Magmula ng makaalis silang dalawa ng ospital at makabalik sa loob ng kanilang exclusive village hanggang sa bahay ni Jozel ay walang nagsasalita sa kanila. Tahimik na nagdrive si Althea habang si Jozel ay nakatulala sa daan. Gustuhin man ni Althea na malaman ang mga dahilan kung bakit nagawa ni Jozel ang pagkikiapid nito kay Arnold ay hindi niya nagawang mag-usisa. Ayaw niyang panghimasukan ang aksyon at desisyon ng kaibigan kahit na labag sa kanyang paniniwala ang ginawa nito. Kaagad niyang pinatay ang makina ng kotse ng makaparada sila sa harap ng bahay nina Jozel. "Nandito na tayo, Jozel." Basag ni Althea sa katahimikan. Wala pa din ito sa sarili. Nang hindi ito kumibo ay hinawakan niya ito sa braso at saka inulit ang sinabi. Bahagyang nagulat si Jozel at saka pa lang itinuon ang pans

