Chapter 4.

1667 Words
NIAMH Pagkatapos kong kumain ng bigay niyang food ay pumasok na ako sa loob. Napatigil ako sa paghakbang nang makita ko silang magkatabi ni Karry daw yung name. Kaya lumapit ako sa kanila at sumingit ako sa gitna nilang dalawa. Napatingin sa akin si Kuya Ivan na nasa harapan ko at may kung anong inaayos na mga papel. “Doon ka muna sa kuwarto mo. Makaka-abala ka lang dito.” Seryosong sabi niya sa akin. “Hindi naman ako mangingi-alam ng gamit niyo. Gusto ko lang umupo.” Nakanguso kong sagot sa kanya. Napabuntong hininga siya at nagpatuloy sa kanyang ginawa. Sumandal ako sa sofa. Panay ang baling ng tingin sa akin ni Karry kaya panay din ang ngiti ko sa kanya. Akala niya siguro porke’t walang kami ni Kuya Marcus, puwede na siyang dumikit-dikit sa kanya. Hmp! “Siguro binabantayan ka ng sister mo, Ivan.” Wika ng lalaking Mikoy ata yung name. “Hindi naman niya ako kailangan na bantayan. I’m old enough to be responsible with my action.” Seryoso pa din na wika ni Kuya Ivan. Ganito ba talaga siya sa mga classmate niya at sa school? Siguro kaya matalino si Kuya. He takes seriously kapag studies na. Unlike me na aside sa food is life, kdrama fan ay walang ibang ambisyon kundi makatapos ng pag-aaral at maging asawa ni Kuya Marcus in the future. “Oh, baka naman si Marcus ang binabantayan?” sabat ni Karry kahit hindi naman kinakausap. Maganda nga. Epal naman! “Of course not, aside sa pagiging bestfriend ni Ivan. She’s just my little sister. Diba? Little princess?” nakangiting sabi niya sabay gulo ulit ng bangs ko. Kinunutan ko siya ng noo at tinangal ko ang kamay niya. “Hindi ako puppy…kapag hindi mo tinigil yan kakagatin ko yang kamay mo!” angil ko sa kanya. “Niamh…tama na yan. Mabuti pa magpunta ka na lang sa kusina at magpahain ka na kay Manang. Kakain muna kami bago mag-start.” Utos ni Kuya Ivan. Hindi ko alam kung nagpapaka-cool lang talaga siya or talagang serious mode ngayon ang arte ni Kuya. Inis na tumayo ako. Nilagay ko ang unan sa gitna nila sabay punta sa kusina. Tinulungan kong maghanda si Manang. Pagkatapos ay tinawag ko na sila. Naupo ako sa tabi ni Kuya Marcus. Habang nasa dulo naman si Karring. Sabay-sabay kaming kumain. Panay lang ang kuwentuhan nila kaya na-out of place na ako. “Tapos ka na?” usisa ni Kuya Marcus nang ibaba ko ang fork ang spoon ko. “I’m on a diet.” Pinahid ko ang aking labi ng tissue at nauna na ako sa kanilang umalis. Umakyat muna ako sa kuwarto ko dahil naiwan ko yung phone ko. Gusto kong i-chika sa mga beshy ko ang nangyari ngayon. Sesend ko din ang itsura ni Karry! Inabot ako ng dalawang oras sa kuwarto ko dahil nababad ako sa social media. Syempre ini-stalk ko lang naman ang mga sss ni Kuya Marcus at positive na palaging pumupuso sa bawat post niya itong si Girl. Kahit nga yung pic ni Kuya Marcus na tinamaan ng bola sa ulo habang nagbabasketball ay maraming heart reaction. Marami siguro talaga siyang tagahanga. Panay din ang tingin ko sa mga profile ng babaeng nirereplayan niya at bukod sa mayayaman, magaganda at makikinis pa ang mga ito. Napatigil ako sap ag-scroll nang makarinig ako ng naghihiyawan sa baba. Pagsilip ko sa labas naghaharutan na pala ang mga bwesita. At nakikiharot din si Kuya Marcus. Akala ko ba gagawa sila ng project? Bakit parang ibang project ata ang binubuo ng mga yun? Hmmmm smells chicken karry! At sympre, as a jealous soon to be wife ni Kuya Marcus. Hindi naman ako puwedeng walang gawin…hmmm… Nagsuot ako ng one piece bathing suit ko na kulay black. Kasama ito sa binili ni Mommy at ipinadala para sa akin. Hindi ko pa nga ito nasusuot eh. Inilugay ko ang aking buhok at naglagay ako ng pulbos, at lip balm dahil di pa nadating ang inorder kong make-up. Dala ang tuwalya ay bumaba ako upang maligo. Ngunit bago pa ako makalabas sa salamin na pinto. Kita ko na ang naguumapaw na cocomelon ni Karry. Nakasuot siya ng white na sando at kepkep short. Niyuko ko ang aking dibdib. Hindi man lang nangalahati ng cocomelon ni Karry yung akin. Napabuntong hininga na lamang ako. Hindi na lamang ako tutuloy. Pagpihit ko ay nagulat ako nang masalubong ko si Kuya Marcus. “What are you wearing? Don’t tell me sasabay ka sa amin maligo?” Nagtatakang tanong niya. “Bakit? Bawal ba maligo sa pool namin?” inis na tanong ko sa kanya. “Umakyat ka na, some other time ka na lamang maligo. May ginagawa kasi kaming energy drink advertisement. May pool scene doon. Hindi ka rin mag-eenjoy kung maliligo ka. Sa bathub ka na lang maligo. Akyat na.” seryosong utos niya sa akin. Nakagat ko ang ibaba kong labi ngunit sinunod ko naman siya. Dere-derecho siyang lumabas at hindi man lang ako tinapunan ulit ng tingin. Dahil sa inis ko ay nagpalit na lamang ako ng damit at nanuod na lamang ako ng kdrama. Dinalhan ako ng meryenda ni Manang kaya nag-enjoy pa rin ako kahit naririnig ko ang pagtawa ng mga bwesita sa ibaba. Tuwang-tuwa ako nang dumating na yung inorder ko. Monday kasi ngayon at simula ngayong araw. Br@ na may foam na ang gagamitin ko. Para hindi naman magmukhang likod yung harapan ko. Mabuti na lamang at kumasya yung extra small size sa akin. Nag-adjust lang ako ng kaunti at naglagay lang ako ng tatlong patong na makapal na foam sa bawat dib.dib ko. Umayos ako ng tayo upang mas maging maganda ang tindig ko at satisfied naman ako sa result. Meron na akong cocomelon!!! Excited na bumaba ako sa hagdan upang magpunta sa kusina para kumain ng breakfast. Ngunit pagpunta ko sa dining area ay kumakain ng sabay yung dalawang magbestfriend. “Hi mga Kuy’s!!!” masiglang bati ko sa kanila. Sabay silang napatingin sa akin at nagulat ako nang mabuga ni kuya ang iniinom niyang kape. Habang si Kuya Marcus naman ay nasamid sa kinakain na pansit canton. Sabay silang napaubo at napa-inom ng tubig. “What the h*ll are you wearing, Niamh?!” singhal niya sa akin. “Ang OA mo na naman!” Litanya ko sa kanya. “OA? So, what do you expect? Matuwa kami sa itsura mo? Bumalik ka sa kuwarto mo at hubarin mo yan kung ano man ang nilagay mo diyan.” Utos niya sa akin. “Ayoko nga! Mahal ito! Saka bakit kaba nagagalit? Uso na ngayon ang retoke at nagpapalaki ng d*d*.” “Oh common! Niamh, twelve years old ka pa lamang. Gusto mo bang pagtawanan ka ng mga kaklase mo? Palagi ka na lamang may katwira—” “Sabi ni Mr. Ernie Baron, kapag may katwiran ipaglaban mo!” Nasapo niya ang kanyang noo. “Sison yun, Ms. Hard Headed! Now, go back to your room at ayusin mo yang sarili mo kung ayaw mong ipadala kita sa Canada.” Banta niya sa akin. “Hmp! I hate you Kuya!” Inis na tinalikuran ko siya at padabog akong umakyat sa itaas. Pagka-akyat ko ay nagbihis na ulit ako ng baby bra. Palagi na lamang niyang panakot sa akin na ipapadala daw niya ako kay Mommy sa Canada pero ayoko dahil nandito ang mga kaibigan ko at ayokong hindi makita si Kuya Marcus. Nakasimangot akong bumaba ng hagdan. Nagpunta ulit ako sa dinning table. Ngunit wala na si Kuya doon. “Nasaan si Kuya?” tanong ko kay Manang na naabutan kong nagliligpit ng pinagkainan nila. Nagbura pa kasi ako ng lipstick ko kaya inabot ako ng ilang minuto. “Naka-alis na si Kuya Ivan mo, nagmamadali dahil may kailangan pa daw siyang bilhin muna bago pumasok. Kaya si Marcus na lamang maghahatid sayo.” “Talaga?!” excited na sabi ko. “Sa canteen na lang po ako kakain! Malalate na po ako!” nagmamadaling sabi ko sa kanya. “Oy! Paano itong almusal mo?!” pahabol niya sa akin. “Bumalik ako at ininom ko ang gatas ko sabay subo ng isang pandesal na may palamang itlog. Pagkatapos ay nagmamadali na akong umalis bitbit ang bag ko. Naabutan kong nagche-check si Kuya Marcus ng motor niya na gagamitin sa akin. Schooter lang ito pero para na rin akong nakasakay sa bigbike dahil siya ang magmamaneho.” “Ta-tra na!” samuol kong sabi sa kanya. “Hindi mo muna tinapos ang pagkain mo. May isang oras pa naman bago mag-umpisa ang klase natin.” Wika niya sa akin. Inabot niya ang teddy bear bag ko at sinuot niya sa balikat niya. Kinuha niya ang isang helmet at kinabit niya sa akin. Nakatitig lang ako sa cute face niya na sobrang kinis. “Ano ang skin routine mo Kuya? Bakit parang ang lambot at ang pink ng pisngi mo.” Pansin ko sa kanya. “Ha? Wala naman…ipinanganak lang talaga akong guwapo.” Nakangiting sabi niya sa akin. Linyahan ko yun ah? Nauna siyang sumakay pagkatapos ay hinawakan niya ang kamay ko upang makaliban ako sa kabila. Sobrang saya ko talaga ngayon! Wala man akong cocomelon. Ihahatid naman ako ng future habibi ko! “Dito ka humawak. Kumapit kang mabuti baka mahulog ka okay?” lingon at paalala niya na lalong ikinangiti ko. Ang bango talaga ng hininga! Amoy sweet and spicy! “Yes! Oppa!” “Puro ka kalokohan,” sambit niya. Kinuha niya ang dalawa kong kamay at pinagsiklop sa kanyang tiyan. Kaya nahawakan ko ang kanyang matigas na abs. “Humawak ka lang huwag mong poindutin at pisilin. Baka mawala ako sa concentration.” Paalala niya sa akin. Noong isang araw lang nanaginip akong naka-piggy back ride ako sa kanya. Tapos ngayon nasa likuran na niya ako at sinisinghot ang mabangong amoy niya. Sana magkaroon ng traffic kahit 7AM pa lamang ng umaga. Para mas matagal din akong nakalutang sa alapaap kasama siya! HIHI!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD