Habang kumakain kami ni Hunter ay walang nagsasalita sa amin. Ako ay nakayuko lang din at nakatutok sa pagkain ko. Tanging ang kalansing ng mga kubyertos ang naririnig.
Ramdam ko ang madalas na pagtitig niya sa akin ngunit hindi ako nangahas na mag-angat ng paningin ko. Ni hindi nga ako makakain ng maayos kasi napaka-akward ng pakiramdam ko ngayon.
“Dimpz…”
Nanlaki ang mga mata ko nang tawagin niya ako sa palayaw ko. Dahil doon ay napilitan akong tumingin sa kaniya.
“Y-Yes?” medyo tumikhim pa ako nang tumugon.
“Tell me about yourself,” sabi niya. Natigilan ako nang bahagya at ilang beses na kumurap. Dumiretso ako ng upo at ibinaba ko ang mga kutsara at tinidor na hawak ko.
“What do you want to know? I think, everything about me can be read on the internet,” mahinang sagot ko. Napapalunok ako sa intensidad nang pagtitig niya sa akin.
“Tell me something that the internet does not know. Hindi ako naniniwalang totoo ang lahat ng mababasa sa mga magazines at mga artikulo tungkol sa iyo,” sagot naman niya. Huminga ako nang malalim saka muling tumikhim.
“Well, when I was ten, I always stare at those large pictures of beautiful women with colors on their faces. Kapag nakakapanood ako ng mga pageants o kaya ng mga rumarampa sa entablado, natutuwa ako. Doon ko na-realize na gusto kong maging modelo paglaki ko,” pagkukuwento ko sa kaniya. Ni hindi ko namamalayang nakangiti na pala ako habang inaalala ang mga panahong nag-umpisa na akong magpabili ng mga fashion magazines sa Mommy ko.
“How about your studies? Were you a good student? Did you have many friends?” magkakasunod niyang tanong. Muli akong huminga nang malalim bago sumagot.
“I am not as smart as my brother Charles. But I am very studious. Mayroon din naman akong mga kaibigan, pero iilan lang. Natatakot silang makipagkaibigan sa akin kasi lagi akong may bantay na bodyguards,” pag-amin ko.
Madalas ay nalulungkot ako noon dahil parang walang gustong makipagkaibigan sa akin. Kinaiinisan din ako ng ibang batang babae dahil mayabang daw ako kasi mayaman na ay maganda pa. Hindi lang talaga ako palakibo noon, pero hindi ibig sabihin no’n ay masungit ako o mayabang.
“What is the most memorable moment you have when you were in your primary years?” tiim ang bagang na tanong niya. Hindi naman ako nakasagot agad dahil hindi ko maintindihan iyong klase nang pagtatanong niya. Pagkatapos ay biglang naging mabalasik ang tingin sa mga mata niya kaya napuno ng takot ang dibdib ko.
“Wala naman masiyado,” tipid kong tugon at muling umiwas ng tingin dahil hindi ko kayang salubungin ang titig niya. Bakit parang galit na naman siya sa akin?
Iyon pa namang uri ng galit na nakikita ko sa mga mata niya ay parang kakaiba. Iyon bang parang may napakabigat akong kasalanan na nagawa sa kaniya.
“Are you sure? O ayaw mo lang alalahanin?” galit na niyang tanong. Nanlaki ang mga mata ko.
“Anong ibig mong sabihin? ano bang pinupunto mo? Saka bakit parang galit ka? May nagawa ba akong kasalanan sa iyo?” sunod-sunod kong tanong. Nagtatapang-tapangan lang ako pero ang totoo ay maging ang mga tuhod ko ay nanginginig na sa kaba ngayon.
Hindi naman siya agad nagsalita at matiim lang na nakatitig sa akin habang tumitiim ang mga bagang niya. Halos hindi na tuloy ako makahinga sa uri ng mga tingin niyang iyon.
“Hindi mo alam kung bakit galit ako sa iyo? Puwes hindi ko sasabihin sa iyo. Pero ipararamdam ko ang galit ko!” saad niya at padarag na tumayo. Kinabahan ako dahil nanlilisik ang mga mata niyang nakatitig sa akin habang papalapit sa kinaroroonan ko.
“Ano’ng ginagawa mo?” nahihintakutang tanong ko pero hindi siya kumibo at mahigpit na kinuha ang isang kamay ko. Pahila niya akong itinayo sa kinauupuan ko pagkatapos ay dire-diretso na siyang naglakad palabas ng dining room. Maging ang mga katulong na nakakikita sa amin ay nagkatinginan at nagtataka.
“Teka nga, Hunter, ano bang problema mo? Bakit mo ba ako hinihila? Nasasaktan ako!” dumaraing na tanong ko. Nasasaktan ako sa higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko at sa dahas ng paghila niya sa akin habang mabilis na lumalakad.
“Shut up, kung ayaw mong masaktan lalo sa akin!” singhal niya at saka ako binitbit at isinampay sa balikat niya. Noong magpumiglas ako ay malakas niyang pinalo ang puwet ko.
“Ouch!” malakas kong daing.
Narating namin ang master’s bedroom at halos ihagis na niya ako nang ibagsak sa ibabaw ng maluwang na kama. Pagkatapos ay isa-isa niyang hinubad ang mga suot niya.
“You were always the brat, right? Now I will teach you a lesson so you will know how to obey!” galit niyang saad at sumampa na sa kama. Napatili ako sa kaba nang hablutin niya ang suot kong damit at mapunit iyon.
“H-Hunter, ano bang nangyayari sa iyo? Ano bang ikinagagalit mo?” nanginginig ng tanong ko. Hindi ko na napigilan pa ang maluha sa takot.
“Dahil mapagpanggap ka. You are acting like an angel, but actually, you are an evil b***h hiding with that beautiful and innocent face!” mahina ngunit mariing sagot niya. Tila may asido ang bawat pananalita niya at tila may malamig na hanging dumaan sa likuran ko.
“Huwag, please! Huwag ganito!” umiiyak ko nang pakiusap dahil marahas niyang sinira ang lahat ng natitira ko pang saplot.
Humihingal siya nang tumitig sa hubad kong katawan. Ang kaninang galit niya ay dagling napalitan ng matinding pagnanasa.
Bumangon ako para umatras pero hinila niya ang dalawang paa ko kaya muli akong napahiga ng patihaya, pagkatapos ay agad siyang pumatong sa akin. Ikinulong niya sa dalawang palad niya ang mukha ko at sinibasib ako ng mapagparusang halik. Madiin at gigil na gigil ang bawat hagod ng mga labi niya kaya nasasaktan ako.
Sa diin niyang humalik na maging ang mga ngipin namin ay nagbubungguan na ay nasugat ang labi ko at nalasahan ko ang dugo.
“Hunter, tama na. Tama na, please, nasasaktan na ako,” humihikbi kong pakiusap. Natigilan siya at tumitig sa akin.
“I hate you! I hate your pretentious nature. You are so hypocrite, Charice,” namumuhi niyang bulong at kinagat ang leeg ko kaya napasigaw ako sa sakit.
“Stop! Ano bang pinagsasasabi mo?” umiiyak kong tanong. Talagang natatakot na ako sa kaniya dahil para siyang isang galit na demonyo habang marahas na inaangkin ang katawan ko.
“Stay still!” hindi mo gugustuhin kapag lalo akong magalit,” asik niya sa akin dahil pilit akong kumakawala sa pagkakakulong niya sa akin sa mga bisig niya.
“Tama na…” pagmamakaawa ko na sa kaniya. But he never listened to me. He went lower and sucked my n*****s alternately in a very hard way.
Halos tumatalbo-talbog na ang katawan ko sa ibabaw ng kama dahil sa diin ng pagsipsip niya sa mga u***g ko. Napararaanan pa ng mga ngipin niya at talagang kinakagat-kagat pa niya kaya lalo akong nasasaktan.
Hindi na ako halos makahinga sa sakit na dinaranas ng katawan ko. Hindi ko talaga maintindihan kung ano ang ikinagagalit niya. Para bang ang lalim ng pinaghuhugutan ng pagkapoot niya at sukdulang nasasaktan na niya ako.
At naphinto siya sa ginagawa nang mapalakas na ang pag-iyak ko. Nasasaktan na kasi talaga ako ng sobra. Hindi ko pa naranasan ang ganito sa buong buhay ko. At kahit kailan ay hindi ko akalaing mararanasan ko ang ganito.
Muli niyang inangkin ang mga labi ko pero sa pagkakataong ito ay mas banayad na. Ngunit hindi pa rin ako tumutugon dahil natatakot ako sa kaniya. Para siyang mabangis na hayop na galit na galit.
“Kiss me back!” utos niya kaya napasinghap ako. May halong pagbabanta ang tono niya kaya napadilat ako.
“No!” tanggi ko. Ngunit tumalim na naman ang mga mata niya kaya nanghilakbot ako.
“See? Mas gusto mong nasasaktan kaysa sumunod sa akin? Puwes pagbibigyan kita!” sagot niya at walang babalang pinaghiwalay ang mga hita ko at pabiglang ipinasok ang malaking alaga niya sa kalooob-looban ko.
“Huwag! Ahh!” halos panawan ako ng ulirat sa sobrang sakit nang ginawa niya. Pumipintig-pintig ang loob ng p********e ko habang tinitiis ang matinding sakit nang biglang pagpasok niya sa akin. Ni sa hinagap ay hindi ko inakalang mararanasan ko ang ganito karahas na pag-angkin sa akin.
“Now feel me because I will f**k you hard that you only remember my c**k and my touches every time you close your goddamn eyes!” asik niya at inumpisahang bumayo nang mabilis.
Napuno nang mga nasasarapang ungol niya ang silid na sumasabay sa mga paghikbi ko. Puro daing ko ang maririnig dahil sa sakit ng mga pag-ulos na ginagawa niya.
Nahihirapan siya dahil sa sikip ng butas ko at hindi ako basa, pagpakatapos ay ramdam ko na talagang malaki at mahaba siya. Napapasigaw ako kapag isinasagad na niya ang p*********i niya sa akin.
“Hunter, please, tama na. Tama na, hindi ko na kaya,” humahagulgol na ako dahil talagang mahapdi na iyong kaselanan ko.
Dumagan siya sa akin at niyakap ako. Hindi siya huminto sa paggalaw sa ibabaw ko pero bumagal na ang mga pagbayo niya. Pagkatapos ay muling umangat ang mukha niya at inangkin ang mga labi ko. Patuloy lang din ang paghikbi ko at tinitiis ang hapdi sa ginagawa niya sa akin.
Kalaunan ay hindi na ako nasasaktan dahil naging banayad na ang paggalaw niya. Nakadilat ang mga mata ko at umaagos pa rin ang mga luha mula roon. Sa kisame nakatutok ang paningin ko.
He continued to thrust inside my core, I didn’t know how, but my core is still oozing with wetness. There was no pleasure on my part and my heart is constricting in so much pain.
Then, finally, he spilled inside me. I felt it. I felt his warm liquid mixing with my own moist. I closed my eyes when he looked at my wet face. Ramdam ko ang titig niya pero hindi ako nagdilat ng mga mata kahit na hindi humihinto ang mga pagluha ko. Naging tahimik ang mga pag-iyak ko habang nagtatalik kami hanggang sa ngayong makaraos na siya.
Napasinghap pa ako nang hugutin na niya ang alaga niya at naramdaman kong umalis siya sa ibabaw ko. Hindi pa rin ako nagdidilat ng mga mata ko dahil ayaw ko siyang makita. Hanggang sa marinig ko ang pagbukas at pagsara ng banyo. Doon ko pa lang iminulat ang mga mata ako.
Tumagilid ako at yumugyog ang balikat ko dahil sa pag-iyak. Masamang-masama ang pakiramdam ko at puno ng galit ang dibdib ko sa ginawa niya sa akin. Noong hindi niya ako mapilit na tumugon sa kaniya ay ginamitan niya ako ng dahas sa pag-angkin na ginawa niya.
Hindi ko alam kung gaano siya katagal sa loob ng banyo habang naririnig ko ang pagbuhos ng tubig mula sa showerhead ngunit bumaba ako ng kama at nagbihis. Masakit ang buong katawan ko lalo na ang p********e ko.
Palabas na ako ng silid nang bumukas ang pintuan ng banyo.
“Where are you going?” malamig niyang tanong. Sumakit na naman ang dibdib ko dahil sa tila pagguhit ng hapdi roon.
“I want to go home,” malat ang boses na tugon ko. Pinipigil ko kasi na pumiyok ako at muling maiyak. Pero nanunubig na naman ang mga mata ko.
“No! We will spend more days here until your birthday. Naipagpaalam na kita sa mga magulang mo,” kontra niya agad.
Marahas ko siyang nilingon at alam kong matalim na rin ang tingin ko. Kasabay din niyon ay ang muling pagbalong ng mga luha ko.
“Hindi mo ako alipin para manduhan mo sa lahat ng gusto mo,” nagtatagis ang mga ngiping angil ko sa kaniya. Dumilim naman ang mukha niya at salubong ang kilay na pinanlisikan din ako ng mga mata.
“Nakalimutan mo na ba ang sinabi ko? O gusto mo na namang maparusahan?” galit niyang hamon sa akin.
Napalunok ako at nanlamig ang buong katawan ko. Wala sa sariling napalingon ako sa magulong kama at nanumbalik ang takot at galit na nararamdaman ko kanina.
“Dinala mo lang ba ako rito para pahirapan? Ano bang kasalanan ko sa iyo at ginagawa mo sa akin ito?” pumiyok na ang boses ko nang sumbatan siya dahil naiiyak na naman ako.
“Nahihirapan ka dahil matigas ang ulo mo at hindi ka marunong sumunod. Nasasaktan ka lang dahil masiyadong mataas ang tingin mo sa sarili mo!” tugon niya.
Naaburido akong napapikit at itinuloy na ang paglabas ng silid na iyon. Iika-ika ako dahil talagang masakit ang pagitan ng mga hita ko. Inilabas ko ang cellphone ko at agad na tinawagan ang Mommy ko.
“Ginagalit mo ba talaga ako, Charice?” matalim ang boses na tanong ni Hunter. Nahihintakutan akong lumingon sa kaniya dahil nasa likuran ko na siya ngayon. Ngunit hindi ko na siya nasagot dahil nag-connect na ang tawag sa Mommy ko.
“Mom, pasundo po ako dito sa bahay ni Hunter. Wala po akong dalang sasak–
“Why? Hunter said you will be staying there until your engagement party,” putol ni Mommy agad sa akin. Kahit naiirita ako na narito sa tabi ko si Hunter at matiim na nakatingin sa akin ay hindi ko siya pinansin.
“Mom, please! Please, I need to go home. Please, Mommy,” hindi ko na napigilan ang pag-iyak habang nagmamakaawa.
“It’s alright, Dimpz. Masasanay ka rin. Sa una lang na ganiyan. Sige na at paalis kami ng Daddy mo dahil may pupuntahan kaming event,” sagot lang ni Mommy.
“Mom, no! Please, Mommy–
Ngunit nagulat ako nang bigla nang mag-disconnect ang tawag. Muli kong tinawagan ang cellphone ni Mommy ngunit hindi na ito sumasagot. Nang muli kong lingunin si Hunter ay nakangisi na ito sa akin.
“Your parents already sold you to me, in exchange for helping them recover from a brewing scandal with your company,” saad nito na labis kong ikinagulat.
“Sold me? Ano’ng ibig mong sabihin?” gimbal kong tanong. Ang bangko namin ang isa sa mga respetado at matatag na mga bangko sa buong Asya at kinikilala rin maging sa iba pang panig ng mundo. Kaya imposible ang sinasabi mo,” kontra ko sa sinasbai niya.
“Your Dad was scammed with a multi-billion projects by his partners. They took his money and vanished like nothing happened. What will all your clients say if they found out that you don’t have enough money to sustain your bank's obligations to creditors and depositors? That’s why your father needs us. Well, mayroon pa namang ibang candidate to be your husband, but my family’s influence and wealth defeated them all,” pagbibigay-alam niya sa akin.
Napaatras ako habang nanlalaki ang mga mata kong nakatingin sa kaniya. Hindi ko namamalayang napapailing ako. Imposible ang sinasabi niya dahil matalino ang Daddy ko. Hindi ang katulad niya ang basta-bastang maloloko ng kahit sinuman sa kahit ano pa mang paraan.
“That’s not true! Hindi pipitsuging bangko ang Asia World Banking Corporation, at hindi tanga ang Daddy ko para maloko siya ng gano’n-gano’n lang!” sigaw ko na sa kaniya. Kung sa palagay niya ay maloloko niya ako, puwes nagkakamali siya.
“Maybe true. But not if your best friend will be the one to do it to you,” hindi nagpapatalong sagot niya. Umawang naman ang mga labi ko. Binawi ko ang paningin ko at saglit na napaisip.
My Dad has two best friends, and they are Tito Leandro and Tito Willy. Sino sa kanila ang nanloko sa Daddy ko?
“Sino… sino ang tinutukoy mo?” hindi ko na mapigilang maitanong. Parang napakaimposible talaga dahil halos kapatid na ni Daddy ang mga iyon kaya hindi kapani-paniwala na maloloko siya.
“Si Willford Montana. Your Dad trusted him for an incredibly huge amount of investment, and he was scammed. Sa ngayon ay hindi na mahagilap si Willy,” nahaluan pa ng mahinang tawa ang sagot niyang iyon.
Para naman akong nanghihinang napasandal sa pader. Muli ay nailing na naman ako. Bigla ay gusto kong umuwi at yakapin ang Daddy ko. Now I felt so guilty that I hated him for giving me to Hunter. Iyon pala ay may mabigat siyang pinagdaraanan.
Umangat ang paningin ko at muling tumingin kay Hunter.
“Let me go home. I need to talk to my Dad,” sabi ko sa kaniya. Tumaas naman ang isang kilay niya.
“Why? Wala ka rin namang maitutulong sa kaniya. Even if you give him all your money, it will not be enough. Baka nga magpakamatay pa ang Daddy mo kapag mag-collapse ang bangko ninyo. Kaya kung ako sa iyo, magpakabait ka para magkasundo tayo. Sumunod ka lang sa lahat ng gusto ko at magiging maayos ang lahat sa atin,” saad niya. Ngunit ang tono niya ay may panunuya. Bumagsak na ng tuluyan ang mga luha ko at napahikbi na ako.
“Dad…” nausal ko. Alam din kaya ni Mommy ang tungkol dito? O sinosolo lang ni Daddy ang malaking problema?
“Now, go back to the bed and take your rest. Alam kong napagod ka sa ginawa natin kanina,” nakangising saad niya kaya lalong nagngitngit ang kalooban ko.
Pero laylay ang balikat na sinunod ko na lang siya. Sa nalaman ko ay bigla akong nawalan ng lakas na makipagtalo pa. Kailangan ko munang matanggap ng husto ang nangyayari dahil gulong-gulo pa rin ako.
Bumalik ako sa kama at nahiga. Doon ko ipinagpatuloy ang pagluha ko hanggang sa makatulog na ako.
Noong muli akong magising ay sa kalagitnaan na ng madaling araw. Nasa tabi ko si Hunter at nakayakap ang isang braso niya sa baywang ko. Dahan-dahan akong gumalaw at umikot para tingnan siya. Mahimbing ang tulog nito kaya unti-unti akong kumawala sa kaniya.
Tagumpay akong nakababa sa kama at kinuha ang bag ko. Isinilid ko sa loob ang cellphone ko at dahan-dahang lumabas ng silid. Mabilis na mabilis ang tib0k ng puso ko. Sa elevator ako sumakay pababa para mas mabilis.
Tahimik na tahimik ang buong mansion at tanging ang tunog mula sa malaking orasan ang naririnig. Ngunit ang kabog ng dibdib ko ay sadyang malakas. Kailangan kong makaalis dito para umuwi sa amin. Dapat ay makausap ko si Daddy para malaman kung totoo ba ang sinasabi ni Hunter.
Nakalabas na ako ng main door at parang magnanakaw na mabilis na tumakbo patungo sa amin gate. Malakas akong napasinghap at napalunok nang biglang tumayo iyong guwardiya. Iyong kasama niya ay mukhang tulog na nakadukmo sa lamesa.
"Ma’am? Saan po kayo pupunta? Alas-tres pa lang po ng madaling araw, ah?” panisn nito sa akin. Pero naiirita ako na nakita niya ako, kaya para maitago ko ang matinding kabang nararamdaman ko ay mataray ko siyang tiningnan.
Nanlaki naman ang mga mata niya at napayuko. Tila nahiya siya dahil sa biglang pagbabago ng ekpresyon sa mukha ko.
“Aalis ako at hindi ko naman siguro kailangang magpaalam sa iyo, hindi ba?” mataray kong angil sa kaniya. Kita kong kinabahan ito.
“S-Sorry, Ma’am,” hinging dispensa agad nito.
“Ano pa’ng ginagawa mo? Buksan mo na ang gate,” utos ko sa kaniya. Nanatiling malamig at masungit ang tono ko, pero sa totoo lang ay nanginginig ang mga tuhod ko.
“Eh, Ma’am alam po ba ni Sir na aalis kayo? Baka mapagalitan po ako lalo na at wala kayong dalang sasakyan. Wala naman pong dumaraan na taxi dito saka–”
“May susundo sa akin! Bubuksan mo ba iyong gate o aabalahin mo pa ang oras ko?” asik ko na sa kaniya. Kinakabahan kasi ako lalo dahil baka magising si Hunter at mapagtanto niyang wala na ako sa tabi niya.
“Sige po, Ma’am. Bubuksan ko na po. Sorry po,” muli ay kabadong saad niya. Hindi na ako sumagot pa at pinanood siyang buksan iyong mas maliit na gate.
Pagkabukas na pgkabukas niyon ay mabilis akong tumalilis. Hindi ko na nilingon pa ang bahay at mabilis na lumakad palayo hanggang sa halos mapatakbo na ako.
Ang natatandaan ko ay sa dulo nitong kanto na ito ay may mga dumaraang sasakyan. Lakad takbo ang ginawa ko at halos maiyak ako sa tindi ng kabang nararamdaman ko. Malamig ang panggabing hangin kaya lalong lumalala ang panginginig ng katawan ko.
Masakit pa rin ang pagitan ng mga hita ko pero hindi ko na iyon inalintana pa. Nakahinga ako nang maluwag nang marating ko ang kalsada. Hingal na hingal at pawis na pawis ako. Ngunit tahimik ang buong kalsada at walang ni isang dumaraang sasakyan.
“Ano ba kasing lugar ito? Nasa Maynila pa rin ba ako?” pabulong na tanong ko sa sarili. Lumakad pa ako palayo at nagbabakasakaling may mapadaang sasakyan. Pagkatapos ay inilabas ko ang cellphone ko para tawagan ang driver ko.
“Hello, Ma’am?” gulat na tanong nito nang sagutin na ang tawag ko. Base sa boses niya ay nagising ito mula sa pagkakatulog.
“Mang Gaudencio, pakisundo ni’yo po ako,” mabilis kong pakiusap sa kaniya.
“Nasaan po ba kayo, Ma’am?” tanong nito agad. Nakarinig ako ng kaluskos. Siguro ay bumangon na ito sa kinahihigaan.
“Hindi ko nga po alam kung nasaan ako ngayon, eh. Teka lang po, check ko lang sa locator’s–ay!” malakas akong tumili nang may biglang umagaw sa cellphone na hawak ko.
“Woah! Sobrang ganda, ah!” saad noong lalaking humablot ng cellphone ko. Pagkatapos ay pinatay niya iyon.
“Teka lang, sino ka?” galit kong tanong sa kaniya. “Ibalik mo sa akin iyang phone ko!” bulyaw ko pa.
Ngunit nanlaki ang mga mata ko nang sa isang madilim na bahagi ay lumabas ang tatlo pang lalaki na pawang lasing yata. Hindi ako sigurado pero mapupungay ang mga mata nila at bahagyang namumula.
“Uyy, pare, ang gandang chix naman nitong nakilala mo. Hi, Miss, ako si Richard. Ano’ng pangalan mo? Bakit ka nag-iisa rito ng ganitong oras? Galing ka rin ba sa bar?” tanong noong bagong dating na lalaki.
Kinikilabutan naman ako sa mga titig noong mga kasama niya sa akin kaya napapaatras ako.
“Ibalik mo na iyang cellphone ko,” utos ko roon sa unang lalaki kanina. Nakangisi ito habang hawak pa rin ang cellphone ko.
“Ito ba? Heto, kunin mo?” inilahad niya ang kamay sa akin para iabot iyon. Lumapit naman ako para sana kunin sa kaniya iyon, ngunit bago ko pa man mahawakan ay hinablot niya ang kamay ko.
“Bitiwan mo ako!?” asik ko sa kaniya. Pinaligiran nila akong apat kaya agad akong kinabahan.
“Sumama ka na lang sa amin, Miss. Promise, paliligayahin ka namin,” mapanghibong saad noong Richard. Nagtindigan ang mga balahibo ko sa sinabi niya.
“Hindi ako sasama sa inyo! Bitiwan mo ako!” pilit kong binabawi ang kamay ko mula sa pagkakahawak ng lalaki.
“Ganitong babae ang gusto ko. Maganda na, palaban pa. Alam mo ba, mukhang ang sarap-sarap mo. Sobrang sexy mo, eh!”
Nandiri ako sa sinabi nitong lalaking nakahawak nang mahigpit sa kamay ko.
Dahil talagang kinakabahan na ako ay ginamit ko ang lakas ko at tinadyakan ang binti niya.
Malakas itong napadaing at nabitiwan ako. tinawanan pa siya ng mga kasama niya. Agad ko namang itinulak iyong lalaking nakaharang sa gilid ko. Sumuray ito palayo kaya ginamit ko ang pagkakataong iyon para makatakbo.
“Miss, huwag ka nang magpagod na tumakas. Wala ka ring mapupuntahan! Sinasayang mo lang ang lakas mo. Sa kama mo na lang gamitin iyan,” nakakalokong tawag sa akin noong Richard. Dinig ko pa rin ang daing noong lalaking sinipa ko at ilang beses pa itong nagmura.
Mabilis akong tumakbo habang nanalangin na sana ay may dumating na sasakyan para tulungan ako. O kahit ibang tao na lang. Puro maluluwang na bukirin at mga lote ang nandito. Wala man lang kabahayan. Saan kaya nanggaling ang mga demonyong lalaking iyon?
Naiiyak na ako sa takot noong makita kong bumilis na rin ang takbo nila. Binilisan ko pa ang pagtakbo dahil napakalapit na nila sa akin.
“Noooo!” tili ko nang maramdaman ang isa sa kanila na naabot ang mahabang buhok ko.
“Pinapahirapan mo pa kami, ah! Lagot ka sa akin ngayon,” sabi noong isang lalaki at bigla akong niyakap saka binuhat at isinampay sa balikat niya.
“Bitiwan mo ako hayop ka! Tulong! Tulungan ni’yo ako!” nagsisigaw ako habang pinagsusuntok ang lalaking may bitbit sa akin.
“Kahit magsisigaw ka pa, walang makakarinig sa iyo rito. Mamaya, sa kama ka sisigaw nang malakas. Lahat ng butas mo papasukin namin!” nakakalokong pahayag pa nito kaya lalo akong nahintakutan.
“Teka, pare, sigurado ba kayo rito? Mukhang mayaman ang babaeng iyan. Baka mapahamak tayo riyan,” narinig ko naman ang nag-aalalang tanong ng isang kasama nila.
“Umiral na naman ang kaduwagan mo! Nakita mo ba kung gaano kakinis at kaganda ang babaeng ito. Kahit araw-arawin ko ito, siguradong hindi ako magsasawa,” tumatawang asik noong lalaking may buhat sa akin. Nakitawa naman iyong dalawa pang lalaki.
Ako naman ay hindi tumitigil sa pagpupumiglas hanggang sa gulatin kami nang malakas na ugong mula sa isang sasakyan na halatang napakabilis ng takbo.
Muli akong napatili ng ubod lakas nang walang kagatol-gatol na banggahin ng sasakyan ang mga lalaking kasama nitong may buhat sa akin. Mabuti na lamang at nakaiwas pa ang mga ito at hindi malala ang naging tama nila.
Ngunit hindi pa tumigil ang sasakyan at sa amin naman ito umandar palapit. Sa takot nitong lalaking may buhat sa akin ay binitiwan niya ako at balak tumakbo ngunit nabangga na siya noong sasakyan.
Nagtakbuhan sa kung saan iyong mga kasama niya habang siya ay hindi makabangon mula sa pagkabagsak sa lupa. Napasinghap ako nang bumukas ang humintong sasakyan at lumabas ang sakay nito saka pabalibag na isinara iyon. Nang tingnan ko kung sino iyon ay halos huminto sa pagtibok ang puso ko.
“H-Hunter…”
Galit na galit ang hitsura nito na parang isang mabangis na demonyong handang pumatay. Akala ko ay lalapitan niya ako ngunit iyong lalaki ang nilapitan niya at marahas itong ibinangon hawak ang kuwelyo nito.
***
Guys,
grabe kayo huhu
I just receive a Best Author of the Year Award tonight. At iyan ay dahil sa suporta ninyo. Hindi ko talaga alam kung paano kayo pasasalamatan sa pagtangkilik ninyo sa mga gawa ko. Maraming-maraming salamat talaga!!!