FOUR

1052 Words
ARIEL KINAKABAHAN na siya. Hinahabol padin sila ng iilang Zombie. Di rin naman siya sigurado kung hanggang kailan tatagal ang Gasolina ng sasakyan. Ilang sandali lang din ay tuluyan na silang nakalayo sa mga Zombie. Tahimik nadin ang dinadaanan nila. "Kuya, hinahabol padin nila tayo?" Si Chesmon. Pinayuko kasi niya ito para di nito makita ang mga Zombie kanina. Umiling siya. "Hindi na. At di nila tayo dapat maabutan. They will surely kill us all. Hindi mo naman siguro gusto maging Zombie diba?" Umiling iling ito. "Siyempre hindi. I don't want to look ugly." "Parehas tayo." Natatawang aniya at inabot ang pisnge nito para kurutin. "Kuya!" Napalingon siya. But too late. Isang rumaragasang motorsiklo ang sumalubong sa kanila at diretso iyong tumumbok sa sasakyan. Napabrake siya at tumilapon naman ang sakay ng Motor. Inihinto niya ang kotse sa unahan. Nilingon niya ang babaeng nakahiga sa kalsada. "Kuya, i think she's alive. Let's help her." Si Chesmon. Inilingan niya ito. "Maybe. And maybe not. Better na keep safe lang tayo. Di natin siya puwedeng tulungan." "But kuya! She's badly hurt. Malakas ang impact ng pagkakabangga. We must help her habang dipa siya nakakagat ng mga Zombie." Napailing siya at nilingon ang babae. Siguro'y nawalan pa ito ng malay. Dahil sa kapipilit ni Chesmon ay pumayag nadin siya. Agad na siyang bumaba ng kotse at pinuntahan ang babae. Wala itong malay at may sugat din sa mukha, siguro'y sa pagtilapon. Binuhat niya ito pabalik sa sasakyan niya. Wala naman itong ibang dala kaya matapos ito ilagay sa tabi ni Chesmon sa likod ay pinatakbo na ulit niya ang kotse. "Kuya, dumudugo ang ulo niya. May alcohol kaba?" Umiling siya. "Wala." "Then we must bring her to the Hospital-" "What?!" "Baka mainpeksyon ang sugat niya. Kailangan malinisan ang sugat." Mabilis siyang umiling. "Hindi tayo puwedeng bumalik sa lugar na dati nating iniwan. Saka ang Hospital, tiyak marami ng Zombie doon. Walang makakatulong satin." "Dipo yan totoo. Andoon po ang Uncle ko at matutulungan niya tayo. He's a Doctor. Good fighter din. Sure akong makakaligtas siya sa atake ng mga Zombie." Napabuntong hininga siya. "Pero-" "Please, Kuya, please." Napailing naman siya at inihinto ang sasakyan. "Umalis tayo doon dahil gusto nating makaligtas. Yet, babalik tayo doon?" "To save someone, Kuya." Tiningnan niya ang babaeng walang malay. Maganda ito. Nakasuot lang ito ng isang simpleng tshirt at maong na pantalon. Nike ang sapatos nito. "Kuya, let's do this. We can help her." "Hindi puwede. Delikado doon." "Kuya..." Naiiyak na anito. Nag-iwas naman siya ng tingin. "Bakit ka umiiyak? Hindi ka dapat umiyak dahil lang di natin madadala ang babaeng iyan sa hospital-" "Dilang naman po iyon ang dahilan eh... Gusto ko din makita ang Tito ko sa Hospital..." Napabuntong hininga na naman siya. Mahirap talaga hindian ang kahilingan ng mga bata. Pinaikot niya ang kotse at pinaandar iyon pabalik sa pinanggalingan nila. Sana lang ay buhay pa ang Doctor na sinasabi nito. SHAINA SUMUSUNOD lang siya kay Doctor Hayden. Papunta na kasi sila sa kotse nitong nasa Parking Lot ng Hospital. "Doc-" "What is it, Yna?" Anito. Sinulyapan siya. "I already told you. Even if i want to, di natin puwedeng puntahan ang kaibigan mo." Umiling siya at napayuko. "Naiintindihan ko, Doc." Tumango naman ito. "I'm really sorry-" "Doc." Nahila niya ito ng may papasalubong sa kanila na Zombie. Inilibot nito ang paningin sa Paligid. "They're gone now. Ayun." Itinuro nito ang kotse nito. Agad naman silang nagpunta doon. "Yna, you can borrow my phone if you lose yours. Call your friend." Napatango naman siya. "Thank you, Doc." Inabot nito sa kanya ang Cellphone kaya idinial naman niya ang number ni Arcy habang papasok siya sa kotse. Out of Coverage area ito. What if nakagat nadin ito ng mga Zombie? She can't lose her. Halos magkapatid nadin kasi ang turingan nila. "Diko siya makontak, Doc." "Maybe, lowbat. We should go now." Anito saka pinaandar na ang sasakyan. Iaabot na sana niya ang Cellphone dito ng magring iyon. Tiningnan niya ang caller pero di naman niya kilala. Inabot na niya ng tuluyan kay Doctor Hayden ang phone. "Hello? Yeah, i do—what? The f**k do you mean? You lost him? Gosh. Where would he be? Di siya puwedeng umalis alis ngayon. Yeah. Okay. I'll call you. Bye." Nang maibaba na nito ang Phone ay nilingon siya nito. "My brother called. Nawawala si Chesmon, pamangkin ko-" "Ho?" "Yeah. Nalingat lang daw sila sandali mag-asawa, pero paglingon nila'y wala na si Chesmon. They look for him. But dumami na ang mga Zombies. They didn't have a choice kundi isafety ang sarili nila. They are asking for help. Baka sakaling makita natin ang pamangkin ko." Napatango naman siya. "Saan hoba sila?" "Malapit lang iyon dito. Pupuntahan nadin natin sila. Tell me kung may napansin kang batang lalaki. He's wearing a yellow t-shirt at pulang shorts." "Oho." Umayos na siya sa pagkakaupo habang ito naman ay nagmaneho na. May iilang Zombie na nakarinig sa pag-andar at hinabol sila. "Put your seatbelt. Mas bibilisan ko ang pagpapatakbo." "Opo." Mabilis niyang ikinabit ang seatbelt niya saka humawak sa upuan. Napahugot siya ng paghinga ng mabilis na nitong pinatakbo ang sasakyan. Nakalayo na sila sa mga Zombie. Napahinga siya ng maluwag ng mawala na ang mga ito sa paningin niya. Okay doon dahil wala ng gaanong Zombie. Tahimik na ang Lugar na dinadaanan nila. "Wait." Inihinto nito ang sasakyan. "We should grab some things." Itinuro nito ang isang Mall. "Kumuha ka ng mga pagkain doon. While I'll go to get some tools." "Oho." Tinanggal niya ang pagkakaseatbelt saka bumaba. "Wait." Napalingon siya dito. "Bring this with you. Sakaling matawagan mo ulit ang kaibigan mo mamaya." Anito na inabot ang cellphone nito. Tinanggap naman niya iyon. "Thank you, Doc." Bumaba din ito para pumunta sa isang Shop. Sa Mall siya dumiretso. Kumuha siya ng Cart saka pumunta sa Stool ng mga Can Goods. Mas kailangan nila ang mga iyon dahil wala naman silang lugar na puwedeng paglutoan ng mga Hotdog at Itlog. Nagkuha nadin siya ng mga Biscuits, Rebisco, Fita, Skyflakes at iba pa. Halos puno ang cart niya dahil kumuha nadin siya ng mga Softdrinks. Lalabas na sana siya ng makarinig siya ng lagubog. Sumilip siya at nakita ang tatlong Zombie. Papasok ang mga ito ngayon sa Mall. Napatago siya sa likod ng Stool.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD