Hindi makapaniwala si Charm sa inamin ng binata sakaniya. Parang kaylan lang kasi ay napakasungit nito at palaging ipinaparamdam sakaniya na hindi siya magugustuhan nito kahit kaylan, tapos ngayon ay nag ta-tapat ito? "Joke ba 'to?" Kita n'ya ang pag taas ng kilay ni Alfredo sa tanong n'ya. Wala naman sigurong nakaka-offend sa tanong n'ya. Gusto lang niyang makasigurado na hindi s'ya niloloko ng binata. Dahil sa lahat ng ayaw n'ya ay ang niloloko. Sino ba namang tao ang nais maloko? Ganun din si Charm, masyadong masakit 'yun para sakaniya lalo na at ang loloko sakaniya ay hindi narin naman iba. "Ayaw mo ba sakin?" "Hindi maman sa ayaw ko, pero 'yung ayaw ko e, pinipilit 'yung sarili nila na gustuhin ang isang babae upang makuha ang pakay nila." Prangkang sabi ni Charm bago ngumiti

