Part 18: Manuel's POV

2858 Words
Matapos ng confrontation sa kwarto ni Kuya King, bumaba na kami at kumain. . . . . Sa di inaasahang pagkakataon, may bisita si Paul na medyo familiar saken, nakikita ko kasi sa school yun minsan kasi gwapo. Tinignan ko si Froilan, kumakain pa rin siya at mukhang walang paki. . . . . Pumunta kaming dalawa ni Froilan sa tabing dagat at nagpababa ng kinain. Ang ganda ng view ng dagat sa tanghali. Malumanay yung alon at ang sarap ng simoy ng hangin. Napansin nameng may duyan at umupo kami dun na nakaharap sa dagat. "Ang sarap talaga dito no. Bukas uuwi na tayo mamimiss ko to" sabi ni Froilan. Ang gwapo niya talaga. Yung sando niyang maluwag pero dahil malaki katawan niya dahil athlete siya, bagay sakanya lahat ng suot. "Oo nga eh. Back to reality" sabi ko. "Sana mapasagot na kita bago tayo umuwi haha" biro niya pa. "Ahaha kapag nagtanong ka na, tayo na haha" biro ko naman. At tumawa na kaming dalawa. "Kilala mo ba yung Sir. Rico? Sabi ni Paul na sa school siya nag ttrabaho" tanong ko kay Froilan. "Oo, medyo awkward nga eh hehe naalala mo naman dati nakwento ko sayo na sinabay niya ako pauwi noon" sabi pa ni Froilan. "Ayyy bakit kayo nagsabay?" Medyo tumahimik siya. Di niya pinansin yung tanong ko. "Ayaw mo ba sagutin?" Sabi ko. "Ahh hindi naman importante hehe" sabi pa niya. Di ko na lang kinulit at pinagmasdan ko yung magandang tanawin. Napansin ko na lang si Cielo at Kuya na umupo sa may kubo. "Matagal na ba silang dalawa?" Tanong ni Froilan. "Hindi ko alam, alam ko hindi pa eh" "Pero sweet din nila no?" "Haha nagtatago lang naman yan si Kuya kay papa eh. Di kasi alam na bi siya haha" "Ahh ganun ba? Ang hirap siguro nun. Feelings ko nga sayo di ko matago eh" sabi pa niya. Ewan ko pero kinilig ako. Tinignan ko reaksyon niya pero di naman nagbago. Nakakapagsalita siya ng mga bagay na nakakakilig pero di naman niya sinasadya kaya mas nakakakilig. Maya maya sumigaw si Dad samen. "Fiesta mga anak!! Enjoyin natin to, tara maglaro tayo!!" Sabi ni dad at tumayo kami ni Froilan. Nakita ko rin na tumayo si Kuya at Cielo at sumama kami kay dad. May jeep na nakaabang dun at sumakay kami. Okay na suot namen parang lahat kami naka sando. Pupunta pala kami sa bayan. Medyo malapit sa simbahan to kaya medyo familiar. Dun, may mga palaro na nag aabang samen na pang fiesta. Nagsisimula pa lang mga palaro at ang naabutan namen ang double sack race. Sumali kaming dalawa ni Froilan. Nakita kong kasali rin si Kuya at Cielo. Habang sila dad at iba pa ay nagcheecheer. "Kapag nanalo tayo, dapat may premyo" sabi niya saken. "Oo meron ata. Sa barangay to eh haha" "I mean dapat merong kiss." Sabi ni Froilan at tumingin siya saken at ngumiti. Fuck ang gwapo niya. Maya maya nagsimula na ang laro, 5 teams kami at so far sila Kuya Cielo at Miggy nangunguna. After ng halos 2mins, nanalo na sila Kuya at Cielo at kami naman ang kulelat ni Froilan. "Sayang, sana nanalo tayo para may kiss" sabi ni Froilan na medyo malungkot. "Hala, pwede namang may kiss kahit natalo eh hehe" sagot ko at ngumiti siya. Sobrang saya ng mga palaro dun, may palayok pa at iba't ibang pang fiesta. Ang highlights ng palaro eh ang buko. May isang buko sa gitna, at lalangisan nila to. Ang gagawin, kailangan ma shoot sa kabila yung buko. Parang basketball pero buko yung gagamit at puro oil. Ayokong sumali kasi pisikalan eh pero si Froilan di nagatubili at sumali. Ngumiti siya saken bago lumapit dun. Naghuddle silang magkakakampi at napansin kong magkakampi sila ni Cielo. Pero nagulat ako ng maghubad lahat ng kasali. s**t. Syempre nakatingin ako kay Froilan na sobrang hot dahil sa german blood niya. At lutang yung mata niya sa ganda ng katawan niya at sobrang sarap niyang pagmasdan sa sikat ng araw. Wala akong ibang nakikitang iba. Siya lang. Maya maya, nagsimula na yung palaro at nakuha nila Froilan yung bola. Ang goal lang naman mashoot yung buko sa kalaban, walang rules. Nakuha ni Froilan pero naagaw ng kalaban. Pero napatingin ako kay Froilan na puro langis yung katawan, tangina ang sarap. Ang kinang. Puro oil na katawan niya. Ang sarap ng lalaking malaki ang katawan tapos shirtless tapos puro oil pa. Nakita kong nageenjoy sila at sa bandang huli, sila ang nanalo. "Yehey!!!!!!" Sigaw namen lahat!! Lumapit saken si Froilan at niyakap ako. "Wooooo panalo!!!" Sabi ni Froilan at namantikaan na rin ako. "Ayyy sorry sorry" sabi niya. "Ayos lang haha wooo panalo!!" Sabi ko. "Oo, at dahil diyan may prize dapat" sabi niya "Ano yun????" "Mamaya!" Sabi ni Froilan. . . . . After ng mga palaro, umuwi na kami agad dahil may niluto daw si nanay dun. Napansin ko lang na ilang araw ko na ring di hawak phone ko. Tama nga, masaya nga yung nag bobonding lang kayong pamilya. Sa jeep, madungis pa rin sila Cielo at Froilan dahil sa mantika ng buko, biglaan kasi pag alis kanina kaya di kami nakapag dala ng damit. "Napakadungis ko, mahirap maligo neto mamaya" medyo pasigaw saken ni Froilan kasi maingay yung jeep at masyadong mabilis magpatakbo. "Hahaha. Pag iigiban na lang kita ng tubig." Sabi ko. "Bawal, dapat paliguan mo ko!" Sabi ni Froilan at ngumiti siya habang nahahanginan yung buhok niya. Ang gwapo niya lalo pag nag eeye to eye kami. "Haha bawal mamaya kung ano pang gawin mo saken" medyo nagpabebe ako. At tumawa siya. s**t talaga. Ang gwapo niya pag nakasmile. "Prize ko yun kasi nanalo ako sa basketbuko haha" "Haha sigee" At ngumiti siya saken. Nginitian ko rin siya. Ang sarap talaga mainlove. Katapat kasi namen sila kuya at Cielo, at may sasabihin saken si Kuya. Nilapit ko tenga ko sakanya. "Ano ba uli favorite mong song?" Tanong saken ni Kuya. "Bakit bigla kang nagtatanong saken ng ganyan?" Sabi ko. "Palagi kong naririnig yung kantang yun tapos naging favorite ko na rin, ano nga!" "Haha, Chasing Cars!" Sabi ko. "Ahhhh oo nga!!" At nagkwentuhan na uli sila ni Cielo. . . . . Dumiretso kami sa kwarto ni Froilan pag uwi ng bahay para kumuha ng towel at makaligo na. Nagigib ako ng tubig para kay Froilan, prize na rin para sa pagkapanalo kanina. Medyo maliit yung CR at sementado. Walang kakulay kulay. May bowl na pang dumihan. At wala talagang gripo. Kinuha ko yung dalawang balde na inigib ko. At pumasok na kami ni Froilan sa CR. "Talagang sabay tayo?" Sabi ko sakanya. "Hehe nahihiya na nga ako eh. Mauna ka na lang" sabi niya. Shit. Nagpakipot pa kasi ako eh. Ayan tuloy. "Hindi sige, prize mo naman diba. Sabay na tayo hehe" Buti nalang di na siya lumabas. Naghubad na siya ng sando pero nung napansin niyang nakatingin ako, tumalikod siya at saka naghubad. Yung muscles niya sa likod kita rin eh. Ang ganda ng kutis niya, may lahi kasing german at syempre yung pwet niya ang tambok. f**k. Ang swerte ko. Nagbuhos na siya ng tubig sa katawan kahit nakatalikod siya. Buti nagdala ako ng sabon at shampoo. Kinuha ko yung at sinabunan likod niya. Dahan dahan muna kasi nakikiliti daw siya pero nung okay na, sinabunan ko na lahat. Ang init ng katawan niya. Gusto ko pa maramdaman yun. "Ayan okay na likod mo" sabi ko. "Akin na yung sabon, ako na magsasabon ng katawan ko hehe" sabi niya. At binigay ko sakanya yung sabon. Nagsabon siya sa dibdib niya at katawan. s**t di ko makita. "Ako na magshashampoo" sabi ko sakanya. At umoo siya, humarap siya saken at nakita ko na yung puro sabon niyang katawan. Napatitig lang ako sakanya kasi ang ganda talaga ng view. Bumaba pa ako ng tingin sa may bandang etits at medyo bakat to. s**t. Mukhang malaki talaga etits ng mga germans. Naglagay ako ng shampoo at shinampoohan ko siya. Syempre nakafocus ako sa buhok niya pero siya nakatingin lang siya saken. "Ang cute mo" sabi niya saken. s**t napangiti ako bigla. "Ang sarap.... este ang gwapo mo" sabi ko naman. At tumawaaaa siyaaa. "Masarap??" "Ahhh ehhh sorry hehe" "Haha ayos lang." At tumahimik. Bigla niyang binigay saken yung sabon. Pababa na yung di pa nasasabunan. Pero nakatingin lang siya saken. Mukhang alam ko na gusto niyang mangyari. Pinasok ko kamay ko sa may pwet niya para sabunan. Nagiba yung reaksyon niya at tumawa. "Di ako sanay haha" sabi niya pa. At ngumiti ako. Sinabunan ko pisngi ng pwet niya at sobrang tambok. Ginalaw ko naman papunta sa gilid. s**t, sagabal yung boxer shorts niya, gusto ko na makita tinatago niya. Sa gilid na sinasabunan ko, ginalaw ko pa konti paharap at napaungol siya. "Ahhhhhh manuel" sabi niya. Shit. Ang sarap niya umungol. Ginalaw ko pa ng konti at malapit na ako sa etits niya. Pero pinigilan niya ako!!! "Sorry Manuel, nahihiya pa ako eh" sabi niya. Sayang talaga! "Hehe ayus lang. Bilisan na natin!" Sabi ko sakanya. "Hindi ka ba disappointed??" Sabi niya. "Ha? Hindi ah hehe. Ikaw pa lang yung ganito saken. Hindi naka focus sa s*x" sabi ko. "Hindi kasi ako sanay. Baka pag nasanay ako haha" biro pa niya. At ngumiti ako. Tinanggal ko na kamay ko sa loob ng boxer niya at sinabunan katawan niya. Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin. Nakadamit pa ako. Ang init talaga sa pakiramdam niya. Gumanti na lang din ako ng yakap. Hindi siya nagsalita. Nung tinggal na niya yung yakap, kumuha agad siya ng tubig at nagbuhos. Nagsabon na siya hanggang paa at nagbuhos uli. "Pag iigiban din kita, sige na magbuhos kana" sabi ni Froilan habang nagpupunas na siya ng katawan niya. Fuck ang gwapo niya talaga. Lumabas na siya at kumuha ng tubig para saken. Basta ako, iniimagine ko uli yung paghawak ko sa katawan niya. Pag akyat ko sa kwarto nakabihis na si Froilan. Naka suot siya ng T Shirt na white at naka jersey shorts. Nagsusuklay siya nung nakita ko siya. "Bilisan mo, labas tayo. Star gazing tayo" sabi niya pa. At mukhang nagmamadali siya. Nagbihis ako ng TShirt na blue at naka shorts at slippers. "Tara na!" Pagmamadali pa ni Froilan. At bumaba na kaming dalawa at dumiretso sa beach. Nakita ko silang lahat na andun at nakakalat lang sa beach. Nakita ko si Cielo at Kuya na nakaupo sa duyan kung san kami nakaupo ni Froilan kanina. "Ready naba?" Sabi ni Froilan kay Cielo. "Oo pre haha!" At nagapiran silang dalawa. Tumingin ako kay Froilan at nakangiti siya. "Kailan pa kayo naging close ni Cielo?" Tanong ko sakanya. "Haha hindi kami close, nung sinapak niya ako bwisit ako sakanya haha pero small world diba? Kakambal ng mahal niya yung mahal ko" sabi niya pa. Shit. Eto na naman siya sa di siya aware na nagpapakilig siya eh. Naglakad kami papalayo sakanila. "San ba tayo pupunta? Ang layo na natin oh" sabi ko. "Basta" sabi niya pa. At sa di kalayuan may nakita akong lamesa. Sa gitna ng buhanginan may lamesa at parang may mga pagkain. Nung makalapit kami tama nga ako, may isda dun na malaki na nakahain at may alak at merong juice na malamig pa. "Ano to?" Sabi ko sakanya. "Para saten. Prize mo naman to hehe" sabi niya. "Kaso mahina ako uminom" sabi ko. "Wag ka mag alala. Ako rin" At ngumiti ako. Umupo na kami at nagsimulang mag inuman. Tilapia yung isda na inihaw at empi lights yung alak. "Bakit iinom tayo??" Tanong ko. "Gusto ko lang ng lakas ng loob haha" sabi niya. Tinagayan niya ako, konti konti lang kami kasi parehas kami di sanay uminom. Ng makatatlong shot na kami medyo mapula na siya. Mas malala pala siya kasi di siya sanay. "Di ako lasing. Talagang namumula ako pag nakakainom ng alak" sabi niya. At tumawa ako. "Haha ang gwapo mo talaga" sabi ko sakanya. At ngumiti siya saken na nagpapacute. Talagang gwapo na nakakagigil. "May tanong ako sayo" sabi niya. "Sige ano yun" "Seryoso ka bang tao?" Tanong niya saken, at nakatingin lang siya saken, eye to eye. Seryoso. "Ahh anong ibig mong sabihin?" "I mean, sa relasyon. Kasi sobrang seryoso ko sayo eh" sabi pa niya. "Ah eh isang beses pa lang naman ako umibig, sa lalaki din. Pero it turns out na niloloko pala ako. Natatakot na ako magseryoso eh pero pag dating sayo parang hindi ako takot" paliwanag ko sakanya. At ngumiti siya saken. "Alam mo ba ganito yung first date na naiimagine ko, haha weird ko ba? Inuman sa gabi kasama yung napakaraming stars" sabi niya pa. "Bakit naman inuman?haha" "Eh kasi pag nakainom, medyo malakas loob ko eh. Di ko ba alam bakit naging mahiyain ako" sabi niya. Di ako makapagsalita kasi nakatitig ako sakanya at ang gwapo niya. "Si Sir. Rico pala, hmm. Prof ko yan sa isang subj, pero dahil sa practice nun di ako nakakapasok sakanya. Para makapasa sakanya, kailangan ko siyang tulungan magcheck ng papel ng mga estudyante niya. Syempre scholar ako at alam mo naman na dun lang ako kumukuha ng allowance namen ni Tricia, pumayag ako kahit magdamag." Paliwanag niya. Nakikinig lang ako sakanya habang kumakain ng isda. "Tapos ayun, nung nasa faculty na kami bigla siyang naghubad. Iba pala gusto niya. Syempre nabastos ako, ayun sinapak ko. Tapos umalis ako ng faculty" sabi niya pa. Shit. Ibang klase talaga siya. Makadiyos. May respeto at mahal na mahal kapatid. Sobrang bihira lang ng katulad niya. "Pero kinabukasan, ayun magsusumbong daw siya sa dean. Eh sabi ko tinangka mo kong galawin ikaw pa may ganang magsumbong. Ang sagot ba naman, may maniniwala ba sayo? Tapos ayun pumayag na lang ako na sumama sa kanya. Ayun ung nakita mo ko na sumakay ng kotse nun" sabi pa niya. Shit. "Sa kanila, gusto niyang may mangyari pero nagmakaawa talaga ako ng wag na. Naawa naman nung pinaliwanag ko buhay ko. Buti. Kaya kanina di ako makatingin sakanya eh. Buti di rin siya nagsalita kanina" sabi ko pa. "Sorry di ko alam." Sabi ko. "Wag ka mag alala. Okay lang ako hehe" At huminga siya ng malalim. "Ayun. Ayun yung kanina pang bumabother saken eh. Buti nasabi ko na hehe, ikaw may sasabihin kaba?" Tanong niya. Hindi ako makasagot. "Ahh eh wala."sabi ko sakanya. Bigla siyang tumayo. "Promise di ako lasing. Walang bahid ng pagkalasing." Hinawi niya yung buhok niya at lumapit saken. Lumuhod siya sa gilid ko. Tinignan niya ko, tinignan ko siya. "Simula nung nakita kita nun hanggang ngayon, kinakabahan pa rin ako. Ewan ko, sayo ko lang naramdaman to" sabi niya pa. "Bakit ka nakaluhod" "Tinanong ko si Tricia kung anong masasabi niya about sayo, okay naman daw. Mahalaga kasi opinion ng kapatid ko saken eh" "Ano sinasabi mo" "Gusto