Prologue
Manila City Passes Law Against LGBT Discrimination At Least 15 Senators Are Against SOGIE BillLGBT Rights Bill (SOGIE Bill) The lawmakers had voted 198-0 in the approval of House Bill 4982, otherwise known as the S*xual Orientation and Gender Identity and Expression Equality (SOGIE) Bill.
Hindi ako mapakapaniwala sa nakikita ko ngayon sa kwarto ni Kuya Iulian habang hinihintay siyang makauwi. Kailangan ko siyang makausap, kailangan kong kumpirmahin kung siya ba ang nakita ko kanina sa mall.
Inayos ko ang mga nabasa kong article tungkol sa gay rights sa study table niya baka pagalitan ako dahil nakikialam ako sa gamit niya.
"Anne, ano ginagawa mo rito? Do you need anything?" Hinarap ko ito at pinagmasdan. Ang gwapo ng kuya ko kaya paano siya naging bakla?
"Kuya Iulian..." I paused and took a deep sigh, "Are you gay?" tanong ko.
Sinara niya ang pintuan ng kwarto at saka mabilis na naglakad palapit sa akin. "What do you mean?" mahinang bulong niya sa akin para walang ibang makarinig.
"I saw you kanina sa mall. I was about to call you pero.." Hindi ako makatingin ng diretso kay Kuya dahil ramdam kong nag-iinit pisngi ko.
"You kissed a guy... sa lips." Narinig ko ang pagbuntong hininga niya at nakitang umupo siya sa kama.
"Yes. I'm gay," he confirmed.
I saw fear in his eyes. "Please don't tell anyone... Magsasabi rin ako pero hindi pa ngayon," dugtong niya.
Nakaramdam ako ng awa kay Kuya Iulian. Paano na kapag nalaman ito nina Kuya Kasper at Kuya Borge lalo na si Papa. Lalaking lalaki ang mga 'yon. Si Kuya Iulian ay malumanay ang kilos. No wonder.
Niyakap ko ito bilang pagbigay support sa pagsasabi ng totoo. "Sige. I won't tell—secret lang natin ito," assurance ko sa kanya.
"At least I have a sissy in your body," I chuckled.
"Gaga! Bakit sawa ka na ba sa friends mo?" Natawa ako nang tuluyan na niyang ipakita ang totoong siya.
"Of course not! I love them pero kasi 'di ba? Only princess niyo ako." I gave him a pretentious sad face.
"Mary Anne, your boyfriend is here!" Narinig namin ni Kuya Iulian ang sigaw ni Mom. I almost forgot about the dinner with meeting the boyfriend.
"Oh my g! Mauna na ako sa baba!" paalam ko kay Kuya at hindi ko na hinintay ang sagot nito.
Dumaan muna ako sa room ko para tingnan sa salamin ang ayos ko. Naglagay ako ng light make-up para presentable sa harap ni boyfie.
Naabutan ko siya sa sala habang kausap sina Kuya Kasper at Kuya Borge na parang ginigisa na ito. Ang hirap kapag babae lalo na kung bunso at may tatlo kang nakakatandang kuya. Ilang suitors na ang sumuko sa akin dahil hindi makalampas sa mga kuya ko.
"Kuyas! Please stop pressuring my boyfriend," I called their attention. They gave me a scary look and made me shut up.
"Moooom! Sila kuyaaa—" Naputol ang sigaw ko nang tumayo sina kuya. Hinatak ko naman si Benj para makalayo kami at dinala ko siya sa dining table.
"Are you okay? Sorry ha. Mababait naman sina Kuya," sambit ko.
"It's okay. Natural lang 'yon dahil nag-iisang babaeng kapatid ka nila." He gave me a bouquet of red roses.
"Thanks! Mwa," masayang sambit ko.
"Call dad and your siblings. The dinner is ready," utos ni Mom. Siya na nag-asikaso kay Benj. Nilagay ko muna sa vase ang mga bulaklak saka tinawag sina dad at mga kuya ko.
Kanya-kanya na kami ng upo sa dining table at katabi ko si Benj. Huling dumating si Kuya Iulian at nakapagpalit na ito ng damit. Napansin kong awkward ang tingin niya kay Benj na tila kinikilatis ang buong pagkatao nito.
"Mary Anne, why not introduce your visitor first?" ani ni Dad.
"Oh, okay! Mom, Dad, Kuyas... This is Benjamin Danque, an engineer and my boyfriend!" Feeling ko halata ang kilig ko habang pinapakilala siya sa family ko.
"How many months have you courted my daughter?" tanong ni Dad kay Benj.
"One month," sagot ni Kuya Kasper. What? Ito ba pinag-usapan nila kanina sa sala?
"One-month lang sinagot mo na agad?" Nakita kong hinawakan ni Mom ang kamay ni Dad.
"Dad, c'mon. Tinatakot niyo si Benjamin. We're here to eat dinner, not for interrogation." Mom saved the night.
"Can I ask, since when and where did you two meets... Benjamin?" Si Kuya Iulian naman ang nagtanong.
Napayuko si Benj na parang iniiwasan tingnan si Kuya Iulian kaya ako na lang ang sumagot. "We met at sa renovation ng agency. He was recommended by the company where Natalia is working."
"Can I use the bathroom?" he excused, and I nodded. Pagkaalis niya ay pinandilatan ko ng mata ang mga kuya ko.
"What's wrong with you guys? Nakakainis kayo." They gave me a disapproving look.
"I disapproved," Kuya Iulian stated.
"Same here," sunod ni Kuya Kasper.
"Same," at ni Kuya Borge.
"May kukunin lang ako sa kwarto," paalam ni Kuya Iulian.
"Moooom! Say something. They don't like Benj," I pleaded.
Kumakain na sila pero hinihintay ko pa si Benj para sabay na kami kakain ngunit wala pa ito pati na rin si Kuya Iulian. Nagpaalam akong hahanapin si Benj baka kung ano na nangyari doon. Hinalughog ko ang buong bahay pero hindi ko talaga siya makita kaya bumalik ako sa dining area at nagbabakasakali na nandoon siya.
"If you're looking for Benjamin. I saw him left," sambit ni Kuya Iulian na nakasalubong ko pabalik.
Huminga muna ito ng malalim saka ako pinaliwanagan. "My radar says he's not straight," bulong niya. Ano pinagsasasabi nito?
"Kapag gwapo, bakla agad? O baka type mo?" I rolled my eyes.
"Trust me. I'm telling the truth," pangungumbinsi niya.
Nawalan na ako ng gana kumain. Tinatawagan ko ang cellphone ni Benj pero hindi ito sumasagot.
From: My Engineer
I'm sorry. I got scared. One of your brothers told me to stay away from you. Let's talk later.
"Why did you tell Benj to stay away from me?!" I confronted Kuya Iulian when I saw him sitting on the couch with our parents.
"Ano pinagsasasabi mo?" maang-maangan niya.
"Kuya Iulian, stop please. Huwag mong idamay sa kabaklaan mo si Benj. I saw you kanina kung paano mo titigan siya!" pagmamaktol ko.
"Mary Anne! What did you say?" galit na tanong ni Dad na nakatayo na ngayon. Nawala sa isip ko na hindi pa nila alam ang tungkol kay Kuya Iulian.
"I m-mean.. D-Dad.. K-Kuya." Napatingin ako sa direksyon ni Mom maging siya ay gulat ang mukha.
"Iulian, tell me she's just playing around." Hinarap ni Dad ito ngunit si Kuya ay masama ang tingin sa'kin.
Dumating naman sina Kuya Kasper at Kuya Borge na walang kaalam-alam sa nangyayari. "Iulian! Speak!" Nagulat ako sa sigaw ni Dad at nakita kong hawak na niya ang balikat ni Kuya Iulian.
"I'm g-gay," pagkukumpirma ni Kuya at bigla na lang siyang sinuntok ni Dad. Si Mom naman ay napatayo para sana awatin sila ngunit naunahan siya ng dalawang kapatid ko para awatin si Dad sa pagsuntok kay Kuya Iulian.
"Unbelievable! How come you're gay?! There is no gay in this family!" Dad claimed. Tinuro niya ang dalawa ko pang kapatid. "Kayo? Bakla rin ba kayo?!"
"No! Straight ako," pagtanggi ni Kuya Kasper.
"Ako rin.. Straight," sunod ni Kuya Borge.
"Ayusin mo 'yang buhay mo, Iulian! Walang Trisostante na bakla!" Paalis na sana si Dad ngunit sumagot pa si Kuya Iulian.
"Ngayon meron nang Trisostante na bakla. So what?!" Kasalanan ko ito. Anong ginawa ko??
Sinuntok ulit ni Dad ito. "Lumayas ka sa pamamahay ko! Uuwi ka lang kapag hindi ka na bakla!"
Nilapitan ko si Kuya Iulian para huwag nang pumalag kay Dad ngunit pinigilan niya ako. "Don't.. Don't come near me," saad niya at umalis sa harap namin.
Sinundan ko si Kuya Iulian sa kwarto niya para humingi ng tawad ngunit naabutan ko siyang nag-iimpake ng mga damit niya. Kasalanan 'to ng makating dila ko.
"K-Kuyaaa.. I'm sorry!" iyak ko sa kanya.
Huminga ito ng malalim bago ako hinarap. "First, the damage has been done. Second, hindi ko kinausap si Benjamin dahil nasa kwarto ako at nakita ko na lang siya na palabas ng bahay," umpisa niya.
"Lastly, it's okay. Malalaman din naman nila, naunahan mo lang ako." Hindi ko alam kung sincere ba siya o nangongonsensya ito.
"Saan ka pupunta now? Kakausapin ko si Dad. Don't worry," tanong ko.
"Sa boyfriend ko. The one you saw me kissing the guy? It's him," I cried like a baby. Nilapitan ako ng kuya para patahanin pero mas lalo lang ako umiyak. Kainis.
"Brace yourself... You'll thank me later," he said before leaving me.