"Congrats haha!" Natatawang bati ni Lenard bago nakipag fist bump sakaniya. "Binata kana talaga. Parang kaylan lang ay nag pustahan pa tayo haha. Pumunta ka pa sa probinsya upang makasama ang bride mo at ma-imbestigahan tapos ngayon? Ngayon gusto mo na s'ya," napabuntong hininga si Jared. "Love nga naman ang hirap intindihin." "Tama ka," sang-ayon n'ya kay Jared. "Maging ako hindi makapaniwala na ginawa ko 'yun para kay Charm. Simpleng salita, ngiti at 'yung pagiging savage n'ya kahit na naiinsulto na ako. Kinikilig ako dun imbis na mainis. S'ya 'yung kahinaan ko. Hindi ko magawang magalit sakaniya." Nakangiting sabi ni Alfredo bago sinimot ang alak na nasa baso niya. Nandito s'ya ngayon sa tambayan nila. Nag re-relax at para narin makasama ang dalawang kaybigan. Dahil expert ang dalaw

