Chapter 17

879 Words
"Bakit balisa si Charm? Ano na namang ginawa mong bata ka?!" Ito qng bungad ng Lola Felicia ni Alfredo. Habang s'ya ay sinasalat ang labi at nakatingin sa kawalan habang may ngiti. Walang pagsisisi si Alfredo sa ginawa niya sa dalaga. Sa halik na ginawa n'ya ay tila ba naipahiwatig na niya qng gusto niyang sabihin sa dalaga. Nalilito pa s'ya sa ngayon. Paiba-iba ang mood niya at ang nararamdaman para kay Charm, baka nga nadadala lang siya ng kagandahan nito at kabaitan. "Alfredo I'm asking you!" Hinampas s'ya ng matanda sa hita kaya mabilis na siyang napadaing sa sakit. "La!" Inis na sambit ni Alfredo habang hinihimas ang kaniyang hita. "Look, namumula na. Balak mo pa po yata akong pasaan," napapalatak pa s'ya. "Sagutin mo ang tanong ko kung ayaw mong hampasin pa kita." Banta ng matanda sakaniya habang naka-amba ang isang kamay na handa na namang dumapo sakaniyang hita. "W-wala," nautal pa s'ya. "Anong sagot 'yan? I'm not satisfied, go check her." Utos nito bago itinuro ang kwarto nila ng dalaga. "Kapag nalaman ko na may ginawa kang masama o binatos mo s'ya, o kahit sinabihan ng masama. Humanda ka sakin, Alfredo." "Wala naman talaga akong ginawa bakit ba ayaw mong maniwala?" Naiinis na tanong n'ya bago padabog na nag tungo paakyat sa kwarto. Hindi alam ni Alfredo ang sasabihin n'ya sa dalaga kaya naman palakad lakad lamang s'ya sa labas ng pinto habang nakapangumbaba. Mag so-sorry ba s'ya sa ginawa n'ya? Napailing s'ya bago napahilamos. Bakit naman ako mag so-sorry? Ginawa ko 'yun kasi gusto ko, at isa pa. Ano namang issue dun e, ikakasal naman sila? Ito ang tumatakbo sa isipan ni Alfredo. Hindi n'ya parin kayang ibaba ang pride n'ya para lang mag pakumbaba sa dalaga dahil sa ginawa niyang pag halik. Mahina siyang napamura. "I need Megan," dinukot n'ya ang phone sa bulsa. "Baka kulang lang ako sa exercise kaya sa iba ko na i-babaling. Pagnanasa lang 'to," sambit niya sa kaniyang sarili. Nakailang call muna s'ya bago sinagot ni Megan ang tawag. "What?" Halata ang iritasyon nito sa boses. "I need you." Matapos sabihin ito ni Alfredo ay hindi na niya tinangkang pumasok pa ng kwarto. Bumaba na s'ya upang lumabas, at mabilis na pinaharurot ang sasakyan. Patungo sa tambayan nila ni Megan. Kagat ni Charm ang labi n'ya habang nakatanaw sa bintana. Kita niyang umalis si Alfredo at tinanaw lamang n'ya ito. Alam naman niyang ang pupuntahan nito ay si Megan. Nakokonsensya tuloy si Charm dahil nagiging hadlang pa s'ya sa pagmamahalan ng dalawa. Napabuntong hininga siya bago naupo sa kama. Iniisip parin niya ang ginawang panghahalik ng binata. Maging s'ya ay muntik ng mapaniwala na may gusto sakaniya si Alfredo. Usapan na tuloy s'ya ng mga katulong dahil alam ng mga ito ang nangyari sa pagitan nila ng binata. Nangako ang Mayordoma sakaniya na walang ibang makaka alam. Ngunit sa isip-isip niya'y mapag-uusapan din naman ng mga ito ang halik na ginawa ni Alfredo. Wala namang problema sa binata. Ayaw lang talaga niya nang lalaki na masyadong bilib sa sarili at iniisip na makukuha ang lahat sa isang salita lang. Hindi ganung klaseng babae si Charm. Tinuruan siya ng magulang niya kung paano kumilos ng na a-ayon. Hindi s'ya 'yung babae na ligaw daan lang. Dahil sa laking probinsya si Charm at ang ama niya ay purong Ilocano, habang ang ina niya ay Bicolana. Naniniwala pa ang mga ito at sumusunod sa kinagawian ng pamilya nila na mamanhikan at mag bigay ng dote. Pero dahil sa maprinsipyo rin ang magulang niya ay 'di na ito hiniling na gawin. Ayaw kasi ng mga 'to na isipin niyang ibinenta siya kaya naman kasal na lamang ang hiniling ng mga magulang niya, at pag galang. Binilin din siya na wag basta makikipag siping kahit na gusto man ng lalaki. Ibibigay n'ya lamang ang regalong ito kapag ganap na silang mag asawa. Maswerte si Alfredo dahil s'ya pa lamang ang unang lalaki na makakahawak kay Charm. Natigilan sa pag-iisip si Charm ng may kumatok sa pinto niya. "Ang Lola Felicia mo ito." "Pasok po," nahihiyang sagot niya. "Humingi ba ng tawad sayo si Alfredo?" "Para saan po?" "Napansin ko kasi na balisa ka kanina kaya inisip ko agad na baka may nasabi na naman s'yang masama sayo." Paliwanag nito bago hinawakan ang kamay n'ya. "Sabihin mo lang kung palagi ka niyang ginaganito." "Ayos lang po!" Pinilit ni Charm na pasiglahin ang boses n'ya. "Pero may tanong po ako." Linakasan ni Charm ang loob niya. "Kapag po ba hinalikan ka ng isang lalaki ang ibig sabihin--" Hindi na s'ya pinatapos ng matanda. "Hinalikan ka ba ng apo ko?" Gulat na tanong nito sakanya. At mas nagulat pa ito ng tumango s'ya. "I think gusto ka ni Alfredo nahihirapan lang siyang aminin sa sarili n'ya ang totoo." "Sa tingin ko po hindi n'ya ako gusto, baka katawan ko lang." "Kilala ko ang apo ko, iha. And I'm sure na may development, maniwala ka sakin. Subukan mo s'ya at paaminin." "Pero paano po?" Takang tanong ni Charm. "Subukan mo s'ya kung anong gagawin n'ya kapag nag pakita ka ng motibo." Napatango si Charm. Siguro nga kaylangan lang niyang subukin ang binata para mapaamin, pero ang inaasahan talaga n'ya ay papatulan nito ang pag papakita niya ng motibo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD