Chapter 4 Inner Thoughts

3455 Words
“Ano? Si Hunter? As in iyong isa sa mga bartender ng Maddox ang magiging husband-to-be mo? Oh my gosh! How?” sunod-sunod na tanong ni Bella. Tinawagan ko kasi siya kinabukasan at ipinaalam sa kaniya ang nangyari kagabi. Nagdahilan akong sumama ang pakiramdam kaya mas pinili ko na lamang ang magpahinga. Mukhang nagawan naman ng paraan nina Daddy para hindi na mag-usisa pa si Hunter at ang pamilya nito. “I was shocked, too. Pero nariyan na, ano pa bang magagawa ko?” malungkot kong sagot. Narinig kong bumuntong-hininga ang kaibigan ko. “Nakapag-usap na ba kayo ulit? Ano’ng sabi niya?” tanong pa nito. Ako naman ngayon ang bumuntong-hininga. Gumuhit ang hapdi sa dibdib ko at parang naiiyak na naman ako. “Yes. We talked and he told me that he doesn’t want me to continue working after our wedding. Mas gusto niyang gaya ng Mommy ko at ng Mommy niya na maging plain housewife lang ako. Imagine that selfish guy? I am so, so disappointed of him!” paghihimutok ko. Isang mahinang singhap naman ang pinakawalan niya. “Damn! That was intense, Dimpz. You really are in trouble. Kelan ang kasal?” muli ay pag-uusisa niya. “I’m not sure. Wala pang date na na-settle. Mauuna raw na magkaroon ng Chinese wedding bago iyong beach wedding. Pero iyong engagement ay tuloy na tuloy na sa birthday ko.” Nagtagis ang mga ngipin ko at mariin akong pumikit. Damang-dama ko talaga iyong matinding inis para kay Hunter at sa sitwasyon ko ngayon. “Siya nga pala, tinatanong ng mga girls kung invited daw ba sila? Naku, siguradong magiging talk of the town ang kasal mo. Ngayon pa lang nakikini-kinita ko na ang mga headlines. Imagine? You will be the wife of a famous and prestigious five star hotel heir. Matindi rin iyang si Hunter, ha? From bartender to hotelier,” may pambubuskang saad pa ng kaibigan ko. Pero imbes na matawa ay lalo lang nadagdagan ang iritasyong nararamdaman ko. “But I am telling you now, that man is a jerk. Kung gaano kaganda ang panlabas niyang anyo ay ganoon naman kasama ang ugali niya,” masama pa rin ang loob na saad ko. “Bakit naman? Nananakit ba?” gulat niyang tanong. “Hindi pa naman sa ngayon. Pero sobrang possessive at dominant niya. Lahat ng kilos ko ay gusto yata niya kontrolado niya. Puwede ba iyon? Tao ako at hindi robot na puwede niyang pasunurin sa lahat ng gusto niya,” reklamo ko naman. “Mukhang magiging stressful ang buhay may asawa mo, my dear friend. Ano na ang plano mo?” malungkot niyang tanong. “Hindi pa rin ako sigurado, Bella. Ang alam ko lang ay hindi talaga maganda ang pakiramdam ko sa Hunter na iyon,” sagot ko. “Okay, let’s talk again later. Tinatawag na nila ako. Ako na nag sasalang sa photoshoot,” bigla ay nagmamadaling paalam niya sa akin. “Alright. Good luck! Bigla ko tuloy na-miss ang trabaho natin,” sabi ko naman. May sasabihin pa sana siya kaya lang narinig ko sa background na talagang tinatawag na siya. Pinatay na nito ang tawag at hindi na halos nakapagpaalam pa sa akin. Pagdating ng hapon ay nagulat ako nang sabihin ng maid na nasa baba raw si Hunter at hinihintay ako. Ano na naman kaya ang drama ng lalaking ito at bigla na lamang susulpot dito. “Hi!” bati niya agad sa akin. Pero ang talagang gumulat sa akin ay noong mabilis niya akong lapitan at kintalan ng halik sa mga labi. Tila umakyat ang lahat ng dugo sa mukha ko at nag-init talaga ang mga pisngi ko. Bumilis din ng husto ang t***k ng puso ko. “Ano’ng ginagawa mo?” gigil na tanong ko. Napalingon pa ako sa paligid dahil baka may nakakita ng ginawa niya. “What’s wrong with that? You are my girlfriend now. Kaya puwede kitang halikan kahit anong oras ko gusto,” balewalang sagot niya. “Girlfriend? At paano naman nangyari iyon?” galit kong tanong. Pero tinawanan niya lang ako. “We are meant to be married soon. Next week we will be engaged, kaya ang ibig sabihin noon mag-boyfriend na tayo ngayon. Let’s go! I want to date my girlfriend.” Hinawakan niya ang kamay ko pero mabilis ko rin iyong binawi at itinago sa likuran ko. “Hindi ako sasama sa iyo! Kung gusto ko mang makipag-date dapat ay napapayag mo muna ako hindi iyong bigla-biglaan,” asik ko sa kaniya. Kinagat niya ang pang-ibabang labi at nakangising tumingin sa akin. “Ngayon ka pa ba magpapa-hard to get, samantalang ako naman ang nakauna sa iyo? Isa pa, naipagpaalam na kita sa mga magulang mo. Kagabi pa sana kita yayayain kaya lang ay nilayasan mo naman ako,” giit naman niya. Hindi nawawala ang mapaglarong ngiti sa mga labi niya. Sa pagkakabanggit niya sa mga magulang ko ay bigla akong kinabahan. Baka kapag hindi ako pumayag ay magsumbong siya. Sa hilatsa pa naman ng pagmumukha ng lalaking ito ay mukhang hindi malabong gawin niya iyon. “Saan ba tayo pupunta? Hindi ba puwedeng magpaluto na lang tayo sa mga chef namin at dito na tayo kumain?” inis kong tanong. Ayaw ko kasi siyang makasama talaga dahil naiinis ako sa kaniya. “It’s a surprise, sweetheart. Sige na magbihis ka na,” udyok pa niya sa akin. Kung makatawag ng endearment akala mo naman talaga, eh, close kami at in love sa isa’t isa. Magaling din talagang magpanggap ang lalaking ito, eh. “Matagal akong magbihis,” angil ko pa. Balak ko pa nga talaga ay maligo ulit at sadyaing tagalan ang paghahanda para mainis siya at umalis na lang. “Kapag tinagalan mong magbihis, I will f**k you hard in your own room. Kaya mamili ka, bibilisan mo nang magpalit o doon nalang tayo sa kuwarto mo at ituloy natin ang naudlot na–” “Shut up!” tinakpan ko ang mga tainga ko dahil labis-labis akong nae-eskandalo sa mga pinagsasabi niya. “Shut the f**k up! Buwisit ka talaga, eh! Ikaw talaga ang panira ng araw ko!” singhal ko pa sa kaniya. “No! Hindi mo pa nakikita ang totoong kaya kong gawin para sirain hindi lang ang araw mo kung hindi pati ang buhay mo. Kaya mabuti pa, bilisan mo na lang para wala tayong gulo,” seryosong pahayag niya. Hindi ko alam kung bakit pero para akong nanlamig sa sinabi niya. Para bang may kung anong kahulugan sa tono niya na hindi ko maipaliwanag. Kaya kahit labag sa kalooban ko ay padabog akong bumalik sa silid ko at nagbihis. High waist jeans at Dior shirt ang isinuot ko saka ko pinatungan ng LV jacket. Nag-rubber shoes na lang din ako dahil wala talaga akong ganang lumabas. “Hmm… you really look fabulous kahit anong isuot mo. But I have already proven that you are more beautiful when naked,” pabulong niyang saad saka dinilaan ang gilid ng tainga ko. Napasinghap ako at nanindig ang mga balahibo ko. “Bastos ka talaga kahit kailan!” asik ko sa kaniya. “Di bale ng bastos, ang mahalaga kaya kitang pasarapin at paungulin ng higit pa sa inaakala mo,” pang-aasar pa niya sa akin. Balak yata ng lalaking ito na buwisitin na lang ako sa tuwing magkikita kami. Hindi ko alam kung anong trip niya sa buhay at palagi niya akong inaasar. Ang inaasahan ko ay didiretso kami sa isang restaurant pero kanina pa kami nagbibiyahe ay parang hindi pa kami nakakarating sa kung saang pupuntahan namin. Kaya hindi nagtagal ay napilitan na akong magtanong. “Teka, saan ba tayo pupunta? Kanina ka pa drive nang drive, wala naman tayong hinihintuan.” Lumingon siya sa akin, pagkatapos ay muling bumaling sa daan. Nakatunghay lang ako sa kaniya kasi hinihintay ko ang sagot niya. “I already told you, it’s a surprise! Just be patient,” makahulugan ang ngiting tugon niya. Napahalukipkip naman ako at marahas na nagbuga ng hangin. “Why? Are you already hungry? Huwag kang mag-alala, nagpahanda ako ng masarap na hapunan para sa atin,” pagpapatuloy pa niya. Aburido ko siyang nilingon ulit saka inirapan. “The next time you will glare at me, there will be consequences!” pagbabanta na niya. Awang ang mga labi na napatitig ako sa kaniya. “Okay ka lang? Sino kayang hindi maiinis sa – ayy!” napatili ako nang bigla niyang ihinto ang sasakyan. Balak ko pa lang siyang pagsisigawan dahil sa ginawa niya ay mabilis na niya akong nahapit at biglang hinalikan nang mariin. Nanlaki ang mga mata ko ngunit lalo lang dumiin ang mga halik niya. Halos magtama na ang mga ngipin namin ngunit pilit niyang ipinapasok ang dila niya sa loob ng bibig ko. Nagpumiglas ako ngunit parang bakal ang isang braso niyang mahigpit na nakayakap sa baywang ko. Ang isang kamay naman niya ay mahigpit na nakawahak sa buhok ko at lalo pa akong idinidiin sa kaniya. Noong ayaw ko talagang ibuka ang bibig ko ay hinila niya ang buhok ko mula sa likuran. “Ahh!” daing ko. Dahil doon ay bumuka ang bibig ko at tagumpay na nakapasok ang dila niya. Ang sumunod kong namalayan ay nakaalis na siya sa kinauupuan niya kanina at ngayon nga ay nasa ibabaw ko na. Kung kailan niya naibaba ang recliner ng kinauupuan ko ay hindi ko alam. Mabuti na lamang talaga at maluwang ang sasakyan niya. Kung hindi ay hindi ko talaga alam kung ano ang magiging hitsura namin ngayon. “H-Hunter, hmppp, p-please let me g-go!” nauubusan na kasi ako ng hangin at talagang hirap na hirap na ako. “Damn, you taste so good, huh?” sambit niya at saglit lang na pinakawalan ang mga labi ko saka muli akong sinibasib ng halik. Nanghihina na talaga ako kaya hinayaan ko na lang siya sa ginagawa. Pero sinikap kong gising ang diwa ko at hinding-hindi ako tutugon sa kaniya. Pero nagulat ako nang dumako ang mga kamay niya sa dibdib ko at walang babalang winasak ang suot kong shirt. Ngunit pagkatapos niyon ay sa leeg ko naman siya ngayon humahalik at sunod kong naramdaman ang pagkalas ng bra na suot ko. “Damn!” Narinig kong usal niya at malakas akong suminghap nang bumaba ang halik niya at isubo ang isang n****e ko. My visions became blurry and a sudden hit of fire enflamed my core. “Hunter, wait… no!” pigil ko sa kaniya. Nasa gitna kami ng daan! Oo, nakagilid ang sasakyan niya pero nasa daan pa rin kami. Hindi porke heavily tinted ang sasakyan niya ay puwede na naming gawin ang ganitong kahalay na bagay. Ngunit hindi siya nakikinig at dumiin pa ang pagsipsip niya sa u***g ko. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil panibagong kuryente ang dumaloy pababa sa p********e ko. “Hunter, please stop!” muli kong pigil sa kaniya. Muntik na ngang mauwi iyon sa ungol. Umangat ang paningin niya sa akin. Namumungay ang mga mata niya na kababakasan ng matinding pagnanasa. “Why? Am I not good enough to turn you on?” malambing niyang tanong. Nanlaki pa ang mga mata ko at lalong bumilis ang t***k ng puso ko. Hindi ko kasi maipaliwanag iyong tono niya ngayon. Tila ba niya ako nilalambing at inuudyukan na ipagpatuloy namin ang ginagawa niya. “N-nasa gitna tayo ng daan,” nag-iinit man ang mga pisngi ko ay nagawa ko pa ring sabihin. Natawa naman siya at muli akong siniil ng halik. Pagkatapos ay inayos niya ang bra ko at ibinalik sa puwesto nito. Itinakip niya ang suot kong jacket sa nakabuyangyang na dibdib ko. “I’m sorry if I torn your shirt. Huwag mo akong titingnan ng masama. Ayaw na ayaw ko sa babae ang masiyadong mataray at mahilig tumingin ng masama,” mariin niyang bulong sa akin. “Ano bang balak mo sa akin, Hunter? Gagawin mo akong puppet mo? Hindi ba ako puwedeng magbigay ng opinyon ko, o kaya tumayo para sa sarili ko?” sumbat ko sa kaniya. Bigla na lang ay para akong naiiyak, pero pinipigilan ko ang sarili ko. “I just want you to be very obedient. Kung magiging masunurin ka sa akin, magiging maayos ang pagsasamang ito. Pero kung ipipilit mong lagi ang gusto mo, ilalagay talaga kita sa dapat mong kalagyan,” seryosong pahayag niya. Sa pagkakataong ito ay parang gusto ko na talagang umiyak. Kaya pinili ko na lang ang manahimik. Kahit tumututol ang kalooban ko ay mas pinili ko na lamang munang tumahimik. Bigla akong natakot para sa sarili ko at sa kahihinatnan ko sa oras na kontrahin ko ulit si Hunter. Isa sa mga natutuhan ko sa laban ng buhay ay ang matuto kang kilalaning mabuti ang kalaban at alamin ang kahinaan niya bago ka gumawa ng hakbang. Pero kalaban ko nga ba si Hunter? Hindi ba puwedeng maging magkakampi kami at hayaan naman niya akong gawin ang gusto ko, lalo na kung hindi naman iyon makasisira sa kaniya o sa aming dalawa? “Silence means yes. Good. I can treat you like a queen, just make sure to be very obedient of me.” Muli niyang sabi. Napalunok ako at itiningin ang mga mata sa labas. Mabigat ang dibdib ko at pakiramdam ko ay sasabog na ito sa sobrang sakit. Palihim kong pinunasan ang umagos na luha sa pisngi ko. Tahimik akong lumuha at sinikap na hindi na rin ulit tumingin sa gawi niya. Makalipas ang mahigit tatlumpong minuto pang biyahe ay narating namin ang isang napakagara at napakalaking bahay. Ocean blue at white ang combination nito at napaliligiran ng malalaking mga puno. Maluwang ang bakuran na napaliligiran ng Bermuda grass at maging ang matataas na pader ay may mga gumagapang na halamang may maliliit na bulaklak. Sumaludo sa kaniya ang dalawang guwardiya habang ipinapasok niya sa malaking itim na gate ang sasakyan. Tinanggal ko ang seatbelt ko nang buksan na niya ang pintuan sa tapat ko. bago ako bumaba ay itinakip niya sa bandang harapan ko ang jacket niya, pagkatapos ay inalalayan akong makababa. “Stop crying, Charice,” utos niya. Nagtagis ang mga ngipin ko. Pero gano’n pa man ay hindi ako sumagot. Siguradong kapag nagsalita ako ay hindi magagandang salita ang lalabas sa bibig ko. Huminga na lang ako nang malalim saka nagbuga ng hangin. “Ano’ng lugar ito? Bakit tayo nandito?” mahing tanong ko pero hindi ko siya tinitingnan. Naamoy ko ang sariwa pang pintura kaya sigurado akong bagong-bago lang ang bahay na ito. O bagong pintura lang? Hindi ako sigurado at ayaw ko ring magtanong. “To show you this. This house will be our home after the wedding. I started building this two years ago for my future wife,” masayang sambit niya. Maluwang na ang ngiti niya ngayon na para bang walang nangyari kanina. Kung sa ibang pagkakataon ay siguradong matutuwa ako at mamamangha dahil totoong napakaganda ng bahay na ito. Napapaligiran pa ng mayabong at kahali-halinang kalikasan. Ngunit ang isang bahagi ng puso ko ay nakararamdam ng matinding lungkot. Para sa akin ay ito ang magiging kulungan ko pagkatapos kong maikasal kay Hunter. Ngayon pa lang ay gusto ko nang magdalamhati sa klase ng buhay na kasasapitan ko. “Bakit hindi ka nagsasalita? Mayroon pa bang kulang? Meron ka bang hindi nagustuhan? Sabihin mo lang at puwede ko namang ipabago. Tara sa loob para makita mo ang interior designs,” tanong niya. Muli akong bumuntong-hininga. Hindi na ako kumontra at sumunod na lang sa kaniya noong hawakan niya ang kamay ko at marahan akong hilahin papasok sa bahay. Mahinang singhap ang kumawala sa bibig ko nang bumungad sa akin ang sala. Ilang beses akong napakurap dahil kapareho ito noong mga napapanood sa mga pelikula na parang entrance hall ng isang palasyo. Marmol ang pinahalong puti at abuhing sahig. Para itong isang maliit na palasyo dahil maging ang mga kurtina at display ay mga antique. Mayroon ding malalaking vase at nang tingalain ko ang dalawang malalaking chandelier ay napaka-elegante ng disenyo ng mga iyon. Makaluma ang design pero sadyang napakaganda at talagang bumagay sa ayos nitong sala. Kasunod niyon ay dumako ang mga mata ko sa higanteng hagdanan na may asul na carpet. “So? What can you say?” narinig kong tanong niya. “Maganda. Halatang mamahalin ang lahat ng mga naririto,” walang buhay na sagot ko. “Gutom ka na ba? Magbihis ka muna at puwede na tayong kumain,” tanong niya. Sino namang gaganahan kumain pagkatapos ng nangyari kanina. “Hindi pa. Okay lang ako. Saan ako puwedeng magbihis? Saka wala pala akong dalang bihisan. Kung dala ko sana iyong kotse ko, marami akong damit doon,” malamig kong tanong. Iniiwasan ko ang mapatingin sa mga mata niya dahil masamang-masama talaga ang loob ko. “I already bought you everything you need. From clothes, to shoes, sets of jewelry and other things that you might need. Kaya huwag mo nang alalahanin ang pagbibihisan mo,” sagot naman niya. Sa ikalawang pagkakataon ay gusto ko sanang mamangha at matuwa pero kapag naiisip kong gagawin niya lang akong parang robot na sunod-sunuran sa kaniya ay nawalan na naman ako ng gana. Tumango na lamang ako. Akala ko ay doon kami sa malaking hagdanan daraan ngunit sa ilalalim pala niyon ay mayroong elevator at iyon ang ginamit namin papunta sa ikatlong palapag kung nasaan daw ang magiging master’s bedroom. Carpeted din ang pasilyo papunta sa sinasabi niyang silid paglabas namin noong elevator. “This whole third floor is our master’s bedroom. Iyong pintuan sa may dulo ay ang opisina ko,” pagbibigay-alam niya sa akin. Tumango lang ako at hindi na rin nagsalita. Narinig kong bumuntong-hininga siya at hindi ko alam kung para saan. Pagbukas namin ng silid ay hindi kama ang sumalubong sa paningin ko kung hindi isang sala set at sa tapat niyon ay mayroong kumpletong audio at video set. Napansin ko sa bandang kanan ang isang pintuan at doon nagtungo si Hunter. “This is the door to our bed and the walk-in closets. Iyan namang nariyan sa kabilang banda ay ang pinto papunta sa mini kitchen at balcony nitong kuwarto,” paliwanang niya. Sinundan ko siya sa pintuang binuksan niya at para iyong isang panibagong silid na may malaking kama. Bigla akong kinabahan sa kumbinasyon ng kulay pula at itim. Elegante namang tingnan kaya lang parang medyo creepy. Fan yata ng mga vampire movies itong si Hunter. Una medyo makaluma itong bahay tapos ang daming mga antique collections kahit saang bahagi ng bahay. Ngayon naman ay itong kulay ng kama niya. “Iyon ang walk-in closet mo. At dito naman iyong sa akin. Gaya ng sabi ko, ayaw kong napapakialaman ang mga gamit ko kaya–” “Oo na! Hindi mo kailangang ulitin. Marunong akong makaintindi!” putol ko agad sa kaniya at pinuntahan na ang itinuturo niya closet ko. Nadaanan ko pa ang vanity mirror na may iba’t ibang mamahaling mga pabangong pambabae sa ibabaw nito. May dalawang drawer iyon na sa palagay ko ay mga pangbabae rin ang laman. “Charice!” tawag niya sa akin noong papasok na sana ako roon. Nilingon ko siya nang may pagtataka. “May sasabihin ka pa? Mayroon na naman bang panibagong bawal rito?” sarkastikong tanong ko. Tumiim naman ang mukha niya. “Look. I am very sorry for making you upset earlier. Hindi lang ako sanay na may babaeng sumasagot-sagot sa akin. I didn’t mean to hurt you,” mababa na ang boses na hinging paumanhin niya. Nanlaki ang mga mata ko dahil hindi ko inaasahan iyon. Ngayon tuloy ay nablangko na naman ang utak ko. “Maliban sa Daddy ko, wala ring ibang nakadidikta ng mga gusto kong gawin. Pero mukhang sa iyo ay iba dahil ang gusto mo ay pasunurin ako sa mga gusto mo na para akong isang aso,” saad ko. Hindi ko na pinigilan pa ang nararamdaman ko dahil mas mabuti nang alam niya iyon. Hindi siya nagsalita at nakatitig lang sa akin. May mga pagkakataong napapansin kong parang galit sa akin si Hunter. May mga pagkakataong parang may kung anong sama ng loob siyang pilit niyang itinatago, bagay na napapansin ko pa rin. “Hihintayin na lang kita sa labas. Ipahahanda ko na ang magiging hapunan natin,” sabi lang niya at tinalikuran na ako. Pinanood ko siyang mawala sa paningin ko saka malalim na bumuntong-hininga. ***** Hello guys, sisikapin kong makapag-update daily dito kay Hunter. Medyo busy lang ngayon kasi Foundation week celebration namin sa school. Muli po ay sa mga gustong mag-avail ng Physical book ng The Wife's Misery at Desired by the Billionaire Heir. Available pa rin po. Chat nio lang po ako sa MissThinz Dreame na account ko. Salamat po. Pa-follow na rin po...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD