"DOC, kumusta po ang lagay niya?" tanong ko kaagad sa doktor matapos nitong suriin ang kalagayan ni lola Mathilda. "Don't you worry. Maayos na ang kalagayan niya. But, she might not be able to wake up for several hours. She needs to rest to recover fast. Overall, her vitals are good and she seems a fine fighter since she doesn't show any fear at all," nakangiting tugon niya na kaagad ikinagaan ng aking kalooban. Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin kung may malala pang mangyari kay lola Mathilda. Kahit na dalawang beses pa lang kami nagkatagpo, hindi ko maiwasang mag-alala sa kalagayan niya. Even though I know less about her, I do feel that she's really a good woman. Napakagaan ng loob ko sa kaniya. Pero, bakit nangyari ito sa kaniya? Bakit may mga taong gusto siyang patayin? Ano

