Nasa bahay na kaming lahat maliban kay Kuya at Cielo na nagpaiwan sa airport.
Hinatid ako ni Froilan hanggang kwarto ko, since okay naman kina dad, di naman siya nagsalita.
Pagpasok namen sa kwarto, dumiretso agad ako sa kama at humiga dun.
"Grabe sobrang miss ko yung higaan ko!!!" Sabi ko naman.
Tinignan ko reaksyon niya at binaba niya lang gamit ko sa kwarto. Nakatayo siya sa may pinto at nakatingin saken na nakangiti.
Umupo ako sa kama at tumingin din sakanya at ngumiti.
Lumapit siya saken at tumabi.
Fuck ang gwapo niya talaga. Magkatitigan kaming dalawa ngayon at bigla niya akong niyakap.
"Hindi pa rin ako makapaniwala." Bulong niya sa tenga ko.
"Mas lalo naman ako. Dati pangarap lang kita eh, ngayon akin kana" sabi ko naman sakanya.
"Sige na uuwi na ako, baka andun na din si Tricia sa bahay, walang kasama yun" sabi pa niya.
Umoo na lang ako at niyakap ko siya ulit.
Hinalikan naman niya ako sa labi. Napakalambot talaga ng labi niya, ang sarap sa feeling ng hinahalikan.
Hinatid ko na siya sa labas ng gate.
"Bye" sabi ko.
"Bye, ingat ka ah. Text ka pag nakauwi ka na" sabi ko sakanya.
Ngumiti lang siya.
"I love you" sabi pa niya
"I love you too".
Napapangiti talaga ako sakanya. Ang sarap sa feeling.
.
.
Nagtext na siya pagkalipas ng isang oras.
"Nasa bahay nako hon. Sobrang nag enjoy ako. Andito na rin si Tricia. Matulog kana ah" text niya saken.
Nagreply ako agad.
"Sige hon. Matulog ka na rin. I love you! Goodnight"
Nagreply siya agad.
"Good Night hon. Kinikilig pa rin ako sayo grabe haha nahihiya lang ako ipakita haha. I love you more and more." Reply niya.
Mamamatay na ata ako sa kilig neto. Sobra sobra naman.
Napayakap ako sa cellphone ko ng nakahiga at iniimagine ko si Froilan na nakakasama ko. Nawala na sa isip ko ang s*x simula nung naging kami ni Froilan. Ganito pala yung feeling ng inlove no. Walang lust, pure love lang.
.
.
.
.
Nagising ako ng maaga kasi excited ako pumasok at makita si Froilan. Pagtingin ko ng cellphone ko, may text siya saken.
"Good Morning sa mahal kong si Manuel Martin. Kumilos ka na agad para di ka ma late! I love you! :)"
Mas lalo pang gumanda yung gising ko. Mas lalo akong naexcite sa pag pasok.
.
Pag baba ko, nakita kong paalis na si Dad, kasabay naman ni Kuya King si Rex. Halos di nako nakapagpaalam kasi nasa kotse na silang lahat. Buti na lang may mga pagkain pa.
Kumain na ako at nagreply kay Froilan.
"Good Morning hon. Excited na ako makita ka! I love you so much! :)" sabi ko naman.
Nakangiti pa ako habang kumakain, para akong baliw.
Maya maya may pumasok na lalaki, di ko siya kilala kaya ang una kong nagawa eh binato ko siya ng hotdog na kinakain ko.
"Sino ka!!!! Sino ka!!!!" Sigaw ko sakanya habang hawak ko yung tinidor at nakaturo sakanya.
"Ahh sir sir. Easy lang po kayo." Pinapahinahon ako ng lalaki. Infernes may itsura.
"Sino ka!!!!!!" Sigaw ko sakanya.
"Sir, ako po si Leo, bago niyong driver. Easy lang po" nagmamakaawa na siyang tumahimik ako.
"Nasan si Paul?!" Sabi ko
"Eh hindi naman po siya kasama pagbalik niyo dito diba, sorry sir. Kalma na po"
Nung naramdaman kong totoo naman sinasabi niya, binaba ko na yung tinidor at kumalma.
May hawig to kay Dominique Roque. Medyo moreno at malaki katawan.
"Sorry sir. Tinawagan po ako ng dad niyo nung isang araw pa pero sabi pumasok na daw ako today kasi galing nga daw po kayong bakasyon" sabi niya pa.
Normally, maaattract ako sakanya pero sa sobrang inlove ko kay Froilan eh wala akong paki sakanya.
"Sorry din!" Sabi ko at ngumiti ako sakanya.
.
.
Pagkatapos ko magprepare, hinatid na ako ni Leo sa school. Nakaschool uniform ako at siya nman naka tshirt na white at black pants.
Tahimik kami sa loob ng sasakyan.
Nasa school na daw si Froilan at may klase. 9 pa kasi klase ko at 8:30 na, so di pako late.
"Sir baka po traffic sa Espanya ngayon" sabi ni Leo
"Osige, okay lang wala namang ibang daan eh. Di pa naman ako late" sabi ko naman
"Osige sir. Teka po pala sir, sino po pala kayo?" Tanong niya saken.
"Ahh si Manuel" sabi ko.
"Ahh okay po. Ano po ba palatandaan niyo?sabi po kasi ng papa niyo eh may kakambal daw kayo baka daw maguluhan ako"
"Ahh basta ako yung medyo payat, medyo malaki kasi katawan ni Kuya eh" sabi ko.
"Ahhh okay po sir"
"Sir ka ng sir halos magkasing edad lang naman tayo" sabi ko naman.
"Ay sorry po. Syempre, amo ko pa rin po kayo hehe"
"Hehe ilang taon ka naba?" Tanong ko naman.
"Ahh 20 po" sabi niya.
"Wow halos nga, mag 19 lang kami ni Kuya next month" sabi ko.
"Ahh magkalapit nga lang talaga sir ehehe" sabi niya naman.
"Ang bata mo naman para magtrabaho" sabi ko.
"Eh wala naman pong tutulong saken eh so kailangan ko kumayod mag isa" sagot niya.
Medyo naawa ako sa kanya. Hindi naman sya panget, pwede nga talaga siya mag model eh kasi gwapo talaga. Mukhang mahiyain lang.
Di ko namalayan nasa school na pala kami.
Nagpaalam na si Leo saken, ganun din ako sakanya.
.
Pagbaba ko ng sasakyan, bumungad si Felix at Gerry saken. Nagbeso beso kaming tatlo.
"Sis! No make up ka na talaga? At saka bakit ka hinahanap ni Cheska? Kailan pa kayo naging mag bff?" Tanong ni Felix saken.
"Di ko nga alam eh." Sabi ko.
At speaking of Cheska, palapit siya sameng tatlo.
"OMG Bessy kanina pa kita hinihintay!!!" At inagaw ako ni Cheska kay Felix at Gerry.
"Wow, I like your new look! Medyo boyish na lalaking lalaki." Sabi niya pa.
"Cheska! Ano ba, medyo nakakairita na ha" sabi ko sakanya at lumabas kabaklaan ko.
Napatungo lang siya at ngumiti ng pilit.
"Sorry, hehe. Sige alis na ako" at tumalikod nga siya.
Pero naawa ako kaya hinabol ko.
"Uyyy, sorry hehe. Naninibago lang ako" sabi ko nalang sakanya.
Ngumiti na naman siya ng pilit.
"Sorry, napansin ko lang sa boyfriend ko pala umikot mundo ko, ni wala pala akong kaibigang matatawag. Alam ko plastikan lang tayo palagi pero sa totoo lang, ikaw lang nakakausap ko palagi. Kaya, sorry kung medyo oa ako makareact" sabi niya pa.
"Ahhh sige, we can be friends naman eh. True friends. Walang plastikan. Okay ba?" Sabi ko sakanya.
Di ko alam pero feeling ko nagbago ako dahil kay Froilan.
"Talaga?! Yehey!!! Thankyou!!!!" Sabi niya at niyakap niya ako.
"Okay na. Okay na." Sabi ko.
"Hehe sorry" sabi niya.
At pumasok na kaming dalawa sa klase.
.
.
.
Pagtapos ng klase, nakita ko si Froilan na nag aabang sa labas ng room. Naka varsity uniform siya at may hawak na soccer ball.
Napangiti siya nung nakita niya ako. Syempre ako rin kinilig.
"Sige na, may practice pa ako eh"sabi ko kay Felix at Gerry at ngumiti lang sila.
Lumapit ako kay Froilan habang nakatitig lang sakanya.
"Tara na sa practice?" Sabi niya at nakangiti siya saken.
"Ready na hehe" sabi ko naman.
Magkasabay kaming naglakad papunta sa soccer field.
Naweweirduhan ako sa kilos niya kasi palingon lingon siya na mukhang may hinahanap.
"Bakit di ka mapakali?" Tanong ko.
At bigla niya akong hinalikan sa pisngi.
"Sorry, di ko mapigilan eh" sabi niya.
At napangiti ako ng todo at dumiretso ng tingin. Tinginan ko siya, nakangiti rin siya.
.
.
Sa practice, andun si Richard at Joshua, first time ko sila maencounter sa practice na kasabay. Di ko na lang sila pinansin at nagfocus sa practice namen ni Froilan.
Sa totoo lang, di kami nagppractice. Naghaharutan at sinisipa lang namen kunwari yung bola pero nagkkwentuhan lang kami.
After isang oras ng practice ko, pumasok na ako sa next class ko at patuloy pa rin sila sa practice.
Hinatid ako ni Froilan sa room ko. Feeling ko ang ganda ganda ko talaga.
Pag punta sa tapat ng room eh hinalikan niya ako sa noo, di ko alam kung may nakakita samen.
"Sige na pasok ka na"sabi niya habang nakangiti siya saken.
"Sige hon" bulong ko sakanya.
At ngumiti siya ng malaki. Napangiti rin ako sa reaksyon niya.
.
.
After ng class ko, 4:30 na yun. Napagpasyahan kong dalawin si Froilan sa practice nila. Grabe pala sila magpractice, halos maghapon.
Pag punta ko dun, umupo ako sa bleacher at pinapanuod sila. Napansin ako ni Froilan at mukhang ginanahan sa paglalaro nila.
Napansin ko naman si Richard yung nagbabantay sa goalpost at si Froilan yung sisipa. Medyo interesting kasi nakita ko sa reaksyon ni Froilan na competitve siya.
Pero pag sipa niya ng bola, nasalo naman ni Richard at di nakapuntos. Sayang. Pero okay lang, practice lang naman eh.
Maya maya bumaba na ako at tapos na yung practice nila. Sinalubong ako ni Froilan na basang basa ng pawis.
"Sorry hon di ko nashoot yung goal" sabi niya at medyo hingal pa siya.
Bago pa ako makasagot, sumagot si Richard na di ko alam na nasa tabi ko na pala.
"Marunong kasi akong mag ingat at mag alaga, kaya wala talagang makakapuntos sa binabantayan ko"sabi niya pa at kinindatan niya ako sabay umalis.
Nainis naman si Froilan at pinigilan ko na lang at pinunasan ng pawis.
"Hayaan mo na siya. Wag natin sirain araw natin sakanya" sabi ko.
At umoo na lang siya.
Hinintay ko siya matapos magshower at nasa bleacher lang ako.
Pero nilapitan ako ni Richard na mukhang tapos na magshower. Naka shorts pa rin siya at Tshirt na black.
"Uyy" sabi niya.
Di ko siya pinansin at patuloy lang akong nakatingin sa phone ko.
"Sayang no? Sana pala nanligaw na lang ako sayo. Akala ko kasi katawan mo lang gusto ko eh, yun pala pati ikaw gusto ko na rin" sabi niya pa.
Di ko pa rin siya pinansin.
"Sorry. Sana tayo na lang" sabi pa niya.
Hindi ako naaawa sakanya pero nung makita ko reaksyon niya, naawa ako talaga. Medyo paiyak na siya na nakatingin saken.
Bigla niya naman ako niyakap ng mahigpit na kinagulat ko. Pilit kong kumakawala sakanya.
"Tayo nalang!!!" Sabi niya pa.
Nasasakal na ako sa yakap niya pero bigla nawala yung pagkakayakap niya at nakita ko si Froilan na sinapak si Richard. Bumagsak si Richard at sinapak niya uli ito. Nakatatlong sapak ata si Froilan.
"Tigilan mo na si Manuel! Kami na!! At pag nakita ko pang lumapit ka sakanya hindi lang yan matatanggap mo!" Sabi niya kay Richard.
At hinatak na ako ni Froilan palayo dun.
"Okay ka lang ba?" Tanong niya saken.
"Ahhhh. Oo oo, okay lang" sabi ko. At niyakap niya ako.
Eto na naman yung yakap na talagang ang sarap sa pakiramdam. Yung safe na safe ako sa piling niya.
"Di ko hahayaang may manakit sayo tandaan mo yan ha?" Sabi niya habang magkaharap kami.
Nasa loob pa kami ng school at medyo konti na lang tao.
Ngumiti lang ako sakanya.
"Tama na yung ganun, dapat masaya tayo bago tayo umuwi!" Sabi niya
"Sige ano ba gusto mo?"
"Ikaw"
"I mean ano gusto mong gawin" sabi ko at di ko talaga maiwasang kiligin.
"Ahh, gusto mo punta tayo samen? Dun tayo mag dinner?" Sabi niya.
"Osige sige!" Sabi ko na lang.
.
.
.
.
Sa bahay nila, parehas pa rin ng set up. Walang pinagbago, ang simple pa rin. Nakita ko si Tricia na naghihiwa sa kusina.
"Ako na diyan Trish, sige na." Sabi ni Froilan at niyakap siya ng kapatid niya.
Parang mas nakakainlove tignan yung lalaking close sa kapatid niyang babae.
Naghubad naman ng damit si Froilan at nakashorts lang siya. Nagsuot siya ng apron at nagprepare na lulutuin.
Ang gwapo niya kahit nakatalikod. Ang sexy at talagang nakatitig lang ako.
"Kuya kuya gusto mo bang tignan to?" Sabi ni Tricia at pinakita niya saken yung photo book nilang dalawa.
Dun ko nakita si Froilan nung bata na napaka cute kasama pa parents niya. Magkamukhang magkamukha sila ng dad niya.
Di ko napansin nasa tabi ko na pala si Froilan at nakikitingin sa pictures niya.
"Ang pogi naman niyan sino yan?" Sabi niya ng nakangiti.
Ang lapit ng mukha niya saken at talagang magkadikit na pisngi namen.
"Haha kuya ang cute niyong dalawa ni Kuya Manuel" sabi ni Tricia.
"Oh talaga? Bagay ba?" Sabi ni Froilan at ngumiti siya habang magkadikit mukha namen.
Napangiti na lang din ako.
"Yung niluluto mo mukhang sunog na" sabi ko naman.
"Ay shoot!!!" At dali dali namang pumunta siya sa kusina at inayos yung niluluto niya.
Nagtawanan kami ni Tricia.
"Kuya Manuel" sabi bigla ni Tricia.
"Yes?"
At bigla niya akong niyakap. Nagulat ako at niyakap ko rin siya, tinignan ko si Froilan at nakatingin lang siya samen at nakangiti.
"Bakit?" Sabi ko pagkatanggal ng yakap.
"Salamat lang kasi sinagot mo si kuya, ngayon ko lang siya nakitang masaya katulad ngayon. Grabe. Salamat po" sabi niya
Ngumiti ako.
"Salamat sakanya at tinuruan niya ako magmahal" sabi ko sakanya.
"Oh tama na yan!! Maghain ka na Tricia" sigaw ni Froilan na medyo naiyak rin.
.
.
Naglalakad na kami ni Froilan papunta sa bahay namen.
"Ang saya ng gabi ko. Salamat!" Sabi ko naman.
"Mas masaya ako kasi masaya ka" sagot niya naman.
Madilim yung daan, tanging liwanag lang ng isang poste yung ilaw at yung buwan.
Inakbayan niya ako at ang bango bango niya.
Ang init ng katawan niya talaga, ang sarap sa pakiramdam.
"Sorry kung di kita malibre sa sosyaling lugar ha? Palagi tuloy luto ko kinakain mo" sabi pa niya.
"Ano ka ba, mas mahal pa yung worth ng luto mo kesa sa mga nakakain ko sa labas. At saka mas masarap yung sayo" sabi ko naman.
"Alam na alam mo talaga yung mga dapat sabihin para mapasaya ako no?" Sabi niya.
"Sinasabi ko lang kung anong nararamdaman ko" sagot ko.
"Eh nararamdaman ko kasi talaga yung pagmamahal mo, sobrang saya ko talaga sayo" sabi niya pa.
Di ko na talaga mapigilan nararamdaman ko. Sobrang kinikilig ako.
"Because of you, my life has changed. Thank you for the love and the joy you bring" bigla siyang kumanta.
Ngumiti ako everytime na bigla siyang kumakanta.
"You captured something inside of me, you've made all my dreams come true"
Sinabayan ko na siya.
"Because of you, my life has changed, thankyou for the love and the joy you bring. Because of you, I feel no shame, I'll tell the world it's because of you"
Sakto nasa tapat na kami ng bahay namen.
Magkatapat na kaming dalawa. Hinawi niya buhok ko at tinignan ako sa mga mata.
"Thank you for the love and the joy you bring" sabi niya at ngumiti siya.
"Salamat din hon"
At bigla niya akong hinalikan sa labi. Eto na naman yung napakalambot niyang labi na sobrang sarap at ang tamis tamis.
"Mahal na Mahal kita" sabi niya at niyakap niya ako.
"Mahal na Mahal din kita!" Sagot ko at pumasok na ako sa loob.