Chapter 17

1525 Words
Yncse Pov Malalim na ang gabi ngunit hindi pa rin lumalabas si Amadeo at Caren. Hindi daw sila nagugutom at gusto lang matulog. Sumama ba sila sa akin dito para matulog? It's already 8 pm. I'm here at the shore, alone, pinagmamasdan ang langit at dagat. Bilog ang buwan at kumikinang ang mga bituin na animo'y sinasamahan ako kahit sa malayo. Hindi naman gaanong madilim dahil nasisinagan pa rin ang espasyong ito sa ilaw na nanggagaling sa resort. May mga stall din na bukas pa at nagtitinda nanf kung anu-ano. Sa di kalayoan ay may resto bar din at may nagpaparty. Hindi naman gaanong maingay mula sa kinauupuan ko dahil malawak ang lugar, kaya pwede kang mag isip-isip kahit saan mo gusto. "Hi? alone?" ani boses lalake na nakatayo sa gilid ko. Hindi ako nagsalita baka hindi naman ako ang kausap, at tinatamad na din akong lumingon. "Mind if I sit here?" aniya at dun ko lang sya tinignan saka ako tumango bilang permiso na umupo siya. Hindi ko naman pag aari ang resort na 'to para tumanggi at akin ang beach nato. Besides, wala namang bench dito, buhangin lang. "Are you alone?" nakangiting aniya. Hindi ko siya tinitignan pero nakikita ko sya sa peripheral view ko. Hindi ako nagsalita, sa halip ay dahan-dahan ko siyang nilingon saka ko tinuro ang sarili ko. "Yeah" aniya habang nakangiti pa rin. "Do I look like I have someone with me?" walang ganang sagot ko. Hindi ako nakarinig ng sagot ngunit rinig ko ang bungisngis niya. "Kinumpirma ko lang haha, ang sungit mo naman" aniya. "Do you know me?" mas masungit na direktang tanong ko. "If you don't mind introducing yourself, I might know you right now" nakangiti pa ring usal niya. "Tch!" singhal ko dito. "Okay, I'll go first, then" saad niya saka humarap sakin. "Hi, I'm Gab, Gabriel Colly. 27 years old and meant to be with you" pormal na pagpapakilala niya saka nilahad ang kamay sakin. Masyadong maganda ang pakikitungo niya para bastosin ko. May pinagiingatan pa naman akong titulo. Let's be professional, self. "Yncse" sagot ko saka nakipagkamay dito. Hindi naman ako mamamatay sa pagpapakilala sa sarili ko, diba? "Yncse, what?" tugon niya na naghihintay ng kadugtong. "Hellary" ani ko saka kinuha ang kamay at nilagok ang vodka. "Nice name, bagay sayo. Mas lalong gumanda ang depinesyon nito kapag titingin ang tao sayo. Yun nga lang ay lagi kang nakasimangot kaya nababawasan ang ganda mo. Malungkot ang itsura mo kaya nawawala ang magandang repleksyon ng pangalan mo" mahabang usal niya. "You're talking alot. Wala namang nakaka appreciate ng sinasabi mo dahil ako lang nakakarinig" ani ko saka uminom ulit. "Okay lang, basta na appreciate mo" nakangiting aniya. "Why are you drinking tho? That alcohol is quite strong for a woman. You sure you can handle that?" nag aalalang tugon niya. "Everything's under my control. Ano pa to?" ani ko sabay inom. "Ewan ko nalang kung hindi bibiyak ang ulo mo bukas" natatawang aniya. "Are you laughing?" tugon ko. "No, I'm not" aniya saka bumungisngis. Bumuntong hininga pa muna siya bago magsalita "Sabihin mo lang sakin kung need mo ng tulong ko, okay? I won't take advantage on you, don't worry" seryoso na muling usal niya. "I don't" diretsong tugon ko. "We"ll wait and see" nakangiting aniya. "You shouldn't waste your time talking to me. I've no sense to talk to" direktang tugon ko. "Staying with you makes sense, and that's enough for me. Wala kasi akong mapupuntahan, masyadong maingay at maligalig ang mga tao. I want peace kaya ako nandito. Sakto namang nakita kitang mag isa kaya nilapitan agad kita" mahabang salaysay niya. "I want peace too, so stop babbling and mind your own business. Will you? tch!" masungit na ani ko at saka uminom ulit. Ubos na pala ang isang boteng vodka na dinala ko dito. "Ang boring naman kung hindi tayo mag uusap?" natatawang tugon niya. "Magkaiba tayo. Ayoko ng kinakausap ako" ani ko. "Edi di mo na sana ako sinasagot sa bawat tanong ko hahaha" natatawang aniya. "Paano, e yun lang paraan para tumahimik ka" direktang sagot ko. "Pwede namang..." hindi na niya natuloy ang sinasabi. "Gab" ani boses lalake na tumatawag sa kanya mula sa likuran namin. "Nandiyan ka lang pala, kanina pa kami naghahanap sayo" saad nito. "Naiingayan na kasi ako dun kaya lumabas muna ako. Nage-enjoy naman kayo sa dance floor kaya di na ako nagpaalam" tugon niya sa lalaki. "Kakilala mo?" nakangiting tanong ng lalaki kay