Continuation of Hunter’s POV “Ano ba kasi iyang sinasabi mo, hijo? Linawin mo at alam mo naman ang lahat ng pinagdaanan ng kapatid mo, hindi ba?” banayad at may pakiusap na saad ni Mommy. Tumango naman ako sa kaniya. “I understand, Mom. Artemis, I think you’re right. Si Charice talaga ang nakita mo noon. Pero hindi siya ang nakabangga sa iyo. Totoong nakita ka niya at tumakbo siya hindi para pabayaan ka kung hindi para humingi ng tulong. Ngunit nang makabalik na raw sila sa puwesto mo ay isinasakay ka na sa ambulansya,” dahan-dahan kong paliwanag. Ikinuwento ko iyon base sa kung paano rin isinalaysay sa akin ni Charice ang lahat. Ngunit nagulat ako nang muling sunod-sunod na umiling si Artemis at ngayon ay puno na ng luha ang mga mata niya. “Hindi totoo iyan, Kuya! Naniniwala ka naman

