"Kailan ka pa naging conservative, dude?" tanong ni Adrian na halatang nang-aasar.
Akmang susugurin ni Benjamin ang lalaki kaya pumagitna ulit ako sa kanila. "I think that kind of question is kinda private matters, you should not ask the couple for that," singit ko sa kanila.
"Hm. Okay, sorry guys I crossed the line," hingi niya ng tawad at napayuko dahil sa hiya.
"Maybe we should get back to the hotel," suggestion ko.
Wala naman tumutol sa dalawa kaya sabay-sabay na kami bumalik ng hotel. Marahil dahil sa pagod kaya nagkainitan silang dalawa. Nauna na kami umakyat ni Benjamin dahil may dadaanan pa raw si Adrian.
Pagdating sa room ay humiga sa kama si Benjamin, nauna na ako mag-half bath para makatulog na dahil maaga kami gigising bukas para bisitahin 'yung mga popular tourist spots.
.
.
.
.
.
.
.
.
*knock* *knock*
"Room service!"
*knock* *knock*
"Room 301, room service?"
Naalimpungatan ako sa ingay ng nasa labas ng room namin. Kinakapa ko ang katabi ko para sana siya nag magbukas pero pagsilip ko ay wala na pala akong katabi.
*knock* *knock*
"Wait a minute!" sigaw ko at bumangon mula sa kama. Sinuot ko ang robe na nasa upuan at saka binuksan ang pintuan.
"Yes?"
"Om suastiastu," unang bati ng staff ng hotel.
"Goodmorning?" sambit ko.
"Good afternoon, Ma'am... Mr. Benjamin Danque from your room asked for a room service?" Hindi ko nakuha agad ang tinutukoy nila pero pagtingin ko sa dala nila ay puro ito mga pagkain.
Pinapasok ko agad sila baka nag-order si Benjamin habang tulog ako. Inayos lang nila ang mesa sa kwarto at saka nilapag ang mga pagkain.
Nakakapagtaka lang kung bakit tanghali na samantalang may usapan kami ni Benjamin na maaga aalis para marami kaming mapuntahan. Hindi ko naman siya matawagan o text dahil hindi na kami kumuha ng simcard dito kasi magkasama naman kami.
Kumain ako ng lunch na mag-isa, hihintayin ko sana si Benjamin pero naisip kong mauna na para makaligo na ako at least pagdating ng boyfriend ko pagkatapos niya kumain ay makaalis agad kami.
Kaunti lang naman ang kinain ko para iwas bloated ang tiyan ko mamaya.
.
.
.
.
.
.
.
"Excuse me... may I ask for the room of—" Sh*t. Nasapo ko ang noo ko nang maalala na hindi ko alam ang buong pangalan ni Adrian.
"Ma'am?" tawag sa akin ng babae sa reception area.
"Can you help me? My boyfriend... I don't know where he is, I woke up earlier and he's gone already... I thought he was just roaming around the hotel," paliwanag ko.
Ilang oras na ako naghihintay pero wala pa rin si Benjamin halos mag-gagabi na baka may nangyari na sa kanya.
Kinakausap na ako ng manager ng hotel ngayon, I asked to check their cctv if my boyfriend went outside from hotel. They want me to wait for approval from the higher positions.
Mahigit isang oras ang hinintay ko hanggang sa pinapasok na nila ako sa security system room para makita sa mga cctv nila kung lumabas ba ng hotel si Benjamin.
Ni-rewind nila ang cctv sa entrance ng hotel pati sa kalapit nito. It was around seven o'clock in the morning when Benjamin sighted going out of the hotel and to my surprise he is with Adrian taking a cab together. Where did they go?
The hotel management almost called the police to help me find a missing person turned out that he went off with his best friend. I suddenly felt annoyed, this trip was supposed to be our anniversary but here I am stuck in the hotel room.
×————×
"Are you still mad?" tanong ni Benjamin habang kumakain kami ng breakfast.
Nakabalik na kami ng Manila pagkatapos nila mawala ni Adrian ng dalawang araw. Ang dahilan nila nawala raw ang bag nila na may kasamang pera kaya hindi sila nakabalik agad pero hindi ako nakinig.
Pagbalik ko ng hotel room 'non ay inayos ko na ang gamit namin ni Benjamin dahil nawalan na ako ng gana mag-celebrate. He asked for extension of our trip para magawa pa rin namin ang goal list namin pero nagmatigas ako dahil wala rin mangyayari hangga't nandyan si Adrian.
"I'm going first, I still have a meeting with Mom." Nilapag ko lang sa kitchen sink ang plates na pinagkainan ko at saka umalis na. Hindi ko na hinintay ang sagot ni Benjamin.
First appearance ko ulit ngayon pagkatapos ng ilang buwan na hiatus sa pagmo-model ko. There are rumors spreading that I got pregnant and went abroad to deliver the baby. Mom wants me to have an interview but I told her that it's not necessary to do it, it will shut down soon with another issue.
"Are you sure, ready ka na ulit mag-work?" tanong ni Mom. Sinamahan niya ako sa shooting para masiguro niya kung kaya ko na ba ulit.
"Yes, Mom... Don't worry too much... saka bored na ako sa life!" biro ko.
"Fine, fine... Tell them when you're ready na," saad ni Mom bago ako iwan sa dressing room.
"Miss Anne, nag-model ka pala before sa Paris fashion week?" tanong ng make-up artist.
"Really? Nag-model ka? How was the experience?" singit ng isang model habang binibihisan.
"It was great! I felt like a newborn because it was my first international modeling experience," sambit ko habang nakangiti.
"Uy baka naman may connections ka... recommend mo naman ako... you used to be an escort 'di ba?" Nawala ang ngiti ko sa sinabi nitong model.
"No, I don't use connections just to get a job.. I work for it," sambit ko at lumabas na ng dressing room para maumpisahan na ang shoots.
Naabutan ko si Mom na kausap ang isa sa mga photographers. Nilingon niya ako nang kalabitin ko siya at saka sumenyas na pwede na kami mag-start.
"Welcome back, Miss Anne," bati ng mga staff sa'kin na sinuklian ko naman ng ngiti.
.
.
.
.
.
.
.
From: Unknown
Princess, where are you? I'm back for vacation. - Iulian
I received a text message after our shoots. I immediately ask mom to meet with Kuya Iulian. He is staying at the hotel near to my old condo. I forgot to tell him that I'm living with Benjamin.
"Where is he?" tanong ni Mom nang makapasok kami sa restaurant.
"Reservation for Iulian Trisostante," sambit ko sa nakabantay sa entrance.
"This way, Ma'am." Dinala kami ng babae kung saan naka-table si Kuya. Noong una halos hindi namin siya nakilala agad ni Mom dahil naka-shades ito.
"Anak?!" halos pasigaw na tawag ni Mom kay Kuya.
"Mooom!" Tumayo si Kuya para yakapin ito.
Lumapit naman ako sa kanilang dalawa para makiyakap din. "I miss you, Kuyaaa."
Umuwi pala si Kuya Iulian para tumulong kay Mom sa agency pero pansamantala lang dahil marami pa siyang kailangan ayusin sa New York. Mag-aapply siya bilang intern na suggestion ni Mom para hindi raw siya makikita agad ni Dad kapag pupunta ito ng agency.
Noong una nag-alangan pa siya dahil baka makita siya ni Dad at Kuya Kasper pero nangako si Mom na kukumbinsihin niya si Dad na pabalikin na ito sa bahay. Isa pang dahilan nang pag-uwi nito ay gusto niya akong gabayan sa pagbalik ko sa trabaho.
"Aww... Thank you, Kuya... I really appreciate your help!" sambit ko.
Nauna na akong umalis sa kanilang dalawa pagkatapos kumain ng dinner dahil hinahanap na ako ni Benjamin. Nakalimutan ko pala siya sabihan tungkol kay Kuya Iulian. Ihahatid na lang ni Mom si Kuya sa hotel.
×————×
"What the hell, Benjamin... Adrian?!" sambit ko nang makita na magkayakap ang dalawa sa sofa dahil sa kalasingan.
Ginising ko sila pero hindi ito gumalaw sa pwesto nila. Kumuha ako ng isang basong tubig na malamig at itinapon sa mga mukha nila.
"What the—" sambit ni Benjamin.
"Omg—" sambit ni Adrian.
Halos sabay nagising ang dalawa at gulat na nakatitig sa akin. Napameywang ako sa sobrang inis.
"What's your problem?!" Nagitla ako sa pagsigaw ni Adrian.
"What?! Sinigawan mo ba ako?" tukoy ko sa ginawa niya samantalang si Benjamin ay nakatulala sa kawalan.
Kinuha ko ang unan ng sofa at hinagis sa mga mukha nila sabay walk out. Pumasok ako sa kwarto namin ni Benjamin para magpahinga. Bukas na lang kami mag-uusap lalo na at lasing ito. Bahala siyang matulog sa sala kasama si Adrian.
.
.
.
.
.
.
.
Umuwi ako kagabi para lang maabutan na lasing si Benjamin at kasama si Adrian. Nakalimutan ko na sana ang nangyari sa Bali trip pero kumulo na nang tuluyan ang dugo ko nang makita ko si Adrian sa condo unit namin.
"What you did last night is very rude, Anne." Benjamin is confronting me while having our breakfast.
"Whatever... Hindi ba rude na palagi na lang kayo magkasama ni Adrian?" balik ko sa kanya.
"Ooop— stop there... Mas marami ka pang time na kasama siya kaysa sa akin na girlfriend mo," sumbat ko.
"Kahit 'yung anniversary natin walang nangyaring maganda!" habol ko.
"Will you please calm down," biglang bait na sambit nito.
"Calm down? Calm down? Sino ba nagsabi na rude ako?!" Alam kong hindi maganda ang ginawa ko sa kanila last night pero hindi okay sa akin ang ginagawa nila.
"Sinabi ko naman na mag-extend tayo 'di ba? at hindi ka naman pumayag," sumbat niya.
"Sino pang gaganahan 'non kung may third wheel na panay sulpot kung saan para manggulo," mahinang parinig ko.
"Don't say that! You don't know him," pagalit na sambit niya sabay tayo at iniwan ako sa dining table.
Natahimik ako sa sinabi niya para siyang may pinanggagalingan. I don't know much about Adrian, all I know is they were bestfriends since highschool.