Chapter Five "Payag na ako ate." Yan ang mga salitang lumabas sa bibig ni Baby matapos niyang katukin sa opisina nito ang kanyang ate Abelle kinagabihan pagkagaling nito sa Senado. Tapos heto na sila ngayon sa labas ng palasyong mansyon ng mga Villones. Prescon na kinabukasan. Agad-agad na. Maraming kamerang nakatutok sa isang mahabang mesa kung saan magkatabi silang nakaupo ng kanyang ate. Sa gawing kanan niya ay ang kilalang senador na si Ramoncito Soyangco. Ang matanda at mabait na senador ang magiging running mate ng kanyang ate sa paparating na eleksyon sa susunod na taon. He was the current Senate President at mahal na mahal ng mga tao. Katabi ni Senator Soyangco ang nag-iisang anak nitong si Mark Soyangco, bata pa pero sikat ng blogger at journalist. Singkit ito at gwapo. H