ko lang malaman mo na simula nung makilala kita, nalaman ko na kung ano yung love. Yung love na sa ibang tao makikita" Napaka sincere ng itsura niya. Medyo nababasa na mga mata niya, ako rin naiiyak na. "Sana hindi weird sayo pero I think I like you" sabi pa niya. At ngumiti kaming dalawa. "Let me rephrase it, I think I love you. No, I love you Manuel" sabi niya pa. Di ko na napigilan luha ko sa pag iyak. Ano bang ginawa ko para magkaroon ng ganitong taong mag aalaga saken, ang alam ko lang isa akong bakla na di ko na alam mangyayari sa buhay ko pero nung binigay mo siya saken Lord, nag iba, bakit!!! "Mag salita ka naman" sabi niya. "Ahhh ehhh, ang sakit sa dibdib eh hehe, I mean, ang saya sa pakiramdam. Sobrang saya. Froilan, I love you too." Sabi ko sakanya. At yung reaksyon niya sobrang priceless. Yung di mo lang kita sa labi niya yung saya pati sa mga mata niya. Tumayo siya at tumayo ako. Pinunasan niya yung mga luha sa mata ko at dahan dahan niyang nilalapit mukha niya sa mukha ko. Napapikit siya. 6 inches na lang layo ng mukha namen. Papalapit siya ng papalapit. Nung maramdaman kong nagdikit na ilong namen, napapikit ako. At naramdaman ko na yung labi niya sa labi ko. Fuck!!!! Ang sarap!! Basa at ang lambot. Putangina ang sarap sa feeling. Di to basta halik, madadama mo yung love sa halik niya. Ang swerte ko naman. Magkadikit lang labi naman. Binuka ko mata ko at nakapikit pa rin siya. Gumalaw yung labi niya at hinalikan upper lip ko, hinalikan ko lower lip niya at nagpatuloy kami sa ganun. Tinanggal na niya pagkakahalik at unti unti na nameng binuksan mga mata namen. "So tayo na ba?" Tanong niya pa saken. "Kinuha mo na first kiss ko, Oo naman tayo na!!!" Sabi ko. At sa sobrang tuwa niya. Nagtatatakbo siya sa at tumatalon talon. "Yes!! Yes!! Yes!!" Sabi niya at nung palapit na siya saken niyakap niya ako ng mahigpit. "I love you!!!!" Sabi niya. Puta. Eto na naman yung nakakakilig moment niya. "I love you too" sabi ko at mas humigpit pa yakap niya. Nung kumalas na siya bigla siyang umupo at humiga at tumingin sa stars. "Higa ka rin" sabi niya saken. "Ahhh ehhh sige" at umupo ako sa tabi niya. "If I lay here, would you lay with me and just forget the world?" s**t kinakanta niya yung Chasing Cars. "Pa..pano mo nalaman?" Sabi ko. "Ahhh pinatanong ko kay Cielo haha" sabi niya. Shit. "Di ko lang yan basta favorite. Sa sobrang gusto ko ng kantang yan, isang beses lang sa isang araw kung pakinggan ko yan. Kasi kinikilabutan talaga ako at naiiyak" paliwanag ko sakanya. Pero tuloy pa rin siya sa pagkanta. "Forget what we're told. Before we ge too old. Show me a garden that's bursting into life." Kumakanta pa rin siya. Napapaiyak na ako. "All that I am. All that I ever was. Is here in your perfect eyes, they're all I can see. I don't know where, confused about how as well, Just know that these things will never change for us at all" Humiga na ako sa dibdib niya at pinaglalaruan niya buhok ko. "If I lay here" dugtong ko sa kanta niya. "If I just lay here" kumanta rin siya. 'Would you lay with me and just forget the world" sabay nameng kinanta yun. "Pano mo alam yang kantang yan?" Sabi ko skaanya, "Sobrang favorite ko rin yan. Nagulat ako nung sinabi saken na yan din favorite mo" sabi niya pa. Sobrang saya ko ng mga oras na yun, may pagkakataon pa pala na sumaya ako. "I love you" sabi ko sakanya. "Manuel, mas mahal na mahal kita" sagot niya habang nakatingin kami sa stars sa langit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD