NANDITO ako ngayon sa library. Nakalimutan ko kasing wala pa lang klase ngayon ng two hours sa umaga. I went here early as usual kaso nga dapat pala ay mamayang alas nuyebe pa. Ayaw ko namang manatili sa loob ng classroom dahil medyo nahihiya pa ako sa iba kong mga kaklase. At isa pa, kailangan kong mag-aral nang mabuti kaya mas mainam na nandito ako at nagbabasa ng libro. Habang nasa kalagitnaan ng pagbabasa, bigla akong nakaramdam ng pagkalam ng aking sikmura. Hindi naman sa hindi ako kumain ng umagahan, sadyang kaunti lang talaga ang nakain ko kaya medyo nagugutom ulit ako. Marahan kong isinara ang librong aking binabasa at ibinalik ito sa puwesto kong saan ko ito kinuha. Habang maayos ko itong inilalagay, may nakakuha naman ng aking atensyon. Iyon lang kasi ang naiiba sa lahat ng mg

