HINDI ko alam kung ano ang aking dapat na maging sagot kay Justine kaya mas pinili ko na lamang ang manahimik. Ayaw kong magsalita dahil ayaw kong pangunahan ang lahat. At wala rin akong maisip kung sino ba talaga ang mamahalin ko. Well, if I am to answer it broadly, then of course I will choose to love the person who will make me fall in love everyday. That person who knows my worth. Iyong lalaking kaya akong pahalagahan at ang pagmamahal ko. "Sam," pangungulit ni Justine. Pabiro ko naman siyang inirapan. Pansin ko na medyo nadagdagan ang kulit niya. Siguro ay dahil kaming dalawa lang at wala si Kyler. Panigurado kasing itong mga ito ang magkukulitan kapag nagkasama. Kung aking titimbangin, magkapantay lang yata sila ni Kyler pagdating sa harutan. Magka-vibes na magka-vibes talaga s

