Nagising ako ng sobrang good mood. Dahil kay Froilan, nagiba pananaw ko sa buhay ko. Nagiba talaga ako at nararamdaman ko yun.
Chineck ko yung phone ko. Wallpaper ko yung picture nameng dalawa na mas lalong kinagood mood ko.
May text siyang isa saken.
"I will lay beside you and just forget the world. I love you hon. See you later!" Text niya.
Napangiti talaga ako ng todo at talagang kinilig.
Nag asikaso na ako para pagpasok at bumaba.
.
.
.
Nakita kong kumakain si Dad at Kuya King. Umalis na daw si Rex kanina pa.
"Anak halika sabay kana dito" sabi ni dad saken na nakasuot ng long sleeves na white at at black pants. Si kuya king naman naka violet na long sleeves.
"Uwi kayo maaga mamaya ah? May pakain si King mamaya" sabi uli ni dad.
"Bakit? Ano meron kuya?" Tanong ko.
"Eh sa Cebu na ako nakaassign simula sa friday. Kaya di muna ako makakauwi, siguro sa Pasko na uli haha" sabi ni Kuya.
"Hala kuya mamimiss kita." Sabi ko.
"Sus, baka mamimiss mong manghingi ng pera saken haha" asar ni Kuya.
At nagtawanan kaming tatlo.
"Oh anak, kumusta naman kayo ni Froilan? Ano balita sainyo?" Tanong saken ni dad.
"Ah eh, okay naman dad."
"Oh bakit parang namumula ka?" Pang aasar saken ni dad.
"Dad naman!" Sabi ko na nahihiya.
"Kayo na ba?" Tanong niya pa.
Di ako nakasagot kasi nahihiya ako.
"So kayo na nga anak? Nako sinasabi ko sayo ah dapat di ka paiyakin niya. Ikaw lang prinsesa ko dito" pang aasar ni dad saken.
Nakakatuwa talaga si dad. Tanggap ako kung sino ako.
"Papuntahin mo siya mamaya dito. Dito na kayo magdinner ha?" Sabi pa ni dad.
"Tignan ko dad. May practice pa ata ng soccer yun eh"
"Ah ganun ba. Sige basta kapag pwede dito na ha?"
At umoo naman ako.
Pagkatapos namen kumain, lumabas ako at nagpababa ng kinain.
Maya maya tumawag si Froilan saken.
"Hi hon" bungad niya. Napakagwapo ng boses niya sa phone.
"Hi hon"
"Papasok na ako. Ikaw ba?"
"Eh papasok na rin. Magtoothbrush lang tapos alis na"
"Sige po. Kita tayo after practice?" Tanong niya.
"Sige after class ko po"
"Sige." Sabi niya.
"Bye po" sabi ko
"Bye lang?" Tanong niya.
"Hmm. Ingat?" Sabi ko.
"Ingat lang?"
"Ano pa ba dapat?" Tanong ko sakanya.
"Eeee yung sinasabi ng magpartner" sabi niya.
"Ahhhh. Ikaw muna" sabi ko.
"Hala, ako nauna eh. Ikaw na po"sabi niya.
At ngumiti ako kahit alam kong d niya nakikita.
"I love you!" Sabi ko.
"Ang sarap naman nun!" Sagot niya.
"Haha ikaw naman" sabi ko
"I love you too. Mwaaaaa"
At napangiti niya ako. Nakakakilig talaga kahit boses niya.
"Sige na hon" sabi niya.
"Sige po."
At binaba ko na yung tawag.
"Leo tara na alis na tayo" sigaw ko sakanya sa loob.
Nasa labas pala siya at narinig niya ako. Nasa likod kasi siya kaya di ko napansin. Nung pagharap niya saken s**t, napanganga ako.
Nakahubad siya at naka boxer shorts. Basang basa siya at may shampoo pa sa buhok niya tapos puro sabon katawan niya.
"Ahh sorry sir bibilisan ko na po maligo" sabi niya pa. s**t talaga. Ang ganda kasi ng katawan niya, makinis na moreno. Tapos halatang nag gygym. Mas mapapansin pa yung letter V sa ibaba ng abs niya. In short, ang macho niya.
"Ahhh eh sige sige" nasabi ko na lang at pumasok ako sa loob para magtoothbrush.
Shit talaga ang hot ni Leo.
.
.
.
.
Nasa loob na ako ng sasakyan at nakita kong papalapit na si Leo. Nakasuot siya ng TShirt na white at black pants. Naka bagsak yung buhok niya. Kahit walang ayos e okay lang.
"Sorry sir. Late na po ba kayo?" Sabi ni Leo pagpasok niya sa sasakyan at pagkaseatbelt.
"Ah hindi naman. Sige tara na" sabi ko sakanya at pinaandar na niya yung sasakyan.
Nasa klase na daw si Froilan kaya di na ako nagtetext pa.
"Sir, sorry kung chismoso pero girlfriend niyo po ba yung kausap niyo kanina?" Tanong ni Leo saken.
"Chismoso ka haha" sagot ko sakanya.
At tumawa siya.
"Eh sir ano nga po?" Pangungulit niya.
"Boyfriend yun" sabi ko sakanya.
At natahimik siya saglit. At tumawa.
"Oh bakit ka naman tumatawa?" Medyo inis kong sabi.
"Wala lang sir. Akala ko kasi mali ako ng dinig kanina sa usapan niyo ng tatay niyo eh hehe"sabi niya.
"Ang chismoso mo no"
"Ay sir sorry. Wag po kayo magalit" sabi niya na parang nalungkot.
"Eh pano pinagtatawanan mo ko"
"Ay sir hindi po. Ang sarap nga po magmahal ng mga bakla eh" sabi pa niya.
"Ahhhh eh so pumapatol ka?" Tanong ko sakanya.
"Hindi po ah. Maalaga kasi sila. Di ako nakikipagrelasyon pero dati kasi ayan trabaho ko eh." Sabi niya pa.
"Callboy ka?" Tanong ko na medyo nagulat.
"Ah opo sir. Dati po. Wag ka sir, laki ng bayad saken. Minimum ko 10K. Diba, isang gabi, sampung libo agad!" Sabi pa niya.
"Oh bakit nag driver ka?"
Bigla siyang natahimik at mukhang naoffend ko siya.
"Ay sorry, hindi ganun ibig kong sabihin. I mean, buti tinigil mo na yun at nagdriver. Eh bakit kasi pagiging driver pa? Pwede ka naman mag modelo. Malaki din kita dun" sabi ko naman.
"Ehhh malaki kita ng callboy pero pagkatapos ng gabi, nandidiri ako sa sarili ko eh. Di ko naman hinuhusgahan yung mga taong kumukuha ng lalaki para sa pansariling saya, kasi mahirap talaga labanan ang init ng katawan. Pero ayaw ko naman tumanda ng ganun, gusto ko mag aral at makapagtapos sa magandang trabaho" paliwanag niya.
Medyo nalungkot ako kasi kung makademand ako ng pera dati para lang may matikman ako sa school akala ko pinupulot lang yung pera pero si Leo. Grabe.
"Tsaka sir, may offer tatay niya na libreng matutulugan at saka libre pagkain. Tapos may sweldo pang pera. Nako, solve na ako dun. Makakapgipon na ako para makapag aral next sem" sabi pa niya.
"Diyan ka nalang din sa school namen mag aral"
"Ay nako sir, pang UAAP yan. Mahal masyado hehe dun ako sa state university, mura na at maganda din ang turo" sabi niya pa.
Medyo natutuwa ako sa kwento ng buhay ni Leo.
At sa sarap ng kwentuhan namen, di ko namalayan na malapit na pala kami sa school.
"Sir eto na po. Sunduin ko po ba kayo mamaya?" Tanong niya
"Itext na lang kita"
At nagpalitan kami ng number.
.
.
.
Pagbaba ko ng sasakyan, si Cheska agad ang sumalubong saken. Himala, wala si Felix at Gerry.
"Hi bessy!!!" Sabi ni Cheska at hinawakan niya braso ko.
"Ahh eh nasan si Felix at Gerry?" Tanong ko.
"Ayy di ko alam sakanila. Tara na let's go!!" Sabi ni Cheska.
"San naman tayo pupunta?" Tanong ko sakanya
"Nako, sa room na syempre!" Sabi naman niya.
Gusto ko sana dumaan muna sa room nila Froilan kaso nahatak na ako ni Cheska.
.
.
.
Pag pasok namen ng room andun na si Felix at Gerry.
"Sis, san ka ba galing?" Tanong ni Felix
"Kakarating ko lang kaya" sabi ko
"Sabi ni Cheska nasa room kana daw eh kaya umakyat na kami nako"
"Ay sorry sis. Kadadating ko lang talaga"
At biglang napatingin saken si Felix.
"Bakit?" Sabi ko sakanya.
"Ang blooming mo sis hahaha ano meron?" Tanong ni Felix
Napangiti ako sa sinabi niya
"Wala ahhh ano ba" sabi ko at bumuti naman dumating na yung prof kaya di na siya nangulit.
.
.
.
.
Pagkatapos ng klase, lumabas na agad sila Felix at Gerry dahil may pinapagawa daw si mam sakanila.
Si Cheska naman kasabay ko paglabas ng room.
Daldal siya ng daldal pero hindi ako nakikinig at di rin ako interesado.
Paglabas ng room, nagulat ako kasi andun si Froilan. Naka school uniform siya at naka back pack. Bakit ang gwapo gwapo niya talaga. Nakakaasar. Nakakainlove talaga siya.
"Oh hi!" Sabi ni Cheska nung lumapit samen si Froilan.
"Hello" bati ni Froilan at ngumiti siya kay Cheska.
Bigla naman ako inagaw ni Froilan kay Cheska at inakbayan ako.
Tumingin lang si Cheska samen na parang may gustong itanong.
"Yung totoo bessy ano meron?" Sabi ni Cheska.
Ngumiti kaming dalawa ni Froilan at kinurot kurot niya pisngi ko habang nakaakbay siya.
"OMG bessy!!! KAYO NI FROILAN? THE FROILAN captain of soccer team?" Medyo pasigaw na sabi ni Cheska.
"Quiet please!!! Walang may alam!" Inis kong sabi sakanya
"Omg sorry sorry haha"
"Please. Wag maingay" pakiusap ko
"Hehe sure sure. Promise!"
"Good. Hehe aalis kasi kami eh...."
"Ay sorry sorry hehe sige bessy. Bye!!! Bye froilan!" Sabi ni Cheska at umalis na siya.
"Teka san tayo punta?" Tanong ni Froilan
"Eh gusto ko lang paalisin si Cheska haha dami kasing kwento ng kung ano eh." Sabi ko naman
"Haha sige, dahil sabi mo aalis tayo, tara alis tayo!"
"San tayo punta?"
"Secret. Tara na"
.
.
.
.
Napunta kami sa Hepa Lane. Kainan sa may Morayta sa tapat ng school.
Ayoko talaga kumakain dito dati kasi di ko trip yung lugar pero dahil dito gusto kumain ni Froilan, edi go.
"Okay lang ba sayo dito?" Tanong niya saken.
"Anywhere kasama ka" sabi ko sakanya at napangiti siya.
Umorder ako ng tapsilog dun at sakanya naman embutidosilog.
Malinis naman yung pagkain pero kasi yung pwesto nila, nabobothered ako.
Nagdasal muna kaming dalawa bago kumain. Nakasanayan ko na talagang magdasal palagi bago kumain.
"Kain na!!!" Sabi niya at kumain na siya. Ang sarap niya panuorin kasi sarap na sarap siya.
"Ayaw mo ba?" Sabi niya saken kasi napansin niyang di ako kumakain.
"Ahhh eh"
"Sana sinabi mo para sa iba tayo kumain" medyo nalungkot siya.
Kaya kinuha ko yung kutsara at tinidor at kumain. Nagulat ako kasi ang sarap pala.
"Wow, di ko inexpect na ganito kasarap" sabi ko sakanya.
"Promise?"
"Promise!" At totoong masarap. Nagenjoy ako sa kinakain ko. Di siya kadiri.
Napangiti naman siya at patuloy na kumain.
"Sorry kung dito lang kaya kong panlibre sayo ah? Kaya ko naman sa fast food kaso di sulit eh. Dito nalang para hanggang mamaya na yung kain natin" sabi niya pa.
"Ano ka ba. Ang saya nga sa feeling eh, halos lahat ng firsts ko, ikaw kasama ko" sabi ko sakanya.
"Hayaan mo, ngayon, fishball o kwek kwek o hepa lane tayo. Pag graduate ko at pag nakakuha ng magandang trabaho, ililibre kita sa kahit saan mo gusto" sabi pa niya at nakakatuwang tignan reaksyon niya.
"Eh ano gagawin ko?" Tanong ko sakanya
"Sa bahay ka lang tapos maglinis ng bahay tapos pag uwi ko dapat may luto ng ulam. Tapos kung gusto mo mag ampon, mag alaga ka ng bahay. Sa bahay ka lang. Ako kakayod saten."
Di ko alam bakit naiiyak ako. Kasi ayun ang naiimagine kong buhay pagtanda ko. Magkaroon ng pamilya. At mukhng si Froilan magbibigay saken nun.
"Hala. Di naman kita pinapaiyak bakit ka umiiyak?" Tanong niya
"Huh?hehe. Ano ba. Hindi. Nakakatuwa ka lang." Sabi ko sakanya
"Hehe, syempre gusto ko na pagusapan future natin para alam na natin gagawin natin ngayon" sabi ni Froilan pagkatapos kinindatan ako.
"Nakakaasar ka. Nakakainlove ka ng sobra"
"Konting tiis muna tayo sa ganito ha? Basta pangako ko, magtatapos ako ng pag aaral para sa kapatid ko at para sayo"
Sobrang saya ng usapan nameng dalawa kasi pinaguusapan namen ang future.
"Ay hon, gusto mo ba magdinner sa bahay later? Sama mo na lang si Tricia. Ano?" Tanong ko sakanya
"Ah okay lang. Ano meron?"
"Si kuya King kasi aalis na kaya despedida."
"Ahhh sige yayaain ko si Tricia mamaya." Sabi niya at tinapos na namen yung kinakain namen.
.
.
.
.
Bumalik na kami sa school para sa last subject namen. Hinatid ako ni Froilan sa room at nung walang tao sa hallway, hinalikan niya ako sa noo.
"Sige na" sabi niya at ngumiti at umalis na.
Kinikilig ako sa kanya ng todo!
Pag pasok ko ng room, si Cheska uli tumabi saken. Hinanap ko si Felix at Gerry pero wala sila.
"Bessy! Kwento mo lahat!!!" Sabi ni Cheska
"Ano kkwento ko?"
"Paano naging kayo?" Tanong niya
"Nako, napakahabang kwento!!" Sabi ko sakanya
"Hahaha kwento mo saken soon ah." Sabi niya
At tumahimik ako.
"Bessy?" Tawag niya saken.
"Oh?"
"Pwede ka ba labasan ng sama ng loob?" Tanong saken ni Cheska
"Hmm sige sige ano?"
"Alam mo ba nakipaghiwalay saken yung boyfriend ko dahil he's gay!" Sabi niya at nakayuko siya.
"No way!!"
"Oo. Inlove daw sa lalaki. Chismis saken ng ka team niya" sabi niya pa.
"Ohh? School athlete siya?" Tanong ko.
"Oo! Nako sinasabi ko sayo. Malaman ko lang kung sino yung lalaking baklang gusto ng boyfriend ko masasampal ko yun ng todo!!" Inis na sabi ni Cheska.
"Haha hayaan mo na" tangi kong nasabi.
"Ay wait omg!! Kilala ni Froilan yun sigurado!!" Biglang naexcite na sabi ni Cheska.
"Bakit naman?"
"Eh hello. Soccer team yun!!"
Bigla akong kinilabutan. Sana hindi si Joshua o si Richard.
"Eh sino ba? Hello. Diba nasa team ako ngayon kasi kailangan kong isalba grade ko sa PE?"
"Ay shocks!!!! Oo nga!! OMG. Please report mo saken lahat ng ginagawa niya!" Pagmamakaawa ni Cheska.
"Di ko nga kilala eh. Sino ba?"
Sana hindi sakanilang dalawa. Kahit sino, basta wag isa sakanila.
"Yung chinitong gwapo. Si Richard. Richard Silva." Sabi ni Cheska.
At shocks talaga. Si Richard nga tinutukoy niya.