Chapter 3

1708 Words
Noa Island, Palawan Nag-book ang team ng company ni James sa isang private island kung saan kami lang ang makakagamit dahil children-free ito. Kasama ko si Grace kung saan nagkita kami noong nakaraan sa auction event ng JaCu Jewelry. Kinuha pala siya ni James bilang freelance model katulad ko rin. "You girls take a rest... Let's start the shoots tomorrow morning." It's a good thing I shared a room with Grace. Kaya hindi ko na kailangan makipag-socialize pa sa iba. Social interaction is draining because some of them already stabbing you at their mind. Grace and I knew each other since we came from the same university. May ilang pageants sa school na naging magkalaban kami. "Anne, ano oras nga 'yung dinner?" "Around seven o'clock tonight... why?" "My boyfriend is coming... He will spend a night with me eh," sagot niya. "Alam ba ng handler mo na may boyfriend ka?" usisa ko. "Yes. Pumayag naman siya as long as hindi nakaka-istorbo sa work ko." "Teka... don't tell me wala kang boyfriend?" tanong niya. "W-Wala... Wala akong time," tanggi ko. Tumunog ang cellphone ko at nakitang tumatawag si Benj. "Got a call... magkita na lang tayo sa dinner?" paalam ko kay Grace at tumango naman siya bilang sagot. Lumabas ako ng kwarto namin at saka sinagot ang tawag. "Hi babe, nakarating na kayo?" tanong ng nasa kabilang linya. "Yes yes! Ang ganda ng place... Let's come here someday?" "Okay, let's do that." Benjamin let's go! Ang tagal mo! May narinig akong malumanay na boses ng lalaki sa kabilang linya. "W-Who is that? Busy ka 'ata?" "A-Ah ano... si Adrian 'yon... May lakad kasi kami ngayon." Honey, halika na! Benjamin! 'Yung boses ulit ng lalaki. "Babe, alis na ako...Sorry for the short call." "O-Okay? See you when—" Hindi natapos ang sasabihin ko nang pinatay na ni Benj ang tawag. Bumalik na lang ako sa kwarto at nadatnan ko pa rin si Grace na may kasama ng lalaki. Ito siguro 'yung boyfriend niya. Napansin kong may dala siyang bag. "You're not gonna sleep here?" tanong ko. "Oo... Nagpaalam naman ako sa team head ni Mr. Cuevas pero ngayon lang naman." Sa huli hindi nakasama sa dinner party si Grace dahil may dinner date na hinanda ang boyfriend niya. I'm the only one who's younger among the models. Most of them are already modelling for almost decades. Hindi ko nakita si James siguro ay busy sa trabaho. Ang alam ko workaholic siya lalo na kapag may big project sila. Pagkatapos kumain ay babalik na sana ako ng kwarto pero naagaw ng moonlight ang atensyon ko ngayong gabi kaya naglakad-lakad na lang muna ako. Pakiramdam ko ay hinahatak ako ng buwan sa sobrang liwanag nito. Hindi ko namalayan na narating ko ang beach kung hindi pa ako bahagyang natisod sa biglaang paglubog ng paa ko dahil sa buhangin. Naghanap ako ng mauupuan at nagpahinga habang nakatingin ulit sa buwan. Ang blangko ng isip ko sa unang pagkakataon para bang sinasabi ng buwan na pagpahingain ko muna ang isip ko. ×—————× Pagkagising ko nitong umaga ay nakabalik na si Grace sa kwarto. Ginising ko siya para makapag-ayos na kami para sa photoshoots mamaya. "Goodmorning, Grace! Bangon na." Lumabas ako sa balcony para makapagpahangin at matawagan si Benj pero hindi ito sumasagot baka tulog pa o pagod sa pinuntahan niya kahapon. Nag-send na lang ako ng message tungkol sa nangyari sa araw ko kahapon. Benj wanted me to update him about my daily routine until I made a habit of doing it. Mayamaya lang ay kumatok ang sundo namin ni Grace. Sila nagbibitbit ng mga kailangan namin para sa shoots lalo na at medyo magubat ang ibang location ng photoshoots. Sinamantala ko ang break time para makapag-selfie at pinadala agad kay Benj ang pictures ko. Hinihintay kong magreply siya dahil nabasa naman niya ang message ko pero wala akong natanggap na response hanggang sa nagpatuloy ulit kami sa shoots. "Okay girls... Feel the sun!" sigaw ng photographer. "You look stiff, Anne!" "Ano ba 'yan, Grace!... Nasaan ang make-up artist? Takpan niyo hickey niyan!” inis na sigaw ng photographer. Ginalaw-galaw ko ang katawan ko para mawala ang bigat na nararamdaman ko at sinubukan ulit ngumiti. Pansin kong naiinis na ang photographer dahil lumapit na ito sa akin. "What's wrong, Anne? Hindi tayo matatapos kung ganyan ang ngiti mo." Napabuntong hininga na lang ako. "RJ, can I have five minutes break? Magme-meditate lang ako." Pinagbigyan naman ako ng photographer kaya umupo muna ako. "Waiting for someone?" Napalingon ako kay Grace na ngayon umiinom ng refreshment habang nilalagyan siya ng make-up para matakpan ang kissmark niya sa leeg at dibdib. "Kanina ka pa kasi tingin nang tingin sa cellphone mo," dugtong niya. "Nah. I just need to meditate for now... See yah later," paalam ko at saka tumayo para maglakad-lakad sa beach. I texted mom just in case they can't contact me for a while. I decided to put my phone in airplane mode to lessen my distraction. I sat down to the sand and closed my eyes. "So peaceful," I whispered as I felt the heat of the sun through my bare skin. I'm doing my breathing exercise and face massage. Good thing, I brought my hat and sunscreen. "Anne?" Napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko. "Oh. Hello, Mr. Cuevas" "Wait... You can call me James kapag tayong dalawa lang... We're friends, right?" "Sorry... Habits." "Anne, about last night—" "Oh! Thanks for that pala... Sorry to bother you," paghingi ko ng tawad. Hindi ko namalayan na nakatulog ako sa beach. Mabuti na lang nakita ako ni James at dinala sa kwarto ko. Naalimpungatan lang ako nang may maramdaman akong dumampi sa pisngi ko at nakita ko ang mukha ni James na malapit sa mukha ko. "Okay, tara na at hinahanap ka na ni RJ." Pinuntahan pa ako ni James dahil balik na ulit kami sa shoots para maaga matapos at makapagpahinga. Lilipat naman kami bukas sa ibang island kung saan forest naman ang theme. Napapalibutan lang kasi ng dagat ang island dito kaya kaunti lang ang mga puno. Emerald theme ang next launching ng JaCu Jewelry at gusto nila itaon sa summer dahil na rin sa advertisement na ginawa nila. Kaya naghahabol sila ng deadlines. "Anne, will you be my date sa next launching?" "Hmm…I'll think about it, James." ×—————× Balabac, Palawan The photoshoots will last for two weeks and this is our second island already. We still have one island to go after here. James was planning to have an after-party later for his team because of doing a good job. He invited the models to come but I refuse to do so because I still have a lot of pending works at my agency. "Hello, Miss Anne. Kailangan mo raw ba ng assistance sabi ni Sir Cuevas?" Napansin siguro nito na nahihirapan ako sa suot ko. Akala ko swimsuits lang ang susuotin pero hindi nasabi na magsusuot din ng gown. Goodness... It's freaking hot! "Pwede? Medyo nahirapan ako... ang init hehe," pekeng tawa ko para mabawasan inis ko. Nagising talaga ako na masama ang aura dahil hindi ko matawagan si Benj simula pa kagabi. Hinayaan ko na lang ang isa sa staff na ayusin ang gown ko. Kahit ang make-up ko hindi kinaya ang init ng panahon. Nakita ko si Grace sa gilid na chill at nakatitig lang sa cellphone na hawak niya. Palibhasa manipis lang ang gown na napunta sa kanya. Naunang kunan ng photos si Grace dahil magpapalit pa siya para sa last shoot mamaya na magkasama kami. "Miss Anne, ready na raw ba kayo for the shoots?" tanong ng isa sa mga staff. Nag-retouch ako ng make-up at saka sinenyasan siya na ready to go na ako. Inalalayan naman ako 'nong nag-ayos ng gown ko hanggang sa marating namin ang set-up ng photoshoots. Nasa gitna kami ng parang gubat dito sa isla. Napapaligiran kami ng matataas na coconut tree at lubak ang lupa kaya nahirapan ako maglakad dahil na rin sa suot ko na five-inches heels. Pastel green ang kulay ng gown ko kaya hinintay ng photographer na medyo mataas na ang araw para magkaroon ng natural lightning effect ang magiging reflection ng gown ko. "Hold this tree... and bend your waist to the opposite side... Ikaw na bahala sa hand gestures mo," instructions ni RJ. "Okay... Okay." "Just remember the concept... it's about embracing the nature," pahabol niya bago bumalik sa pwesto niya para kuhanan ako. I closed my eyes and set my mind about embracing nature. I took a deep breath and count. 5... 4... 3... 2... 1... "Let's start!" *snaps* "Perfect, Anne!" *snaps* "Change the angle of your head." *camera clicks* "Good... Good!" *snaps* "Look at me fiercely." "That's it... Perfect!" The photoshoots go well and we decided to have a wrap-up party before we fly back to Manila. James dropped by before the party starts and told us to enjoy the night without him as he has to leave first. Tinatawagan ko si Benj simula noong makabalik kami sa beach house para sana sabihin na babalik na ako bukas pero out of reach pa rin siya. Hindi ko alam kung dapat ba ako mainis o mag-alala sa kanya dahil ang huling beses na nagkausap kami ay noong isang araw pa at hindi pa naging maayos ang pag-uusap na ‘yon. “Ewan ko ba sa’yo, Girl… Bakit hindi ka na lang magpaligaw kay James,” bulong ni Grace. Hindi nga pala niya alam na may boyfriend ako. “James is out of my league,” palusot ko na lang. “Ikaw rin… Sayang si James… Gwapo na… mabait at masipag…. Higit sa lahat mayaman pa!” Hindi ko na lang pinansin ang mga sinabi nito. ‘Hi, Suzy!” tawag ko sa isang model na dumaan sa harap namin ni Grace. “Hi girls! Enjoy the night ha.” Suzy is one of the veteran models already. She’s been modelling for about twenty years since she was a kid. Sinundan siya ni Grace dahil isa siya sa avid fan nito. I texted Benj to tell him the news. Nasa kanya na kung magre-reply siya o hindi. Ayoko ng stress tonight!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD