"Hi, Ariel! Long time no see?" Tinanguan lang niya ako at saka bumalik sa pagiging tulala. Ilang beses ko na sinubukan na landiin ito pero walang epekto. Iba 'ata bet nito. "Stop flirting... Will you?" bulong ni Nalla sa'kin. "Whatever!" bulong ko rin sa kanya. Tumayo si Nalla para kumuha ng snack at beer. Nandito ulit kami sa beach house ng boyfriend ni Icelyn. Gusto nila mag-chill lalo na para kay Ice na may pinagdadaanan sa buhay. They want to make sure that she will be fine. Naisipin nila mag-bonfire at maglaro ng games kaya bawal ang kj ngayon gabi. "Let's goooo!" sigaw ng isa sa kambal na kaibigan ni Marco. Sumunod naman sa kanya 'yung asungot na dumating kanina. Masaya na sana ang araw na 'to kung hindi lang sa kanya. Nag-umpisa ang games as usual may malanding panay kapit. U

