Chapter 5.

1897 Words
NIAMH “OMG!!! Ahhh!!!” sigaw ko habang nakatayo at nakatingin sa harapan ng vanity mirror. Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto ng kuwarto ko. Bumungad silang dalawa at may hawak pa silang baseball bat at tambo? “What happen?!” bulalas ni Kuya Ivan habang palinga-linga ng tingin. Samantalang napatalikod naman si Kuya Marcus nang makita niya ako dahil nakatuwalya lamang ako. Kakatapos ko lang kasing maligo. “K-kuya…HUHU…may buhok na ako sa kili-kili…” na-iiyak na sabi ko sa kanya. Ipinakita ko sa kanya ang maputing kili-kili ko na may tumutubong maninipis na parang balahibo. “Look! Ang cu-cute nila!” Nilapitan ako ni kuya at nagulat ako nang tapikin niya ako sa ulo. “Ouch! Bakit may pangb@tok?” nasaktan kong angil sa kanya. “Nagkakanda-sungaba na kami ng Kuya Marcus mo makarating lang dito tapos sisigaw ka dahil lang sa buhok mo sa kili-kili? Ano ba talagang nangyayari sayo, Niamh?” inis na tanong ni Kuya Ivan. Napakamot ako sa ulo ko. “Sorry na, kasi naman natutuwa lang ako. Noong nagkaroon ba kayo ng buhok sa kili-kili hindi kayo natuwa na binata na kayo?” “At ano naman nakakatuwa doon? It’s just normal dahil nasa puberty stage ka na.” wika niya sa akin. “Ha? Maghihirap na ako? Bakit? Sinabi mo ba kay mommy na bagsak ako sa math—aray! Nakakadalawa ka na!” singhal ko sa kanya nang muli niya akong batukan. “Poverty yun! Dapat kasi pag-aaral ang inaatupag mo at hindi kung ano-ano kaya walang laman ang utak mo eh. Hay naku! Maaga akong tatanda sayo. Bilisan mo na at malalate na tayo.” Pagkatapos niya akong talikuran ay inambahan ko siya ng suntok dahil sa inis ko. Nakakahiya tuloy kay Kuya Marcus. Baka isipin niya mahina din ako sa English. Pasado pa rin naman yung 75 hmp! Sinara ni Kuya Ivan ang pinto at pagkatapos nagbihis na rin ako. Ayoko sanang pumasok ngayon. Para kasing tinatamad ako o dahil puyat lang ako? Ilang araw na kasing hindi ako makatulog dahil sa nangyari noong hinatid ako ni Kuya Marcus sa school. Paano ba naman kasi, pagkatangal niya ng helmet ay hinalikan niya ako sa noo. Sabi niya “Mag-aral kang mabuti baby girl” Accckkk!!! Ang sweaattt! Muntik na akong mai-ihi sa kilig wala pa naman akong baong diaper. Buong araw atang nag-eecho sa pandinig ko ang salitang yun. Napagalitan pa ako ng teacher at hindi ako nakasagot sa board. Paano ba naman kasi kung sino pa yung hindi nagtataas ng kamay yun pa ang tinatawag. Kaya nga hindi nagtaas ng kamay at hindi alam ang sagot. Ay ewan! Naputol tuloy yung pagde-day dreaming ko! Pagkatapos kong magbihis ay bumaba na ako. Naabutan ko sila sa sala na nag-aayos ng mga gamit nila. “Niamh, baka malate ako mamaya si Kuya Marcus mo na lamang ang susundo sayo pag-uwi—” “Okay lang kuya!” nakangiting sagot ko sa kanya. “Hindi mo ba ako tatanungin kung bakit ako malalate ng sundo?” Sunod-sunod akong umiling sa kanya. “Hindi. Diba sabi mo matanda ka na? Bahala ka na sa buhay mo.” Sagot ko sa kanya. Natatawa na naiiling na lamang si Kuya Marcus. Ako naman ay ibinaon ko na lamang ang almusal ko at sa kotse na lamang ako kakain ng mabilisan. Pinagbuksan pa ako ni Kuya Marcus ng pinto sa likod. “Nasaan ang motor mo?” usisa ko dahil sasabay siya sa amin. “Iniwan ko sa school. May locked naman yun.” Nakangiting sagot niya sa akin. Kinilig na naman ang mga kikiyo ko. “Hey? Anong nangyayari sayo? May sakit ka ba?” usisa ni Tinay nang mapansin ang pananamlay ko. Katatapos lang ng lunch namin at parang lowbat na ako. “Hindi ko nga alam eh, parang gusto ko nang umuwi. Ang bigat ng katawan ko.” “Gusto mo pumunta tayo sa clinic?” Umiling ako sa kanya. Wala naman akong lagnat eh. Para lang pagod na pagod ako. Siguro sa kakapuyat ko sa kdrama. “Umuwi ka na lang kaya? May alam akong short cut na hindi mo na kailangang dumaan sa gate.” Wika ni Cloe. Kakapilit nila sa akin ay pumayag na akong umuwi na muna. “Saan?” kinakabahan na tanong ko dahil baka mahuli kaming tumatakas. “Doon sa likod ng puno may mga butas doon.” Turo ni Cloe. Para kaming mga daga na tumakbo patungo sa likod ng mga puno ng saging at may nakita kaming maliliit na butas ng pader. “Ano? Diyan ako dadaan? Paano ako magkakasya diyan?” inis na tanong ko sa kanya. “Tangeee! Aapak ka lang diyan para makaliban ka sa pader!” dagdag pa niya. Nag-angat kami ng tingin sa itaas na pader. Dalawang tao din ang taas nito. “Itutulak ka namin tapos i-apak mo ang paa mo sa mga butas.” Turo niya sa akin. Ginawa ko naman kaagad at baka mahuli kami kapag nagtagal pa ako. Inabot ko ang pader at inangat nila akong dalawa tumapak ako sa butas at isinampay ko ang isa kong paa. “Salamat! Magcha-chat na lang ako sa inyo!” paalam ko. Bago ako tuluyan na umalis. Dumaan ako sa maliit na eskinita at nang makalabas ako ng kalsada ay pumara na agad ako ng taxi para makauwi. Nang nasa bahay na ako ay tinex ko si Kuya na umuwi na ako dahil masama ang pakiramdam ko. Ilang sandali lang ay tumatawag na siya sa akin. “What happen? May lagnat ka ba? Anong nararamdaman mo? Tawagin mo si Manang para maalagaan ka—Ay sh*t! Day off nga pala ni Manang ngayon.” “Kuya, hindi pa ako m@ti-tigok…masama lang ang pakiramdam ko but I’m okay.” Narinig ko siyang nagbuntong hininga. “I’m busy right now kaya hindi kita mapupuntahan agad. Alam mo naman na President ako ng student council. Tatanungin ko na lamang si Marcus kung may practice siya. Kumain ka na ba?” “Hindi pa, gusto ko ng mcdo.” Hirit ko kahit kumain naman talaga ako. Parang gusto ko lang tumikim. “Okay, tatawagan na lamang kita mamaya.” Paalam niya sa akin bago pat@yin ang tawag. Hala!!! Hindi kaya buntis na ako kaya ako nagkakaganito? Baka dahil sa paghawak ko sa tiyan niya at sa paghalik niya sa noo ko? Wahhh!!!Buntis na ako!!! Teka? Paano naman ako mabubuntis? Sabi ni teacher kailangan daw magtagpo ng egg cells at sperm cells at mag-eevolve daw ito para maging pokemon ay! baby pala! Yun lang ang naalala ko sa lecture namin sa science. Boring din kasi ang subject na yun. Nagpasya akong mahiga na lamang pagkatapos kong magbihis ng damit pambahay. Nagtalukbong ako ng kumot hangang sa inantok na rin ako at nakatulog. “Baby girl? Wake up.” “Hmmm?” Mabigat ang mata na dumilat ako. Bumungad sa akin ang guwapong mukha ng prinsipe ko sa panaginip. “Prince Marcus…nandito ka ba para makita ako?” tanong sa kanya at pumikit ako ulit na may ngiti sa labi. Kung panaginip man ito sana bukas na lang ako magising. “Y-yung laway mo nasa unan mo na.” bulong niya. Napadilat ulit ako at tinignan ko siya habang nakatunghay sa akin. “Ang alin?” antok pa na tanong ko sa kanya. “Y-yung laway mo.” Tinuro niya ang pisngi ko at sinalat ko ito. Napabalikwas ako ng bangon at kaagad akong nagpunta sa banyo. Narinig ko pa ang pagtawa niya sa labas na parang kinikiliti. Pinunasan ko ng towel ang basang mukha ko at nakasimangot akong lumabas. “Masaya ka na? Nakita mo akong nakangangang matulog?” inis na tanong ko sa kanya. “Actually, kanina pa ako nandito. Kaya lang malalim ang tulog mo. Hindi na kita inabala. Sinalat ko din ang noo mo wala ka naman lagnat.” Paliwanag niya sa akin. Pero nawala sa kanya ang atensyon ko nang makita ko ang mcdo sa mesa at kaagad ko itong nilapitan. “Salamat!” Kaagad akong kumain dahil nagutom na ako sa amoy habang siya nakatingin lang sa akin. “Gusto mo? Bili ka.” Naiiling na natatawa siyang umupo sa tabi ko. “Kumusta na ang pakiramdam mo? Nag-aalala si Kuya Ivan mo sayo. Baka daw may ini-inda ka nang sakit di mo sinasabi.” “W-wala! OA lang y-yun!” samuol kong sagot sa kanya. “Niamh? Hindi mo ba sasabihin sa akin kung sino yung lalaking gusto mo sa school niyo?” “Hindi mo na kailangan malaman. Hindi naman ako magbo-boyfriend kasi bata pa ako. Diba nga sabi mo mag-aral muna ako para sa future natin—ay! Para sa future ko.” “Ha?” “Hakdog!” “I’m serious here. Kuya mo din ako kaya puwede mo akong hingahan kung kailan mo gusto. Kaya ba nagmamadali ka nang maging dalaga para sa kanya? Answer me, makikinig ako sayo like your big brother.” Seryosong sabi niya. Sumipsip ako ng coke float habang nakatingin sa kanyang mukha. “Masaya na ako kahit hangang tingin lang ako at hawak sa ano niya. Pero sa ngayon, yun lang muna kasi bata pa ako. Kapag puwede na. Gagawin ko ang lahat para maging asawa niya ako.” Nakangiting sagot ko sa kanya. “H-hawak ng ano?” ulit niya. Nakagat ko ang ibabang labi. Napaka-sismosa ko talaga pati yun nasabi ko sa kanya! “H-hawak ng pet niya! Y-yun! Oo! May pet kasi siyang turtle. Sobrang tigas na malambot. Nakakagigil baga! By the way nakakita ka na ng turtle?” “Puro ka kalokohan.” Wika niya sabay gulo ulit ng bangs ko. Sa inis ko ay hinabol ko ang kamay niya at kinagat. “Aray!” nakangiwing sabi niya kaya binitawan ko ang kamay niyang may bakat pa ng mga ngipin ko. “Sabi ko sayo kakagatin kita kapag ginawa mo ulit yun. I’m not a dog okay?” irap ko sa kanya at kumain na ulit ako. “Gusto mo din ba?” Alok ko sa kanya ng french fries na mahaba. Tumango siya sa akin at ini-awang niya ang kanyang labi. “A.” “Ha? A E I O U?” Nagulat ako nang hilahin niya ang kamay ko ay isinubo niya sa kanyang bibig ang hawak ko. Dumampi pa ang labi niya sa aking hintuturo. Nalaglag ang tuka ko sa ginawa niya. “K-Kuya Marcus?” tanong ko sa kanya habang ngumunguya siya. Kinuha pa niya ang coke float ko at uminom din siya sa straw ko. Para ko na ring matitikman ang l@bi niya! “Hmmm?” “Alam mo ba kung paano magtatagpo ang egg cell at sperm cell—” Napatakip ako ng unan sa mukha ko nang mabuga niya ang iniinom niyang coke. Sayang!!! “What the fvck—” Kinuha niya ang panyo niya at pinunas niya sa tinalsikan ng coke. “Nagtatanong lang naman. Masyado bang complicated?” “Dahil sa mga tanong mo magkakabuntis ako ng maaga. Tapusin mo na yang pagkain mo. Mukhang okay ka na naman babalik na ako sa university. Call mo na lang ako kapag may kailangan ka okay?” Hinalikan niya ako ulit sa noo at nagmamadali na siyang umalis. Sinalat ko ang noo kong hinalikan niya at napangiti ako. Akala ko pa naman matalino siya at marami siyang alam bakit hindi niya ako masagot?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD