Chapter 16

672 Words
"Are you listening to me Alfredo?" Pilit na kinukuha ni Lola Felicia ang atensyon ng kaniyang apo ngunit parang wala ito sa sarili. Iniisip parin kasi ni Alfredo ang pangyayari kanina. Nakakahiya ang mga sinabi n'ya na parang nag mamakaaw pa s'ya sa dalaga mapatikim lamang ng niluluto nito. Pinag tatawanan na naman tuloy s'ya ng dalawang niya loko-lokong kaybigan. Hanggang sa gc nila ay pinag-uusapan s'ya ng dalawa na may mga nakakatawang emoticons pa. Napahilot na lamang si Alfredo sa ulo. "Sorry La," matamlay na wika n'ya bago bumaling sa matanda. "Ano nga ulit sinasabi mo?" "Alfredo are you okay? Tell me that truth, iho." "Sabihin ang ano, La?" Patay malisyang tanong n'ya bago nag hikab. "Inaantok ako," sambit pa n'ya. "Ang sabi ko dapat maging romantic ang lahat, maging kasal nyo ni Charm. Pauwi na ang magulang mo para sa nalalapit na kasal, at alam mo bang masaya sila para sayo!" Napahawak pa sa kamay n'ya ang matanda. "Mag propose ka kay Charm and I want it to be romantic, gets mo?" "Bakit kaylangan pa? Arrange marriage ang nangyari, useless ang gagawin ko dahil 'di ko naman s'ya gusto." "Sundin mo nalang." Pinanlakihan s'ya ng mata ni Lola Felicia kaya napailing na lamang s'ya. Iniwan na n'ya ito at tumungo sa kaniyang kwarto. Pabagsak siyang nahiga upang mag muni-muni. Mabait si Charm sakanya kapag Lolo ang itsura niya, pero kapag nasa tamang katauhan at walang home pag papanggap ay nasusungitan s'ya at nababara ng dalaga. Napabangon si Alfredo bago kinalkal ang drawer niya na pinag lalagyan ng ginamit niyang pag ba-balat kayo. Nakita n'ya ito at agad na napangiti. Nababaliw ang isip ng iba sakaniya. Ngunit para kay Alfredo ito ang paraan niya upang maging mabait sakaniya ang dalaga tulad ng pag kukop nito sakaniya. "Alfredo?" Gulat na napatitig si Charm sa binata. Ganun na naman ang itsura nito gaya nang una niyang makilala ang binata. "Lolo Alfredo," madiing wika ni nito. Napahalakhak si Charm. "Bakit? Bakit ganiyan ang itsura mo?" Hindi makapaniwala ang dalaga na ibang Alfredo ang kaharap n'ya ngayon. "Kasi palagi mo nalang akong binabara!" Reklamo ni Alfredo sakaniya bago napairap. Para itong batang nag ta-tantrums. "Lahat naman ng sinasabi ko totoo," depensa ni Charm. "Kaya nga eh!" Natapik pa ng binata ang nuo niya. "Palagi kang tama at nag sa-sabi ng totoo kaya wala akong magawa. Naiinis ako sa nararamdaman ko!" "Anong ibig mong sabihin?" Hindi maintindihan ni Charm ang pinupunto ni Alfredo. "I don't know," mahinang napamura pa ito kaya naman nanlaki ang mata ni Charm. "Pwedeng tigilan mo na ang pasasabi ng masasamang salita? Tulad nalang ng pagmumura." "Gusto mong matigil ang pagmumura ko?" Napangisi si Alfredo. "Halikan mo ako kada magmumura ako." "Tapos ngayon bastos ka naman?" Napailing si Charm bago tinalikuran ang binata. Wala s'yang oras makipag lokohan kay Alfredo. Katatapos lang ni Charm na kamustahin ang pamilya niya. Sabi naman ni Lola Felicia ay makakasama n'ya ang pamilya niya. Ito ang pangako ng matanda sakaniya. May garden ang bahay nila Alfredo kaya sayang-saya si Charm na mag bungkal ng lupa upang ayusin ang mga halaman. Tinutulungan s'ya ng hardinero at ilang mga katulong. "Seniorita madudumihan po ang kamay mo," sita ng mayordoma. "Sanay na po ako dahil taga probinsya ako." Sagot ni Charm bago ipinag patuloy ang pag bu-bungkal. "Tutulong na ako," tumabi sakaniya si Alfredo. Bumalik na sa dati ang itsura nito. Nakatitig sakanila ang mga katulong at 'yung hardinero. Hindi makapaniwala ang mga ito na nag bu-bungkal din ng lupa ang binata. Maarte kasi ito at masungit. "Pero ganun ipinaparamdam mo sakin." Nag iwas ng tingin si Alfredo at itinuon na lamang sa lupa. "Palagay ko ginayuma mo ako," bulong pa ng binata. "Wala kong ginagawa sayo." Napatitig si Charm sa binata at itinigil ang ginagawa. "Tumalikod kayo," utos ni Alfredo sa mga nakapaligid sakanila. "Wala nga, pero 'yung nararamdaman ko nag babago." Nagulat na lamang siya ng hagkan siya ng binata. Itinutulak niya ito ngunit hindi naman magawa ng dalaga dahil masyado itong lamang mg lakas kumpara sakaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD