Part 23: Miguel's POV

2258 Words
Malambot kamay ni Leo nung nakipagkamay siya saken. Napakaaliwalas din ng itsura niya, mukhang walang stress. "Sir, kakahatid ko lang po kay sa kakambal niyo. Anong oras po ba tayo aalis?" Tanong saken ni Leo. "Ahh hindi ako sasabay" sabi ko na lang. "Ganun po ba sir? Sige po" at umalis na si Leo at pumunta sa dating kwarto ni Paul sa likod ng bahay. Maya maya naman may bumusina na sa labas at si Cielo na yun. Nagpark siya sa tapat ng gate at paglabas niya ng kotse niya, sobrang lakas ng dating niya. Naka school uniform siya na white polo at green pants, naka shades din siya at sobrang gwapo niya talaga. Parang ang bagal ng oras pag nakikita ko siya. Nagsslow mo lahat. At nung nakita niya ako, ngumiti siya. s**t talaga, ang gwapo gwapo niya. Bukas pa kasi yung gate nun kaya nakita niya ako. Paglapit niya saken niyakap niya agad ako. Ang bango bango niya. Mukhang bench cologne ata pabango niya. At hinalikan niya ako sa noo. "Tara na myloves?" Sabi niya pa. "Ah eh hindi pako tapos kumain eh. Kumain ka na ba?" Tanong ko sakanya. Papasok na kami ng bahay nun. "Hindi pa nga eh, pwede pakain?" Tanong niya. "Oo naman" "Pwede ko ba kainin mga labi mo?" Sabi niya at nung tinignan ko siya, nakakagat labi siya. At tumawa ako ng malakas. "Hahaha baliw ka" sabi ko naman. Nakayakap siya saken sa likod ng mga oras na yun. "Umupo kana at ng makakain na tayo para makapasok na" sabi ko naman. Hinalikan niya ako sa pisngi at umupo na siya at kumain. . . . . Nasa daan na kami. Naka seat belt kaming dalawa habang naglalaro ako ng candy crush. "Myloves, may bago pala kaming driver" bungad ko sakanya at pinatay ko na cp ko. "Oh talaga?" "Oo, nagresign na daw si Paul eh." "Mamaya type mo bago niyong driver ah?" Sabi pa ni Cielo. Tumingin ako sakanya at ngumiti. "Wala na akong ibang gusto kundi ikaw lang" sabi ko sakanya. "Promise?" Tanong niya habang tumitingin siya saken. "Promise." Sabi ko At hinawakan niya kamay ko at hinalikan niya. "Nakakagigil ka!" Sabi ni Cielo saken. . . . . Nasa loob na ako ng room at unang bumati saken si Jade. Ang ganda ganda talaga ng tropa kong to. Kung straight lang talaga ako baka niligawan ko na to. Nakangiti siya saken nung papalapit ako sakanya. Nakaupo na kasi siya sa pwesto niya. "Himala, nagising ako sa bahay ng wala ka!" Sabi ko sakanya at tumabi ako sakanya. "Haha sa ibang bahay na ako pumunta kanina eh" medyo pakilig pa niyang sabi. "Ohhh???? Si Xander?" Tanong ko agad sakanya. Ngumiti lang siya. "OMG bes!!! YES buti naman." Sabi ko sakanya. "Hehe, sweet kasi eh tsaka sobrang maaalalahanin. Nakakatuwa kasi seryosong seryoso siya" sabi niya pa. "Ohh diba. Ang sarap sa feeling" sabi ko. "Oo nga bes. Ewan ko ba bakit nabulag ako sa isang tao lang" sabi niya pa. "Nako lalaki na naman dati na nagpaasa sayo?! Ano ba bes, move on! Ang tagal na nun. Di ko nga kilala yun eh, edi matagal na panahon na yun. Kalimutan mo na siya, kay Xander ka na lang!" Pangungulit ko pa. "Hindi ko pa alam. Haha pero masaya ako sakanya" sabi ni Jade at kita sa mukha niyang masaya talaga siya. "Masaya ako para sayo bes!" Sabi ko naman at niyakap ko siya sa loob ng school. "Sana makamove on nako para mabigyan ko ng chance si Xander" sabi niya pa. "Kaya mo yan bes!" At ngumiti siya. "Ay bes, may sasabihin din pala ako sayo" sabi ko sakanya at excited akong ikwento lahat ng nangyari sa Romblon. "Ohhh ano? Kayo na ni Cielo? Hahahahahahaha" Di ako sumagot at ngumiti ako na sumasang ayon sa sinabi niya. "s**t seryoso?!" "Oo bes. Kami na!" Sabi ko at tuwang tuwa ako. "Congrats bes!" Medyo di siya masaya sa binalita ko. "Bakit ganyan ka makareact?" "Wala, baka di ka lang ready pa o kaya baka lokohin ka niya" "Bes, hindi siya ganung klase. Sobrang bait at sweet niya pa" sabi ko pa. At di pa rin sumangayon si Jade. Dumating na yung prof namen kaya di na kami nakapagkwentuhan ni Jade. . . . . Pagkatapos ng klase, napansin kong nakaabang sa labas ng room si Xander. Tinignan ko kung nakita ni Jade, at oo, nakangiti siya. Ngayon ko lang nakita bestfriend kong ganito. Lumabas na kami ng room at nakita ko rin si Cielo, inaabangan ako. Ang gwapo niya talaga. Naglalaro siya sa cp niya ng nakita ko siya kaya alam kong di niya ako napansin. Paglapit ko sakanya, gugulatin ko sana siya pero bigla siyang nagsalita. "Naamoy na kita myloves, wag kana manggulat" sabi niya at tinignan niya ako at ngumiti siya. "Haha, wala kayong practice?" Tanong ko kay Cielo. "Wala po. Kaya marami tayong oras para sateng dalawa" sabi niya pa at napansin kong nagtatawanan din sila Jade at Xander. "Sige pre alis na kami ah? May dadaanan pa kami eh" paalam ni Xander samen ni Cielo. "Sige pre!" "Miggy, alis na kami!" Sabi ni Xander at inakbayan niya si Jade at umalis na sila. . Nakatingin lang siya saken. "Bakit?" Tanong ko sakanya. "Nainggit ako sakanila" sabi ni Cielo at sa pagsabi niya nun bigla niya akong inakbayan. "Ayan, di nako naiinggit" bulong niya saken at napangiti nalang ako. Ang sarap talaga sa piling niya. . . Naglalakad lakad lang kami sa campus habang nakaakbay siya. Maraming nakiki apir sakanya kasi talagang sikat siya sa school kasi kasali siya sa Basketball Team. "Myloves?" Sabi niya saken. "Po?" "Nagugutom ka ba?" Tanong niya saken. "Medyo po. Ikaw?" Tanong ko naman. "Gutom eh. Tara kain tayo" sabi niya. "Sige. Saan tayo? Espanya o Hepa Lane?" "Gusto ko mag bulalo eh" "Tara sa Espanya meron ata" "Eeeeh. Ayoko dun myloves" "Eh san tayo?" "Sa tagaytay!" "Ano?!" Medyo nagulat ako sa sinabi niya. "Tara na. Masarap yung bulalo dun!" . . . . Di ako nakatanggi kasi mukhang ready na lahat dun. Bumyahe kami ng halos dalawang oras. Buti na lang hindi masyadong traffic. Nakarating kami sa Tagaytay ng alasingko ng hapon at pumunta nga kami dun para kumain lang ng Bulalo. Kumain kami sa Leslie's. First time ko dun at ang ganda ng lugar. Maraming table at medyo gusto ko yung setting kasi puro narra yung mga upuan at lamesa. Umupo kaming dalawa dun at medyo nilalamig na ako. "Okay ka lang myloves?" Tanong niya saken. "Oo. Nilalamig lang" sabi ko naman. "Sorry kung binigla kita ah. Hehe, gusto ko kasi mag road trip kasama mo eh" sabi niya naman. Nakauniform pa rin kaming dalawa. Magkaharap kaming dalawa. Umorder nga kami ng bulalo pero gusto ko ng sandwich kaya umorder din kami nun. Nakatitig lang siya saken habang nagtitingin ng oorderin. "Bakit?" Napatingin ako sa kanya. "Wala, ang cute mo lang. Sige na order kana myloves" sabi niya naman. At napangiti ako. . . Pag dating ng pagkain namen, para kaming patay gutom sa pagkain. Ngayon ko naramdaman yung gutom dahil sa pagkain sa harap namen. "GRABE! Sobrang sarap!!" Sabi ko sakanya nung natikman ko yung bulalo. "Oh diba?! Hehe. Super sarap dito. Minsan kasi pumupunta kami nila dad dito" kwento niya pa. "First time ko dito. Buti na lang ikaw kasama ko" sabi ko naman at napangiti siya. Tuloy lang kami sa pagkain ng bulalo. Umorder din kami ng kanin at sobrang gutom talaga kami. "Kwento ka naman myloves" sabi niya. "Hmm ano gusto mo malaman?" Tanong ko sakanya. "Anything." "Hmm. Well, may kakambal ako." "Hahahhahahhahaha. Something I don't know." "Hmm sige, alam mo ba dati na nakipag away kaming dalawa ni James nun at dahil pinatawag yung parents namen, binayaran namen yung nagtitinda ng fishball sa labas ng school para magpanggap na tatay ko. Hahaha" "Lol totoo?" "Oo, tsaka one time, umalis kami ni James nun ng madaling araw para maginom. High school palang kami nun ah pero ganun na gawain ko haha" "Haha bad boy ka rin pala myloves" "Haha hindi naman. Pag may kasama lang" "Sobrang close kayo ng James no?" "Hmm opo. Eh kasi nagkakaintindihan kaming dalawa eh" "Sayang no? Nasira friendship niyo kasi nagkagusto siya sayo." "Hmmm di ko din naman kasi sinasadya. Parang, nangyari na lang" sabi ko sakanya. "Hehe okay na yun atleast tayong dalawa na, ayun ang mahalaga!" Sabi pa niya at ngumiti siya. Sobrang busog na namen. Sobrang sarap ng bulalo. At sobrang lamig na kasi gabi na rin. "Wag na tayo masyadong magpagabi ha?" Sabi ko sakanya. "Oo, uwi na rin tayo. Kumain lang naman tayo ng bulalo eh haha" "Tara na uwi na tayo?" Sabi ko naman. "Maya maya, may daanan lang tayo saglit" sabi niya. At tumayo na kaming dalawa para lumabas. Hawak ko dalawang kamay ko kasi nilalamig ako. Pero nagulat ako sa ginawa niya. Niyakap niya ako sa likod at hinawakan niya dalawa kong kamay at niyakap niya saken. Maraming tao nung mga oras na yun pero ganun ginawa niya. "Wag ka mahiya. Di naman tayo kilala ng mga yan eh hayaan mo na haha" sabi niya saken. At umoo na lang din ako, ang sarap ng init ng katawan niya. . Pag sakay namen sa sasakyan, dumiretso pa siya at hindi bumalik. "San ba tayo pupunta?" Tanong ko sakanya. "May gusto lang ako subukan" sabi niya At medyo kinabahan ako sa sinabi niya. Nung nakita ko na kung san kami pupunta, nagulat ako. Napakalaking ferris wheel na sobrang ganda dahil sa makulay na kulay neto. Nagulat ako kasi sobrang laki talaga! Namangha talaga ako at may nakalagay na. "Sky Ranch" "Welcome sa Sky Ranch myloves. Sakay lang tayo isa tapos uwi na rin tayo" sabi niya saken. Niyakap ko siya sa sasakyan. "Maraming Salamat!!" At hinalikan ko siya ng paulit ulit sa pisngi. Bigla siyang humarap saken at muntik ko ng mahalikan labi niya. Bigla siyang ngumuso at gusto niyang halikan ko siya sa labi. "Muntik na yun" sabi ko. "Daya naman!! Sa lips lang eh" ang cute niya pag nag iisip bata siya. . Bumili siya ng ticket sa Sky Ranch. Medyo mahaba yung pila namen kaya iniisp namen kung tutuloy kami. "Gusto mo pa ba ituloy?" Tanong niya saken. "Gusto mo ba?" Tanong ko naman. Magkaholding hands kaming dalawa nun. Wala kaming paki sa mga tao. Minsan aakbay siya tapos yayakap ako sakanya. May kumalabit sameng babae. Matanda na siya at may kasama siyang matanda ding lalaki. Mukhang asawa niya. Parehas silang damit na suot. Mga nasa 60yrs old na sila. "Excuse me?" Sabi nung babae. Lumingon kaming dalawa. "Bakit po?" "Aba oo nga loves, dalawang lalaki nga ito!" Sabi nung matandang babae sa lalaki niyang kasama. Di ko alam kung naoffend ba sila samen o ano. "Diba sabi ko sayo"sabi nung matandang lalaki. "Eh mga iho, napakagwapo niyong dalawa pero magkarelasyon kayo?" Tanong samen nung babae. Sumagot agad si Cielo at inakbayan niya ako. "Ah opo! Sinagot na po niya ako nung isang araw. Kami na po" pagmamayabang ni Cielo. Medyo nahiya ako. "Aba totoo nga. Aba mga iho hindi namen kami bulag sa ganyang relasyon pero masasabi ko lang, ipaglaban niyo no?" Sabi nung matanda. "Aba oo naman po" sabi pa ni Cielo. "Nakakatuwa kayong pag masdan" sabi pa niya. "Hindi po, mas nakakatuwa po kayo. Mukhang matagal na po kayong nagsasama" sabi ko naman "Ahh oo, 40 years. Akalain mo yun, first and last love ko tong Eduardo na to" sabi nung babae. "Nako, 40 years mo na kako akong inaaway at palaging pinapasuyo sayo!" Sagot nung lalaki "Ehh sa yun ang gusto ko eh, wala kang magagawa!" Sabi nung babae At tumawa kaming dalawa ni Cielo. "Ano po ba sikreto niyo sa ganyang katagal na relasyon?" Tanong ko sakanila. "Intindi. Marunong kaming umintindi pareho. Ayun lang, at wag na wag kang maiinlove sa itsura o alam mong magbabago pagtanda. Kasi pag nawala yun, baka mawala na din pagmamahal niyo" sabi pa nung matanda. Napatingin naman ako kay Cielo sa mata at ganun din siya. Di ko alam pero gusto ko siyang halikan ng mga oras na yun. "Tara na, next time na natin ituloy tong Sky Ranch natin" sabi niya saken. "Talaga? Sige." Nagpaalam na kami sa dalawang matanda. Naglalakad kaming dalawa na magkaholding hands. Maraming tao pero hindi talaga kami bothered. Pag dating sa kotse, nag seatbelt kami at nagpaandar siya. Parehas lang kaming di nagsasalita. Pero pumunta kami sa Peoples Park in the sky. Madilim na pero yung hampas ng hangin sa katawan ko yung masarap. Malamig lamig. Nakatayo kaming dalawa at nakaharap sa may view sa taal pero di ko makita. Bigla niyang hinawakan kamay ko. At bigla niya akong niyakap ng mahigpit. Inamoy niya yung buhok ko at hinalikan niya ako sa ulo. "May tanong ako" sabi niya saken. "Ano yun?" "Ano bang nagustuhan mo saken?" tanong niya. Bigla akong napaisip. "Unang pumapasok sa isip ko? Yung smile mo. Sobrang nakakainlove ka pag ngumingiti" sabi ko. At napangiti siya nung sinabi ko yun. "Ayan! Ayan talaga. Everytime na nakikita ko yan, sobrang naiinlove ako. Kung pano kuminang mata mo, yung labi mo" "Eh pano kung pagtanda ko, nawala na ngipin ko? Pano yun? Baka di mo nako mahal" "Mahal ko yung efforts mo, yung tipong yung aura mo lang, masaya na ako. Yung makita lang kita, okay na ako." Sabi ko. "Iniisip ko kasi yung sinabi nung matanda saken eh" "Wag ka magoverthink. Eh ikaw ano ba nagustuhan mo saken?" "Yung ikaw. Lahat ng ikaw, ayun nagustuhan ko" sabi niya. At natahimik ako. "Kung paano ka magsalita, kung paano ka tumayo, lahat. Kung paano mo banggitin pangalan ko. Ewan ko, sobrang baliw ako sayo. Parang ayokong naiisip na hindi kita makakatuluyan sa huli" sabi niya. Medyo naiyak ako sakanya. Hinawakan niya yung mukha ko. At nagkatitigan kami. Napakaganda ng mga mata, sobrang mapungay tapos ung ilong niya na matangos. Nagdikit kami ng noo at nagtama yung mga ilong namen. "Mahal na Mahal kita" sabi niya saken habang magkaharap kami. "Mahal na Mahal din kita" sabi ko naman. At ngumiti siya. "Gagawa tayo ng maraming plano ngayon at tutuparin natin yun pag graduate" sabi niya. At bigla niyang nilapit mga labi niya sa labi ko. Napapikit ako sa sarap. Ang lambot ng labi niya at ang sarap talaga. Basa ng laway mga labi niya. Napayakap ako sa kanya ng mahigpit at dinamdam mga dibdib niya. "Promise me one thing" sabi niya "Sure. Ano yun?" "Alam ko maaga pa. Bata pa relasyon natin, pero promise me na kung ano man mangyari. Hindi solusyon ang hiwalayan. Mas mahalaga ang isa't isa kesa sa problema. Pagusapan ng mabuti lahat at sana iwasang gumawa ng bagay na alam nating makakasakit sa partner"sabi niya. Ngumiti ako at tinaas kamay ko. "Promise yan!" At ngumiti rin siya at niyakap niya ako. "Tara na para di tayo pagalitan saten" sabi ni Cielo at hinawakan niya kamay ko. Sumakay kami sa sasakyan at bumalik na sa Manila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD