“Boss tama na! Tama na! sorry na!” pagmamakaawa ng lalaking may hawak sa akin kanina. Hindi ko alam kung sino ang mga lalaking ito na kasama na ngayon ni Hunter.
Dinala ng mga ito iyong mga lalaking nagtakbuhan kaninang dumating sila. Pinanood lang nila si Hunter na bugbugin ang mga ito hanggang sa mga lupaypay nang nakahandusay sa lupa.
“Who gave you the f*****g right to even touch my girlfriend? I can kill all of you now and throw your bodies in the middle of the ocean. Do you like that?” malakas na bulyaw ni Hunter sa kanila. Kahit nanghihina ay takot na takot na umiling ang mga ito. Lalo na iyong lalaking may hawak sa akin kanina.
“Boss, sorry na. Patawarin mo na kami. Hindi na kami uulit,” umiiyak na pagmamakaawa ng lalaki. Isang malakas na tadyak pa ang ibinigay ni Hunter sa kaniya kaya malakas itong umigik.
“Huwag na huwag na ulit kayong magpapakita sa akin kahit kailan. Kahit anino ni’yo ay ayaw kong makita, dahil kapag nagkrus ulit ang mga landas natin, babalatan ko na kayo ng buhay!” banta ni Hunter sa kanila na lalong nagpasidhi ng takot sa mga mukha nila. maging ako ay nanghilakbot sa banta niyang iyon. Kaya ba talaga niyang gumawa ng ganoong bagay?
Pagkatapos niyon ay galit na bumaling sa akin si Hunter kaya napasinghap ako. Sunod-sunod akong lumunok habang pinapanood siyang lumapit sa akin.
“Let’s go!” asik niya at saka pahablot na kinuha ang kamay ko at hinila na ako papunta sa sasakyan niya at mabilis na pinasakay doon.
Mabilis niyang pinahigibis ang sasakyan at wala pang isang minuto ay nakabalik na kami sa mansion. Ni wala akong lakas ng loob para huminga man lang yata nang maayos. Kabadong-kabado ako.
Madilim na madilim ang mukha ni Hunter at salubong ang mga kilay. Mababakas talaga ang matinding galit sa mukha niya. Kaya noong ipagbukas niya ako ng pintuan ng sasakyan ay hindi ko na hinintay pa na alalayan niya ako. Kusa akong bumaba at tahimik lang. Ngunit muntik na akong matumba dahil nga nanginginig pa rin ang mga tuhod ko. Mabuti na lamang at mabilis niyang nahawakan ang braso ko.
Muli niyang hinawakan ang kamay ko at hinila na ako papasok sa loob ng bahay. Dire-diretso kami hanggang sa marating ang silid. Pagdating doon ay padarag niya akong binitiwan sa may sofa kaya doon ako napaupo.
“What the hell were you thinking of going out at this hour, Charice? Paano pala kung hindi ako ginising at sinabihan ng mga tauhan ko na umalis ka? Ano kaya sa palagay mo ang nangyari sa iyo ngayon?” namumula sa galit ang mukha na tugis niya sa akin. Hindi ako makatingin sa mukha niya dahil hindi ko kayang salubungin ang matinding galit na nakikita ko roon.
“I just want to go home,” nausal ko at tuluyan na akong naiyak.
Naghalo-halo na ang lahat ng nararamdaman ko kaya wala na akong ibang nagawa kung hindi ang umiyak nang umiyak. I felt so down that I couldn’t keep myself from bursting.
Muntik na akong mapahamak kanina at tila ba panibagong kapahamakan na naman ang kakaharapin ko sa mga kamay ni Hunter dahil galit na galit din siya sa akin ngayon.
“Shhh… calm down now. I am sorry for scolding you. I was just worried especially when I saw those guys trying to take you.”
Nagulat ako nang maupo siya sa tabi ko at yakapin ako palapit sa kaniya. Wala na ang mataas at galit na boses niya na gaya kanina. Ngayon ay banayad at maamo na maging ang mukha niya.
Dahil doon ay lalo lang akong naiyak. Humigpit naman ang pagkakayakap niya sa akin habang marahang hinahagod ang likod ko. Ayaw ko munang mag-isip ng kung ano-ano. Ang gusto ko lang ay pakalmahin ang sarili ko sa matinding takot na dinanas ko kanina.
Hindi ko alam kung gaano ako katagal na umiiyak. Ngunit nang kumalma na ako ay inayos ko ang pagkakaupo.
“Dimpz, are you alright now?” tanong niya sa akin. Tinawag niya ulit ako sa palayaw ko. Sa pagkakataong ito ay mas malambing na ang boses niya kaya lalo akong kinakabahan. Bakit biglang nagbago ang tono niya?
“Hunter, gusto ko nang umuwi please,” pakiusap ko. Sumisinok-sinok pa rin ako dahil sa katatapos ko lang na pag-iyak.
“Fine. You will, after you gave me yourself wholeheartedly,” seryosong tugon niya. Napatingin ako sa mukha niya at wala akong nakikitang anumang pagbibiro roon.
“Ano’ng ibig mong sabihin?” kinakabahan na namang tanong ko.
“I will f**k you to my heart’s content, and you will respond to me accordingly. Kasama naman iyon sa napag-usapan natin, di ba? Hindi naman puwedeng sa tuwing magtatalik tayo ay mapipilitan ka lang. I want us to do it and you have to do your share as well,” walang kagatol-gatol na pahayag niya.
Iyon ang isa sa ikinagagalit niya kanina. Hindi niya makuha ang pagtugon na nais niya mula sa akin. Paano ako tutugon kung hindi naman niya ako tinatrato ng maayos? Ni hindi niya sinasabi sa akin kung ano ba ang naging kasalanan ko sa kaniya na sanhi ng galit siya.
“Kung gano’n, sabihin mo sa akin kung ano ang ikinagagalit mo sa akin? Bakit kung tingnan mo ako ay parang ang laki-laki ng kasalanan ko sa iyo?” lakas loob kong tanong. Siya naman ang natigilan at mabilis na nag-iwas ng tingin.
“I am not in the mood to talk about it now. Ayaw kitang saktan ulit kaya huwag mo munang ipapaalala sa akin iyan. I just need your ‘yes or no’, tapos ang usapan,” aniya. Nanlaki naman ang mga mata ko.
“So, may ikinagagalit ka nga? Bakit hindi mo sabihin sa akin? Ano ba talaga’ng problema mo? Kailan lang tayo nagkakilala kaya sigurado akong wala akong nagawang anumang kasalanan sa iyo para–”
“I said, shut the f**k up! Shut up! Damn it!” pabulyaw na putol niya sa akin. Napanganga naman ako at biglang nanumbalik ang matinding takot na nararamdaman ko kanina.
Tila naman nagbago ang ekspresyon niya nang makita ang takot sa mukha ko. Kitang-kita ko ang dumaang awa sa mga mata niya ngunit mabilis niya iyong winala. Marahas siyang nagbuga ng hangin at halatang pinakakalma ang sarili. Ano bang problema nitong si Hunter? Hindi kaya bipolar o may multiple personality disorder ang lalaking ito?
Iyong tipong bigla-bigla na lamang nag-iiba ang pag-uugali na gaya ngayon. Sa totoo lang hindi na normal ang mga ikinikilos niya, lalo na at wala naman talaga akong nalalamang naging kasalanan ko sa kaniya.
“I want you. I really do. So, give yourself to me wholeheartedly, Charice. And I will treat you like my queen. You will be my queen,” saad niya. Lumapit siya sa akin at hinaplos ang pisngi ko. Pero sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang totoong mararamdaman.
“Kapag ibinigay ko sa iyo ang sarili ko, papayagan mo na ba akong umuwi?” medyo garalgal ang boses na tanong ko.
“Temporarily. Remember I will be your future husband. Ano pa man ang mangyari, sa akin ka pa rin naman uuwi,” nakangising sabi niya. Tama nga naman.
“A-Anong gagawin ko?” kinakabahang tanong ko. Mahina siyang tumawa pero lalo lang akong kinabahan.
“For now, kiss me. Make me want to kiss you back. Akitin mo ako, Charice. You’re good at it, right? You’re a model. It’s your job to make me want you,” sabi niya. Pagak akong natawa sa tinuran niya. Hindi ko alam kung iniinsulto o minamaliit ba niya ako at ang trabaho ko sa sinabi niya.
“Hindi ako pokpok, Hunter! At ang pagmomodelo ay hindi gaya ng iniisip mo!” pagalit kong sagot sa kaniya.
“I didn’t say that. At hindi kita tinitingnan bilang isang mababang uri ng babae. So now, start,” saad niya at saka tinungo ang kama at naupo sa gilid niyon.
Kumabog naman ang dibdib ko at ilang beses akong napakurap. Ano bang ibig niyang sabihing kailangan ko siyang akitin? Ang kapal naman ng mukha niya sa part na iyon.
Pero wala akong magagawa kung sakali. Kapag hindi ako pumayag sa gusto niya ay baka magalit na naman ito at kung ano na naman ang maisipan niyang gawin sa akin.
Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya kahit na parang may nag-uunahang kabayo sa dibdib ko sa lakas ng tib0k nito.
“You really are so beautiful, Dimpz. I don’t think I could resist you,” namamaos na sambit niya. Kinuha niya ang isang kamay ko at hinalikan ang kamao ko.
“H-Hindi ko alam ang gagawin,” pag-amin ko. Pakiramdam ko, mukha akong tanga ngayon. Paano ko ba siya aakitin? Hindi ko pa iyon nagawa sa buong buhay ko.
“Kiss me. Kiss me hard and deep,” utos niya.
May nginig ang mga kamay kong humawak sa magkabilang gilid ng ulo niya. Pagkatapos ay unti-unting bumaba ang mukha ko para halikan siya. Pumikit siya kaya pumikit na lang din ako bago tuluyang maglapat ang mga labi namin.
Sinubukan ko siyang halikan sa paraang alam ko. Agad naman niyang tinugon iyon. Halos marinig ko na ang malakas na pintig ng puso ko.
Napasinghap ako nang dumako ang isang braso niya sa baywang ko at igiya akong maupo sa kandungan niya. Napadilat ako nang maramdaman ang bukol niya na sinadya niyang isentro sa p********e ko.
“Damn!” ungol niya at dumiin ang paghalik niya sa akin. Ang isang kamay niya ay nasa batok ko.
“Hmmn…” ako naman ang kusang napaungol nang igalaw niyang ang balikat niya at sumagi ang matigas niyang bukol sa p********e ko. Isang estrangherong kiliti ang gumapang mula roon paakyat sa puson ko.
Ngayon ko lang naramdaman ang ganito at dama ko ring tila unti-unti akong namamasa roon. Iniisip ko na lang na kapag pumayag ako sa gusto niya ay papayagan na niya akong umuwi. Kailangan kong makausap ang Daddy ko para malaman ko ang totoo.
Humihingal ako nang pakawalan niya ang mga labi ko. Tumitig siya sa akin at kitang-kita ko ang apoy ng pagnanasa sa mga mata niya.
“It’s unfair, right? Hindi mo na ako kailangan akitin. Haplos mo pa lang nadadarang na ako,” nakangising bulong niya at hinubad ang suot kong damit. Umiwas ako ng tingin dahil kinakabahan ako.
Niyakap ko ang sarili nang ganap na maging hubo’t hubad na ako sa harapan niya. Isa-isa rin niyang inalis ang lahat ng saplot niya pagkatapos ay hinaplos ang mga bisig ko.
“You are so beautiful, Dimpz. You have the most incredible body I’ve ever seen. Ako lang ang puwedeng makakita ng lahat-lahat sa iyo. Naiintindihan mo?” utos niya sa akin. Tumingin ako sa kaniya at mababakas sa mukha niya ang pagbabanta.
“You are mine from now on and forever, Charice. Don’t you ever dare cheat on me or I will kill you and your man!” mariing pahayag pa niya pagkatapos ay binuhat ako. Kumabog na naman ang dibdib ko nang ipulupot niya ang mga hita ko sa balakang niya.
“H-Hunter…” tila nahihintakutang tawag ko sa kaniya. Naramdaman ko kasing ipapasok na niya ang bagay niya sa akin.
“Don’t worry, I will be gentle this time. I am sorry for hurting you, knowing that it was your first time. Huwag mo na ulit akong gagalitin, okay?” sambit niya. Malambing ang tinig niya. Kahit napipilitan ay pinili ko na lamang ang tumango. Baka kasi magalit na naman siya at saktan ulit ako.
“O-Okay…” ipinikit ko ang mga mata ko at hinayaan siya sa kaniyang gagawin. Ngunit iyong akala kong papasok na siya sa akin ay hindi pa pala. Isinubo niya ang isang u***g ko at parang sanggol na dumede roon.
Napanganga ako dahil sa kakaibang sensasyon na lalong kumiliti sa p********e ko. Dama kong lalong kumatas iyon at tila ba naiibigan ang ginagawa ni Hunter ngayon sa dibdib ko. Bumagal maging ang mga paghinga ko at kahit anong pigil ko ay kusang umalpas ang ungol mula sa akin.
“s**t! I love your t**s,” bulong niya at lumipat sa kabila. Napasabunot na ako sa buhok niya dahil maging ang ubod ng p********e ko ay pumintig at tumindi ang kuryenteng dumadaloy pababa sa sentro ng katawan ko.
“Oh…” daing ko nang maramdaman ang dulo ng p*********i niyang tumutusok sa b****a ng basa kong lagusan. Patuloy lang siya sa ginagawa kaya para akong nangingilo.
“Ipapasok ko na,” bulong niya sa akin. Mariin lang akong nakapikit at tumango. Malakas na singhap ang kumawala sa mga labi ko at wala sa sariling nakayakap ako sa kaniya.
Muli ay napadaing ako sa hapding dulot ng unti-unting pagpasok niya sa akin. Walang dahas ang ginagawa niya ngunit sadyang malaki talaga ang alaga niya na ngayon ay bumabanat sa makipot kong butas.
“s**t! You are so damn tight! Ipapasok ko na lahat. Hindi ko na matiis,” paos niyang saad. Maging siya ay tila nahihirapan sa ginagawang pagpasok sa akin.
“Ouch! Ahh! Wait… ah!” gusto ko siyang pigilin ngunit tuluyan na niyang isinagad ng buo ang p*********i niya sa kaloob-looban ko. Nanginig ang mga hita kong nakapulupot sa balakang niya.
“I will move slowly now so you can adjust with me,” usal niya. Nasundan iyon ng nasasarapang ungol habang ako ay lukot ang mukha at kagat-kagat pa rin ang pang-ibabang labi ko.
“Hunter, please be gentle. Masakit talaga,” naluluhang pakiusap ko. Tumango siya at kasunod niyon ay muli niya akong siniil ng halik. Tinugon ko naman iyon.
Habang lumalalim ang halikan namin ay bumibilis na rin ang mga paggalaw niya. Surprisingly, I am slowly adjusting with his length and thickness. The pain is also gradually fading, and a strange sensation is forming in my womb.
“Damn! This is so good! Ang sarap mo, Dimpz!” ungol niya. Bakit gano’n? Parang ang sexy nang pagkakasabi niya sa palayaw ko. Nagtatayuan ang mga balahibo ko dahil kasabay ng unti-unting pagkawala ng kirot ay ang kiliti na ngayon ay parang pumupugto ng hininga ko.
“Oh, Hunter!” tawag ko sa kaniya nang bigla siyang sumagad at mabilis na bumayo. Tumatama ang likod ko sa malamig na pader ngunit wala roon ang konsentrasyon ko kung hindi sa masarap na pakiramdam na ngayon ko lang naramdaman sa tanang buhay ko.
“Go, Dimpz. Moan my name again and I will pleasure you more,” nang-aakit na bulong niya. Sumikip ang lagusan ko at lalong nanigas ang mga u***g ko. Para kasing may kung ano bagay ang sasabog sa sinapupunan ko dahil sa mabilis at sagad niyang mga pagbayo.
“Hunter! Ahh, Hunter! Oh, God! Ahh…” tila ba sinasadya niyang lalong bilisan kaya lalong humihigpit ang p********e ko. At ilang malalakas na bayo pa ay talagang narating ko na ang kasukdulan.
Hindi ko na makilala ang sairli kong boses sa kauungol ko. Tila naman lalong ginaganahan si Hunter dahil ngayon ay mas nagiging mabangis na ang mga pag-ulos niya. Nasasaktan pa rin ako lalo na kapag sumasagad siya nang husto sa loob ko pero agad din iyong pananaigan ng kilabot.
Hindi ko alam kung ilang beses akong nilabasan bago siya nagpaputok sa loob ko. Muntik pa akong mapasigaw sa pagtilamsik ng mainit niyang katas sa loob ko. He unloaded so much liquid inside me and it only made me feel more and more pleasurable sensation.
Pagod na pagod ako kaya napayakap ako sa kaniya at inilubog ang mukha ko sa leeg niya. Nasa ganito kaming posisyon ng ilang minuto bago niya iniangat ang mukha ko at muli akong hinalikan ng mariin. Tumagal din iyon ng ilang minuto pero hindi na ako makatugon dahil talagang inaantok na ako.
Ang huli kong namalayan ay inihiga niya ako sa kama at nilinisan. Noong mabihisan na niya ako ay ramdam kong tumabi siya sa akin at niyakap ako. Tuluyan na akong iginupo ng pagod at antok pagkatapos niyon.
Kinaumagahan ay nagising ako dahil direktang tumatama ang sinag ng araw mula sa malaking salamin na bintana. Nakabukas na kasi ang kurtina niyon kaya nasisilaw ako sa liwanag na nangmumula sa labas.
Nag-iisa na lamang ako sa kama. Ngunit nang pababa na sana ako ay bumukas naman ang pintuan ng silid at bumungad agad doon si Hunter. Nakangiti ito at mukhang ‘in good mood’.
“You’re awake. Napagod ba kita ng husto?” tanong niya at mabilis na lumapit sa akin saka ako kinintalan ng halik sa mga labi.
“Maliligo lang ako,” sagot ko naman. Tumango siya at napatda ako nang bigla niya akong buhatin. Natawa pa siya nang makita ang takot sa mukha ko.
“Don’t worry, I will not f**k you. Ihahatid ko lang sa banyo ang reyna ko,” malambing pa niyang saad. Kumunot tuloy ang noo ko. Mukhang mabait siya ngayon at walang saltik. Hinayaan ko na lang at baka magalit pa siya kapag kinontra ko.
Mahigit isang oras ang itinagal ko sa banyo. Paglabas ko ay maayos na maayos na ang kama. Napahinto pa ako nang tumunog ang tiyan ko. Kumakalam na iyon dahil hindi nga pala ako nakapaghapunan ng maayos kagabi.
Nagbihis ako pagkatapos ay lumabas. Hindi na ako nag-abalang tuyuin pa ang buhok ko kahit kumpleto sa lahat ng gamit pambabae ang silid na iyon.
“Breakfast is ready!” salubong sa akin ni Hunter paglabas ko ng bedroom. Actually, isang malaking kuwarto lang itong master’s bedroom pero may sariling silid iyong tulugan at walk-in closet. Kaya paglabas ko ay naririto na ako sa pinaka-mini living room sa loob nitong kuwarto.
“Ang dami naman yata. Hindi ako puwedeng kumain ng marami,” may pag-aatubiling saad ko. Hindi lumalampas sa 1000 calories ang kinakain ko sa loob ng isang araw.
“You were exhausted the past night, that’s why you need to eat right today. Come on,” sagot naman niya. Napalunok ako.
“H-Hunter, please. I am very strict with my diet. Kakainin ko lang iyong kaya ko, okay?” pakiusap ko naman. Hindi siya agad sumagot at tumitig sa akin.
“I want you to have more flesh, Dimpz. Kaya dagdagan mo ng kaunti ang kinakain mo. Isa pa, wala ka namang trabaho ngayon kaya hindi mo kailangang mag-diet,” sabi pa niya.
Pigil na pigil ko ang sariling sumagot dahil natatakot akong magalit siya. Kaya naupo na lamang ako at susubukang gawin ang sinabi niya. Kapag naparami ako ng kain ay magwo-workout na lang ako ng mas matagal mamaya.
“Pagkatapos nating kumain ay uuwi tayo sa inyo gaya ng gusto mo. Pagkatapos ay babalik din tayo rito. Saka na lang tayo ulit uuwi sa Sabado, sa araw ng birthday mo,” maya-maya ay banggit niya habang kumakain na kami.
Pinapanood ko siya at namamangha ako sa lakas niyang kumain. Malalaki ang subo niya at talagang ine-enjoy niya iyong kinakain niya. Pero maganda ang katawan ni Hunter. Ito iyong mga klase ng katawan na maglalaway ang kahit na sinong babae. Idagdag pa iyong napakaguwapo niyang mukha.
“Nakikinig ka ba sa sinasabi ko Charice Dimple?” untag niya sa akin kaya napasinghap ako sa gulat. Kunot-noo ko siyang tiningnan.
“H-Ha? Ano na ulit iyong sinasabi mo?” tanong ko. Nawala ako dahil sa malalim na pag-iisip ko.
“I said, we can go to your house today, and then we will come back here. Saka ka na lang ulit babalik sa inyo kapag araw na ng birthday mo,” ulit niya sa sinabi kanina. Nanlaki naman ang mga mata ko.
“Hunter, may iba pa akong engagement dito. Isa pa, gusto ko ring makasama iyong ibang mga friends ko rito sa Pilipinas na matagal kong hindi Nakita. Please, Hunter…” hiling ko.
Dumilim naman ang mukha niya kaya napalunok ako. Ibinaba ko ang paningin ko dahil ayaw kong salubungin ang tingin niya.
“What friends? The kind that you have in London? Those who will command you to have s*x with a guy of their choosing?” galit niyang tanong agad. Mabilis naman akong umiling.
“No, no! Hindi sila gano’n. Masiyado lang talagang liberated ang mga kaibigan ko sa London kaya gano’n. Pero never kong sinunod ang mga gusto nila. Nakikisama lang ako. Sa palagay ko naman ay alam mo ang ibig kong sabihin,” paliwanag ko naman agad. Nagsalubong ang kilay niya pero halata namang naunawaan niya ang sinasabi ko.
“Ano’ng ginagawa mo sa mga lalaking sinasamahan mo dati at napanatili mo ang pagiging virgin mo?” seryososong tanong niya. Nag-init naman ang mukha ko, ngunit kailangan ko siyang sagutin.
“Well, iyong iba nilalasing ko muna ng husto saka ko tinatakasan. Minsan nagbabaon talaga ako ng pampatulog na gamot at inihahalo sa inumin nila, Pagkatapos ay iiwan ko na sila,” pagtatapat ko. Tumaas naman ang isang kilay niya.
“Bakit hindi mo ginawa sa akin iyon?” tugis niya.
“Well, I was about to go, but you caught me. And then, you knew what happened next,” sagot ko. Alam kong lalo akong namumula sa pinag-uusapan naming ngayon.
“Fine. Pero sasama ako sa lahat ng pupuntahan mo. At hindi ba sinabi kong hindi ka na puwedeng magtrabaho pa?” paalala niya sa akin.
“Napirmahan ko na kasi ang kontrata ng mga iyon bago ka pa ipakilala ni Daddy sa akin,” depensa ko naman. Pero sa totoo lang ay wala pa talaga akong pinipirmahan. Ngayon ay gusto ko nang tanggapin para lang makatakas sa kaniya kahit sandali. Bumuntong-hininga siya.
“Fine! As long as you are obedient of me, hindi tayo magkakaproblema. Sige na, kumain ka pa,” pagpayag niya. Napangiti baman ako dahil doon at kumalabog ang dibdib ko dahil sa excitement.
“Thank you, Hunter!” sambit ko pa. Nabura ang ngiti ko nang ituro niya ang labi niya.
“Kiss me. I think I deserve a prize,” sabi niya. Napalunok na naman ako. Sa huli ay tumayo ako at lumapit sa kaniya. Hinalikan ko siya sa mga labi. Simpleng halik lang sana iyon pero nauwi sa mahigit sampung minutong make out session. Kinabahan pa nga ako dahil akala ko ay may mangyayari na naman sa amin. Mabuti na lang at nakapagpigil si Hunter.
***
Natapos na ang mga sunod-sunod na program at mga activities, puwede na mag-daily update. Pasensya na guys ha? Di bale, balik daily update na ako.
Maraming-marmaing salamat din po sa mga pagbati ninyo. Libo-libo ang writers at sampu lang kaming nabigyan ng Author of teh Year Award. Iyan ay dahil sa suporta ninyo na sobrang bongga... Sana nga ay mas pagpalain pa kayo ng Amang Diyos.
Sa mga hindi pa po naka-follow sa akin, beke nemen hehehe Search nio lang po Pen Name ko Miss Thinz.
Thank you nga rin po pala sa mga nagpre-Order ng The Wife's Misery Physical book. Pati iyong sa Desired by the Billionaire Heir: Riot Men Series #21. Iba talaga kayo, eh!!!