Part 19: Miguel's POV

2530 Words
s**t. Bakit nandito si Sir Rico. f**k. Ang liit naman ng mundo. s**t talaga. Kailangan ko ng mapangunahan ng pagsasabi kay Cielo. Baka sa iba pa manggaling. s**t talaga. "Oh bakit napatitig ka sakanya?" Tanong saken ni Cielo na napatigil sa pagkain. "Ahhh ehhh kasi prof ko siya eh" sabi ko na lang. "Talaga??? Sa school natin nagwowork yan?" "Oo hehe" Shit. At nung nakita ako ni Sir Rico ngumiti siya. Gumanti rin ako ng sakanya ng ngiti. "E si Miguel pala to eh. Napakagaling na bata." Sabi ni Sir Rico saken at hinawakan ako sa balikat na parang hinihimas. s**t talaga. "Oh talaga sir? Good job anak!" Sabi pa ni Dad. Hindi ko alam pero feeling awkward talaga lahat ng nangyayari. "Okay ka lang? Bakit di ka na kumakain?" Tanong ni Cielo saken. "Ahhh sorry hehe" At kunwari okay lahat. . . . . Umupo kami sa duyan dun at humarap sa dagat. "Naiilang ka ba sa prof mo?" Tanong ni Cielo saken. "Ahh syempre prof ko yun eh hehe pero okay lang naman. Hayaan mo na" sabi ko na tila ba di ko mabuo mga dapat kong sabihin. "Haha. Ang gulo mo. Buti nalang nagkakaintindihan puso natin no?" Sabi niya naman. Shit. Bakit ang lakas ng epekto niya saken. Kinilig ako ng sobra. "Bakit ka bumabanat ng ganyan" sabi ko. "Haha sorry na" Nakatanaw kaming dalawa sa dagat. Nakasuot siya ng green na sando at shorts. Ako naman naka sando rin na white at shorts. "Nakakainlove yung view no?" Sabi ni Cielo. Totoo naman nakakainlove yung view. Yung dagat. Yung buhangin. Yung ulap. Ang ganda. Pero nung tumingin ako sakanya, nakita kong nakatingin siya saken. Nung mapansin niyang palingon ako sakanya, tumingin siya uli sa dagat. "Sobrang nakakainlove" sabi ni Cielo. At ngumingiti siya, s**t talaga, nakakakilig. At sobrang gwapo niya. Kailangan ko ng sabihin about kay Sir Rico bago pa ako maunahan. Pero biglang sumigaw si dad! "Fiesta ngayon oh tara magenjoy sa bayan!!" Sabi ni dad. At bago ko pa masabi yung sasabihin ko, tumayo na kami ni Cielo at pumunta sa jeep na nakatapat sa bahay. Pero lumapit si Froilan kay Cielo at may binulong. Tumingin lang ako sakanila at umalis na uli si Froilan. "Ano daw yun?" Tanong ko kay Cielo. "Inlove na inlove na si mokong sa kambal mo haha. Tanong ko daw sayo kung ano fave na song ni Manuel" sabi niya pa. "Ayyy oo alam ko yung may if I lay here yun eh haha tatanong ko mamaya" sabi ko nalang. "Kinausap din ako niyan kanina, mag prepare daw ako sakanila ng date dun sa medyo malayo. Haha samahan mo ko mamaya" sabi ni Cielo. "Haha ang sweet ni Froilan." "Nako mas sweet ako my loves. Para sayo lahat ng kasweetan, ibibigay ko" medyo pagmamayabang niya. Napakagwapo niya talaga. . . . . Nung makarating kami sa bayan, fiestang fiesta ang dating. Maraming banderitas. Maraming tao at meron daw palaro. "My loves, sali tayo palaro!" Sabi niya saken. "Ang tanda na natin para diyan!" Sabi ko. "KJ naman neto. Happy memory nga nating dalawa yun. Nakakaasar" sabi niya. Ang cute niya pag umaakting siyang bata. Napaka cute at napakagwapo. Nagpapacute pa siya kasi nakanguso siya. "Hahahaha. Kung di ka lang cute nako." Sabi ko. "Yehey!! Gagalingan natin. At dapat may premyo ako pag nanalo tayo" "Ehhh mukhang sack race ang una, dalawahan. So pag nanalo tayo ano premyo ko?" Tanong ko. "Edi ako. Ano pa ba?" Sabi niya na medyo payabang. Haha ang cute niya talaga. Inakbayan niya ako at pumunta na kami sa may sack race. Sinuot na nameng dalawa yung sack at medyo masikip. Kinurot niya yung pwet ko at nagulat ko. "Makita tayo ni papa!" "Relax my loves, may sako oh. Di yan" At nag game face on na siya. "Sabay tayong tatalon ha? Bilang ng 1 at 2 tapos pag magpapahinga, sabihin." Medyo seryoso niyang sabi. "Bakit napakaseryoso naman" "Gusto ko yung prize mo!" Sabi niya naman. Ang gwapo niya kapag nag iiba siya ng facial reaction. Nung nagsimula na yung laro, nagsimula na kaming magtatatalon. Ayun, nakita naman nila Manuel at Froilan na nahuhuli. "Ang galing ng plano mo" sabi ko sakanya. "Haha syempre. So alam mo na mamaya ah?" Sabi pa niya. At di nagtagal, nanalo na kami. Grabe. Ang sarap sa feeling. Sarap maging bata uli. Napakarami pang palaro pero ang pinaka highlight talaga pala eh yung basketbuko na lalagyan ng oil yung buko at ishoshoot sa kabila. Niyaya ako ni Cielo sumali pero ayaw ko pero kita ko sakanyang sobrang excited siya. Lumapit siya at sumali dun. Nakita ko si Froilan na kasali rin. "My loves sasali ako ah. Papakita ko skill ko sa basketball dito haha" sabi ni Cielo. Ang gwapo niya talaga. At naghubad siya sa harap ko at hinawakan ko sando niya. f**k ang ganda ng katawan niya talaga. Hindi ka magsasawa tignan. Ewan ko pero nakakaturn on talaga pinkish niyang u***g na sobrang sarap halikan. "Wag kang magalala my loves, sayong sayo lang ako. Hanggang tingin lang sila saken" sabi niya at kumindat siya at naglaro na. Daming hubad na katawan, nakita kong maganda rin katawan ni Froilan ah. Pero syempre para saken pinakagwapo sa lahat si Cielo. Nakita ko kung pano maglaro si Cielo at grabe, siya lang nagdadala sa team niya. Ang kintab din ng katawan niya na napahiran ng langis. Nagtitilian mga babae sakanilang lahat. Nakakairita nga eh sarap hampasin. Maya maya natapos ang laro na tambak ang kalaban. Syempre kami nagsigawan at nakita ko si Cielo na kumindat saken. Wala ng mas nakakakilig pa dun. . . . . Nakasakay na kami sa jeep at nagkkwentuhan about sa nangyari. Maraming napanalunan si Rex kasi halos lahat sumali siya sa laro. "Pano bayan, panalo. Double prizes ako mamaya" sabi ni Cielo saken "Haha di ko alam kung paano!" "Kiss mo na ako mamaya!" Sabi pa niya. At nagulat ako sa sinabi niya. "Hala paano" "Basta ikiss moko" sabi pa niya. At tumawa kaming dalawa. "Itanong mo na sa kambal mo yung fave niyang kanta" At tinanong ko na nga, napagalamanan kong Chasing Cars pala. "Chasing Cars daw" sabi ko kay Cielo at umokay lang siya. "Sa palengke na muna tayo bumaba ahh" sabi niya saken. "Huh? Eh bakit?" Tanong ko. "Bilhan natin si Froilan pang surprise sa kambal mo" sabi niya pa. "Ahh sige" Maya maya nagsabi kaming bababa muna kami sa palengke at may bibilhin. . . . . Nasa bahay na kami ni Cielo at nakabili kami ng alak, inihaw na tilapia, uling at isda. Nakaligo na rin siya ng mabilis at nagbihid agad. Pumunta kami sa may dulo ng pampang at nagset up ng lamesa at nilagay yung inihaw na tilapia at alak dun, naglagay rin kami ng upuan at umalis na kami dun. "baka naman may kumain niyan" sabi ko sakanya. "Haha wala yan!!" At niyakap niya ako sa likod habang naglalakad at hinawakan niya yung dalawang kamay ko. "Baka makita tayo ni dad" "Malayo naman tayo eh, bagalan na natin maglakad" sabi ni Cielo habang bumubulong sa tenga ko. Napangiti ako. "Ang bango bango mo naman" bulong niya uli sa tenga ko. "Ang bango mo nga rin eh." At pinahigpit ko yung yakap niya saken. Ang bagal lang namen maglakad nun. Ineenjoy ko bawat oras na ganun pwesto namen. "Bakit ba kasi ayaw mo magsabi sa dad mo na ganito ka? Tayo? Para di tayo nagtatago" "Ahh ehh issue ba sayo?" Tanong ko. "Hindi naman, para di lang tayo nagtatago ng ganito" "Promise. Magtatapat ako soon. Kaya wag mo ko ipressure pls" "Haha hindi kita pinepressure. Basta mag aral tayong mabuti para naman wala silang masabi. Ha?" Sabi niya. "Opo" Medyo malapit na kami sa bahay kaya tinanggal na niya yung pagkakayakap at naglakad kaming dalawa. "Nabitin ako sa yakap nating yun" sabi ko. "Mas lalo na ako" sagot niya. At nung makarating na kami dun, umupo uli kami sa may duyan. Andito din silang lahat at pinanuod yung paglubog na araw. Nakita ko si Froilan at Manuel na papalapit samen, inapiran ni Cielo si Froilan at sinabing okay na. "Nice, good job saten" sabi ko "Eh pano naman yung prize ko my loves?" Sabi niya. "Ahhh diko alam" sagot ko. "May idea ako, bumili ako ng uling at isda diba, pag ihawan mo na lang ako" sabi niya saken. "Na anticipate mo talaga yung ganung pangyayari no? Haha" sabi ko sakanya. "Aba oo!" Sabi niya. At tumayo kaming dalawa. "Tara dun naman tayo sa kabilang dulo. Haha sa kabilang dulo na si Manuel at Froilan eh dun tayo sa kabila" sabi pa ni Cielo. Nagdala kami ng ihawan at konting gaas. Dinala yung uling at dinala yung nilinasan nameng isda. Medyo malayo na kaming dalawa. Pero may napansin akong tao dun sa pampang. Natakot ako kasi dalawa sila at papalapit samen, "Cielo." Nasabi ko sa takot. Lumapit sila kay Cielo at tinapik sa braso. "Okay na sir" sabi nila kay Cielo. "Sige boss, salamat. 8PM Sakto ah" sagot niya. Umalis na yung dalawa at kami na lang talaga ni Cielo nandun. "Ano yun?" Tanong ko. "Basta" at ngumiti si Cielo. May maliit bangka doon. Nag set up na kami ng ihawan at nagsimula ng mag ihaw. Umupo kami dun habang pinapaypayan yung uling na may apoy. "Ang sarap ng ganitong buhay" sabi ni Cielo. "Kaya mo ba yun? Walang wifi? Malayo sa kabihasnan?" Sabi ko. "Oo naman. Basta kasama kita eh okay lang yun" sabi niya. Shit talaga. Ang sarap sa feeling ng ganito. "Ano bang gusto mong buhay? Yung marangya o simple?" Tanong niya saken. "Gusto ko simple. Tapos siguro may mga aso tayo, kung gusto mo ng baby sige" sabi ko naman. "Wow, baby agad my loves? Ikaw ha" sabi niya "Haha sorry" "Edi sige, ganun magiging buhay natin" sabi pa niya. Bakit ang sarap sa feeling ng ganito na pinaguusapan niyo na yung future. "Di pa nga kita sinasagot eh" sabi ko naman. "Haha, sagutin mo na kasi ako" sabi niya pa. At nakita ko yung expression niya na nakangiti at nagpapaypay ng apoy. "Haha pag nagtanong ka ng pormal" sabi ko sakanya. At bigla siyang tumayo. "Edi sige tara!" Sabi niya at inabot niya kamay niya para tumayo ako. "Bakit?" "Hayaan mo muna yang inihaw natin pagbalik natin luto na yan" sabi niya pa "Saan tayo pupunta?" Tanong ko naman. "Wag ng maraming tanong tara!" At naglakad kami papunta sa bangka. Sumakay kaming dalawa at may dalawang sagwan dun. "Marunong ka bang mag sagwan?" Tanong ko. "Magsasagwan lang eh haha" sabi niya. At nagsimula na kaming magsagwan papunta sa dagat. Ang sarap ng simoy ng hangin. Siya lang nagsasagwan. Nakaupo ako at nakaharap sakanya, siya naman nakaharap saken. Sa bawat pag sagwan niya, lumalabas yung muscles niya. Ang hot niya talaga. "Oh, bakit nakatingin ka na naman sa muscles ko" sabi ni Cielo At ngumiti ako. "Ang hot mo kasi eh" sabi ko naman. "Sana ako lang hot para sayo" sabi niya. "Oo naman." Sabi ko sakanya. Eto na yung tamang panahon para sabihin about kay Sir Rico. "Hey may tanong ako" sabi ko. "Ah sige ano yun my loves?" Di ko maiwasang kiligin pag tinatawag akong my loves ni Cielo. "Ahhh, please be honest. May naka s*x ka na bang iba?" Tanong ko. "Yes" diretso niyang sagot., "Hmmm. Boy o girl?" Tanong ko. "Girl." "Hmm. Nagustuhan mo naman ba?" Sabi ko. "Hahahaha." "Bakit ka tumawa?" "Eh ang seryoso mo eh. Nagseselos ka ba?" Tanong niya saken "Ahhh e hindi ahhh" sabi ko naman at totoo medyo nagselos nga ako. "Haha, ikaw naman na last ko eh" sabi niya. "Haha osige, ano name ng girl?" "Kate, sa school din siya. Tapos 8 months lang kami" sabi niya. "Ahhh bakit kayo nagbreak?" "Dahil sayo" "What?!!!!!" Sigaw ko sakanya "Bakit ka galit?" Tanong niya "Taken ka nung nakilala kita?!!" Tanong ko. "Hahahahhahahha ofcourse not. Im completely honest sayo. After I watched the pageant, iba na feeling ko eh. So I broke up with her, e hindi na rin nagwowork relationship namen so parehas naman kami okay" sabi niya pa. "Ahhhh akala ko eh" "Hahaha ang cute mo pala magalit no??" "Hahhaha tse." At tumahimik kami. Medyo malayo na kami sa pampang at kalayuan, nakikita ko yung bahay sa view na yun. Ang ganda ng buwan, ang laki at ang daming stars. "Hmmm. Big deal ba sayo kung hindi kita first sa s*x?" Tanong ko. "Ofcourse not. Pero sabi mo naman diba ako....?" "No, hindi ikaw" At tinignan niya lang ako. "So sino?" "Please don't be mad, si ano.." "Sino?" "Si Sir Rico" "What?!!!!!!!" "Please wag ka magalit" sabi ko sakanya. Di siya nagsasalita. "It happened sa school. Ang bilis eh. Hayst. Sorry Cielo" Di pa rin siya nagsasalita. "My loves?" Sabi ko sakanya. At nakita kong ngumiti siya at tumingin saken. "Bakit my loves?" Sabi niya. "Sorry po," sabi ko. "Okay lang po. Pero sana sinabi mo agad para naman di ako magalala. Andito pa siya ngayon oh" sabi niya pa. "Don't worry, wala na po. Atsaka hindi na naulit yun, please wag ka na magalit" sabi ko sakanya. "One thing I learned about my parents is that, don't dwell sa past. Focus on what's in front of you and magfofocus ako sayo. I don't care if you had s*x with your prof, I don't. As long simula nung nagkakilala tayo, wala ng iba" sabi niya pa at nagkatinginan lang kami. "Opo promise" at nagtaas ako ng kamay at nag cross my heart. "Good. Di nagbago tingin ko, You're still my, my loves" sabi niya pa. Ngumiti siya at ayan na naman siya. Kinikilig na naman ako. "Anong oras na pala?" tanong niya. "Uhm, 7:45" tingin ko sa relo ko. Bigla siyang tumayo at pinatayo niya ako. Nasa gitna kami ng dagat ngayon sa bangka na nakatayo. Lumuhod si Cielo na kinagulat ko. Naglabas ng singsing. "My loves, Miggy, promise ring to nila daddy at papa. Kinwento nila saken yung love story nila over and over again. Thru ups and downs, hindi sila sumuko dahil suot nila yung promise ring nila na kahit anong mangyari, hindi nila iiwan yung isa't isa" Shit. Naiiyak ako sa sinasabi niya. "Ngayon, binigay nila saken to, sabi nila na ibigay ko raw to sa taong sigurado akong mamahalin ko habang buhay" Fuck! Nakatingin siya saken at nakatingin rin ako sa kanya. Namumuo na yung luha sa mga mata ko. "Ngayon, binibigay ko to sa taong mahal ko. Sa taong sigurado na ako na makakasama ko habang buhay, sa taong nasa harap. Sayo miggy, sayo my loves." "Cielo..." "Mahal na Mahal kita Miggy. Will you let me be my boyfriend for the rest of your life?" Sabi niya pa. At di nako nakatiis. Tumulo na yung luha ko at pinunasan ko yun. Pinatayo ko siya at magkatapat na mukha namen. Pinunasan niya mga luha sa mata ko. "Ano sagot mo??" Sabi niya at magkatapat noo nameng dalawa. "Cielo, simula nung nakilala kita, hindi na naalis sa isip ko ang itsura mo at lahat ng ikaw." "Tapossss???" "Tapos, simula nun, minahal na kita" Ngumiti siya ng malaki. "Oo Cielo. Oo mahal na mahal din kita!!!" Sabi ko sakanya at niyakap niya ako ng mahigpit! "Thank you thank you!!" Sabi niya saken. Di ako sumasagot at nakayakap lang siya. Kumalas siya at hinawakan niya mukha ko, pinunasan niya yung luha ko sa pisngi at dahan dahan nilapit yung mukha niya sa mukha ko. Ang lakas ng t***k ng puso ko. Palapit na mukha niya. Napapikit ako bigla at inantay kung ano gagawin niya. Bigla kong naramdaman yung ilong namen na nagkadikit at ramdam ko bawat pag hinga niya sa ilong. Naramdaman ko na nagdikit yung labi namen. Ganun pala pakiramdam. Ang lambot at medyo basa. Napahawak siya bigla sa mukha ko at naging wild na siya. Nagpalipat lipat na yung halik nameng dalawa. Napapaiyak ako sa halikan nameng yun. Maya maya may narinig akong pumutok. Napadilat mata ko. At nakita ko yung fireworks na nanggagaling sa may bahay. Ang ganda ng fireworks sa langit. Ang dami at sabay sabay. "Nagustuhan mo ba?" Sabi ni Cielo. "sayo galing yan?" "Yeap. Gusto ko lang yung first kiss natin may fireworks. Literal na fireworks, ayan na" sabi niya. At hinalikan niya ako uli habang may fireworks. "Eto yung kanta ni Ed Sheeran diba? Kiss me under the lights of a thousand stars." Sabi pa niya. Shit oo nga!! Ang sarap sa feeling. At niyakap niya ako. "Eto naman yung place your head on my beating heart" sabi niya pa. "Kahit ano pa yan, masaya ako sayo" sabi ko sakanya. Nagkatitigan uli kami at nag nose to nose. "I love you so much" sabi ko sakanya. "I love you too so much my loves" sabi niya naman at ngumiti ako at naghalikan uli kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD