“See? I told you to just ride the jet. Paano kung napahamak ka? Paano kung hindi lang iyon ang nangyari?” galit na sermon sa akin ni Daddy pagdating ko sa bahay. Nalaman niya kasi ang nangyari dahil mabilis palang nabalita iyong naganap sa airpot kanina.
Kahit gustuhin ko man na sa condo ko ako dumiretso ay hindi puwede dahil utos ni Daddy na dito muna ako sa bahay hangga’t hindi natatapos ang engagement party. Mukhang naplano na nga yata nila ang lahat.
“Sorry, Dad. Gusto ko lang naman pong pagbigyan iyong mga fans. It’s been two years since the last time I had my time with them here,” mahinang katuwiran ko.
“Damn it! It almost cost me a daughter! You can organize a meet and greet in a safer place and a more secured surrounding!” giit naman ni Daddy na mas tumaas pa ang boses. Napayuko na lamang ako kasi may point naman siya.
Kaya lang parang wala naman yata akong time para sa meet and greet. Hindi pa man ako nakakauwi rito ay ang dami nang nagpapa-book ng projects.
“Dad, pagpahingahin po muna natin si Ate. Nakakulong na iyong nang-harass sa kaniya kaya magsisilbi na sigurong aral iyon sa iba pang mga super-obsessed fans,” singit naman ng kapatid kong si Charles. Marahas namang nagbuga ng hangin si Daddy at padarag na iniwan kami.
Bumuntong-hininga na lamang ako at tumingin kina Mommy at sa mga kapatid ko na humihingi ng dispensa.
“Ikaw naman kasi, anak, napakatigas ng ulo mo. Hindi ba at sinabi ko na sa iyong huwag mong ginagalit ang Daddy mo at alam mo naman iyon. Masiyadong protective sa iyo,” banayad na sambit ni Mommy.
“Protective siya kasi gagamitin niya ako para palawakin ang negosyo at kapangyarihan niya,” pabulong na sagot ko. Hindi ko na rin itinago ang pagkadismaya sa boses ko.
“Dimple, don’t you dare speak that way towards your Dad! Hindi magandang ugali iyan. Sinisiguro lang naman ng Daddy ni’yo na magiging maayos ang mga future ninyo. You knew very well how old-fashioned your Dad is. He believes that women’s most important role is to marry a rich man and serve him well as a good wife to have a better life,” paliwanag ni Mommy.
Lalo akong nairita dahil doon. Ito ang isang bagay na ayaw ko sa ugali ni Daddy. Napaka-sexist niya. She doesn’t look at men and women as equal. Ang pinaniniwalaan lang niya ay dapat laging mas makapangyarihan ang lalaki.
Kaya nga kahit ako ang panganay, si Charles pa rin ang tagapagmana ng kumpanya dahil nga siya ang panganay na lalaki. Tapos nag-iisa pa. Although it’s not a big deal to me because I believe my brother deserves it better because he is a talented one when it comes to business, I just want fairness.
“Ang unfair ni Daddy, Mommy. Sana pala naging lalaki na lang ako. Ang suwerte ni Charles kasi siya ang pipili ng mapapangasawa niya. Samantalang ako, ni hindi ko pa kilala kung sino ang pakakasalan ko. Paano kung masamang tao iyon? Abusive, womanizer and a very toxic person? Should I endure everything just because he had the money to sustain my status? I can earn millions, too!” paghihimutok ko na.
Napaawang ang mga labi ng Mommy ko habang gulat na gulat namang nagkatinginan ang mga kapatid ko.
“Iyan na nga ba ang sinasabi ko dahil sa kasasama mo sa mga kaibigan mong liberated. I don’t want to discuss this any further. Get ready, because tomorrow, your future husband and his family will be coming over for dinner,” matigas na pahayag ni Mommy. Hindi na niya hinintay ang sagot ko at nagmartsa nang umalis.