Gab habang tinitignan ako. "We just met" ani Gab saka nakangiting lumingon sakin. Nauulol na ba ang mga tao at panay ngiti? Nakatingala kasi ako sa kanilang dalawa dahil nakaupo lang ako habang tinitignan ko sila. Nakatayo sila kaya ang weird nila tignan. Hindi ko naman sila kilala at medyo nahihilo na rin ako kaya hindi na ako tumayo pa. Magpapalipas lang muna ako ng tama. Hindi ko na narinig ang bulungan nila dahil nahihilo na ako kakatingala. "Yncse" tawag sakin ni Gab. "uhm?" walang ganang tugon ko sakanya. "Ahh...I want you to meet Aldric. Kasama kong engineer dito" aniya saka tumango-tango nalang ako. Hindi na naaabsurb ng sistema ko ang mga naririnig ko. "Al, this is Yncse." saad ni Gab sa kasama niya. "Nice to meet you, miss" tugon nito sakin. Nginitian ko lang sila saka tumango. "Hope to see you again here, Yncse. Una na muna kami ah, Nice meeting you here." paalam ni Gab sakin. "Yeah" tanging sagot ko. Narinig ko na naman ang bungisngis niya. Ilang sandali lang ay napagpasyahan ko ng bumalik sa room ko. Lumalalim na rin ang gabi at malamig na dito. Pilit kong lumakad ng diretso ngunit gumagalaw talaga ang dinadaanan ko. the heck* Ang akala ko ay malapit na ako sa hotel pero malayo pa ang ilaw na natatanaw ko. Parang hindi naman ako umuusad nito. Ilang hakbang pa ang nilakad ko pero bigla akong nawalan ng balanse at akala ko ay maisubsob ko na ang mukha ko sa buhangin ngunit... "Hey, are you fine?" ani boses lalake na sumalo sakin. Naiisip ko na naman siya. Pati ba naman dito.. "Hey" sambit niya habang inuuga ang balikat ko. Malungkot at may pag aalala ang boses niya. Pagtingin ko sa mukha niya ay nakita ko si Jace sa itsura niya. Parang nabibiyak na naman ang puso ko dahilan ng pag pangilid ng mga luha ko. I thought I got better, but I think I get worse. "Why?" mahina at mabagal na usal ko habang nangingilid ang mga luha sa mga mata ko. "Why did you leave me?" nagsusumamong tanong ko sakanya. Nangangapa nang kasagutan. Kasagutan na pati siya ay hindi masasagot. Alam kong nagha-hallucinate lang ako gawa ng kalasingan, ngunit parang gusto kong sabihin sa kanya kung ano mang laman ng puso ko na hindi ko masabi kahit kanino. "I'm here. Please, don't cry, you're breaking my heart into pieces, f**k!" malungkot na aniya na nagpangiti sakin. "How I wish that you're him" ani ko habang nakangiting nakatingin sa mga mata niya. "I have alot of questions to ask, but I can't find him...I really wish he's doing well" nakangiting usal ko kahit sobrang sakit at bigat na ng puso ko "because I don't" naluluhang saad ko saka humiwalay sa bisig niya at dahan-dahang tumayo. I wish I can say everything, but my heart were in so much pain. Hindi pa man ako nakahakbang palayo ay inalalayan niya na naman ako sa paglalakad nung muntik akong matumba. "I can walk" saad ko saka inalis ang pagkakahawak niya sakin. "No, let me help you" aniya na hindi magpapigil. "I said I can walk. I can handle myself. Thank you, you can leave now. Please" seryosong saad ko habang pinupunasan ang mga luha saking pisngi. I don't want to be this miserable! I don't want people to see me weak. Even if I'd be broken inside, that's totally fine with me. "How can you be this stubborn?" seryosong tono na tugon nito. "And who are you to worry?" direktang usal ko. Hindi siya nakasagot kaya nagsimula na akong humakbang paalis. I don't want to be anyone else's burden. Sino ba siya sa akala niya? Hindi ba siya makaintindi na kaya ko ang sarili ko? Sanay na akong iwan kaya kinaya ko na nang mag isa ang lahat. "Yncse!" rinig kong boses ni amadeo palapit sa amin. Mabilis ko siyang nilingon na tumakbo patungo sa kinatatayuan ko. "Hey? Are you okay?" nagaalalang tanong niya. "I'm fine. I wanna go to my room" tugon ko. "Let's talk tomorrow. I'll wait for you" mahinang usal ng lalaki sa likuran ko, ngunit sa halip na sagutin ay hindi ko na siya nilingon pa. Baka kapag nakita ko na naman ang mukha niya ay magbabadya na naman ang luha ko sa pag agus. Kaboses niya si Jace. Tuwing naririnig ko ang boses na yun ay mas lalo lang akong nasasaktan, ngunit ganun ko din siya kagustong makita. "Let's go!" sabi ni amadeo saka niya ako inalalayan sa paglakad. "Do you know that guy?" tanong nito. Ang tanging sagot ko lang ay ang pag iling. I don't have the strength to talk anymore. I want to end this pain. But how?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD