Chapter 6.

1346 Words
NIAMH Akala ko kapag nakita ko na siya ulit at nakakain na ako magiging okay na ang pakiramdam ko. Pero habang tumatagal lalong bumibigat ang katawan ko. Sinubukan kong bumangon at nagpunta ako ng banyo para umihi. Ngunit nang pipindutin ko na ang flash ay napansin kong nagkulay pula ang ihi ko. Sinilip ko ang suot kong p@nty at may nakita akong pulang mantsa. Kinabahan ako at hindi ko alam ang gagawin ko. Kaya nagmadali akong tumawag kay Kuya Ivan. Ngunit nakailang ring na ako hindi pa rin siya sumasagot. Nagpalit muna ako pagtapos ay tinawagan ko na ulit si Kuya, pero hindi pa rin niya sinasagot ang tawag ko kaya hindi na ako nagdalawang isip na tawagin si Kuya Marcus. Unang ring palamang ay sinagot na niya ang tawag ko. “Why? Hindi pa ba maayos ang pakiramdam mo?” tanong niya sa kabilang linya. Napasinghot ako…hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Alam ko kung bakit may red na yung panty ko. Ibig sabihin dalaga na ako…palaging bukam-bibig yun ni Cloe na kailangan daw maregla muna bago maging dalaga. “Niamh? What happen? Are you crying? Pupunta na ako diyan—” “K-kuya…Marcus…ibili mo ako ng napkin. May regla na ako…” nangingilid ang luhang sabi ko sa kanya. “You have what? Sorry, maingay dito sa gym.” Ulit niya sa akin. “Kainis ka naman! Sabi ko may regla na ako ibili mo ako ng napkin!” malakas na sabi ko sa kanya. “Ano? May period ka na? Bibili ako ng napkin?” “Ay ang kulet…uu nga! Please pakibilisan po…baka maubusan ako ng blood…huhu…” “Pre? Sino yang kausap mo? Kapatid mo?” narinig kong tanong ng lalaki sa kabilang linya. “Ah—oo pasensya na kailangan ko munang umalis bukas na lang ulit.” Paalam pa niya sa kausap. “Hello? Andyan ka pa ba? Kalma ka lang pupunta na ako sa convenient store tapos derecho na ako diyan.” “Sige.” Pagkatapos ko siyang tawagan ay nahiga ulit ako sa kama. Sinubukan kong matulog pero hindi naman ako makatulog. Hangang sa may kumatok sa pinto ng kuwarto ko. “Pasok…” Bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang pawisan na si Kuya Marcus. Napunta sa dala niyang plastic ang mga mata ko. “Ano yan?” usisa ko dahil mukhang marami ang pinamili niya. Pumasok siya sa loob at kamot ang ulo na humarap sa akin. “Hindi ko kasi alam kung anong bibilhin ko kaya binili ko na lahat.” “Ha? Bakit hindi mo itinanong? Hindi ko rin alam kung paano gamitin yan eh.” Wika ko sa kanya. Bumangon ako at inilapag niya sa kama ang plastic. Binuksan ko ito at halos sampung balot na napkin na iba-iba ang brand ang binili niya. “Ano ito? Bakit yung isa may wings? Yung isa cotton dry, may non-wings pa may overnight, long zero leakage? Ang dami naman!” reklamo ko sa kanya dahil hindi ko rin alam ang gagamitin ko sa mga yun. “Just try one, hindi ko rin alam eh.” Wika niya. Kumuha ako ng isa yung may wings kasi na-intriga ako. Binuksan ko at puting pakete at binulatlat ko sa harapan niya. Minuwestra ko pa ito sa harapan niya. “Paano ba ito ilalagay?” namomoblema na tanong ko sa kanya. Kung nandito sana si Manang may mapagtatanungan ako kaya lang wala siya dito. “Mabuti pa, kumuha ka ng underwear tapos subukan mong lagyan ng isa.” Wika niya sa akin. Nagpunta ako sa cabinet at ipinakita ko sa kanya yung p@nty kong yellow na may design na pikachu. “Can you help me Kuya Marcus?” paki-usap ko sa kanya. “No, kaya mo na yan. Google it. Maghihintay na lang ako sa labas.” Wika niya sabay talikod sa akin at labas ng pinto. Napanguso ako dahil sa kasungitan niya. Kaya sinikap ko talagang alamin kung paano ito magfifix sa underwear ko. Ano ba ito? Vertical or horizontal? O baka naman slant? Makalipas ang sampung oras ay nalagay ko din ng maayos. Yeah! I’m proud to myself! Kakalabas ko lang sa banyo nang pumasok si Kuya Marcus. “Okay na? Nagresearch ako—" “No need kuya, madali lang naman maglagay ng napkin.” Nakangiting sabi ko. Itinapon ko yung kalat ko at nahiga ulit ako. “Sorry ha? Dahil sa akin naabala ka pa.” Sunod-sunod siyang umiling. Naupo siya sa sofa at tumagilid ako. “Wala yun, nag-alala rin ako sayo kanina kasi umiiyak ka na kaya hindi rin ako mapakali sa school.” Napangiti ako nang sabihin niya yun. “Alam mo naman na parang kapatid na ang turing ko sa inyo ni Ivan.” Nabura ang ngiti sa aking labi. Okay na sana eh, pero bakit palagi niyang sinasabi ang bagay na yun? Talaga bang kapatid lang ang turing niya sa akin? Dahil ba sa bata pa rin ako sa paningin niya? Tatlo-limang taon mula ngayon lalaki na din itong cocomelon ko. Saka may maganda naman ako kay Chicken Karry. “Nagugutom ako…” pag-iiba ko ng usapan. “Gutom ka na naman? Ilang dragon ba nakatira diyan sa tiyan mo?” “Lima.” Naiiling na ngumiti siya sa akin pero hindi naman siya tumangi nang ayain ko siya sa kusina. Parating na rin si Kuya dahil hapon na kaya kailangan kong masulit ang oras na meron kaming dalawa. “I want pancake please?” paki-usap ko sa kanya. Naupo ako sa counter island at siya naman ay ipinatong niya ang bag niya at jacket sa upuan. Tiniklop niya ang long-sleeve polo niya at kumuha siya ng isang box na pancake sa pantry pati egg saka milk. Nakangiti ko lang siyang pinapanuod. Habang pili-flex niya ang maskels niya. Kung may camera lang akong dala na-videohan ko na siya para yun na lang ang titigan ko gabi-gabi. Pati lapad ng balikat niya gustong-gusto ko din. Siguro kayang-kaya niya akong isakay sa likuran niya! “Kuya Marcus?” “Oh?” “Anong ideal woman mo? Anong katangian ang gusto mo sa babae?” nakangiting tanong ko sa kanya habang nangangalong baba sa harapan niya. “Syempre dapat matalino.” Aray! Unang katangian pa lamang bagsak na ako! Mas masakit pa sa puson ko! Pero baka pumasa ako sa susunod. “Ano pa?” “Hmmm…understanding, caring, sweet, responsible, loyal, kind, pretty, matangkad, matured mag-isip, magaling magluto, respectful, maganda ang mata at ngipin, makinis--” “Tama na! Ang dami naman!” reklamo ko sa kanya. “Perfect ba hanap mo? Kaya siguro wala ka pang girl friend kasi ang pihikan mo.” Nakangusong sabi ko sa kanya. “Hindi naman kasi ako naghahanap na. May special someone na ako.” Nakangiting sabi niya. “Ha? May nagugustuhan ka ng babae?” may lungkot na sabi ko sa kanya. “Yup, actually palagi kaming nagkikita, I’m always happy to be with her. She’s sweet and funny…but its not the right time para ligawan ko siya. I know it will be worth it na maghintay habang pareho pa kaming busy sa studies.” Bumagsak ang balikat ko. “Maganda ba siya? Malaki ba ang cocomelon niya? Sabi mo sa akin 5-10 years pa bago ka manligaw diba?” paalala ko sa kanya. “Syempre siya ang pinakamagandang babae na nakilala ko. Ano yung cocomelon? By the way, as I’ve said pareho pa kaming busy. But I can wait.” May ngiti sa labi niyang sabi. Kita ko sa mata niyang nagtu-tuwingkle dahil sa pinag-uusapan naming dalawa. Parang may sumugat sa aking puso. Pero yung dugo ko sa pikachu ko nalabas. “Oh? Saan ka pupunta?” usisa niya nang bumaba ako sa upuan. “Ayoko na palang kumain, busog pa pala ako.” Pagdadahilan ko. “What? Eh sinong kakain nito?” “Ibigay mo na lang sa crush mo. Aakyat na ako.” Paalam ko sa kanya at hindi na ako lumingon pa. Nagkulong ako sa aking kuwarto. Sino naman kaya ang tinutukoy niya? Si Karry kaya? Paano naman ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD