Chapter Six "Good morning Ervir!" Pagbati ni Baby paglabas na paglabas niya ng kwarto. Si Ervir naman ay nakatayo na sa gilid ng pinto. "May mga kasambahay na naglilinis sa hallway." Mahinang tugon nito. "Good morning Baby." "Naku gwapo naman at hot yang si Ervir. Kahit ako magugustuhan ko yan." Nag-uusap na sila para sa plano nila sa araw na iyon nang madinig niya ang sinabi ng isa sa mga kasambahay. May katalasan pa man din ang kanyang pandinig. Casual na nagkukwentuhan ang mga ito habang naglilinis akala siguro'y hindi sila aware sa kanilang paligid dahil nag-uusap din silang dalawa ni Ervir. Sinenyasan niya si Ervir na wag magsalita at makinig. "Naku ikaw pwede pa. Pero sila hindi pwede. Edad at estado palang sa buhay hindi na sila pwede. Siguradong mamamagitan si m