Lumapit naman sa akin ang mga kapatid ko at niyakap ako. I was in the verge of crying, but I chose to stop myself from doing so. Wala rin namang magagawa ang mga luha ko. At kahit may sarili akong pera sa bangko at walang ipamamana sa akin ang Daddy ko, hindi ko pa rin siya matatakasan. Mas malala pa ang magaganap kapag ipinilit ko ang gusto ko. At ang pinakamasaklap sa lahat, baka mayroon pang madamay na ibang tayo.
Kinabukasan ay naging abala ang lahat para sa magaganap na dinner. Sa isang linggo na ang birthday ko at sigurado akong doon na ia-announce ang engagement namin. Naiinis lang ako kasi wala man lang hint kung sino.
“Dad, I think I deserve to know whom I am going to marry,” giit ko habang nanananghalian kami. Hindi agad sumagot si Daddy at tiningnan lang ako habang nginunguya ang laman ng bibig niya. Pagkatapos niyon ay uminom pa siya ng tubig bago muling bumaling sa akin.
“It’s a surprise! Huwag kang mag-alala, marunong naman akong mamili at siyempre sisiguraduhin kong hindi ka madedehado,” seryosong pahayag naman ni Daddy.
“Dad, that’s not the point. Is it really hard to just give me a name? Do you know his personality? What if he’s a psycho?” pangungulit ko pa. Sinamaan naman niya ako ng tingin. Agad naman akong napatikom ng bibig.
“Do you really think that I will make you marry someone like that? Kumain ka na lang, at hintayin mo ang dinner. Makikila mo rin naman siya mamaya,” pinal na saad na ni Daddy.
Kapag ganito na ang tono niya ay sigurado akong ayaw na niyang pag-usapan pa ito. Naghihimutok na lamang akong nagpatuloy sa pagkain. Sa totoo lang wala rin naman akong ganang kumain.
Pagsapit ng gabi ay nasa silid na ako at kasalukuyang inaayusan ng kinuha ni Mommy na makeup artist. Hindi ko tuloy malaman kung bakit ko pa kailangan mag-ayos ng sobra, samantalang dito lang naman sa bahay ang dinner.
“Ate? Are you done?” sumungaw ang ulo ni Charles nang bumukas ang pintuan ng silid ko.
“Almost, I guess,” sagot ko naman. Nagkangitian pa nga kami nitong nagme-makeup sa akin nang magsalubong ang mga paningin namin sa salamin.
“Well, Dad said our visitors are already on their way. Hinihintay na sila sa main entrance ng bahay,” pagbibigay-alam nito sa akin. Napabuntong-hininga ako.
Ngunit tumaas ang kilay ko nang makita ang screen ng cellphone ni Charles.
“Wait! Picture ba ni Kristine iyan?” gulat kong tanong sa kaniya. Alam kong nakakunot din ang noo ko ngayon.
Mabilis naman niya itinago sa kaniyang bulsa ang cellphone at umiwas ng tingin sa akin.
“Just be ready. We will wait you downstairs,” sabi lang nito na tila iniiwasan iyong tanong ko. Ako naman ay nilukob ng pagtataka. Sure ako na picture ni Kristine ang nasa wallpaper niya. Is my brother having a crush on a child? Oh my gosh!
Pagbaba ko ay kabadong-kabado ako. Sinabihan kasi ako ng maid na nasa dining area na silang lahat at naroroon na rin ang mga bisita. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan ngunit ang kaba ko ay may kalakip din na lungkot. Pagkatapos ng gabing ito ay magiging pag-aari na ako ng isang taong ni minsan ay hindi ko pa man lang nakikita.
Bumuntong-hininga ako at itinuloy na ang pagtungo sa dining room. I already agreed to this two years ago, and I had to fulfill my end of the bargain.
“Finally, she’s here!” narinig kong anunsyo ni Daddy. Inihanda ko na ang pinakamagandang ngiti na kaya kong ibigay sa kabila ng paghuhuramentado ng puso ko.
“Good evening, everyone,” sambit ko pero iniiwasan ko ang magawi ang paningin sa mga bisita. Hahayaan ko na lang na si Daddy ang magpakilala sa amin ng sinasabi niyang pakakasalan ko.
Ngunit noong paupo na ako sa tabi ng Mommy ko, nasa pagitan kasi nila ako ni Charles, ay nahagip ng mga mata ko ang isang pamilyar na bulto. Nakatitig ito sa akin at maluwang ang ngiti.
Mabilis na tumaas ang tensyon sa dibdib ko at nanlaki ang mga mata ko. Kung kanina ay kabado lang ako, ngayon ay pinagpapawisan at nanlalamig na ang mga kamay ko sa nerbiyos.
Hunter. That f*****g Hunter Eliazon is here! Ano’ng ginagawa niya rito? What if isumbong niya ako sa mga magulang ko dahil sa mga pinaggagawa ko sa ibang bansa? Damn it!
“Now that we are complete, I am delighted to introduce to you formally my daughter – Charice Dimple Lim Ty. You can call her Charice or Dimpz. That’s her nickname,” pakilala ni Daddy sa akin. Ngunit hindi ako mapakali dahil nakatitig lang si Hunter sa akin habang nakangiti nang makahulugan.
“Dimple, anak, he is Hunter Castillo Eliazon, the heir of Diamond Paradise Hotel and your future husband,” pagpapatuloy ni Daddy.
Nanlaki ang mga mata ko. “Ikaw?” gulat kong naibulalas. Medyo nagulat din ang mga tao sa paligid.
“Magkakilala na kayo ng anak ko? Wow? How did you guys meet?” tanong noong mgandang ginang na kung hindi ako nagkakamali ay baka ang Mommy ni Hunter. Naumid naman ang dila ko sa tanong niya.
“Do you know me?” nakangiting tanong naman ni Hunter na tila ba nang-aasar na ewan. Damn! Paanong ang isang bartender ay siya pala ang tagapagmana ng isa sa pinakamalalaking hotel chains sa Asya?
“Dimpz, they are asking you,” nakangiting untag ni Daddy sa akin. Napalunok ako dahil biglang nablangko ang utak ko. How could I answer that?
“Ah, I’m s-sorry. I think I was just mistaken. Akala ko lang po siya iyong nakilala ko dati sa London,” kaila ko. Tumaas naman ang kilay ni Hunter saka lumagok ng wine.
“A mistake, huh? So, may kamukha pala ako? What if I have a twin?” pabirong sagot naman ni Hunter. Tumawa ang lahat sa biro niya habang ako ay palihim naman siyang inirapan. Napakayabang talaga kahit kailan!
“That would be amazing!” sabi naman noong matandang lalaki na sa palagay ko ay Daddy niya.
“Oh, maybe you’ve really met. We have a hotel branch in London, Charice. And, by the way, I am Contessa Eliazon, Hunter’s mom. This is Arthur Eliazon my husband and beside Hunter is his brother Ares Ethan Eliazon. I just want you to know Charice that I already like you as my daughter-in-law,” masiglang saad ng Mommy ni Hunter. Lalong umalagwa ang kabog ng dibdib ko dahil doon. Mukhang wala na talagang atrasan ito.
Pero bakit ba naman na sa dinarami-rami ng lalaki sa mundong ibabaw ay siya pa? I don’t want him to be my husband, especially that he saw me with that scenario. Hindi ako ganoong babae, pero paano ko pa patutunayan iyon ngayon?
You were a virgin when he took you. Giit naman ng maliit na bahagi ng utak ko.
“T-Thank you, Ma’am. I am honored to meet all of you, too,” kabadong sagot ko.
“So, I heard you are a very famous international super model,” komento naman ng Daddy ni Hunter. “And by the way, don’t call us Ma’am or Sir. You can already call us Mommy and Daddy as well,” dagdag pa nito.
“That is right. Same goes to us, Hunter. You can call me and my wife Eleana, Daddy and Mommy,” sang-ayon naman agad ng Daddy ko. Ngumiti na lamang ako at tumango.
“I am one of the Victoria’s Secret Angels. The first Asian to be part of that prestigious brand, since I am being handled by Elite Model Management,” buong pagmamalaking sagot ko naman. Kahit kailan, kahit mababa ang tingin ni Daddy sa trabaho ko, ay palagi akong proud sa narating ko sa career ko.
Nakita ko kung gaano kahirap ang pinagdaraanan ng mga aspiring models. Lalo na iyong mga walang masiyadong mga connections at hindi ipinanganak sa maiimpluwensyang angkan. Bahagi rin talaga ng swerte ko na tinitingala din ng maraming mga nasa business sector ang Daddy ko. Kaya kahit papaano ay hindi ako nakaranas ng mga matitinding bullying at harassment.
“Wow! That’s amazing. Hindi naman nakapagtataka, hija, dahil napakaganda mo. At grabe, ang slim! Ang mga ganiyang katawan at mukha ang pangarap ng maraming kababaihan na magkaroon,” papuri pa sa akin ng Mommy ni Hunter.
“Aba, siyempre, kanino pa ba magmamana kung hindi sa Mommy,” sang-ayon naman ng Mommy ko. Nagkatawanan pa nga lahat at halatang, magkakasundo talaga ang mga magulang ko at mga magulang ni Hunter.
Ako ay kanina pa naaasiwa. Kahit ano ang gawin kong iwas ay alam kong nakatutok lang ang paningin ni Hunter sa akin.
“So, Hunter, what do you think of my daughter?” bigla ay tanong ni Daddy kay Hunter kaya naagaw ang atensiyon nito at lumingon sa Daddy ko.
“She’s the prettiest lady I’ve ever met. I am so glad that my parents choose the best woman to be my wife. Thank you, Mom and Dad,” baling pa niya sa mga magulang niya na masayang-masayang tumango sa kaniya.
“Of course! Not only that, both our families will be stronger allies in business,” natutuwang saad naman ng Daddy ni Hunter. Tinanguan iyon ng Daddy ko at ipinagpatuloy na ang pagkain.
“Ituloy na natin ang pagtatayo ng pinakamalaki at pinaka-enggrandeng residential area sa Pilipinas,” masiglang bulalas ng Daddy ni Hunter.
“We’ll get into that soon, Arthur,” masaya ring tugon ng Daddy ko.
“By the way, hija, I brought a gift for you,” agaw naman ng Mommy ni Hunter sa atensyon ko. Nahihiya naman akong tumingin sa kaniya habang inilalabas sa mamahalin niyang bag ang sinasabi niyang regalo.
Kulay pink na box iyon iyon at may puting ribbon na kumikinang. Ngunit noong makita ko ang mga letrang Bvlgari ay alam ko nang alahas iyon. Isa rin kasi ako sa endorser ng jewelry at perfume brand na ito.
“Wow, thank you, Ma–Mom,” muntik na akong mautal. Mabuti na lamang at nasabi ko pa rin iyon ng maayos. Pagkatapos ay lumapit ang isang katulong sa kaniya at kinuha iyon para iabot sa akin.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang set of necklace and earrings. Red diamond ang main stone ng mga ito maliban sa mga maliliit na diamonds na nakapaligid sa mga ito. Bumilis ng husto ang t***k ng puso ko at napalingon sa kaniya.
“This is very expensive,” nausal ko. Halos hindi na nga yata ako humihinga ng tama. Tumango namang nakangiti si Mommy Contessa at nagkatinginan pa sila ng asawa niya.
“Women born with class and elegance can easily recognize pieces like that,” komento naman ng Daddy ni Hunter.
“Red diamonds are the most expensive and remarkable in color,” sang-ayon din ni Mommy.
“Maraming salamat po talaga,” magalang kong saad. Ako man ay hindi makapaniwalang magkakaroon ako ng ganito kamahal na alahas.
I mean, yeah, I am wearing diamonds most of the time. But my collections are not as expensive as this one or as what others have. Iyong mga isinusuot ko naman sa mga shoots at projects ay hanggang doon lang din talaga.
“You’re welcome, hija. I believe my son will give you bigger stone on your engagement party,” tugon naman ng Mommy ni Hunter. Wala sa sariling napatingin ako kay Hunter na ngayon ay nakatitig na naman pala sa akin.
“Speaking of the engagement party, when will that happen? I need to go to Los Angeles next week for some business,” magalang namang tanong ni Hunter, kaya lalong nabaling ang atensyon ng lahat sa kaniya.
“Son, I already told you it will be next Saturday. Your engagement will be announced on Charice’s 23rd birthday,” ang Daddy ni Hunter ang sumagot.
“Oh, I see. I am sorry for my stupidity. I will be in the country by Friday next week then,” sagot naman ni Hunter. Natawa lang ang mga magulang namin sa kaniya.
Ang sumunod na mga topic ay tungkol na sa gaganaping engagement party at sa iba pang detalye ng kasal. Gusto ko ng church wedding pero beach wedding ang gusto ni Hunter. Nakisang-ayon na lang ako dahil wala naman akong pakialam kung anong klaseng kasal ang gusto nila. Pareho lang din naman iyon sa akin.
“If you don’t mind, balae, my father and Leandro’s father are requesting us to have a Chinese wedding for them,” maya-maya ay hiling ni Mommy. Tumatango-tango lang ang mga magulang ni Hunter.
“That will not be a problem to us. We knew that you’re Chinese so we will abide with all the traditions. Just tell us what to do and what are the things to prepare,” pagpayag naman agad ni Daddy Arthur.
“Yeah. There’s no problem with me, too,” paniniguro rin ni Hunter.
“Thank you so much. We will have the Chinese wedding first and then the beach wedding,” my mom happily answered.
“Puwede rin pala ang Chinese wedding kahit hindi parehong Chinese ang ikakasal?” natanong naman ng Mommy ni Hunter na agad tinanguan ng Mommy at Daddy ko.
“Yes. As long as we follow all the traditions and rules that the elders are implementing,” sagot naman ni Mommy.
Ipinagpatuloy pa nila ang pagpaplano habang ako ay parang naso-suffocate na ewan.
Kaya noong sila-sila na lang ang nag-uusap ay hiniling ni Hunter na makapag-usap din kaming dalawa. Kinabahan naman ako sa gusto niyang pag-usapan. Susumbatan ba niya ako at iinsultuhin sa unang gabi na nagkakilala kami?
Napagkasunduan naming dito na lamang kami sa garden. Mayroon kasi kaming mini hut dito na madalas ko ring pagtambayan kapag maraming bituin sa kalawakan o kaya ay kapag bilog ang buwan.
“Bakit parang hindi ka naman na-surprise na ako pa ang magiging fiancée mo?” taas ang kilay na tanong ko. “Isa pa, bakit ka nagtatrabahong bartender kung sa inyo naman pala iyong hotel?” dagdag ko pang tanong. Imbes na sumagot ay tumawa siya.
“Well, I already searched about you before I flew to London. Sinabi na sa akin ng Daddy ko na ikaw ang mapapangasawa ko. So, I did a background check. I was very disappointed when you act like your friends. But when I learned that you’re still a virgin, I think you’re still worthy to be my wife,” diretsahan niyang sagot. Walang ligoy o anumang pasakalye.
Napatingin pa ako sa paligid at sinisigurong wala talagang ibang taong makaririnig ng pinag-uusapan namin.
“Maka-worthy to be my wife ka naman akala mo, eh, talagang husband material ka,” ganti kong pang-uuyam. “Para sabihin ko sa iyo, hindi ko ginusto ang kasalang ito. Ayaw ko lang mapahiya ang Daddy ko kaya napilitan na akong pumayag,” pagpapatuloy ko pa. Naningkit naman ang mga mata niya at kahit medyo dim ang ilaw nitong kubo ay kita kong tumiim ang bagang niya.
“Don’t act like you didn’t like what happened between us. Kitang-kitang ko sa mga mata mo noon na gusto mo paring ipagpatuloy natin iyon. Kaya lang ay nahihiya ka lang sigurong sabihin. Kung gusto mo, puwede na nating ituloy ngayon at–”
Nahinto siya pagsasalita noong bigla akong tumayo at sampalin siya nang malakas. Nagpanting kasi ang mga tainga ko sa mga pinagsasabi niya.
“Hoy! Para sabihin ko sa iyo, ang gabing iyon ang pinakamasamang pangyayari sa buhay ko! At kung papipiliin lang ako, at maibabalik ko lang ang gabing iyon, sana ay mas pinili ko na lang na ma-setup ako ng mga kaibigan ko sa iba kaysa sa isang aroganteng gaya mo!” asik ko na sa kaniya. Hindi ko lang napigilan ang pagsidhi ng galit sa dibdib ko. Kung makapagsalita kasi siya ay akala mo kung sino.
“Really? Then, let’s go! Sabihin natin ngayon sa mga magulang natin na totoong magkakilala tayo. Sabihin na rin natin sa kanila kung paano ba talaga tayo nagkakilala! Game?” hamon niya sa akin.
Doon ako natigilan at nanlaki ang mga mata ko. Hinding-hindi puwedeng malaman ng pamilya ko ang tungkol doon. Siguradong lalo lang bababa ang pagtingin ni Daddy sa trabaho ko at sa mga modelong gaya ko. At ano na lamang ang iisipin ng mga magulang ni Hunter sa akin?
“No! I never want them to know about it!” sumusukong saad ko. Napayuko ako at inis na inis na umiwas ng tingin sa kaniya. Makakaganti rin ako sa lalaking ito.
“Then, you should learn to be nice to me. Ang pinakaayaw ko sa lahat ay iyong babaeng masiyadong mataray at dominante. I can be a good husband to you but don’t ever do something that will ruin my reputation as a man!” deklara niya.
Tumaas naman ang kaliwang kilay ko sa sinabi niya.
“Puwes, kapag naging mag-asawa na tayo, pantay lang ang karapatan natin. Mabuti pa nga sigurong mapag-usapan na natin ngayon ang magiging setup natin,” matapang ko namang sagot sa kaniya.
“I will only have three rules. If you follow them, then you can ask anything from me,” sagot naman niya. Kumunot ang noo ko.
“Three rules? At ano naman iyan, aber?” tanong ko. Bigla siyang ngumisi kaya kinabahan ako.
“First, never say no to s*x. Second–”
“Teka lang? Unang rule pa lang ang hirap na. Ano iyan basta ba ginusto mo, bukaka na lang ako nang walang reklamo? Having s*x is a mutual decision. Paano kung may period ako o kaya wala ako sa mood?” kontra ko agad sa unang sinabi niya. Nagulat naman ako nang bigla siyang tumawa.
“Doing s*x even if you have your period will be alright with me. In terms of your mood, I can always set your mood for that. My tongue and my lips are very good in setting your mood. Sa palagay ko naman ay napatunayan ko na iyan sa iyo,” makahulugang pahayag niya. Napalunok naman ako.
