Pagkatapos siyang asikasuhin ng royal doctor at malagyan ng benda ang kanyang paa ay umalis din agad ito. Hindi naman daw malala ang sprain ng ankle niya, dalawang araw lang na ipapahinga niya ay maayos na at makakalakad siya na parang walang nangyari. Puwede na uli siyang maglakad lakad sa labas at pumasyal kung naisin niya. Nakita niya kung gaano binalot ng galit ang mukha ng magulang nila kaninang ipaalam ni Hendrick sa kanila ang nangyari. Kahit walang sinabi ang kanilang ama ay makikita ang nagniningas na poot at apoy sa mata nito. Alam niyang may kasalanan din siya kaya tumahimik siya at hindi nagsasalita. Kung hindi siya lumabas ng imperial plaza at tiniis na lamang ang kapraningan ni Ares ay walang mangyayari na ganito. Hindi siya mapapahamak at pag-aalalahanin ang taong nakapalig

