“Aray, Hunter! Sabing nasasaktan ako, eh! Ano ba’ng problema mo?!” marahas kong binawi ang mga braso ko. Tila naman siya nahimasmasan at napadako sa mga braso ko ang tingin, na ngayon ay banayad kong hinahaplos. “Charice, tell me the truth. Tell me the truth because if not, I will go crazy! Totoo bang hindi ikaw ang nakabangga sa bata? Hindi ikaw ang may kagagawan? Wala ka ba talagang kasalanan?” sunod-sunod niyang tanong. Ang weird bigla ni Hunter. Sarili ko itong experience at napanaginipan ko lang ngayon. Nag-decide lang ako na ikuwento sa kaniya, pero itong reaksyon niya ay parang hindi naman yata tama. “Oo nga, Hunter! Saka bakit ka ba nagkakaganiyan? Ano ba ang problema mo at bigla ka na namang naging mabangis? Akala ko ba ay hindi mo na ako sasaktan ulit?” sumbat ko sa kaniya. Pi

