PURO tungkol sa pag-uwi ni Justine ang pinag-uusapan nila. Hindi na lamang ako nakisali dahil alam naman nilang lahat kung ano ba ang nangyari sa akin. At isa pa, I showed a sign of refusal naman. Hindi pa talaga ako handa umuwi sa Pinas. Alam kong may naabot na ako, may napapatunayan na ako... pero, I just couldn't bring myself there with so much confidence. Isa sa ipinapagpasalamat ko ay ang malamang wala silang sinasabing kahit na anong masasakit tungkol sa akin. Katulad na lamang ni lola Mathilda. Hindi niya ako hinahayaan na masaktan. Hindi siya nagsasabi ng mga bagay na alam niyang ikasasakit ko. Masaya ako kung ano kami ngayon. Masaya ako sa kung nasaan ngayon. Nagulat ako nang biglang tumunog ang isang romantikong musika. Inilibot ko ang tingin sa paligid at may nga nag-uumpisa

