Chapter 7 Change

4398 Words
“Teka, saan ka pupunta?” tanong ko. Bigla kasi siyang huminto sa isang gilid ng daan na may hilera ng iba’t ibang puwesto. “I’ll be quick,” sagot lang niya at bumaba na. Sinundan ko ng tingin kung saan siya pupunta at nakita kong pumasok na siya sa isang flower shop. Hinayaan ko na lang siya. Sumandal ako saka ipinikit ang mga mata ko. Medyo inaantok pa kasi ako. At gaya nga ng ipinangako niya sa akin, pauwi kami ngayon sa bahay. Muli akong napadilat noong muling bumukas ang pintuan ng sasakyan niya. May dala na si Hunter na dalawang bouquet ng mga bulaklak. “This one is for you. Matagal na kitang gustong bigyan nito, kaya lang nauna ang init ng ulo ko. I am very sorry,” iniabot niya sa akin iyong mas malaking bouquet. Tinanggap ko naman iyon ng may pagtataka. Yes, I am confused that he is suddenly becoming so nice to me. I saw the deep anger in his eyes. I felt it, especially when he forced himself to me. “Para kanino iyang isa?” napagpasiyahan ko na lang na tanungin para alisin iyong awkward feeling na nararamdaman ko ngayon. “For your mom. Siyempre dapat lagi akong good shot sa kanila,” nakangiting sagot niya at maingat na inilapag sa backseat iyong isang bouquet. Napatingin ako sa mga bulaklak na hawak ko saka bumaling sa kaniya. “Thanks for this,” saad ko. Ngumiti siya at dumukwang para halikan ako. “No problem. You can ask me anything you want,” sabi pa niya at muli akong hinalikan sa mga labi. Ngumiti na lamang ako at hindi na nagsalita pa. Sa totoo lang, mas kinakabahan ako sa biglang pagbait ni Hunter. Hindi ako sigurado, pero may kakaiba akong kutob. Siguro ay kailangan ko ng detective na mag-iimbestiga sa background ni Hunter. Pakiramdam ko kasi, noong sinasaktan niya ako, parang ang laki-laki ng galit niya sa akin. Ayaw naman niyang sabihin kung ano ang dahilan. Nasabihan ko na si Mommy na uuwi kami ngayon sa bahay kaya hindi na ako nagulat noong sumalubong siya sa amin sa main entrance ng bahay. “For you, Mommy,” malambing na sambit ni Hunter nang iabot ang bouquet sa Mommy ko. Maluwang ang ngiti namang tinanggap niya iyon. “Thanks, Hijo. Napaka-sweet mo naman,” komento pa ni Mommy habang inaamoy-amoy nioto ang mga bulaklak. “Tara na sa loob at medyo mainit dito sa labas,” yaya pa niya sa amin. Hinawakan ni Hunter ang kamay ko at sabay kaming sumunod kay Mommy. Pagkarating namin sa sala ay pilit kong binabawi ang kamay ko pero hindi iyon binitiwan ni Hunter. Napatingin pa ako sa kaniya pero ang mga mata niya ay nasa Mommy ko lang. “Mom, nasaan po si Daddy ngayon?” agad kong tanong. Ang makausap siya ang talagang pakay ko sa pag-uwi namin ngayon dito. “Naku, anak, kaaalis lang niya papuntang Singapore. Another business trip para roon sa bago nilang project sa Macau,” sagot naman ni Mommy. Agad akong nakaramdam ng pagkadismaya sa narinig. “Mom, totoo po bang nagkakaproblema ang kumpanya ngayon? Was I really sold to Hunter?” diretsahan ko nang tanong kahit nasa tabi ko pa si Hunter. Nagulat naman si Mommy at halatang nahihiya kay Hunter dahil sa tanong ko. Pero wala akong pakialam. Kailangan kong malaman ang totoo. “Well, since Hunter already told you, I must answer then,” panimula niyang sagot. “Yes. Nagkakaproblema ang kumpanya ngayon, pero hindi ibig sabihin noon na iyon ang dahilan kaya kayo magpapakasal ni Hunter. You are a good match that’s why your Dad chose him over other candidates,” dagdag pa ni Mommy. “I am sorry, Mommy for being so tactless. Medyo nagkatampuhan kasi kami ni Charice kaya nasabi ko sa kaniya iyon. But I’m sure that this marriage is not just about money,” biglang singit naman ni Hunter. Napatingin tuloy kami pareho ni Mommy sa kaniya. “Yeah. Well, sabi ng Daddy mo, matagal ka na raw may crush kay Dimpz kaya pumayag ang asawa ko na ikaw na lang ang piliin para sa kaniya,” tila kinikilig pang sabi ng Mommy ko. Nanlaki ang mga mata ko at nilingon ko si Hunter. Natawa ito habang tumatango. Pero bakit mas lalo akong kinabahan doon? “That’s right, Mommy. I was secretly admiring her from afar. I am just glad that she’s mine now. At walang sinuman ang puwedeng umagaw sa kaniya sa akin,” sagot ni Hunter. Mukhang hindi napansin ni Mommy dahil lumapad pa ang ngiti niya. Pero ako ay ramdam kong may kakaiba sa tono ni Hunter. “Dati mo na akong kilala?” hindi pa rin makapaniwalang tanong ko. “Sino ba naman ang hindi nakakakilala sa iyo? You are the most famous international super model of the country. You are admired and loved by so many fans around the world. Kaya imposible namang hindi kita makilala, hindi ba?” suwabeng sagot niya. Muli ay narinig ko ang mahinang tawa ni Mommy. “Ang sweet naman ng future husband mo, anak. Mukhang binakuran ka na pala agad at ginamit pa ang Daddy mo para talagang makuha ka niya,” komento ni Mommy. Habang ako ay hindi talaga maganda ang pakiramdam dito. Ngunit sa ngayon ay pinili kong ngumiti na lang muna. Hindi ako kumbinsido sa palusot na iyan ni Hunter. Kung totoong noon pa lang ay hinahangaan na niya ako, siguradong hindi niya ako sasaktan. Mas lamang pa nga iyong tila kagustuhan niyang saktan ako kaysa ang alagaan na katulad ng gusto niyang palabasin ngayon. “Thanks, Hunter. Sana nga ay hindi mo ako binobola lang sa pinagsasasabi mo,” sakay ko na lang sa kaniya. Malambing naman siyang ngumiti sa akin at hinalikan pa ang kamao ko sa harap ng Mommy ko. “Of course not!” sabi lang niya. May mga ilan pa silang pinagkuwentuhan ni Mommy. Mukhang kuhang-kuha niya ang kiliti ng Mommy ko at talagang magkasundong-magkasundo sila. Nagpahanda pa ng masarap na tanghalian si Mommy. Naririto ang dalawang kapatid kong babae, pero si Charles daw ay nasa bahay nina Kristine. Pagsapit ng hapon ay tumawag ang manager ko para ipaalam sa akin ang TVC na gagawin ko sa susunod na araw. Sinabi ko sa kaniyang tanggapin na iyon at ang iba pang offer para lang maging busy ako. “Where are you going?” pansin sa akin ni Hunter. Matamis ko naman siyang nginitian. “Magkikita kami ng manager ko. Kaya pupunta ako sa agency ko rito sa Pilipinas,” sagot ko. Sinabi ko kay Tita Sheya na sa office na kami magkita para mas maging pormal ang lahat at hindi maghinala si Hunter na wala pa naman talaga akong napipirmahang kontrata. “Ihahatid na kita,” presinta niya. Pinanatili ko ang ngiti ko saka tumango. “Okay. Ganiyan ka na ba o magbibihis ka pa?” Tiningnan niya ang sarili. “Don’t you think I look okay with my clothes now?” “Well, you look just fine,” sagot ko. Sa totoo lang, kahit ano naman yatang isuot niya ay bagay sa kaniya. Guwapo lang talaga itong si Hunter, idagdag mo pa iyang maganda niyang pangangatawan. Kaya lang may itinatago siyang masamang ugali na hindi alam ng iba. “Then, let’s go!” lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Hinayaan ko na lang siyang marahan akong hilahin palabas. Nag-chat agad ako sa manager ko na kasama ko si Hunter kaya dapat ay maging maingat sila na hindi nito malaman ang totoo. Pagdating namin sa agency ay nagulat ako na napakaraming fans at taga-media doon ang naghihintay. Mabilis ding bumaba si Hunter at tumabi sa akin. “You didn’t tell me there’s a lot of people here. Hindi tayo nagdala ng mga bodyguards,” bulong niya sa akin. Kinabahan tuloy ako. “I forgot,” mahinang tugon ko. “You forgot that you are very famous?” naaliw na saad naman niya. Oo nga naman. Bakit ko nga ba nakalimutang hindi naman ako gaya ng ibang normal na tao na puwedeng lumabas ng malaya nang hindi pagkakaguluhan ng mga fans. “Hi Miss Charice! Sino itong guwapong kasama mo? Is he your boyfriend?” tanong agad ng isang reporter. Nagtilian naman ang mga fans na halatang kinikilig nang marinig ang tanong ng reporter. Tumingin ako kay Hunter. “Shall I tell them the truth?” pabulong na tanong ko sa kaniya. Mahirap naman kasing sagutin ko iyon tapos ayaw naman pala niya. Private na tao si Hunter kaya kailangan ko muna ang permiso niya. “Sooner or later malalaman din naman nila. Kaya ayos lang naman sa akin,” pabulong din niyang sagot sa akin. “Nakakakilig, ang sweet-sweet ni’yo! Bagay na bagay po kayo, Miss Charice!” tili na naman noong isa sa mga fans. Nahuli kong napangiti si Hunter dahil doon. Masaya siya? Ngayon ay nakabarikada na ang mga security personnel nitong building kaya hindi na sila makalapit sa amin ni Hunter. “Miss Charice? Puwede ba naming malaman kung sino itong hottie na kasama mo?” tanong pa ulit ng isang reporter. Sa pagkakataong ito ay nakangiti na akong humarap sa kanila kaya lalo silang naging alerto at nakatutok na sa amin ang mga camera at cellphones nila. “Well, yes. He is my boyfriend,” pakilala ko kay Hunter. Muntik pa akong mautal kasi kinakabahan ako. Bakit ba ako kakabahang ipakilala si Hunter? He came from a well-off family kaya wala naman sigurong magiging problema. Lalong lumakas ang kinikilig na tilian. Naging sunod-sunod din ang mga tanong ng mga taga-media at halos hindi ko na alam kung alin sa mga iyon ang sasagutin. “Puwede ba naming malaman ang pangalan niya? Grabe, ang guwapong boyfriend naman niyan!” maluwang ang ngiting tanong noong babaeng reporter na kanina pa tingin nang tingin kay Hunter. Naka-dark shades si Hunter pero alam kong nakatutok lang ang paningin niya sa akin. “Siya si Hunter Eliazon,” tugon ko lang. Nagulat naman ako nang magkani-kaniyang search ang ilan sa mga cellphone nila. Hanggang mamaya ay may mga namimilog na ang mga mata at awang ang mga labi nang muling bumaling kay Hunter. “Oh, my God! He is the heir of Diamond Paradise Hotel!” bulalas ng isa sa kanila. Umingay ang paligid at umugong ang maraming bulong-bulungan. “For now, we will not entertain any more questions,” pormal na saad agad ni Hunter. Napasinghap ang ang ilan sa kanila dahil sa malalim at baritonong boses ni Hunter. Simple lang iyong pagkakasabi niya niyon pero talagang ramdam mo iyong awtoridad. Wala na silang nagawa pa nang igiya na ako ni Hunter papasok sa building ng agency. Marami ang nagreklamo dahil marami pa sana silang itatanong. Ngunit hindi na sila pinansin ni Hunter at tuloy-tuloy lang ito sa paglalakad habang nakayakap ang isang braso sa baywang ko. Kumaway na lamang ako sa mga fans kaya naging masayang-masaya ang mga ito. “Finally, you’re here! Diretso na tayo sa conference room. Magwi-witness–” Napatigil sa pagsasalita si Tita Sheya nang pandilatan ko siya dahil muntik na niyang masabi ang tungkol sa contract signing ngayon. Alanganin naman siyang natawa ngunit matamis na tumingin kay Hunter. “Ito na ba ang sinasabi mong boyfriend mo?” malambing na tanong niya para maiba ang usapan. “Opo, tita. Agad ko namang sagot saka lumingon kay Hunter. “Hunter, siya si Tita Sheya Martinez, ang manager ko rito sa Pilipinas. Tita Sheya, si Hunter po. Hunter Eliazon,” pakilala ko sa kanila. Agad namang inilahad ni Hunter ang kamay sa manager ko. “It’s my pleasure to meet you,” saad pa niya. Lalo namang lumapad ang ngiti ni Tita Sheya. “It’s an honor to me. I heard you are a hotelier. Baka naman puwedeng makahingi ng discount kung sakaling kailangan ko ng hotel suite,” lambing niya kay Hunter. Napangiti naman ako, pero si Hunter ay tumawa. “You will be a VIP customer. Choose any room that you like, except the presidential suite and it will be free for you.” Napasinghap si Tita Sheya at awang ang mga labi na tumitig kay Hunter. Kumukurap-kurap siya na tila ba hindi mapaniwalaan ang narinig. “Is that for real?” naninigurong tanong pa niya. Agad naman siyang tinanguan ni Hunter. “Yes! I will include your name on the VIP list of our hotel,” kumpirma pa ni Hunter. Pagkatapos niyon ay sinabihan ko muna si Hunter na maupo sa VIP lounge habang hinihintay ako. Usually naman ay saglit lang ang contract signing kapag malinaw nang mai-present ang lahat ng terms and condition. “Sure ka ba na okay ka lang maghintay dito?” tanong ko pa bago magtungo sa conference room. Nauna na roon si Tita Sheya at ang PA ko. “Yeah. Don’t worry about me. Matiyaga akong maghintay, lalo na kung ikaw ang hihintayin. Kahit gaano pa katagal iyan ay makapapaghihintay ako,” sagot naman niya, kaya napatango ako. Pero mabilis na mabilis ang pintig ng puso ko dahil titig na titig siya sa mukha ko. “Sige. Maiwan muna kita,” paalam ko naman. Tatalikuran ko na sana siya kaya lang nagulat ako nang bigla niyang hilahin ang isang kamay ko. At bago ko pa man mahulaan kung ano ang gagawin niya ay mabilis nang lumapat ang mga labi niya sa mga labi ko. Ilang saglit lang akong natulala bago tinugon ang halik na iyon. Ngunit mabilis ko lang ding tinapos kasi baka may makakita sa amin. “Pampasuwerte,” usal pa niya na sinundan nang mahinang tawa. Tumango na lamang ako, pero nag-iinit ang mukha ko. Tuluyang iniwan ko na siya at nakapa ko pa ang pisngi ko. Bakit nga ba ako kinakabahan sa tuwing hahalikan niya ako? Umiling na lamang ako para burahin ang kung anumang gumugulo sa isip ko. Akala ko ay saglit lang iyon pero halos tatlong oras ang itinagal. Kaya palihim kaming nagpapalitan ng chats ni Hunter kanina pa. Mabuti na lamang at hindi naman daw siya naiinip. “That went really well! Who wants to have dinner with us? My treat!” yaya ni Mr. Samonte, ang CEO ng Jewelry brand na ie-endorso ko. “No problem with me. How about you, Charice?” baling naman sa akin ng CEO at chairman nitong agency. Nahihiya naman akong umiling. “Actually, my boyfriend is waiting for me right now. And we already have a plan for tonight,” magalang kong tanggi. Nagkatinginan sila at ngumiti namang tumango sa isa’t isa. “It’s alright. Tayo na lang. Mahirap namang sirain natin ang date ng ating supermodel,” pabirong wika ni Mr. Samonte. Tapos ay magalang na akong nagpaalam sa kanilang lahat para puntahan si Hunter. Ngunit bago ko pa marating ang kinaroroonan niya ay isang pamilyar na pigura ang malapad ang ngiting naglalakad palapit sa akin. Napangiti na rin ako noong ganap na makilala kung sino ito. “Jerroll! Hi!” bati ko agad sa kaniya. “I saw on the flash report that you’re here!” yumakap siya agad sa akin kaya napangiti ako. “Yeah! Ang daming tao sa labas. Paano mo sila nalusutan?” natatawang tanong ko. Jerroll Ortiz is a governor from Negros. We are college friends pero mas matanda siya ng tatlong taon sa akin. Kumukuha na kasi siya ng law degree noong magkakilala kami. “Well, ako pa ba? Alam mo namang gagawin ko ang lahat para sa iyo. Ilang araw ka na bang nandito sa Pilipinas at hindi mo man lang ako naalalang tawagan?” tila nagtatampong tanong nito. Natawa naman ako habang naiiling. “I was just busy. I am very sorry. Kahit ang mga friends ko rito hindi ko pa rin nakakausap,” depensa ko naman agad. “Let’s have dinner. Magpapa-reserve ako sa paborito nating restaurant at–” “No!” dumagundong ang boses ni Hunter na nagpasinghap sa akin. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang masamang tingin niya kay Jerroll habang madilim ang mukha. Papalapit siya sa amin kaya dalawang beses akong napalunok. Kunot naman ang noo ni Jerroll nang tumingin sa akin. Nagtatanong din ang mga mata niya. “Sino ka?” galit na asik agad ni Hunter kay Jerroll at humarang sa pagitan namin. “Why should I tell you? Ikaw, sino ka ba? bakit ka nakikisabad sa usapan namin?” matapang ding salag ni Jerroll kay Hunter. “Ah, Hunter, siya si Governor Jerroll Ortiz. He is a really good friend of mine,” mabilis kong sabi kay Hunter. Lalo kasing tila umusok ang ilong nito dahil sa pagpalag ni Jerroll sa kaniya. “Wala akong pakialam kung sinumang poncio pilato siya. Why is he asking you for a dinner? Didn’t you tell him that you’re with me?” sumbat naman niya sa akin. Tiim ang mukha niya at talagang galit siya. “Bakit naman niya kailangang sabihin sa iyo? Matagal na kaming magkaibigan ni Dimpz. We even promise to marry each other if ever–” “f**k you!” Malakas akong napatili nang biglang suntukin ni Hunter sa mukha si Jerroll kaya nahinto ito sa pagsasalita. Mabilis namang nakabawi si Jerroll at ginatihan din ng suntok si Hunter na tumama naman sa gilid ng panga nito. Ang mga sumunod na pangyayari ay hindi ko talaga inaasahan. Nagpambuno silang dalawa na kinailangan pang pumasok ang mga bodyguards ni Jerroll at ng mga security guards nitong building. Hindi sila halos maawat ng mga ito dahil malalakas pareho at walang patumanggang nagmumurahan. Ako naman ay kabadong umiiyak dahil marami s a mga empleyadong naririto ay nagsilabasan sa mga opisina nila para makiusyoso. “Hunter, please, tama na. Ang dami ng tao rito,” pakiusap ko. “Dimpz, stay away from that asshole. He is a jerk!” agaw-pansin naman sa akin ni Jerroll. Kaya nanlaki ang mga mata ko nang tabigin ako ni Hunter at sugurin muli ng suntok si Jerroll. Panibagong serye ng murahan at bardagulan ang muli ay namagitan sa dalawa. Natigil lang sila nang tuluyan dahil mismong ang mga dumating na pulis na ang umawat sa kanila. Ang PA ko naman at ibang empleyado ay kanina pa ako inaalalayan at pinakakalma. Pareho na kasing duguan ang dalawa at may mga pasa at galos na rin. At pagkatapos na maawat ang dalawa ay nilapitan ako ni Hunter at mahigpit na hinawakan sa kamay. “Let’s go! Baka hindi ako makapagpigil at mapatay ko ang lalaking iyan!” galit niyang saad. I gulped in fear. Hunter’s eyes are like those of the hawk’s, looking at his prey with an intent of attacking. “Gamutin muna natin ang mga sugat mo. Bakit ka ba kasi biglang nananakit?” kahit kinakabahan ay nagawa ko pa rin siyang sitahin. Tumalim ang tingin niya sa akin. Pero agad din niyang binawi dahil nga maraming tao sa paligid. “Mamaya na tayo mag-usap!” masungit niyang tugon at hinila na ako paalis sa lugar na iyon. “Dimpz! Dimpz!” tawag sa akin ni Jerroll. Naaawang nilingon ko siya saka sumenyas ng sorry. Tatawagan ko na lang siya mamaya para alamin ang kalagayan niya. “Nakalimutan mo na ba ang pinag-usapan natin, Charice? Gustong-gusto mo ba talagang ginagalit ako?” malakas niyang sumbat sa akin habang nasa kalagitnaan na kami ng biyahe pauwi. “Ano ba kasi ang problema mo? Wala naman kaming ginagawang masama!” katuwiran ko naman. Ngunit muli ay tinapunan niya ako ng masamang tingin bago ibinalik ang mga mata sa daan. “Damn it! I already told you that no man is allowed to get near you. Tapos iyong lalaking iyon ay niyakap ka pa? Pasalamat siya at nakapagpigil pa ako. Kung hindi ay talagang sinama siya sa akin at sa morgue ang bagsak niya!” galit na galit niyang sagot. I rolled my eyes in frustration. I didn’t see anything wrong from Jerroll’s action. We are close friends. “Malapit kaming magkaibigan. At totoo ang sinabi niya. Kung hindi ka dumating sa buhay ko, maaaring siya ang gugustuhin kong pakasalan,” diretsahang saad ko na nasundan ng malakas na tili dahil bigla niyang inapakan ang preno ng sasakyan. Kung hindi ko naitukod ang kamay ko sa harapan ay malamang na tumama ang mukha ko sa dashboard ng sasakyan. “What did you f*****g say? Ibig sabihin ay may relasyon kayo ng hayop na lalaking iyon?” tila kulog ang boses na sigaw niya sa akin. Napasinghap ako dahil padaskol niyang hinaklit ang braso ko. “Ano ba, Hunter, nasasaktan ako! Wala kaming relasyon pero mas gugustuhin ko pang pakasalan ang gaya niya, kaysa sa iyo!” reklamo ko. Sa higpit ng pagkakahawak niya ngayon sa braso ko ay siguradong mag-iiwan iyon ng marka. “Ito ang tatandaan mo, Charice, akin ka lang. Kasal man tayo o hindi pa, akin ka lang. Walang puwedeng makinabang at magmay-ari sa iyo kung hindi ako lang. Kaya kung inaakala mong sa pagsasabi mo niyan sa akin ay matatakasan mo ako, puwes, nagkakamali ka. Kayang-kaya kong gawing impyerno ang buhay mo kapag iniputan mo ako sa ulo!” malakas niyang pagbabanta saka lumipat ang kamay niya sa buhok ko. Sinibasib niya ako ng mapagparusang halik – masakit at talagang nakakaubos ng hininga. “T-Teka, Hunter… bitiwan mo ako–Ah!” malakas akong dumaing nang kagatin niya ang labi ko hanggang sa magdugo iyon. Kaya nalasahan ko ang sarili kong dugo habang mariin niya akong hinahalikan. Masiyado siyang malakas kaya walang silbi ang panlalaban ko sa kaniya. Pinakawalan niya lang ako nang talagang nauubusan na ako ng hangin sa baga. I sucked a huge amount of breath to fill my lungs. I was literally breathless and panting so hard while my right hand is on my chest. “More punishment is waiting for you at home!” deklara niya at muli na niyang pinaandar nang napakabilis ang sasakyan. Kinabahan naman ako ng husto sa sinabi niya. Nanlamig talaga ang buong katawan ko at damang-dama ko ang matinding takot sa gagawin niya sa akin. Ni hindi ko alam kung kanino hihingi ng tulong para makawala ngayon kay Hunter. “Hunter, please, kumalma ka. Hindi kita niloloko at kahit kailan hindi kita lolokohin,” pagmamakaawa ko sa kaniya. Natatakot ako na baka madisgrasya kami dahil halos paliparin na niya ang sasakyan. “Shut up!” singhal niya sa akin. Napalunok ako at lalong naiyak. Nang marating namin ang bahay niya ay mabilis siyang bumaba at umikot para buksan ang pintuan sa tabi ko. Hinila niya ako pababa ng sasakyan hanggang sa loob ng bahay. Dumiretso kami sa master’s bedroom at bago pa ako mapakagprotesta ay walang awa na niyang nasira ang suot ko at itinulak ako sa kama. Bumagsak ako roon sa alanganing posisyon ngunit mabilis siyang lumapit sa akin. Ang sinira niyang damit ko ay itinali niya sa dalawang kamay ko at ikinabit sa bakal na bahagi ng headboard. “Hunter, ano’ng gagawin mo?” nahihintakutang tanong ko. Ni hindi siya nag-abalang gamutin man lang ang mga tinamo niyang galos, o punasan ang dugo sa mukha niya. Mabilis siyang naghubad sa harapan ko pagkatapos ay pumatong sa akin. Nanlilisik pa rin ang mga mata niya nang angkinin ang mga labi ko. Sunod-sunod na daing na naman ang maririnig mula sa akin dahil sa diin ng halik niya. Nangangapal at nasasaktan na talaga ang mga labi ko. Pero halos tumalbog ang katawan ko sa ibabaw ng kama nang mariin niyang pisilin ang mga dibdib ko at mariing ipitin ng mga daliri niya ang mga u***g ko. “Tama na, Hunter! Please, it’s hurting me so much!” pagsusumamo ko. Ngunit hindi siya nakikinig at bumaba ang halik sa leeg ko. Napasigaw ako nang sipsipin niya nang mariin ang balat ko roon. I was wincing and yelping because of the pain he is inflicting on my body. He is sucking my neck and my shoulder really hard, leaving bruises to my white and soft skin. “You’re f*****g mine! Only mine, f**k!” muli akong napasigaw nang isubo niya ang isang tuktok ng dibdib ko at sipsipin iyon ng madiin pagkatapos ay kagatin pa. Galit talaga siya at ipinararamdam niya iyon sa akin. “Tama na…” wala akong magawa kung hindi ang umiyak nang umiyak at magmakaawang itigil na niya ang pagpapahirap na ginagawa sa katawan ko. Ngunit hindi pa man din siya nagsawa sa pagpapahirap sa dibdib ko ay walang ano-anong ipinasok niya ang dalawang daliri sa lagusan ko. “Tight! You’re always tight!” Nanlaki ang mga mata ko nang isagad niya ang mga daliri roon. Humapdi ang p********e ko dahil hindi pa naman ako basa, ngunit inumpisahan na niyang pagalawin ang mga daliri roon pagkatapos ay ilulukot sa loob. “This tight, warm and soft p***y is all mine!” gigil niyang saad at binilisan pa ang ginagawa. Umaalon ang katawan ko at sumisinghap-singhap ako. Ngunit ang hindi ko mapaniwalaan ay namasa pa rin ako roon at nag-uumpisa na ring tumugon ng kusa ang katawan ko sa ginagawa niya. “Hunter, please… just stop… stop, please.” Ni hindi ko siya mahawakan para pigilan dahil nakatali ang dalawang kamay ko. “Why should I? Your p***y is getting wet. It means your body likes what I am doing,” nakangising sagot niya at muling sumagad ang mga daliri niya sa loob ko kaya napasigaw ako. “No! Ahh!” kahit ayaw ko man ay hindi ko napigilan ang panginginig ng katawan ko dahil sa pag-abot ko ng kasukdulan. Pinagtawanan niya ako dahil tagumpay siya sa nais niya. Iniyakan ko na naman iyong muli. “Now, it’s time for you to taste me. Open your mouth,” utos niya habang paluhod na lumalapit sa ulunan ko. Nanlaki ang mga mata ko dahil alam ko ang gusto niyang ipagawa sa akin. Sunod-sunod akong umiling. *** Ito na yung dugtong niya. Clear Cache na lang para mabasa ninyo. Salamat po sa mataas na reads at follows kahapon. Basta daily update na po tayo rito. Saka po, ingat po sa pag-follow sa akin. May gumawa po ng Fake Account na gamit ang Pen Name ko na Miss Thinz. Paki-check po mabuti bago kayo mag-follow po. Iyang Fake account ay ginagamit na pangComment ng hindi maganda sa mga stories ng ibang authors. Hindi po ako iyan. As of the Moment, may 11.6K followers itong account ko. Pakireport na lang po kapag nakita ninyo. Salamat po...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD