FIVE

1157 Words
TASHA PALINGON lingon siya kay Rain. Alam niyang naiinis padin ito sa kanya. Sinaktan ba naman niya ang Pinsan nito. Pero wala talaga siyang alam sa mga ginawa niya that time. Ang ikinagalit kasi ni Gilbert. Nakipaghalikan siya sa Bar at sa Bestfriend pa niya. Inisip nitong may relasyon siya sa kaibigan at matagal na itong niloloko. She won't do that kung nasa tamang huwisyo siya. Mahal na mahal niya si Gilbert at ang makikipaghalikan sa ibang lalaki ay hinding hindi niya gagawin. "Rain..." "Mas better kung itikom mo nalang ang bibig mo, Tasha. I can't concentrate. Kailangan nating mag-isip ng paraan para makasurvive." Natahamik naman siya. Kanina pa nila pinadalhan ng mensahe si Gilbert pero di ito nagreply. Siguro'y di ito naniniwala. "Rain, I'm sorry." Nagkibit balikat lang ito. "Wala ka namang kasalanan sakin. The only thing you do was hurting my Cousin na napakahalaga sakin. I don't have the rights to be angry at you. Tho, i have the rights na mainis sa ginawa mo. Sorry din, hangga't di niyo nacleclear ito ni Gilbert. Di din mawawala ang inis ko." Napayuko naman siya. "Okay then." Tumayo siya. Nilingon siya nito. "Saan ka pupunta? Makikita ka ng mga Zombies-" "Pupuntahan kona sa Apartment niyo si Gilbert. I need to talk to him, Asap." "You're crazy. Alam mong dipa safe. Bakit ka pupunta doon? Magpapakamatay kaba?" "I can't stay here without doing anything, Rain. Ni hindi nga kita makausap ng maayos." Napailing ito at tumayo nadin. "Okay. You know how to drive diba?" Napakunot noo siya. "Yeah, why?" "You know I'm not good at driving, so you should be the one driving." Napatango siya. "O-okay. Pero saan tayo kukuha ng sasakyan?" Sumilip ito mula sa pinagtataguan nila. "Ang mga nakahilerang sasakyan diyaan ay wala ng nagmamay-ari. Hindi na magiging problema kung humiram man tayo ng isa diyan." "Rain-" "Mag-iinarte kapaba, Tasha? Live or Die natu. What will you chose?" Napabuntong hininga siya. Wala naman siyang karapatang mag-inarte. Rain is right, wala nadin silang time para sa arte-arte na'yan." GILBERT BUO na ang loob niya. Hindi niya puwedeng pabayaan ang Pinsan niya sa labas habang siya'y okay na okay sa Apartment. Lowbat ang Cellphone niya. Bigla nalang iyong nagturn off. Kasalukuyan niya iyong chinacharge. Wala siyang Choice kundi iwan iyon doon dahil di rin naman niya magagamit. Kumuha lang siya ng mga Tools na puwedeng panlaban sa mga Zombie. Nagsuot nadin siya ng Attire para mas okay tignan. Kahit naman kasi p*****n ang pupuntahan niya, gusto padin niyang maayos siya. Baka mamatay siya dito, atleast maganda ang mga suot niya. Nang maayos ang sarili'y nagdesisyon na siyang bumaba. May piko siyang hawak-hawak. Hindi niya sigurado kung kanino iyon pero mukhang sa pinsan niya dahil di naman siya nagdadala ng mga ganung bagay sa Apartment. But pasalamat nalang din siya ng merong ganun doon. Marahan niyang binuksan ang malaking pinto ng Apartment niya. May mga Zombie sa labas at hindi pa siya napapansin. Marahan din ang ginawa niyang pagsara sa pinto. But then, ang tunog ng pagkakasarado ng pinto ay sapat na para lingunin siya ng mga Zombie. Wala siyang choice kung di ang tumakbo. Walang lugar na pupuntahan. Iniilagan niya ang mga Zombie-ng nakakaharap niya. Hinahabol din siya ng mga ito. Mabigat ang Piko pero sa pagkakataong iyon ay tila di niya ramdam ang bigat, bagkus ay isinukbit lang niya iyon sa balikat niya na para bang badminton racket lang iyon. Gusto sana niyang pagtatagain ng piko ang mga Zombie. Pero risky din kasi iyon. Kapag nataga niya ang isa, mahihirapan siyang bunutin ang piko at magkakaroon ng pagkakataon ang mga Zombie na daluhungin siya. Takbo lang siya ng takbo hanggang sa makaramdam na siya ng pagod. Sakto't nalingat niya ang mga Zombie. Pumasok siya sa isang bahay. Bukas iyon. Siguro'y nagtatakbo na ang may-ari at nakalimutan ng isara ang pinto sa pagmamadali. Or maybe, Zombie nadin ang may-ari. Inalerto niya ang mga mata. Ineexpect na niya na ilang sandali lang ay may kakalabit sa kanya. And he's right. Napasigaw pa siya ng lumabas mula sa likod ng sofa ang isang lalaki. Zombie. Napatingin siya sa pinanggalingan nito kanina and muntikan pa siyang masuka ng makitang kinain nito ang pusa nito. Dinakma siya nito kaya mabilisan siyang umatras, para lang matapilok at mabitawan niya ang piko. Aabutin pa sana niya iyon pero naabutan ng Zombie ang binti niya kaya mabilis niyang sinipa ang pagmumukha nito. Agad siyang tumayo at tumakbo papasok sa kusina nito. Sumunod din ang lalaki. Naghanap siya ng panlaban dito. Sakto't may nakita siyang kalaha. Inabot niya iyon at iwinasiwas sa mukha ng Zombie. Pero nagpatuloy lang ito sa paglapit sa kanya. Hinampas niya ang kalaha sa mukha nito. Saglit lang itong natigilan at nagpatuloy sa paglapit sa kanya. Natigilan siya ilang sandali. Hindi siya dapat matakot dito dahil pinaghandaan niya ang pagkakataong ito. Marahan ang pag-abot niya sa packbag niya saka inilabas doon ang isang kutsilyo. Napangisi siya. "It's time to shine, dumbass." Mabilis siyang lumapit dito saka sinaksak ang leeg nito. Hindi ito apektado, bagkus ay inaabot pa ang kamay niya. Tinuhod naman niya ito saka mas idiniin ang kutsilyo sa pagkakasaksak. "Mamatay kana, yawa ka!" Gigil niyang sabi. Natawa din siya dahil naisip niyang Patay na nga pala ito. Sinuntok niya ang mukha nito habang mas nakadiin ang kutsilyo. Sinabayan niya iyon ng patumbling na sipa. Knockout ang Zombie na tinamaan sa mukha. Kailangan niyang makasiguradong patay na ito kaya mas idiniin niya ang kutsilyo hanggang sa naramdaman nalang niyang mapuputol na ang ulo nito. Hindi naman siguro ito tatayo ulit kapag wala na itong ulo noh? Napabuntong hininga siya saka binalikan sa sala ang piko niya. Pagkaabot doon ay nadako ang tingin niya sa mesa, may susing nandoon. Paniguradong may sasakyan sa bodega. Inabot niya ang susi saka pumunta sa likod na bahagi ng bahay. Nag-iingat ang mga hakbang niya. Surely, may iba pang Zombie doon dahil kung wala, sinong kumagat sa Zombie na nasa loob ng bahay? At tama nga siya. May dalawang Zombie na nandoon. Nasa malapit sa Kotse ang isa, tsaka ang isa naman ay nasa harap na pinto ng bodega. Marahan siyang lumapit sa kotse. Nang lumingon ang Zombie-ng nasa malapit ay agad niya itong sinipa saka mabilis na binuksan ang pinto ng sasakyan. Nagpanic siya ng tumayo ang Zombie at lumapit sa kanya. Mabuti nalang at nabuksan niya agad ang pinto at mabilis ding nakapasok. Ang problema lang ay dipa noua nabubuksan ang pinto ng bodega. Kinakalabog na ng dalawang Zombie ang sasakyan. Napabuntong hininga siya. Wala siyang choice kundi banggain ang pinto ng bodega. Sana lang ay dina iyon ganun katibay. Inistart na niya ang sasakayan saka mabilis na pinamaniobra. Dire-diretso niya iyong pinatakbo at nasira nga ang pinto ng bodega. Nagdiwang siya. Mabuti nalang talaga. Dineretso na niya ang pagpapatakbo dahil nakukuha na ng kotse ang atensyon ng iba pang Zombie. Pasilip silip siya sa ibang bahagi dahil baka'y makita niya doon si Rain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD