Hindi pa rin maipinta ang mukhang dere-deretso siya sa paglalakad. Umiinit talaga ang ulo niya sa Ares na 'yon. At sino ang titikim ng pagkain niya bago niya iyon kakainin? Siya? Sa tingin niya ay hindi iyon kayang gawin ng binata. Parang mas maarte pa nga siya kaysa sa kanya. At'saka, ano ba ang masama kung kakainin niya ang binigay nila kahit hindi pa tinitikman ng personal maid niya? Eh, 'di kung may lason nga iyon ay ang maid naman ang kawawa. Sa nakita naman niya ay mabait ang matandang nagtitinda kanina. Alangan naman na nilagyan na nila iyon ng lason dahil alam nilang pupunta sila sa kanyang stall. Napanguso muli siya at minura ang binata sa kanyang utak. Ang sadya niya sa pababa rito ay kumain ng mga pagkain dito pero sinira ng lalaking 'yon. Lumingon siya sa kanyang likod at nan

