbuhat?" ani ko.
"Dito ko na buksan, baka niloloko ako ng seller e, hindi tama yung pinapadala" sagot niya habang dahan-dahang tinanggal ang mga tape sa bawat gilid ng kahon.
"Kuya, hintayin mo po muna saglit saka ko permahan ang receipt, e check ko lang po yung order ko hehe" aniya sa rider na pinagmasdan siya sa ginagawa.
"Okay lang po ma'am, tsaka mahal po yan e, nasa receipt ay P18, 080, kaya ayos lang po, mas mabuti nga kung e check muna ma'am, malaking halaga rin po yun" sagot ng rider.
"At ano naman yan, Caren? Bakit eighteen thousand yan? Alam ba to nang mama mo?" ani ko habang diretsong nakatingin sa kanya.
"Oo naman... Oh! malapit ko na mabuksan hehe. Tahimik ka nga Yncse baka matakot naman to sayo. Lakas-lakas ng boses mo e" aniya saka pinagpatuloy ang ginagawa.
"Ano? Ano ba kasi yan?" tanong ko pero hindi niya na ako sinagot dahil nabuksan niya na ito ng tuluyan.
"WoOow, ang ganda naman. Waaaaaah, Yncse huhu ang ganda ganda. My babyyy, sobrang ganda mo naman"malakas na tili niya na nage-echo sa buong parking lot.
"Ku...kuneho? Kuneho ba yan?" ani ko saka hinablot ang cellphone sa bulsa ng pants ko at inilawan ang yakap-yakap niyang hindi ako sigurado kung ano.
Asul ang mga mata nito at matataas ang balahibo. Maliit pa lang siya, halatang ilang buwan pa.
"Wag mo naman ilawan baka masilaw at mabulag. Ano ka ba!" saad niya saka inalayo sa kuneho ang ilaw ng phone ko.
"Bakit? Paano? Ano yan, Caren?" nagtatakang ani ko.
"Ano ba kasi? Teka nga...kuya, pepermahan ko na po hehe" ani Caren saka bumaling sa rider.
"Ay, ito po ma'am" saad nito saka inabot ang isang pirasong papel kay Caren na siya namang sinulatan niya agad.
"Ayan, tapos na po. Salamat po!" nakangiting inabot niya ang papel sa rider saka niya sinayaw-sayaw ang kunehong nasa bisig niya. Baliw ata to e!
" Salamat po mga ma'am. Una na po ako hehe" nakangiting paalam ng rider sa amin.
Tinaguan ko naman ito saka bumaling kay Caren.
Hindi pa rin siya naawat, halatang sobrang saya niya sa dumating sa kanya.
"Sige po, kuya. Salamat din. Ingat po kayo lagi hehe" tugon ni Caren na nakangiti pa ring tinanguan ng rider bago ito kumaripas ng takbo sa sakay na motorsiklo.
"Plano mo bang e pasok yan sa loob?" takang tanong ko pa rin dito.
"Hindi!" nakangiting sagot niya saka patuloy sa pagiikot-ikot at sinasayaw ang kuneho.
"Bahala ka nga diyan! Para ka nang baliw diyan" ani ko at akmang papasok na sa loob ng bigla niya akong tawagin.
"Wait! Hindi pa dito nagtatapos nag favor ko e hehe" aniya saka mahigpit na humawak sa braso ko.
"Wag mo akong isali-sali diyan sa kalokohan mo Caren ha! Pero teka nga...paano pa yan nakakahinga sa loob ng box na yun?" tanong ko dito.
"Malapit lang naman kasi dito ang seller ni Sofia kaya pinadala nalang siya sa loob ng box, sabi ko kasi sa kanila na bawal ito ipasok sa exit ng parking lot, may guard pa naman doon na sobrang strikto" tugon niya.
"Ewan ko sayo. Pasok na ako sa loob, bahala ka nga diyan" ani ko saka tinalikuran siya.
"Ynsce naman e..may favor sana ako diba, sabi ko naman sayo e" aniya.
"Wala kang sinabi sa akin, e uwi mo na yan" saad ko.
"Ikaw nga sana ipapauwi ko kay sofia e, hindi kasi ako pwedeng umalis sa post ko ng matagal. Paalam ko nga sa kasama ko na papasama ka sakin kaya sila pumawag umalis ako saglit hehe" naka peace sign na aniya.
"Ano ba naman yan. May gagawin pa ako, marami pa akong aasikasohin. Kaya mo na yan, sabihin mo nalang na uuwi ka kasi masakit ulo mo, o di kaya'y nawala yung ulo mo. Kagagawan mo yan e, bakit di mo pinadeliver doon sa bahay niyo. Pasok na ako. Bye!" nagmamadaling paalam ko.