Agad kong binawi ang paningin ko dahil nag-init ang mga pisngi ko at malakas na tumambol ang dibdib ko. Sa pananalita pa lang niyang iyon ay parang kiniliti na ang p********e ko. Naalala ko kung paano niya ako kainin doon at halos mabaliw ako lalo na ng paratingin niya ako sa kasukdulan.
“Pero, Hunter, nakakadiri pa ring makipag-s*x kapag may period ang babae. Kung nagagawa mo iyan sa ibang babae, huwag mo akong igaya. That’s too disgusting for me. Eew!” nadidiring saad ko. Para lang maibaling sa iba ang isip ko.
“Fine. No s*x during your period. Iyon lang ang exception,” naiiling na sambit niya. “Besides, I never tried having s*x with other women who had their periods,” sabi pa niya. Inirapan ko naman siya kasi mukhang proud pa yata siya.
Maling-mali talaga ang inakala naming inosente ang lalaking ito. Kaya totoo talagang looks can sometimes be very deceiving.
“Fine. So, ano pa’ng susunod?” inis na tanong ko. Busy na tao itong si Hunter dahil mukhang siya ang panganay at katulong ng Daddy niya sa negosyo nila. Siguro naman marami na iyong dalawang beses isang buwan na s*x. Ngayon pa lang parang naiinis na ako.
“Well, second, no man is allowed to touch you other than your father and your borther. The rest of the men are off limits and cannot be too close to you,” seryosong pahayag niya.
“Bakit naman ako magpapahawak sa ibang lalaki? Madali lang iyan. Ano iyong third?” pabalewalang sagot ko sa kaniya.
“I am very serious with that, Charice,” may halong pagbabantang saad niya kaya umikot ang mga mata ko.
“Oo na. Oo na. Ano na iyong susunod?”
Marahas naman siyang bumuntong-hininga bago muling nagsalita. “Huwag mong pakikialaman ang mga personal na gamit ko. Even my phones and other personal belongings,” may diing pahayag niya. Muli na namang nagsalubong ang mga kilay ko.
“Ang arte mo naman. Huwag kang mag-alala, hindi ako pakialamera ng gamit ng iba. Bakit, ilang kabit ba ang meron ka at pati cellphone mo hindi puwedeng pakialaman?” pabalang kong usisa. Lalo namang sumeryoso ang mukha niya.
“I don’t have a mistress because I am not yet married. Moreover, I will never have a mistress. If you obey my three rules you can ask me anything and I will give it to you,” aniya. Kumibot naman ang kilay ko.
“Mabuti naman kung gano’n. Madali lang din ang gusto ko. Una, ipagpapatuloy ko ang pagmomodelo ko at–”
“No! You will only be at home and take care of me and our future children,” deklara niya kaya napanganga ako. Agad nagpuyos ang kalooban ko sa sinabi niya.
“Hello? Okay ka lang? Hindi porke pumapayag ako sa mga gusto mo, eh, gagawin mo na akong alipin mo. Ano ka, sinusuwerte? Ikukulong mo ako sa bahay at ikaw lang ang aasikasuhin ko? The maids can do that!” angil ko naman. Muling naningkit ang mga mata niya.
“I don’t want my wife to still do modeling and being watched by many men. You will do as I say and–”
“No way, Hunter! Patayin ni’yo na lang ako pero hindi ako papayag sa gusto mong iyan. Malinaw ang sinabi mo kanina. Basta susundin ko ang tatlong gusto mo, puwede ko ring hilingin ang nais ko,” matigas kong katuwiran.
Hindi naman siya nagsalita at nanatiling nakatitig sa akin. Ngunit ang mga mata niya ay kababakasan ng galit. Mabagal din ang pagtataas-baba ng dibdib niya at halatang nagpipigil ng emosyon.
“Ano kayang sasabihin ng Daddy mo kapag marinig niya ang sinabi mong iyan? Matutuwa kaya siya? Ang pagkakaalam ko, ipinangako ng Daddy mo sa amin, na iiwan mo na ang pagmomodelo kapag nakasal na tayo,” mariing sabi niya. Gimbal naman akong napatingin sa kaniya at umawang pa ang mga labi ko. Wala sa sariling napailing ako.
Hindi ko alam kung ano ang gagawin o kung ano ang sasabihin. Bigla akong nawalan ng lakas na ipaglaban ang sarili ko. Kapag sinabi niya kay Daddy ang tungkol dito ay siguradong malilintikan ako. Akala ko pa naman ay mapapakiusapan ko itong si Hunter. Mukhang wala naman pala siyang ipinagkaiba sa Daddy ko.
Aaminin kong sumama ng husto ang loob ko. Igagaya ba niya ako kay Mommy at sa Mommy niya? Gagawin niya akong sunod-sunuran sa kaniya? Napasandal ako sa kinauupuan at hindi alam kung paano paglalabanan ang pagkadismayang sumampal sa akin.
“Bakit hindi ka makapagsalita? Kasi alam mong hindi ka kakampihan ng Daddy mo, hindi ba? You are already a very successful model. Nakamit mo na ang pinapangarap ng napakaraming mga kababaihang nagnanais maging modelo. Kaya panahon na para naman gawin mo ang obligasyon mo sa akin kung sakali,” untag pa niya sa akin.
Ngunit lalo lang nasira ang gabi ko dahil sa mga pinagsasasabi niya. Biglang napuno ng lungkot ang puso ko at nawalan ako ng gana na makipagtalo pa sa kaniya.
“May sasabihin ka pa ba?” malamig ang tono na tanong ko. Siya naman ngayon ang biglang nagtaka. Siguro ay inaasahan niyang kokontrahin ko pa siya at ipagpipilitan ang gusto ko. Pero huwag na lang. Parang sayang lang din ang effort. Baka ako pa ang lalong lumabas na masama sa paningin ng mga magulang namin.
“Yes. Gusto kitang isama sa LA pagkatapos ng birthday mo at engagement party natin. I will treat you for a vacation then–”
“No! Hindi ako interesadong mamasyal kasama ka. Gagamitin ko na lang ang natitirang panahon na malaya ako para gawin ang gusto ko para sa sarili ko,” putol ko sa kaniya. “Kung wala ka nang sasabihin pa, babalik na ako sa loob,” dagdag ko pa.
Tumiim naman ang mukha niya ngunit hindi nagsalita. Mukhang nasaktan na naman ang ego niya sa lantarang pagtangging ginawa ko. Pero wala na akong pakialam sa gusto niyang isipin.
Noong wala na akong marinig na sagot mula sa kaniya ay umalis na ako at pumasok sa bahay. Dumiretso ako sa silid ko at doon ibinuhos ang mga luhang kanina ko pa pinipigilang mahulog.
Nasasaktan ako dahil hindi magtatagal ay mawawala na si Charice. Hindi ko pinanghihinayangang mawala ang kasikatan ko sa karerang pinili ko. Ang pinanghihinayangan ko ay ang mawala iyong Charice na malaya at masayang nagagawa ang mga bagay na nakapagpapasaya sa kaniya.
Iniluha ko na lamang ang sakit at pikit-matang unti-unting tatanggapin ang masaklap na kapalarang nakalaan para sa akin.
***
Guys, sorry sa late update. Dibale hinabaan ko na itong update para pambawi ko na hindi naka-update kahapon. Salamat po talaga sa support. PaVote naman po si Marco. Salamat din po sa mga bagong followers. Sa mga hindi pa po naka-follow sa akin, Search nio lang po Miss Thinz.
Sa mga nag-aabang ng Book ni Vinzon - THE WIFE'S MISERY, available na po siya by January. Chat nio lang po ako sa account ko na MissThinz Dreame para sa orders. Available pa rin nag Physical Book ng Desired by the Billionaire Heir sa Shoppee.
HAPPY READING PO!!!