"Anong ginawagawa mo dito?" Ito ang bungad na tanong ni Alfredo sakaniya. Ngumit s'ya sa dalawang kaybigan nito bago sumagot.
"Pinapasundo ka ng Lola mo."
Ang totoo ay inutusan lang naman talaga s'ya. Sinabi nang Lola Felicia ni Alfredo na dapat ay masanay na siyang sinusundo si Alfredo sa bar, at 'di n'ya dapat ito kinukusinte.
"Umuwi kana," utos nito sakaniya.
Maintindihing tao si Charm at napaka haba ng pasensya kaya naman ngumit lang s'ya sa pag su-sungit ni Alfredo.
"Umuwi na tayo," pag-uulit niya.
"Hindi mo ba nakikitang kasama ko ang mga kaybigan ko at nag e-enjoy?"
"Pwede mo pang gawin 'yan sa susunod na araw," sagot n'ya sa binata.
"Ayoko, umuwi kana."
"Umuwi na tayo."
Alam ni Charm na makukulitan ang binata at baka nga masigawan pa s'ya ngunit binilihin ng matanda sakaniya na wag mag papasindak kay Alfredo.
Titigan n'ya ito sa mata at makipag matigasan.
"Uwi kana bro." Rinig n'ya na bulong ng isa sa mga kaybigan nito na si Jared.
"Oo nga naman," sang-ayon ni Lenard.
"Ayoko," matigas na tanggi parin ni Alfredo.
"Hihintayin kita," pag mamatigas din ni Charm.
"Umuwi kana nga sabi!" Tumaas na ang boses ni Alfredo kaya naman nakaramdam ng kaba si Charm ngunit nanatili lamang siyang kalmado.
"Bibilang ako hanggang tatlo," mahinahong wika ni Charm habang nakangiti parin.
"Ang creepy," bulong ni Jared.
"Tignan natin kung sino ang mas matigas, at boss sakanilang dalawa." Wika ni Lenard habang natatawa.
"Isa," panimula ni Charm.
"Hindi mo ako madada--"
Natigilan si Alfredo mg mag bilang muli si Charm.
"Dalawa."
"Fine, let's go." Inis na wika ni Alfredo bago tumayo. "Huwag mo akong tignan ng ganyan," inis na wika ni Alfredo kay Lenard na tawang-tawa.
"Under," bulong ni Jared.
Walang imik si Charm sa buong byahe, at ganun din naman si Alfredo na nangangamoy alak.
Para kay Charm mas okay na wag nalang magsalita kaysa makipag sa taong may hiram sa tapang ng alak kaya naman imbis na makipag sagutan na naman ay nanahimik na lamang s'ya.
"Maayos na ang higaan ninyong dalawa Seniorito." Bungad ng mayordoma samin bago ngumiti at ang bigay galang. Hinagilap ng mata ko ang Lola ni Alfredo ngunit wala ito.
"Bakit mag ta-tabi na agad kami?" Takang tanong ni Charm sa mayordoma.
"Maging ako hindi ko alam iha, pasensya na."
"Ayos lang po wala kayong kasalanan." Ngumiti siya at umakyat na sa lwartong tinutukoy ng mayordoma. "Sa lapag na lamang ako," wika niya bago nag latag sa baba.
"Dito kana sa kama wala naman akong gagawin sayo dahil wala namang makakapa. Nakita ko na 'yan, remember?"
"Paanong--"
Hindi na pinatapos ni Alfredo ang dalaga. "Ako 'yung binatang sumigaw sayo nung nasa ilog ka."
Napatango si Charm.
"Hindi ka man lang ba magagalit?" Takang tanong ni Alfredo sakaniya.
"Tapos naman na kaya kahit magalit pa ako e, wala naring silbi."
Hindi parin tumabi si Charm sa kama. Nag latag lamang s'ya sa lapag bago nahiga at ipinikit ang mata.
"Ganiyan talaga katigas ulo mo?"
Hindi pinansin ni Charm ang binata.
"Bubuhatin kita d'yan."
Hindi parin kumibo si Charm.
Ilang minuto ang lumipas at mukang nakatulog na si Charm. Madahang tumayo si Alfredo at binuhat ang dalaga pahiga sa kama. Tinabihan n'ya 'to at pinag masdan ang maamo nitong mukha.
"Maganda ka naman, mabait, mahinhin pero parang na sobrahan ka sa kabaitan."
Hindi mapigilan ni Alfredo na haplusin ang buhok ng dalaga. "Ginayuma mo ba ako?" Natawa pa s'ya sa tanong niya.
Matapos pagmasdan ni Alfredo ang dalaga ay umalis na s'ya sa kwarto. Sa sala na lamang s'ya matutulog upang pag gising ni Charm ay hindi ito mailang at mag isip ng masama.
Nagising si Alfredo ng may maamoy siyang mabangong linulutuo. Tumayo s'ya upang mag tungo sa kusina, at alamin ang ulam nila for the day ngunit si Charm ang inabutan niyang nag luluto.
"Bakit ikaw?"
"Nag request lang ako kay Manang na baka pwede ako na ang mag luto."
Ang Manang na tinutukoy ng dalaga ay ang mayordoma sa pamamahay nila.
"Masarap ba 'yan?" Tanong pa n'ya.
"Hindi ko alam, pero marunong naman akong mag luto."
"Ang bango naman n'yan!" Manghang wika ni Jared na bigla na lamang sumulpot.
"Ang aga mong mambulabog."
"At ako," sabat ni Lenard.
"Ginagawa nyo dito?" Inis na tanong ni Alfredo sa dalawang kaybigan n'ya.
"Dahil kay Charm," sabay na sagot ng dalawa.
"Kakain kami ng niluto n'ya." Dagdag p Ani Jared bago kumindat sa dalaga.
"Niluto n'ya 'yan para sakin!"
Natigilan sa paghahalo si Charm, maging ang dalawang kaybigan ni Alfredo ay natigilan.
"Uubusin mo lahat 'yan? Damot mo naman." Sabi pa ni Jared.
"Akala ko ba hindi mo--" Agad na hindi pinatapos ni Alfredo si Lenard.
"Basta para sakin lang 'yan."
Napakunot ang nuo ni Charm. "Para 'to sa lahat."
Mapang-asar na tinignan ni Jared at Lenard si Alfredo na biglang na tahimik.
"Pero magiging asawa mo na ako priority mo dapat ako."
"Ikaw lang ba ang nagugutom? Ikaw lang ang may bibig?" Mahinahong tanong ni Charm.
"Pero magiging asawa mo ako," lumambot ang boses ni Alfredo.
A/N : Alfredo nyo nag makakaawa na
???