Part 20: Manuel's POV

1697 Words
Nakahiga kaming dalawa at nakatingin sa mga bituin. Di ko makalimutan yung halik niya sa mga labi ko. Kung paano niya ako hawakan at kung gaano kainit yung katawan niya kapag magkayakapan kami. "Ano iniisip mo?" Tanong niya saken habang nakayakap ako sa kanya at siya naman hinihimas balikat ko. "Wala naman. Ang saya ko lang. Parang ayokong matapos tong gabing to" sabi ko sakanya. "Hayaan mo, palagi naman tayong ganito eh" sabi niya naman. "Talaga?" "Oo papasayahin kita araw araw sa abot ng aking makakaya hehe" sabi niya pa. Fuck. Ang sarap pakinggan talaga. Maya maya biglang ang daming fireworks na nanggaling sa bahay. Grabe sobrang gandang pagmasdan. Tinignan ko siya at tumingin din siya saken. "I love you" sabi niya saken. "I love you more" At hinalikan niya ako uli ng matagal at pinanuod na namen yung fireworks. . . . . Kakatapos ko lang mag shower at hinihintay ko namang umakyat si Froilan sa kwarto. Sinuot ko na yung pajama at sando ko. Nagpabango ako at pulbo. Baka kasi may mangyari, mabuti ng ready. Umupo ako sa kama at nagkumot at hinihintay siya. Di naman katagalan pero pumasok na si Froilan sa kwarto ng nakatapis ng tuwalya at basang basa. Tinignan niya ako at ngumiti. f**k ang gwapo niya. Ang ganda ng katawan niya. At ang yummy niya. Nakatalikod siya saken habang nag suot ng underwear at shorts. Nagpunas niya ng katawan niya at humarap na saken. Umupo siya sa kama katabi ko. "Tara na matulog na tayo?" Tanong niya. "Ahh eh. Sige. Tara" sabi ko. Shit. Walang mangyayari. Pero kinakabahan pa rin ako. Humiga na kaming dalawa na nakatingin sa kisame. "Ahhh, tulog ka na ba?" Tanong niya saken. "Huh? Hindi pa" sabi ko. Bakit parang naaawkwardan ako. Parang wala ako sa sarili ko. "Ahhh tulog ka na" sabi niya pa. "Eh hindi ako makatulog eh. Ikaw ba?" "Hindi din ako makatulog" sabi niya naman. At tumahimik uli kaming dalawa. "Ano naman naiisip mo ngayon?" Tanong niya. "Hmm. Ikaw" "Ha? Bakit mo naman ako iniisip?" "Wala, kanina. Ang saya lang. Kasi tayo na" "Mas masaya ako kasi sinagot mo ko" sabi niya pa at napangiti niya ako. Napansin kong nakatingin siya saken, nung tinignan ko siya tumingin uli siya sa kisame. "Ikaw ano naman iniisip mo?" Sabi ko sakanya. "Wala naman. Iniisip din kita, paano tayo pagbalik natin sa realidad. Sa school. Paano tayo nun?" Tanong niya. "Gusto mo bang itago relasyon nating dalawa??" Tanong ko naman. "Ayoko ng ganun. Edi parang kinahiya rin kita. Okay lang naman saken malaman ng lahat, natatakot lang ako na baka magising ka sa katotohanan na eto lang ako. Na baka di ko mabigay lahat" Umayos ako ng higa at humarap sakanya. "Makita at makasama lang kita, sapat na yun. Kaya wag kang mag alala about diyan. Di to about sa kung anong meron ako na wala ka, tungkol to sateng dalawa lang." Sabi ko. At tumingin din siya saken at magkatitigan na kami. Hinawakan niya buhok ko at pinaglalaruan. Nilapit niya mukha ko sa kanya at alam ko na gusto niyang mangyari. Hinalikan ko siya ng madiin. Napapikit ako ng maramdaman ko labi niya. Hinalikan ko pa siya ng todo at medyo passionate. Lumalaban din siya ng halik at di ko alam kung bakit ako biglang pumatong sakanya. Sa ganung posisyon, niyakap niya ako habang naghahalikan. May mahihinang ungol na lumalabas samen habanghahalikan. Pero nagulat ako ng hubarin niya yung sando ko. Di ako nakapagsalita at naghalikan uli kami. Naging wild siya at pumatong naman siya saken. Nagkatitigan muna kami at diniin niya uli paghalik saken. Pinasok ko yung dila ko sa bibig niya at di naman siya nagpatalo lumaban din dila niya. Shit sa sarap yung lasa ng laway niya. Ang sarap at ang linamnam. Gumapang na kamay ko sa maganda niyang katawan pero bigla siyang tumigil sa tuminto, tila natauhan siya sa ginagawa niya, Tinignan niya lang ako ng diretso at ngumiti. "Sorry ha? Gusto ko muna enjoyin tong gabing na kasama ka. Sa susunod na lang tong..... eto. Alam mo na" sabi pa niya. "Ahh oo sige naiintindihan ko" Ewan ko pero ibang iba talaga si Froilan. Di siya nagmamadali sa lahat ng bagay. Medyo nakakabitin pero nakakatuwa kasi mas pipiliin niya ang cuddle tru s*x. Humiga na uli kaming dalawa pero this time, pumatong ako sakanya na magkaharap mukha namen. "Kakaiba ka talaga" sabi ko kay Froilan, "Ha bakit naman?" "Wala,normally parang pag may chance ng s*x e susunggaban agad pero pag dating sayo, grabe marunong kang umiwas" sabi ko naman. "Hehe, gusto ko kasi lahat ng 1st ko special. Kaya ayun." Sagot niya na lang. Pinaglalaruan ko buhok niya sa ganung posisyon. "Wag mo kong iiwan ha?" Bigla nalang sinabi ni Froilan. "Ha? Bakit mo naman naisip yan" "Wala naman. Ayoko lang na iwan mo ko hehe" "Hmm. Eto naman ohhhh. Syempre hinding hindi." Sabi ko. At ngumiti siya at hinalikan ako sa ilong. "Ano bang gusto mong itawag ko sayo?" Tanong niya saken, "Ahmmm kahit ano" "Ano bang gusto mo nga?" "Hmm. How about hon? Parang kakaiba at iba naman" Bigla siyang ngumiti na parang kinikilig. "Bakit ka ngumingiti ng ganyan?" Tanong ko sakanya. "Wala. Nakakakilig yung hon eh" sagot niya. "Haha. Totoo. Hon" At ngumiti na naman siya, ang cute niya pag kinikilig siya. Nakakatuwa. "Bakit ba sobrang gwapo mo?" Sabi ko sakanya. "Basta para saken ikaw pinakapogi sa lahat okay?" Sagot niya. "Tara na nga at matulog" "Sige hon" sabi niya at kinikilig talaga siya ewan ko pero ako rin kinikilig ng sobra. "Goodnight hon" sabi ko sakanya. "Goodnight hon." Sabi naman niya at nakatulog kami sa pwestong nakahiga ako sa dibdib niya habang amoy niya buhok ko. . . . . Nagising ako sa tabi niya. Gising na siya at pinagmamasdan ako matulog. "Ahh goodmorning" sabi ko kasi pag mulat ng mata ko, siya agad nakita ko. "Good Morning hon" sabi niya na may ngiti sa mukha at hinalikan ako sa noo. "Ang sarap naman makagoodvibes" sabi ko. "Oo nga eh. Tara na't bumangon hon at enjoyin natin tong last day natin" sabi niya pa at bumangon kami. . . . . 9 AM na pala at gising na silang lahat. Kami na lang pala yung huling bumaba. "Iho ubos na yung ulam. Luto ka na lang diyan. Hanap ka ng gusto mong lutuin" sabi samen nung matanda. Maya maya lumapit si Kuya Miggy saken at mukhang masaya rin. Medyo lumayo kami ng konti at nag usap. "Kami na ni Cielo. Ahhhhhhh!!!" Kwento ni Kuya at dobrang kinikilig siya, "Kami na rin ni Froilan. Ahhhhhhhh!!!" At medyo napasigaw ako nun. Nagsigawan kaming dalawa at nagyakapan. "Haha Congrats sainyo Manuel!" "Congrats din Kuya" sabi ko. "Sige na mag enjoy na kayo, yung kwentuhan natin sa bahay na lang hihi" at umalis na si kuya at bumalik na ako sa may lamesa. Nakasuot ng apron si Froilan habang nag babalat ng sibuyas. "Ano lulutuin mo naman?" Nakaupo ako sa may lamesa. "Basta, since first daysarry natin, paglulutuan kita ng palagi kong niluluto sa umaga" sabi niya. At medyo na excite ako at natuwa kasi marunong siya magluto. Nag gigisa na siya ng bawang at sibuyas at ang bango nun. Naglagay ata siya ng kamatis na marami at nilagay yung giniling. Nilagay niya rin yung binating itlog. Ahhh omelet siguro. Nung pagkatapos na magluto, humarap na siya saken at sinalin yung ulam sa plato. Ang hot niya sa ganung porma kasi lumalabas muscles niya. "Enjoy." Sabi niya pa. Tinikman ko yun at talagang sobrang sarap. Kakaiba kasi palaging hotdog, bacon o itlog ulam namen sa umaga. "I know we both like bacons kaso walang bacons dito eh kaya ayan. Hehe mas masarap pa yan kasi it's made with love!" Sabi pa niya. Ang gwapo niya talaga. "Umupo ka na rin at kumain na tayo!" Sumunod naman siya at tinanggal na niya yung apron niya. "Noooooo. Wag! Suot mo lang yan ang hot mo eh haha" sabi ko. "Haha susuotin ko to o huhubarin ko lahat?" Medyo napalunok ako ng laway ng mga oras na yun. "Haha joke lang. Ikaw ha. Bad bad bad" sabi niya pa. Ang cute niya pag nag iisip bata siya. At kumain na kaming dalawa. . . . . Tanghaling tapat at ang taas ng sinag ng araw. Naglakad lakad kami papunta sa kung saan ko siya sinagot kagabi. May dala siyang bag na di ko alam laman. Nakapayong kaming dalawa kasi sobrang init ng araw pero binabawi naman ng simoy ng hangin na malamig. "Bukas back to school na naman tayo. Sana kung gaano tayo ngayon, ganun pa rin tayo bukas hanggang sa susunod na taon. Hanggang magpakailanman" sabi niya agad. Napaka seryoso ng itsura niya. "Sana walang magbago." Sabi pa niya. At medyo naiyak ako kasi kita ko sakanya na naiiyak siya. "Hon, trust me. Walang magbabago" sabi ko sakanya. At ngumiti na siya ng bahagya. Nakarating na kami sa pwesto namen kagabi at dun kami tumambay sa may kubo doon. Nilabas niya na yung laman ng bag niya at may dalawang puting bote dun ng softdrinks, dalawang cork at may papel at ballpen. "Para san naman yun?" Tanong ko. "Ipangako mo saken na babalik tayo sa lugar na to. Na pagbalik natin dito, babasahin natin tong sulat natin na gagawin natin ngayon." Sabi niya. At napangiti ako. Doon, nagsulat kaming dalawa sa isang bondpaper kung ano ang ineexpect nameng mangyayari 3yrs from now. Nagsulat ako ng napakahabang message sakanya at nakita ko ring napakahaba ng sa kanya. Pagkatapos e pinasok namen sa loob ng bote at tinakpan. Binalot namen sa isang dahon ng saging at binaon sa buhangin. Kumuha kami ng bato palatandaan sa pwesto ng sinulat namen. At dun sa bato, inukit namen yung mga pangalan namen. Froilan and Manuel. Ngumiti kaming dalawa after nun at niyakap niya ako. Magkaharap na kami ngayon at hinalikan niya ako ng matagal sa noo. Hinalikan niya ako sa ilong. At ngumiti siya habang hinahalikan niya ako sa mga labi ko. "Hindi na ko makapaghintay sabihin kay Tricia yung tungkol saten" sabi ni Froilan. Ngumiti lang ako sa kanya. "Ngayon, dalawa na kayong sobrang importante sa buhay ko. I love you so much hon" sabi niya pa. At naiyak ako sa mga sinasabi niya. "Hindi mo alam kung gaano mo ko napapasaya. Ibibigay ko sayo lahat ng gusto mo sa abot ng makakaya ko. Gagawin natin ang lahat para makaipon tayo ng masasayang memories at lilibutin natin buong mundo at mag mamake love tayo sa lahat ng lugar na yun" sabi pa niya. At napangiti ako dun. "Gagawin ko lahat sayo. I'm not expecting in return pero sana no secrets and be faithful. Kapag may problema, pag usapan wag sarilihin. Basta, hati na tayo sa lahat. Sa kasiyahan, kalungkutan, lahat hati na tayo. At tatanggapin kita kahit ano pa yan" sabi pa niya. Wala talaga akong masabi kaya napayakap na lang ako sakanya ng mahigpit. Gumanti naman siya ng yakap. "Mahal na Mahal kita hon" sabi ko sakanya ng magkaharap na kami. "Hon, Salamat sa pagmamahal. Susuklian ko rin yan pangako, Mas Mahal na mahal kita" sabi pa niya. At naghalikan kami at bumalik na sa bahay para mag impake.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD