Chapter 4

2201 Words
Chapter Four   "May dapat kang malaman. Pero sa atin lang 'to ah." Naging mahina ang boses ni Ervir habang siya'y kausap. Matiman siyang tinititigan nito. Nakakatunaw itong tumingin pero hindi naman niya maiwas ang kanyang mga mata. He must have a magnet at siya ay metallic substance. Ang bilis niyang ma-attract.   "Ano 'yun?" Mahinang tanong niya.   "I like you. Very high school I know pero crush kita" Gusto niyang magduda sa tinuran nito ngunit bigla itong ngumiti at namula. That was the sincerest and sweetest smile she got from a guy. "Don't make me wrong Baby. Wala namang masama sa paghanga di ba? Ngayon lang ulit ako nakakilala ng isang classic at totoong babae. Ang ibig kong sabihin 'don ay yung babaeng hindi pasosyal 'di tulad ng mga nakikita ko kadalasan sa mundo ng mga nakatataas, maganda ka pero hindi maarte, totoo sa sarili, no pretensions. Bata ka pa kung tutuusin kaya nga napak-jolly at kwela mo pero wala kang arte at matured ka ng mag-isip. Nasa lahi I guessed."   Dahil sa mga lumabas sa bibig nito ay alam niyang siya na ang namumula. "T-thanks. Napakagandang first impressions naman 'non. Napahanga kita kaagad." Nauutal at nahihiya pa niyang tugon.   "Twenty seven na ako. I know na hindi lang impressions 'yon. Tara na?" Saka na ito nag-aya pabalik sa mansyon. Hindi tuloy siya nakatanggi.   Paglabas ng kainan ay nanatili lang siya sa gawing likuran ni Ervir habang nag-aabang sila ng jeep. She was looking at him while feeling the beat of her heart. Hindi pa rin siya maka-get over sa mga papuri nito. Alam niya sa sarili niyang may flaws pa rin siya. Hindi sapat ang una nilang pagkikita para makilala na siya nito. Ngunit bakit ganon? Tila napahanga rin siya ng lalaki. Twenty palang siya. Fresh pa siya from that crush thing and all that na may kinalaman sa teenage kilig. Ngayon ay nasa kanyang harapan ang isang matured na lalaki na nagsasabing crush siya. Yung lalaking swak na swak sa pamantayan niya. Yung lalaking minsang nabuo sa kanyang pantasya na sana balang araw ay mapasakanya.   "I crush you too." All of a sudden ay naibulong niya iyon sa sexy back nito. Napalingon naman sa kanya si Ervir. "Patay. Narinig yata."   "May sinasabi ka ba?" Tanong nito.   "Sabi ko ayan na ang jeep. Tayo na't pumara at sumakay!" Agad niyang palusot sakto sa paparating na jeep.   Habang nasa byahe ay muling natauhan si Baby. Maliban nga pala sa crush-ang namumuo sa kanila ni Ervir ay ang kanyang nakatatandang kapatid pa niya ang dapat niyang isipin. Ang pagbabago ng kanyang buhay. Naiinis pa rin siya ngunit heto siya pabalik sa palasyong mansyon.   Sa kanyang kwartong tutuluyan siya nito dinala. Sa labas palang ng pintong gawa sa narra ay alam na niyang hindi basta-basta ang silid. Ngunit nagdadalawang isip siyang pumasok.   "Goodnight na Ms. Baby. Alam kong marami pa ring alinlangan sa loob mo pero itulog mo na muna yan. Naikain mo na kanina at nai-relax mo na kanina sa bulaluhan. Ngayon naman ay itulog mo na muna. Clear your mind." Boses palang ng lalaki ay naenganyo na siya sa payo nito. She felt the concern. Isa na itong masyadong mahabang araw para sa kanya. Nabago man ang buhay niya sa loob ng isang araw alam niyang hindi iyon doon matatapos.   "Salamat Ervir. Thank you talaga for today. Napatawad na kita sa biglang yakap at halik mo." Sabay silang natawa. "Ikaw ang napili kong pagkatiwalaan dito. Wala naman kasing iba di ba? Kaya pinapatawad na kita for the start of our friendship."   "Thank you. Jon Ervir Cabiling saying goodnight to Ms. Presidential Sister. Nice to meet you." Inabot nito ang kamay sa kanya. Saglit na muna niya iyong tinitigan saka iyon kinuha. Tunay namang may kakaibang dumaloy patungo sa kanyang sistema sa sandaling nagdikit ang kanilang mga palad.   "Nice to meet you Ervir. Baby nalang ang itawag mo sa akin. Wala ng miss ah. Goodnight."   Paalis nalang ito ay wala pa rin itong tigil sa pagtanaw sa kanya. Napapangiti nalang siya rito. Hanggang sa nawala na ito sa kanyang paningin. Huminga na muna siya ng malalim bago tuluyang buksan ang pinto. Hindi nga siya nagkamali, napaka sosyal ng kwartong iyon. Parang hotel ang ayos pati na ang mga gamit. Kumpleto na, may maliit pa na ref na puno ang laman. May mga damit sa cabinet na pwede niyang magamit. Sinukat niya ang iba. Mayroong kasya sa kanya at mayroon ding hindi. Marahil ay tsinambahan lang ng bumili. Pero branded lahat. Nahiga siya sa malambot na kama at pinilit ang sariling makatulog.   .....   Kinabukasan ay tanghali na siyang nagising. Nagmumog at naghilamos lang siya tapos ay nagpalit ng suot na damit bago nag-aalangang lumabas sa kanyang kwarto.   "Anak ng morning naman oo." Natanaw niyang papalapit sa kanyang silid ang senadora at ang head ng security nito. Papasok sana siyang muli sa loob ng mapansin niyang nasa labas lang si Ervir at nagbabantay.   "Good morning Ms. Baby. Wag ka pong pumasok nakita ka na nila." He said sweetly.   "Oo nga eh. Buti nalang nandyan ka. Good morning din Ervir. Hindi ba't sabi ko sayong Baby nalang at wala ng Miss." Tugon niya.   "Hindi po pwede lalo na kapag nandyan sila. Mapapagalitan ako." Mabilis na tugon nito marahil dahil sobrang lapit na ng dalawa sa kanila.   "Good morning Ms. Jeany Mae." Pagbati ng head security na si Juancho, ang kuya ni Ervir. Napansin niyang magkapatid nga ang dalawa dahil magkamukha ang mga ito. Parang pinagbiyak na arinola. Kahit may edad na ay hot pa rin si Juancho.   "Good morning po. Baby nalang po. Nasanay po ako sa ganong tawag nila lola Fely at ng mga tao sa paligid ko kahit hindi ko sila ka-CLOSE." Isang pilit na ngiti ang binigay niya sa dulo at bahagya siyang sumulyap sa senadora. Binigyang diin din niya ang salitang close upang paringgan ito.   "Sure! Kung yan ang gusto mo Ms. Baby masusunod. Baby... ang cute." Bahagyang tumawa si Juancho. Mas nakyutan siya sa reaksyon nito dahil sa malaki itong lalaki tapos ay tatawa ng ganoon.   "Di ba po ang cute? Kayo din cute eh." Nakipagbiruan na siya rito. Hindi naman talaga siya mahirap pakisamahan kung tutuusin.   "Enough! Stop it! Tigilan niyo nga ang pagbobolahan niyo dyan!" Nag-react na ang senadora na tila pinagkaitan ng kasiyahan sa buhay. Pinagkaitan ng cuteness. "I want you to decide fast enough Jeany Mae. If you're ready tell me so we can have a press conference. Then you should prepare plans on how you can help my candidacy. Is that clear?" Dire-diretso ito kung magsalita.   "Yes madam!" Napasagot nalang siya nang hindi pa nada-digest ang mga sinabi nito.   "I am your sister. We may not be CLOSE but I'm still your sister. Don't call me madam. Call me ate." Binigyang diin din nito ang salitang close. Sa isang bahagi ng kanyang puso ay tila may kumirot. Kusang gumihit ang isang matipid na ngiti sa kanyang mga labi. Ayaw niyang itodo upang hindi mahalatang natuwa siya sa sinabi ng senadora, ng kanyang ate. "One more thing, si Ervir ang magiging personal security guard mo. He can also serve as your personal assistant, a mentor and a friend. Magaling siya." Dugtong ng kanyang ate bago sila iniwan nito na nakataas pa ang kanang kilay. Sa loob nya ay natuwa naman siya sa huling balita nito.   "Pwede ka bang makausap ng sarilinan Ms. Baby?" Usal ni Juancho ng makalayo na ang senadora.   "Opo sure." Tugon niya.   Nakipagtitigan lang sa kanya ang lalaki. Halos tingalain na niya ito sa tangkad at laki. Tila may hinihintay pa itong hudyat para makapagsimula sa sasabihin.   "Bakit hindi ka nagsasalita kuya este Sir?" Tanong ni Ervir na tila nagkamali pa sa pagtawag dito.   "Sabihin mo paano Officer Ervir? Hindi ba't sinabi kong maguusap kami ng sarilinan?" Binalingan ng tingin ni Juancho si Ervir.   "Opo Chief. Yun na nga po. Sabi ko nga po aalis na ako eh." Saka tila napagtanto ni Ervir ang nais iparating ni Juancho. Lumayo ang lalaki sa kanila at naglakad-lakad sa mahabang hallway ng palasyo. Hindi niya maalis ang tingin kay Ervir. Ngayon niya lang napansing hindi lang sexy back ang meron ito. Pati ang paglakad nito ay napaka-manly, napaka-sexy.   "Tissue?" Nabalik lang ang atensyon niya ng magsalita si Juancho.   "Ay ano po?"   "Ang sabi ko gusto mo ng tissue?" Nakangiting sambit nito.   "Huh? Bakit po? Aanhin ko ang tissue?" Nagtatakang tanong ni Baby.   "Pamunas ng laway. Naglalaway ka sa kapatid ko eh." Halos manlaki ang mga mata niya sa mga lumabas sa bibig nito. Hindi niya akalaing mauusal nito ang mga iyon. "Joke lang!"   Pilit na ngumiti si Baby. "He he he! Joke po yun. Palabiro po pala kayo." She told him sarcastically.   "Oo masanay ka na. Pareho kami ng kapatid kong yan. You will enjoy his company. Pasalamat ka dahil siya mismo ang nag-volunteer kagabi kay Abelle para maging personal body guard mo." Paliwanag nito. Napatingin na naman tuloy siya kay Ervir at kusang napapangiti ang kanyang mga labi.   "Gusto niya lang po sigurong bumawi sa biglaang pagkuha niya sa akin at sa..." dagling bumalik sa kanyang ala-ala ang mga nakaw na yakap at halik ng lalaki. "At iba pang biglaang ginawa niya." Natatawa niyang dugtong.   "Pinag-uusapan nalang din natin ang mga biglaang bagay, alam kong hindi madaling paniwalaan ang lahat ng nangyayari sa iyo ngayon. Pero totoo ang lahat ng ito Baby. Pakiusap ko lang sana na sundin mo nalang ang ate mo sa lahat ng gusto niya. I know her so much. Bato man ang pagkakakilala ng lahat sa kanya ay may mabuti pa rin siyang puso. She deserve to serve this country more than anyone else." Napasibangot nalang si Baby sa mga sumunod na lumabas sa bibig ni Juancho.   "Hindi ka lang ho basta head ng security niya no? Lover ka po niya?" She asked him eye to eye.   "Hahaha!" Isang malakas na halakhak ang naitugon nito.   "Ano pong nakakatawa?"   "Ibang klase ka talagang bata ka. Mas magaling kang magbiro kaysa sa akin."   "Hindi po ako nagbibiro. Nakita ko kayong nagyakap bago ako lumabas ng opisina niya kagabi. I therefore conclude na may something sa inyo." Walang kurap na namang tugon niya.   "Alam mo parang hindi ako nakikipag-usap sa isang bente anyos. You sounded like a matured woman. Bakit mo naman nasabing lover niya ako? Napaka wild ng imagination mo Baby." Napangiti pa ito sa huli while looking at her with amazement. "Para ka rin ang ate mo. Isang dugo lang talaga ang dumadaloy sa inyo."   "Hindi po kayo ang unang nagsabi na matured akong magsalita at mag-isip. Yun po siguro ang naging difference ko sa mga kabataang katulad ko na bago pa dumating sa twentieth birthday nila ay nakaisang page na ng boyfriend sa jowa list nila at may anak na. Don't worry po komedyante naman ako kaya nababalanse pa rin ang mga bagay-bagay. So Sir Juancho, tama ako no? Kayo ng ate ko? Hindi kasi usual na magyakap ang security niya ang ang isang kilalang tao. Naku baka ma-issue kayo niyan." Pinagtaasan niya pa ito ng kilay at itinulis ang nguso. She was waiting for his answer.   Katahimikan. "Hahaha!" Hanggang sa isang malakas na halakhak na naman ang naging tugon ni Juancho. "Ako ang nais kumausap sayo pero ako pa ang mai-interrogate ano ha?"   Hindi doon natapos ang kanilang pag-uusap ni Juancho. Naging seryoso ang mga sumunod na tagpo na nauwi sa pag-alam ni Baby sa ilang mga lihim na nais na muna niyang sarilinin. Iyon ang tuluyang nagbigay sa kanya upang humantong sa kanyang mga sumunod na desisyon kung mananatili ba siya o hindi. Nang tuluyang matapos ang one on one na iyon ay ginutom na siya at piniling kumain na ng brunch, breakfast at lunch dahil magtatanghali na rin.   "Alam mo bang kapag nakita ako ni Madam na sinasabayan kang kumain ay magagalit yon. Kapag may nakakita rin sa akin na security na tulad ko ay baka isumbong ako." Hindi mapakali si Ervir. Paano kasi'y pinaupo niya ito at sinasabay sa pagkain sa hapag ng engrandeng dine in area ng palasyo. Wala itong nagawa. That was her command.   "Wala namang ibang tao dito sa sobrang laking dining room na ito. Umalis na yung mga nagse-serve. Wag ka na ngang mag-alala dyan. Enjoy the food nalang. Utos ko rin to di ba? Ayoko lang kumain na walang kasabay. Ang laki ng lamesa pero wala akong kasabay para akong tanga. Tapos hindi ko pa alam kung anong klaseng mga luto itong nakahain." Saka siya sumubo at dinama ang pagkain sa kanyang bibig. "Pero... ang sarap! Promise ang sarap nito!"   Isang makatunaw na ngiti ang naging sagot ni Ervir habang pinagmamasdan siya. "Actually, adobo yang kinakain mo. Nilagyan lang ng mga pampakulay at kaartehang rekado pero adobo pa rin yan." "Ha? Talaga ba? Anong brand ng toyo at suka ang ginamit dito? Grabe naman sobrang sarap promise! Best adobo ever!" Sabay nalang silang natawa sa reaksyon niya. Naengganyo na rin niya itong kumain.   "Ano palang pinag-usapan niyo ni kuya Juancho?" Nasa kalagitnaan na sila ng pagkain nang magtanong ito.   "Pinakiusapan niya akong mag-stay at suportahan lahat ng gusto ng ate ko."   "A-anong sabi mo?" Nag-aalangang tanong nito.   "Basta kung ako sayo Ervir galingan mo ang pagbabantay sa akin. Dapat hindi mapahamak ang kapatid ng senator." Sa ibang pahayag niya sinagot ang tanong nito.   Mas lumawak ang ngiti ng lalaki. Tila masaya itong she chose to stay. "Yes! Yes Mam Baby! I swear to take care of you!" Tumayo pa ito upang sumaludo sa kanya. She felt her heart skip a beat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD