Simula
Not Alone
-----------------------------------
Kib Dustin Clifford POV
"I'm really sorry Mr.Clifford wala talaga kaming makitang compatible heart donor para sa iyo." Dr. Bumabata , my doctor said while looking at me.
Marahas akong bumuga ng hangin bago nag lakas loob na tignan siya. Kitang-kita sa kanyang mga mata ang awa niya para sa akin kaya ngumisi ako sa kanya.
"It's okay doc, paano aalis na muna ako." Pilit kong binubuhay ang boses ko.
I don't want to die. I want to live! Pero paano ako mabubuhay kung ang tadhana na hindi pumapayag na mabuhay ako?
"Mr.Clifford, I just want to remind you how important the surgery is. It's not okay na hindi ka maoperahan agad, you only have a month to life kaya as soon as possible kail-"
"I'm going to live doc." Sigurado kong sabi.
Kumunot ang noo niya. Itinuko niya ang magkabilang siko niya sa kaniyang mesa at hinilot ang kaniyang sentido.
"In your case? Malabong mabuhay ka na hindi sumasailalim sa isang transplant. Your case... It's complicated." Pag-tatama niya sa akin.
Napapikit ako at napailing nalang. Bakit ba kailangan niya pang ipaalala sa akin ito? I know I'm dying! Dammit!
"Then find a heart that suits mine." Diretso kong sagot.
Nagagalit ako. Nagagalit ako sa sarili ko at sa mundo. Kailangan niya pala akong operahan kaya mag hanap siya.
"I told you wala kaming mahanap, we're trying our best Mr.Clifford. Gusto ka naming tulungan." He said.
Umigting ang panga ko at masama siyang tinignan.
"You can't find a heart for me right? Then stop complaining about my transplant dahil kung kayo walang magawa mas lalong wala akong magawa." may bahid ng inis ang boses ko habang tinitignan ko siya ng masama.
Tumango siya bilang pag sang-ayon sa aking sinabi. I'm fvcking right here pero pinipilit niya pa din ang mga bagay na kahit ako ay walang magawa.
"I'm sorry Mr.Clifford pero wag kang mag-aalala dahil hindi kami titigil sa paghahanap sa maaring maging donor mo." He sincerly said.
Hindi na ako nagsayang pa ng oras at mabilis akong tumayo.
"Thank you." I said.
He smiled and bid goodbye. Lumabas ako ng ospital na wala pa ring magandang balita na nakukuha. Dr. Bumabata is my personal doctor since then, siya ang naging doctor ko noong nalaman ko na may sakit ako sa puso pero dahil wala akong pera noon at may sakit din ang kapatid ko ay wala akong ibang magawa kundi ang tanggapin ang kalagayan ko.
"Hoy erp, tapos ka na?" I heard Kurt's voice.
Nilingon ko ang pinangagalingan ng boses. Nakita ko si Kurt na nakatayo malapit sa pintuan. This is gayshit.
"What are you doing here?" Takang tanong ko.
Ngumisi siya at lumapit sa akin. Tinapik niya ang balikat ko at umaambang yayakapin ako. Mabilis ko siyang tinulak at diring-diring tinignan siya.
"Grabe naman erp, wala naman akong nakamamatay na sakit." Malakas niyang sigaw habang tumatawa.
"Gayshit." Mahinang usal ko habang inaayos ang nagusot na parte ng damit ko.
"Anong sabi ni doc?" Biglang tanong niya.
Umiling-iling ako habang tinatapik ang balikat niya.
"Nagdududa na talaga ako sayo erp." Mahinang usal ko habang nagpipigil ng tawa.
Namutla ang kaniyang mukha at mabilis akong itinulak. Malakas ang naging pag tawa ko dahil sa ginawa niya. Bakla talaga.
"Hoy! Hindi talaga ako nagrereport kay Sierra, erp wag kang mambintang!" Kinakabahan niyang sabi.
Tumigil ako sa kakatawa at sinapak ko siya. Tarantadong to!
"Anong pinagsasabi mo diyan!" Natatawa kong sabi.
"Namimintang ka, erp. Masama yan!"
"Anong sinabi ko? Defensive mo, erp. Nagrereport ka talaga siguro." Pag bibiro ko.
Mabilis siyang umiling at kunot-noo akong tinignan.
"Hoy! Kung nag rereport ako sana natunton ka na niya matapos yung pag walk-out walk-out mo doon sa sementeryo!" Inis niyang sabi habang tinuturo ako.
Hinawi ko ang kamay niya. I smirked at mabilis na naglakad palayo. I know he won't report anything to Sierra we have a deal at alam kong hindi niya ako tratraydurin.
"Hoy! Erp! Walk out king ang p*ta!" Rinig kong sigaw niya.
Napailing nalang ako sa sinabi niya. Sira-ulo talaga.
"Hoy! Erp!" Hinihingal niyang sigaw habang kinakalabit ako.
Huminto ako sa paglalakad at binaling ang tingin sa kaniya. Bigla siyang ngumisi na bigla ko namang kinatakot. What's wrong with this idiot?
"Bakla ka ba, erp?" Wala sa sariling tanong ko.
Ang kaninang malapad niyang ngisi ay unti-unting nawala. Mabilis pa sa kidlat niya akong sinapak habang umuusok na sa galit ang kaniyang ilong.
"Putangtatay naman, erp! Nakakakilabot ka!" Diring-diring komento niya.
Bigla akong natawa sa naging reaksyon niya. Napailing ako habang hinihimas ang parte ng ulo ko na sinapak niya. Sira-ulo talaga ang baliw na ito.
"Ulul mo! Kunwari ka pa alam ko naman ako yung gusto mo." Natatawa kong sabi.
Kitang-kita sa mukha niya ang pandidiri sa mga pinagsasabi ko.
"Putangtatay ka talaga, erp! Bahala ka diyan hindi ko ibibigay sayo itong puso ko!" Sigaw niya sa tenga ko.
Mabilis ko siyang sinapak dahil sa lakas ng boses niya. Daig niya pa ang babae kung makasigaw. Nagdududa na talaga ako sa isang ito.
"Sayo na yang puso mo baka mahawa pa ako sa kabaklaan mo!" Inis kong sigaw habang tumatawa.
Kumunot ang kaniyang noo at nagkatitigan kaming dalawa. Mata sa mata, walang sinuman ang kumurap. Ngunit makaraan ang ilang sandali ay sabay kaming tumawa dahil sa kalokohan naming dalawa.
"Kumustang check-up?" Tanong ko.
Sumeryoso ang kaniyang mukha at bumusangot. Bad news din ata yung nakuha niya. Ayos hindi ako nag-iisa.
"Mas dumami raw yung cancer cells, erp pero sabi ni Dr.Ditumatanda maaagapan pa daw naman, ikaw?" Malungkot niyang sagot.
Kurt's also sick. He have a cancer. I'm not alone in this suffering and pain. Nasa gitna kami ng hallway ng St.Lukes at wala talaga kaming paki kung sino man ang dumaan.
"Wala pa ring heart donor." Sumilay ang malungkot kong ngiti habang tinatapik niya ang balikat ko.
"Hindi ka ba natatakot, erp? Isang buwan nalang a." Pag-papaalala niya.
Hindi ko alam kung nag aalala ba siya o excited siyang mamatay ako. Umiling ako. Lumapit ako sa kanya at inakbayan siya sabay bumulong.
"Bat ako matatakot? Malakas yung guardian angel ko sa likuran, erp." Seryoso kong bulong.
Mahina niya akong siniko kaya napalayo ako. Masama ko siyang tinignan habang inaambahan siya ng suntok. Mabilis niyang isinangga ang mga braso niya sabay ngisi.
"Putangtatay to! Umayos ka nga sumbong kita sa nag sabi niyan!" Natatawang bulyaw niya.
Sabay kaming tumawa. Sabay naming binaba ang mga kamay namin na nakabitin sa ere. Unti-unting nawawala ang masasayang tawa naming dalawa at napalitan ito malulungkot na ngiti.
"Dapat may isang mabuhay sa atin para may mag alaga kay Sierra, erp." Malungkot niyang sabi.
Inangat ko ang paningin ko sa kaniya at ngumiti.
"Tayong dalawa ang mabubuhay, erp. Hindi ko hahayaang mapunta si Tine sa inyo lalong-lalo na sa Carl na iyon!" Galit kong bulyaw.
Humalagpak siya ng tawa kaya masama ko siyang tinignan.
"Tibay mo, erp. Parang hindi mo pinagtulakan yung tao kung makaangkin ka a." May bahid ng panunukso ang boses niya.
I smirked and raised my brow.
"Mabubuhay ako, erp. Hinding-hindi mapupunta sa inyo si Tine." I'm very sure of that. I will make sure that I'll live. Kahit 50/50 man ang chance ko ay mabubuhay ako.
Hilaw siyang tumawa at tinapik ulit ang balikat ko. Kanina pa ito nananapik a. Kung sipain ko kaya siya? Tsansing masyado.
"Paano ba yan, erp. Mabubuhay din ako." Natatawa niyang sabi.
Inilahad ko ang kamay ko sa harap niya. Tinignan niya ang kamay ko sa harap niya at puno ng pagtataka niya akong tinignan.
"May the best man live." Pagbibiro ko.
Ngumisi siya at tinanggap ang kamay ko.
"Yeah, matira matibay, erp." He answered back at nagtawanan kami.
---------------------------------------
Note:
This is the book three and final book for Stealing Series! If hindi niyo pa nababasa ang book 1 and 2, I recommend to read it first.
Book 1: Stealing My Future Dad
Book 2: Stealing Daddy
Happy reading! ♥️