bc

I don't love you

book_age12+
4
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
family
independent
drama
twisted
previous incarnation
self discover
school
like
intro-logo
Blurb

Amara Gomez is a grade 12 senior high student, smart, and has many dreams in life. She decided to transfer to Pendant University because of her previous issues with her former school.

One of her goals is to graduate with flying colors and make her parents proud. She promised herself to focus on this goal and make a peaceful and memorable school year.

But in our life, there's something that we did not really expect. Her peaceful life turns into living like hell when she met the bully good-looking guy named Christian Kylo Ramos.

Little did they know that they meant to meet for a reason.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
It is just a typical day. Yep, literal na typical. Walang espesyal na nangyayari sa araw araw. Everyday, ibinubuhos ko ang oras ko sa bahay, sa biyahe, at mostly sa pag-aaral. Simula ng magsimula ang klase, halos magdadalawang linggo na ang nakakalipas. Halos pare-parehas na lang ang nangyari sa'kin sa araw-araw. Gigisingin ako ng aking full volume na alarm clock sa umaga na kadalasan ay naibabalibag ko pa sa ingay. Magluluto ng almusal, maliligo, magsusuot ng uniforme. Titignan ang sarili kung maayos na ba ang lahat at wala ng naiwanan. Babiyahe papuntang paaralan na bago makapunta ay parang dugyot na kung tignan. Minsan ay hindi maiwasang matress kapag traffic lalo na 'pag last minute na lang ay magsisimula na ang klase. Kaya no choice at tatakbo na lang papunta sa room para lang hindi malate at hindi rin gumawa ng palusot sa excuse letter kung bakit late. At pagkatapos ng nakakasabog na utak at napakatagal na klase, babiyahe ulit pauwi. Hihilata at magrereview ng sandali at matutulog para pumasok kinabukasan then again and again and again. Kung iisipin siya, nakakapagod at nakakasawa, right? But this is life, we just have to ride. "Hi, Amira!" Napatigil ako sa pagmumuni-muni dito sa aming room nang bigla akong binati ng aking kaklase at seatmate na si Shan. Hindi ko siya pinansin at nagpanggap na hindi ko narinig ang kaniyang sinabi kahit na napakalakas at napakatining ng boses nito. It's our lunch today at kakatapos ko lang kumain. Malapit ang upuan ko sa tapat ng bintana kaya naman ang sarap magmuni muni habang nilalanghap ko ang malakas na ihip ng sariwang hangin na 'kay sarap sa feeling kapag dumadampi ito sa aking mukha. Napansin ko na umupo na siya sa katabi kong upuan. "Gusto mo?" alok niya sa'kin ng isang bubble gum. Bahagya akong umiling nang hindi tumitingin sa kaniya at binuklat ko na lang ang aking notebook para magreview dahil may quiz kami mamaya sa Oral Communication. Sa totoo lang, nakapagreview na ako kagabi bago matulog pero I want to make sure that I will going to pass and get a high score. "How about this one?" muling alok niya uli sa'kin, this time candy naman. Napakagat pa ako sa labi nang makita 'yon, the candy that she offered is one of my favorites but I still do my best to stop myself from taking it. Muli akong umiling-iling. Maya maya may narinig akong bahagyang natawa mula sa likod dahilan para mapalingon ako ng saglit, it's Topher, one of the bullies. Kasalukuyan siyang ngumangata ng isang Lollipop. "Nako, shan. You're just wasting your time talking to her, kahit ngumawa ka d'yan at magmakaawa hinding hindi ka papansinin niyan," "Right, she's snobbish. Feeling famous," sabi naman ng isang babae kong kaklase. "Attitude ka, girl?" At nagtawanan sila na parang mga baliw. Sandali akong napatigil sa pagbabasa, bigla akong napakuyom ng mga kamao. Huminga ako ng malalim at ginawa ko yung best ko para kumalma. Instead of paying attention to what they say, I open my bag and get my color white headset. Isinukbit ko ito sa aking magkabilang tenga at ipinatugtog ang isang instrumental music na palagi kong pinapatugtog tuwing nag-aaral o nagrereview. They have no right to judge me, wala silang alam sa kung ano ang nangyari sa'kin at kung bakit umiiwas ako sa mga taong nakapaligid sa'kin. Wala na akong pake sa kung anumang negatibong sasabihin nila sa'kin. Sabihin man nilang snobbish, mataray, feeling famous katulad ng narinig ko kanina, I don't mind it at all. As much as possible, I don't want to attach myself again to anyone, ever. Hindi ko na muling hahayaan ang sarili ko na maranasan ang pinakamasaklap sa naranasan ko before. Itinaga ko 'yan sa bato. **** "Okay, class dismissed," Hindi matatawaran ang liwanag sa mga mata ng aking mga kaklase ng tumunog na ang bell. As I notice, this is their favorite moment. Ang oras para mag-uwian. Nagkagulo ang paligid at nagsisigawan na para bang kami nasa palengke. Nagsama sama ang mga magkakaibigan at nagplano kung ano kanilang mga gagawin after class. While me, waiting for them to go outside because it's Thursday. Isa ako sa mga cleaners. Una ko ng inayos ang mga nagkagulong mga upuan, ipinulot ko rin ang mga kalat na isinuksok ng iba kong kaklase. Nakakainis dahil hindi man lang nila magawang itapon ito sa tamang tapunan. "Amira, uuwi ka na ba after class?" shan said. Here she is again, talking to me. Bigla-bigla na lang susulpot sa harapan ko. Hindi ba siya nagsasawa sa'kin? I rolled my eyes at nilagpasan siya. Ewan ko ba dito kay Shan, since day one kinakausap na niya ako at nagkukwento ng kung anu-ano pero ni isang beses never ko pa siyang pinansin o kinausap. Gayunpaman, she doesn't stop talking to me kahit na nagmumukha na siyang tanga dahil parang nakikiusap lang siya sa hangin at nasasayang lang ang laway niya. "Kung uuwi ka na, sabay na tayo," I still ignore her. When I did my part as a cleaner for today, I immediately grabbed my bag and walk straight outside. "Amira, sandali," sigaw niya. Ngunit hindi ko siya nililingon, nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Alam kong isang araw, magsasawa din siyang kausapin ako at titigil na rin siya sa pangungulit sa'kin. "Amira, I said wait, please..." Hinawakan niya ang aking kaliwang braso para pigilan ako sa paglalakad at naging way din 'yon para mapaharap sa kaniya. "Bakit ba ayaw mong mamansin? Gusto ko lang naman makipagkaibigan," she said habang nakatitig sa aking mga mata. Napapikit ako, hindi ko na napigilan ang sarili ko na mainis dahil sa pangungulit niya sa'kin. It's time to use my plan para tuluyan na siyang lumayo sa'kin. "ISN'T IT OBVIOUS? I DON'T WANT YOU TO BE MY FRIEND SO STOP TALKING TO ME," isang malakas na bulyaw ko sa kaniya, pinandilatan ko siya. Napansin ko ang bahagya niyang pag-atras at gulat sa kaniyang mga mata dahil sa inasta ko, maya maya ay napayuko na lang siya. Napatingin ako sa mga estudyanteng mga nakikiusyoso sa nangyari. Napuno ng bulung- bulungan ang hallway. At some point, bigla akong nakonsensiya sa ginawa ko sa kaniya, mukhang napahiya ko siya ngayon. I want to touch her right now and apologize for what I did but I chose to turn away from her at naglakad ng mabilis. Hanggang sa dinala ako ng mga paa ko sa rooftop. Napahinga ako ng malalim. Why did you that, self?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Runaway Bride (Womanizer Series 3)

read
124.1K
bc

Rewrite The Stars

read
101.4K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.5K
bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.9M
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
2.0M
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.3K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook