Chapter 18

1737 Words
Jace's Pov Ang sakit na makita siyang ganun. Ang mga mata niya ay maraming sinasabi, ngunit lahat ng iyon ay sakit lamang na nanggagaling sa kanyang puso. Iniwan ko siya ng masaya, ang akala ko ay makikita ko ulit siya ng mas masaya. Ngunit, bakit? Habang tinatanaw ko silang dalawa na magkasama ay gusto ko siyang agawin sa lalakeng iyon. Ako dapat ang nag aalaga sa kanya. Ako dapat ang nasa tabi niya. Ako dapat ang kasama niya. Ako dapat ang umaalalay sa kanya. Pinaubaya ko siya at umalis ng walang paalam, dahil wala naman siguro akong karapatang magpaalam. Ngunit wala sa dahilan ng pag alis ko ang makita siyang ganito. Where did something goes wrong? -KINABUKASAN- Maaga akong nagising kaya naligo na muna ako at saka nagbihis. Tulog pa siguro ang mga kasama ko sa kabilang room dahil masyadong maaga pa. It's already 6 AM at tahimik pa ang lobby. Lumabas muna ako para makapag almusal sa baba. Pagdating ko sa restaurant ng hotel ay wala pa gaanong tao kaya matiwasay akong makakain ng umagahan. At gaya nga ng iniisip ko ay wala pa sa mga kasamahan ko ang nandito. Bagsak siguro ang mga yun dahil lahat sila umiinom kagabi. Nasa room lang ako kahapon at tinapos ang trabaho ko. Wala naman kasi akong masyadong gagawin dito kaya mas pinili ko nalang tapusin ang report at saka files na dapat e finalize para gagamitin sa next project namin. "Goodmorning sir, may I take your order, please" nakangiting approach sakin ng staff sa hotel. Maraming pagkain sa menu nila kaya hindi agad ako makapili, mukhang masarap naman ito lahat kaya inorder ko yung gusto ko lang kainin. "I'll have this parmesan cloud eggs, west coast avocado toast, and and a café latte, please" nakangiting tugon ko dito. "Okay sir, noted. Your food will be there in a few minute sir" aniya saka umalis na. Habang kumakain ako ay panay ang masid ko sa paligid. Nagbabakasakaling makita ko siya. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko nung nakita ko siya dito. May halong kaba, saya, at takot na baka itaboy niya ako at kamuhian. Ang gusto ko lang naman ay maging maayos kami, at.... Yncse Pov Something must've gone wrong in my brain Got your chemicals all in my veins Feeling all the highs, feeling all the pain? Let go on the wheel, it's the bullet lane Now I'm seeing red, not thinking straight Blurring all the lines, you intoxicate me?? Just like nicotine, heroin, morphine Suddenly, I'm a fiend and you're all I need All I need Yeah, you're all I need? It's you, babe And I'm a sucker for the way that you move, babe And I could try to run, but it would be useless You're to blame Just one hit of you, I knew I'll never, ever, ever be the same ?? Nagising ako sa malakas na tunog na yun. Yep, I regularly changed my ringtone, depende sa mood ko. Arghh!! Four thirty na ng umaga. Nag a-alarm pala ako dahil plano kong panoorin ang sunrise ngayon pero parang masumplong na naman ang magandang plano ko. Pagmulat ko ng mga mata ay may naramdaman akong basa sa pisngi ko at parang sinisipon pa ako. Umiiyak ba ako? Napabalikwas agad ako ng bangon ngunit ramdam ko ang sobrang pag sakit ng ulo ko. Parang nabibiyak at pinupunit ang utak ko sa sobrang sakit at nasusuka rin ako. Hindi ko na napigilan ang sarili kaya tumakbo ako patungog banyo at dun nilabas lahat. Ilang minuto din ako sa loob dahil maya't-maya akong nasusuka kaya paglabas ko ay parang lantang gulay na ang katawan ko. Isinuka ba naman lahat ng laman sa tiyan kahit tubig sa katawan ko ay pakiramdam ko natuyo na dahil pati lalamunan ko ay naiiga din. Ramdam ko ang pagod at bigat ng ulo ko, gusto ko nalang matulog ngunit... Gaano ba ako kalasing kagabi at ganito nalang naging epekto sakin? Ang huling naaalala ko ay inakay ako ni amadeo pagkatapos umalis nung lalake na kasama ko kahapon... ano nga bang pangalan nun? Arghh!! ang sakit ng ulo kooo!! f**k this! hindi na talaga ako iinom ng sobra-sobra. Malaki pa namang bote ang ininom ko kahapon. Ganun ba ako kalungkot at naubos ko yun mag-isa? s**t! Itulog ko nalang siguro to para kahit papaano ay makabawi ang katawan ko sa pagod. "Yncse?" malakas na tinig ang pumukaw sakin. Akala ko ay nananaginip lang ako. "Are you awake?" si caren palang tumatawag sa labas. Ang lakas naman ng bunganga nito. Kahit siguro mag headphone ako ay rinig ko siya. Tch! Kinapa ko ang phone ko sa side table saka tinignan ang oras. Alas dos na pala. Malakas na ang sikat ng araw na pumapasok sa kwarto ko kaya alam kong hapon na. Agad naman akong bumangon saka pinagbuksan ng pinto si Caren. "Hey? You look pale. Are you okay?" nag aalalang tanong nito. Tumango lang ako dahil parang hindi na ako makabigkas ng salita sapagkat naiiga na nga ng tuluyan ang lalamunan ko. Dumiretso ako sa mini refrigerator saka kumuha ng maiinom na tubig. "You looked completely mess Doctora Yncse Hellary. Parang ikaw na naging pasyente eh! Akala ko ba nagbabakasyon tayo dito, para ka namang pinag iwanan ng panahon" aniya na seryosong nakatingin sakin. "Just bring me food instead of lecturing me. Nagugutom na ako, parang hindi ko kayang bumaba medyo nahihilo pa ako e. Please??" kunyaring pagmamakaawa ko dito. Bumuntong hininga pa muna siya sa inis saka ako tinalikuran. Alam kong hindi niya ako matitiis kaya kaibigan ko yun. Habang nasa labas si Caren ay mabilis na din akong naligo at nagbihis. Sakto namang nagsusuklay na ako nang buhok nung dumating siya at kumatok kaya agad ko rin siyang binuksan. Kasama niya si amadeo na may dala ring tray ng pagkain. Ang dami naman, parang bibitayin naman ako nito. "Hey there!" nakangiting bati ni amadeo sakin. "You good?" tanong nito. Tumango lang ako saka tinignan ang mga dala nila. "Here!" nakasimangot na abot sa akin ni Caren ng tray na dala niya. Tch! sungit naman nito. May dalaw? "Thanks hehe. Pasok kayo" yaya ko sa kanilang dalawa. Dumiretso ako sa kitchen kasunod si amadeo saka nilapag ang mga pagkain na dala nila. Parang nagugutom ako bigla sa amoy ng mga pagkain sa lamesa. "Kumain na ba kayo?" nakangiting tanong ko dito. "Yep, kanina pa. Hindi ka na namin ginising dahil alam kong lalabas ka naman kapag gising kana. Pero yung kaibigan mo hindi na mapakali kaya sinugod ka agad dito haha. Sinabi ko kasing knock down ka kagabi kaya matagal kang nagising ngayon, at sabi ko hayaan ka na muna namin dahil mainit ulo mo pag nag hangover tapos gigisingin, kaso ayon sobrang naga-alala naman haha" natatawang kwento ni amadeo sakin. "Sinong naga-alala? Pwede ba, rinig ko kayo dito! Hinaan niyo kaya ng kunti shuta" sigaw saamin ni Caren galing sa living room. Sabay naman kaming natawa ni amadeo sa reklamo niya. "Caren, kain tayo. Saluhan mo ako" tawag ko dito. Nanonood na naman ng cartoon, Mr.Bean pa. "Ubusin mo yan ng hindi kita malintikan" direktang aniya. Natawa naman ako dun. Galit talaga haha. Mamaya ko na yun susuyuin. Nagugutom na talaga ako. Matapos kong kumain ay nadatnan ko silang dalawa na nanonood ng cartoon, pero ngayon ay frame order na at panay pa ang tawa. Kailan pa sila bumalik sa pagkabata? "Ubos na pringles ko. Palitan niyo yan ah, binili ko yan para sakin at hindi para sa inyo" sabi ko sakanila. Pero hindi man lang ako tinignan at tutok sa screen ang atensyon. "Baka kulang pa to sa utang mong kwento?" ani Caren habang nanonood pa rin pero hindi na tumatawa. "Tch! Anong kwento na naman ba yan?" kunwaring walang alam na sagot ko saka umupo sa sofa at nakinood. "Bakit ka naglalasing mag isa kagabi?" seryosong tanong niya saka pinatay ang TV. "Bat pinatay?" inosenteng tanong ni amadeo kay caren. "Doon ka sa room mo manood, seryoso ang pag uusapan namin ni Yncse!" sagot nito. "Tch" tanging tugon ni amadeo. Walang magawa. Parang mga abnoy! "Oh, ano? bat natahimik ka? Bakit ka nga nag iinom kagabi na walang kasama?" naiiritang ani sakin ni Caren. Kapag talaga ito nagalit sobrang tapang. Kung gaano ka masiyahin, kapag galit sobrang dragona rin. "Paano ako magpapasama sa inyo, baka pareho kayong tulog?" sagot ko saka nakapandekwatrong upo. "Kahit na. Paano kung hindi ka natanawan ni Amadeo? Saan ka pupulutin? Baka ma rape ka pa!" seryoso na talagang aniya. "Kahit beach to at maraming tao, hindi pa rin natin mapipigilan ang mga siraulo na pakalat-kalat sa mundo. Hindi ka naman kasi nag iingat!" saad niya. "Hindi na mauulit, okay? Sorry na!" sinserong tugon ko para hindi na lumaki pa ang issue. "Kapag gusto mong uminom, magsabi ka naman sa amin. Kahit isa sa amin. Kung wala kami pareho, ipagmamaya mo nalang, o di kaya'y ipagbukas. Hindi naman kasi tatakbo ang vodka. Alam kong may pinagdaanan ka kaya ka nandito, at naghihintay lang kami kung kailan ka magsabi samin pero wag mo naman ipahamak ang sarili mo! Ibang level naman yun e!" mahabang saad naman niya. "Tama na yan. Alam naman ni Yncse ang mga ginagawa niya, nasa saktong pag iisip na yan. Ano ka ba! Wala ka bang tiwala sa kaibigan mo?" sabat ni amadeo sa kanya. "Kailan pa mapagkakatiwalaan ang lasing? Kahit anong tino ng isip mo, kapag lasing ka, wala na yun lahat." sagot nito. Kahit anong argument talaga ay mananalo to, daming maisagot eh! Nakuha ko naman ang punto niya kaya hindi na ako gumawa ng sarili ko pang eksena, alam kong nag aalala lang talaga siya sakin. Ganyan talaga ugali nun. "Ano bang nangyari dun kagabi, Yncse? Nadatnan kasi kitang inaakay ng lalake. Kilala mo ba yun? Sinabi pa nun na magusap daw kayo ngayon." tanong sakin ni amadeo. Kahit hindi ko pa natandaan lahat kahapon ay sinikap ko talagang balikan ang mga nangyare. Ako kasi ang klase nang tao na hindi malilimutin kahit nalalasing. Pero hindi din agad nababalik ang memorya. Nahinto ako sa pagiisip ng mag vibrate ang phone na hawak ko. Binasa ko pa ang notification bago buksan ang text message. You have a message +639081**** Meet me here at starbucks. You know where. I'll wait for you. -JH Ayoko mang isipin na ang taong ito ay yung matagal ng hinihintay ko, ngunit biglang bumilis ang t***k ng puso ko. Ayoko mang umasa pero siya ang nasaisip ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD